-43-
A/N: Sensya umuwi ako sa Vigan kaya natagalan. T__T
M A X E N E
"I can see the pink aura surrounding these two." Bulong ni Marshan sakin. Muli akong napatingin kina Yrew at Yasha. Simula nung bumalik sila dito sa cottage naging tahimik na sila at bahagya pang namumula ang mga pisngi nila kapag nagkakatinginan sila.
Nagtama ang mga mata namin ni Yasha pero inirapan lang niya ko. I think she's okay, nakakapagtaray na siya eh.
"Do you want to book a different room?" Bulong sakin ni Waldrin. I pressed my lips tightly dahil sa pamumula ng pisngi ko. Dahil katabi ko lang si Marshan alam kong narinig niya yun, siya pa ba?
"Maxene is mine tonight, wag kang ano! Akala mo di ko alam na sa inyo na siya nakikitulog these past few nights?!" Marshan exclaimed as she pulled my arm. Hindi ko tuloy alam kung namutla ako o mas lalong namula sa sinabi niya na alam kong narinig ng lahat.
"Bakit ba? If you're alone at home, you can always call Raven to sleep with you." Waldrin replied bluntly. Napahawak ng mahigpit si Marshan sa braso ko as her face flushed red.
"Hey! I heard my name." Raven yawned. Marshan hid her face on my shoulders. Pinandilatan ko ng mga mata si Waldrin pero umirap lang siya at parang humalukipkip at nagsumiksik sa gilid. Umupo naman si Raven sa tabi ni Marshan at tinanong kung anong problema.
"A-Anyways, sa kwarto na namin matutulog si Yasha at sa inyo na si Yrew para hindi na sila kumuha ng ibang room." Monique suggested.
"What?!" Waldrin and Raven both exclaimed.
"I knew you would react like that, kami na ang magkatabi ni Yrew." Christian chuckled. Waldrin glanced at me and continued sulking. I pulled his arm and wrapped it around me.
"Wag kang childish Waldrin..." I called him. Bumuntong hininga siya at binalot na rin yung isang braso niya sa bewang ko as he rested his head on my chest.
"Tara! Gawa na tayo ng bonfire!" Monique said. Papalubog na rin ang araw. Andami na namang nangyari sa araw na ito.
At isang araw na naman ang nalagas sa buhay ko.
"How much alcohol can you tolerate?" Tanong samin ni Christian. Napatingin ako kay Waldrin na nagtaas ng tingin din sakin.
"Yung light lang." Waldrin said na sinegundahan naman ni Marshan.
"Yung mababa lang yung alcohol content, Tanduay Ice or San Mig Light na lang..." Marshan said.
"Ano yun?" Raven commented. Nagkatinginan kami ni Marshan na wari'y nagtataka kung saang planeta sila galing. Sila na taga-Pilipinas mismo ang hindi nakakaalam kung ano yung Tanduay Ice at San Mig Light?
"You can try Sapporo, Hoegaarden or Stella Artois, Heineken is a good choice, too." Monique said. Napasapo na lang ng noo si Marshan at napailing-iling tuloy ako.
"Iba! Iba talaga! Napakaunreachable niyo! Hindi tuloy ako makahinga." Marshan said exaggeratedly.
"Mura lang naman yung mga yun! Nasa 150 pesos siguro yung 330 mL. But much cheaper if sa grocery atah or bottle shop ka bibili." Christian said na para bang nakapagpagaan sa pakiramdam namin. Mas lalo tuloy sumakit ang ulo ko.
"Dre! Mas mura pa yung isang litro ng Tanduay Ice at San Mig diyan sa kanto! Iba talaga! Nanggigigil ako!" Marshan exclaimed.
"Bilhin na lang natin kung anong gusto niyo." Komento naman ni Raven.
"Okay! Tara Maxene, tayo na lang ang bumili, wala tayong aasahan sa mga dugong bughaw na mga ito." Marshan pulled me pero hawak-hawak ko yung kamay ni Waldrin kaya nahila ko rin siya. Sumama na rin samin si Raven para may tagabitbit daw.
Nakipagtawaran pa talaga si Marshan sa store dito sa resort eh alam na nga niyang halos dumudoble na ang presyo dito kaysa sa labas. Bumili kami ng tigtatlo kaming san mig light in can yung apple flavored at nag-order ng finger foods. Some staffs even assisted us in putting up a bonfire.
"Should we play truth or dare?" Christian asked us.
"Wag na! Kwentuhan na lang." Marshan said as she hug her knees. Agad namang inayos ni Raven yung mini-blanket na pinagshare'n nilang dalawa. Bahagya akong napangiti, my sister just found her happiness.
I know Raven would protect her and love her unconditionally. Hinding-hindi niya ito pababayaan.
Sumandal ako sa balikat ni Waldrin as I watched the bonfire. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng akbay niya sakin at bahagyang paghalik sa tuktok ng ulo ko.
"Let's get our own room..." He whispered again. Natawa na lang ako at sumubsob sa dibdib niya. Ika-ilang ulit na niya nang sinabi sakin yan. Kanina pa niya ko kinukulit pero hindi naman pwede kasi nakapangako na ko kina Marshan na mag-gigirls talk kami mamaya sa kwarto nina Monique at Yasha. Of course, kasama na si Yasha, alangang iwan namin siyang mag-isa sa labas.
"Okay then, sa bahay ka uuwi bukas." He said. Nag-angat ako ng tingin sa kanya as I pressed my lips tightly. "You have no other choice sa bahay ka uuwi." He glared at me. I wrapped my arms around him. I never expected him to be this clingy and expressive nahihirapan tuloy akong sabayan siya dahil mas nauunahan ako ng hiya.
"I'll ask---"
"No! Sa bahay ka uuwi." He insisted. Bumuntong hininga na lang ako and again rested the side of my head on his chest. "Is that a yes?" Tumango na lang ako at naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya sakin.
Pagkatapos ng mahabang kwentuhan, napagdesisyunan na naming matulog. Nakapasok na silang lahat sa kwarto at kami na lang ni Waldrin ang naiwan dito sa labas.
"Did you forget anything?" I asked him. Napapikit siya ng mariin at umiling sakin. He then suddenly hug me tight at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko.
"I want to sleep with you. Wala naman akong gagawin, I just need to hug you as I sleep." Bulong niya sakin.
"Sayong-sayo naman ako bukas diba?" I said. Lihim na lang akong napangiti. I find it sweet and cute though. Napaka-baby niya kasi.
"Okay. Tomorrow is a promise. Well then, goodnight." He gave me a peck on the lips. Ngumiti ako sa kanya. His hand moved to my face. "Isang kiss pa." He said and kissed me deeply. Halos hindi na nga ko nakahinga dahil yung isa pa ay nasundan pa ng isa hanggang sa hindi na niya ko tiniligan kung hindi ko lang siya naitulak.
I was panting as I softly tapped his chest. Namumula na ang kanyang mukha na may kasamang pilyong ngiti.
"Okay! One last!" He chuckled and kissed me again. Tinignan ko siya ng masama habang tatawa-tawa lang siyang pumasok sa kwarto niya.
Pumasok na ko sa kwarto namin at naabutan ko naman sina Monique at Marshan na pinagtatabi yung mga kama habang si Yasha ay yakap-yakap yung isang unan sa gilid.
"Okay! Let's start na!"
Monique placed a bowl of chips in the middle. Umupo na rin kaming apat na pabilog at may kandong na unan.
"I'll start!" Marshan initiated. "Ano na ang status niyo ni Christian, Monique?"
Bahagyang namula si Monique sa tanong but she answered it.
"Actually, nagconfess ulit ako sa kanya. I said it's been years since I told him I like him and I know that he knew that kaya sabi ko, if wala talaga siyang feelings for me, I'll stop na. Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya..."
"Anong sabi?" Marshan asked excitedly habang sumusubo ng chips.
"He said, hindi ko raw kailangang bumitiw because he's getting there..." Monique blushed. Marshan squealed na para bang kilig na kilig and she almost choked kaya natawa na lang ako.
Then it was Monique's turn to ask question...
"Uhm, Yasha, I know we're not close and all, we've met few times in some gatherings. I know this is too personal to ask but can you share your story with Yrew?" Monique said. Napatingin sakin at kay Marshan si Yasha like she's asking for help kaya tinulungan na namin siyang magkwento...
"I'm sorry for being rude. I didn't mean to, I just don't like the idea of Yrew being too friendly with other girls."
"It's okay. We totally understand you. Kailangan mo lang ilugar minsan yung selos mo. So, ano ng balita sa inyo ni Yrew?" I asked her. She pressed her lips tightly dahil sa biglang pamumula ng pisngi niya. She covered her face with a pillow and squealed.
Natawa tuloy sina Monique at Marshan at tinukso-tukso pa siya dahil kilig na kilig daw ito.
"H-He felt the same way, he never wanted to entertain his feelings towards me bilang respeto na rin sa mga magulang ko. But he said if ever na parehas kami ng nararamdaman, then he will fight for us. He will talk to my parents as soon as we get home."
"Ay! It's us against the world ang peg!" Monique laughed at nakipag-apir pa kay Marshan.
"Ugh! Don't tease me! Nakakahiya!" Yasha pouted. "It's my turn to ask! Hmmm... Gaano mo kamahal si Raven, Marshan?"
"Kailangan talaga magblush bago sumagot?" I laughed.
"Aish! Wag ka nga! Nabigla yung heart ko sa tanong eh!" Irap niya sakin. "Actually, hindi ko rin alam eh. Basta one day narealize ko na lang na sa bawat paggising ko gusto ko makikita ko agad siya within the day, na para bang ang lungkot na kapag hindi ko siya nakakausap or hindi kami nagkakasama. Alam niyo ba? Pinupuntahan niya ko sa bahay gabi-gabi? Hindi alam ni Maxene yun kasi binabahay na siya ni Waldrin..." She laughed at bahagya ko namang nahila yung buhok niya.
"Raven would ask me out at nights, wala na kong pake kahit mapuyat kami. Kahit maglakad-lakad lang kami sa park or kumain ng ice cream sa 7/11 okay na solve na ko. I am just used to him na kapag wala siya parang may kulang na sa buhay ko."
"Ay ang landi..." I chuckled at agad naman akong nakatanggap ng malakas na hampas sa braso.
"Eh ikaw?" Bahagyang lumapit sakin si Marshan na kunwari'y bubulong. Kaya lumapit din sina Yasha at Monique para makinig. "Anong feeling kapag first time? Tapos kapag sa mga susunod na?" Marshan giggled.
Hindi lang ako ang namula sa tanong niya, maging si Monique at Yasha mukhang curious din na may halong hiya.
"Yang tanong mo Marshan---"
"Hep! You can only speak of the truth and nothing but the truth. Ano?! Dali?!"
"That's too private---"
"Ano?! Sagot?!" Marshan cut me off. I pinched her cheeks and she immediately pinched mine hanggang sa magwrestling na kami at maghampasan ng pillow. Balak pa sanang tumawag ng tulong ni Monique but Marshan pulled her at hinampas na rin siya ng pillow.
Our pillow fight started. Pero mas malala yung labanan namin ni Marshan dahil talagang nagsisipaan na kami at nagpapagulong-gulong sa kama. Hindi naman kami nag-aaway but we wrestle once in a while kapag nababadtrip kami sa isa't-isa.
"Ahhh! Ouch!" Monique squealed ng mahulog siya sa kama dahil sa malakas na hampas ni Marshan.
"Both of you! Stooopppp!!!" Yasha screamed but I managed to grab a pillow and throw it to her kaya lumagapak siya paupo sa sahig.
I was on top of Marshan when the door banged open. Mistulan pang slowmo ang pagbagsak ng mga feathers na nagkalat.
"WHAT THE F*CK IS HAPPENING HERE?!!!" Waldrin shouted.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top