-40-

M A R S H A N 


Napansin ko ang kakaibang ningning sa mga mata at ngiti ni Maxene. When I asked where she was the yesterday and the whole day kanina, ngumiti lang siya sakin and it gave me chills. 


"Hoy babae! Wag mo kong nginingitian, saan ka galing? Gawain ba yan ng matinong babae?" I asked her. Again she just smiled at me. 


"Hmmm, gawain siguro ng babaeng in love." She giggled. Napasinghap ako sa sinabi niya. 


"Eh di ikaw na ang may magandang love life." I rolled my eyes at her. Dumiretso ako sa fridge para magsalin ng tubig sa baso when I heard Maxene humming softly. 


You know, my sister can sing but she doesn't really like it. Kaya nakakapagtaka itong kinikilos niya. Umiinom ako ng tubig as I watch her cook our dinner. Bumaling siya sakin and again gave me those smiles na nakakapanindig balahibo. 


"Nakapag-usap na ba kayo ni Raven?" She asked. 


"How can we not? Eh halos nakadikit siya sakin buong araw." I sighed. 


"He explained to you? So anong masasabi mo?" 


"I was like... and so? I mean, I don't really give a d*mn about his self-proclaimed responsibilities, it has been years, mukhang nakamove on na sa trauma yung Hannah na yun, siya lang ang hindi kaya he's making up an excuse. You know I really like him, pero ayoko namang magkaboyfriend ng lalaking hindi makamove on sa past niya." I grunted. 


"Did you tell that to him?" 


"Yes, of course, sabi ko gusto ko siya pero magmomove on na ko sa kanya." I said. Napailing-iling siya at muling bumaling sa niluluto niya. 


"Bahala ka, wag kang iiyak-iyak sakin kapag nakahanap siya ng iba." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I am not a risk taker kaya pag-alam kong masasaktan lang ako, igi-give up ko na lang. 


Gaya samin ni Blake, alam ko namang mahal niya ko. I could easily fight for that kaso ng malaman kong may something sila ni Frianne ay agad na kong nagparaya, it would be more painful if the feelings and cheating would go deeper. 


"Is he worth the risk?" I asked her. 


"I am not a love guru but I know he's sincere. Give him a chance Marshan." She said. I pressed my lips tightly at napaisip. 


Ang hirap naman kasi. Pinaparamdam niya na gusto niya ko but hell, hindi naman niya sinasabi. Where's the confession part? The ligawan part? Dalagang Filipina pa rin ako kahit papano. 







Kumunot ang noo ko ng mapansin ang kakaibang ngitian nina Maxene at Waldrin. They are overly sweet with each other habang kumakain kami ng lunch dito sa cafeteria. Kasama namin sina Christian, Monique at Raven. 


"Hindi ba kayo na-informed na bawal maglandian sa harap ng mga single?" Asik ko sa kanila. Napatingin sila sakin pero ngumiti lang si Maxene tapos nakipaglandian na ulit. I let out a deep sighed at bumaling kina Monique at Christian. 


They seem doing well, slowly but surely. Napako naman ang tingin ko kay Raven na tahimik lang at nilalaro lang yung pagkain niya. Kung kailan kailangan ko si Yrew tsaka pa siya binakuran ng kapatid niya. 


"Sa clinic lang ako..." I said and took my stuffs. 


"Why? Sumasakit ba ang balikat mo?" Raven asked me. I clenched my jaw as I stared at him, my heart still hurts you know, pero namimiss ko na rin siya. Kahit palagi kaming magkasama, we felt so distant with each other. 


Hindi ko siya sinagot at tumuloy na akong umalis. Gusto ko munang matulog dahil nakakaantok yung tinurok nilang pain killer sakin. 


"M-Marshan wait. Samahan na kita." Hindi ko siya nilingon, kahapon pa siya ganyan, sunud ng sunod sakin. 


"Marshan, please... Wag namang ganito, ayokong ganito tayo---"


Lumingon ako sa kanya pero nagulat ako ng mapansin ang lungkot sa mga mata niya. The pain he's feeling inside is reflected on his eyes, sumasakit na naman ang puso ko. 


"Then anong gusto mo?" Pinatatag ko ang nanginginig na boses ko as I stared back at him. 


"I like you Marshan, I like you so much... Ayoko ng ganito. I was even contented of what we are before, bumalik na tayo sa dati please---" 


"No!" I hissed at him. "Ayoko, I wanted more than that. It's not enough that I am spending my days with you, that we meet each other frequently at nights. Ayoko ng ganun lang Raven, I wanted all of you for me! Gusto ko akin ka! But you can't give that to me, and kung hindi mo pa kaya..." I breathed deeply. "Iwan mo muna ako..." 


Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha sa sinabi ko. Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng mga luha ko bago ko siya talikuran. 


Ang ouch lang! Ang malas ko talaga sa lovelife...


"Marshan wait..." I lowered my head when he pulled my arm kaya muli akong napaharap sa kanya. 


"G-Gusto mo rin ako?" 


I harshly looked at him. Nanggigigil ako sa kanya!!


"Hindi mo alam?!!! My ghad?! For real?!" I wiped my tears and pushed him hard. "I hate you!" 


I ran as fast as I could hanggang sa makarating ako sa infirmary. Agad akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. 


Ano sa tingin niya yung mga ginawa ko para sa kanya? Yung pagsama ko sa kanya? Yung pagligtas ko sa kanya? Trip lang? Landi lang ganun?! Bwisit siya!!! 


Hindi ako tumigil sa pag-iyak hanggang sa tinamaan na talaga ako ng matinding antok. 



Is he worth the risk? 


Naalimpungatan ako when I felt like someone is caressing my face. I slowly opened my eyes at agad na bumungad sakin ang mukha ni Raven. Napapikit ako ng mariin and help myself get up pero naramdaman ko ang mga kamay niyang umalalay sakin.


"Anong ginagawa mo dito?" I asked him. 


"I'm sorry for not realizing your feelings for me." I glared at him. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi niya. Eh ano naman kung may feelings ako sa kanya?!!!


"Yeah... Bitawan mo na ko para makaalis na ko." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sakin as his stares bored deeper to me. 


"Ayoko, I'm not letting you go. Umamin ka na sakin na gusto mo na rin ako. You're mine now, wala ng restrictions, wala ng pagpipigil..." 


"W-Wait! What?! This is not funny! I am going home!" I snapped at him. Akala niya ganun lang yun kadali? Oh f*ck hell! 


I gasped when he suddenly pulled me for a hug. Magpupumiglas na sana ako pero nanuot na sa sistema ko yung amoy niya. When was the last time I felt very comfortable like this? Oh! Sa Ferris Wheel, that was the first time and I thought last na yun. 


My heart and body just betrayed me when I hugged him back. Namiss ko talaga siya. Kasalanan talaga ng Hannah na yun! Dapat hindi ko na pinigilan si Lolo na patayin silang lahat! Tsk... 


"Wag ka ng magalit sakin Marshan, I know I have some issues. I'll try to deal with it. Wag mo lang akong palayuin ulit. I wanted to be near you always..." He hugged me tighter. Feeling ko may fireworks sa dibdib ko na kanina pa sumasabog. My heart is beating fast and loud. 


"Bakit kay Maxene, hindi ka torpe, pero sakin it took you how many days or months pa atah to confess?" He cupped my face and stared into my eyes. 


"I don't know... Natakot ako na pag-umamin ako sayo lalayo ang loob sa akin because I thought you don't like me..." Malamlam ang kanyang mga matang nakatingin sakin.


"Tsss. Whatever... Mmmmmmmpppp!!!" My eyes widen when his lips met mine. Halos hindi ako nakaget-over sa dalawang segundong halik na yun!


"W-What the!!!" I gasped as I covered my mouth. My heart just exploded! Nahampas ko siya sa sobrang inis ko, I was not prepared!! "Why did you do that?!" 


"I can't??" Naguguluhang tanong niya. My face heats up at muli siyang hinampas.


"D*mn you! My heart was not prepared! Muntik na kong atakihin sayo!" I hissed. Napalitan ng malakas na tawa ang mga ngiti niya and I just felt so irritated.


"Hahaha I'm sorry I lost control. Ang cute mo kasi..." He laughed and cupped my face. Inirapan ko lang siya as my free hand held unto his shirt. 


"We're not just friends anymore..." I said...


"No, we've never been friends. We started as enemies tapos nagustuhan na lang natin yung isa't isa..." He rested his forehead on mine kaya napapikit ako. The silent love we had is so calm and warm but so risky. "Are you happy?" He asked me. 


Napangiti ako as I opened my eyes... "Yes..." 



M A X E N E 


"The gynecologist saw a laceration, Maxene." Namula ako sa sinabi ni Doc Marquez kaya napaiwas ako ng tingin. "I know you have a boyfriend, you can get pregnant but you cannot continue pregnancy if ever mabuntis ka. Remember Maxene, may time limit ka na, you are no longer capable to bear a child, so please use protection." 


I pressed my lips tightly as I stared at him. May mga nabubuong tanong sa utak ko na ayaw kong tanungin...


"You're a part of Primera, problema ba sa inyo yun?" I asked. Nanlalaki ang mga mata niyang bumaling sakin.


"Maxene, tell me you're not serious!" 


Bumuntong hininga ako at muling nag-iwas ng tingin. "I'll be careful..." I sighed. 





"What's wrong?" Waldrin massaged my cheeks. 


It's one thing I would like to experience, to be a mother. Pero gaya nga ng sabi ni Doc Marquez, I can but I shouldn't. 


"Did you use a protection?" I asked him. Kumunot ang noo niya pero hindi niya binitawan ang mukha ko. 


"I told you, I am giving you more reasons to marry me. And yes, I want you to get pregnant." Nag-init ang mga mata ko sa narinig. 


Alam mo yung pakiramdam na gusto mo pero hindi pwede. Hindi pwede kasi my body is no longer healthy to bear a child, kung hahaba man ang buhay ko siguradong makukunan at makukunan lang ako. 


How can I tell him that I shouldn't get pregnant? 


"Baby what's wrong? Ayaw mo ba?" He asked. Umiling ako sa kanya at nagsumiksik sa dibdib niya. 


"Don't you think we're too young for this?" 


"18 na tayo parehas, and I'll turn 19 sa susunod na buwan. Bakit hindi na lang natin isabay sa birthday ko yung wedding?" 


Nag-angat ako ng tingin habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. No, it can't be possible, not on his birthday... I cannot die on his birthday... Hindi... Sigurado akong hindi sa araw na yun... 


"What's wrong? Kanina ka pa ganyan... Hmmm?" He intertwined our fingers at hinalikan ang mga daliri ko. Gusto kong maiyak. Ayoko siyang iwan, ayoko pang mawala, gusto ko pa siyang makasama ng matagal. 


"Wala naman. Anong gusto mong regalo sa birthday mo?" I asked him. He rubbed the tip of his nose on my shoulder as he planted small kisses on my collar.


"Hmmm? A positive pregnancy test?" 


"Waldrin!" I snapped at him. Tumawa lang siya at inayos ang kumot na nakabalot samin. 


"I couldn't ask for more baby, having you by my side is enough for me." He pulled me closer and traced the scars on my back with his fingers. 


"Kailan ka magpapakilala sa pamilya mo?"


Nakagat ko ang ibabang labi ko sa tanong niya. Actually, wala na kong planong magpakilala. Ayoko ng gumulo pa ang sitwasyon. Ayokong masira ang mga plano ko. I am determined to finish everything once and for all. 


"I don't have to, things will just go naturally." 


"Wag ka ng malungkot, bubuo naman tayo ng sarili nating pamilya. A family that needs and knows your existence. Isang pamilya na hindi masaya kung wala ka." 


"Hmmm, bakit ang sweet mo ngayon? May kasalanan ka?" I laughed trying to dodge the topic. Sumasakit ang dibdib ko, and I don't want to talk about it anymore, ayoko na ng drama sa buhay ko. 


Ngumuso siya sakin and held my face bago ako halikan ng matagal.


"Kailan ba ko hindi naging sweet sayo?" He asked. 


"Hmmm kailan ba?" I giggled. Ngumiti siya sakin at pinisil-pisil ang pisngi ko. 


"Uuwi ka pa ba? Dito ka na lang matulog ulit. Nahihirapan na kong matulog kapag wala ka." He pouted and it was my turn to squish his cheeks. 


"Naku! Ang baby mo talaga! Kailangan ko namang umuwi. But I'll try to sleep here once in a while, marami kasi akong inaasikaso baka hatinggabi na or madaling araw na kong makapunta dito." 


"Hmmm, can't you stop doing that? Watch your health, ayokong magkasakit ka sa sobrang pagod at stress diyan sa trabaho mo." 


"Opo Tay..." I chuckled, he then started tickling me kaya kiniliti ko rin siya. Wala na kaming pakealam kung marinig man kami sa labas. 


If ever I would be given a chance to live my life all over again, sana siya pa rin, sana ako pa rin para sa kanya. On my next life, at sa mga susunod pa, I only wanted to spend every life I'll have with him. 


"You make me happy..." I cupped his face and looked at him in the eyes. Bahagya siyang namula sa sinabi ko kaya hindi ko napigilang matawa. He buried his face on my shoulder para itago ang pamumula niya. 


"I love you Maxene, I can no longer imagine life without you." He said. Humigpit ang yakap ko sa kanya and kissed the side of his head. 


I'm sorry...

You loved a temporary person. 




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top