-4-
"Sorry." Monique said. Ako na nagdrive sa kotse niya papuntang school. Hanggang ngayon may trauma pa sila but Queenie thought she just had a nightmare.
"Yung pisngi mo." She added.
"I'm fine." I said.
I parked her car. Lumabas na kami at ulit, agad siyang kumapit sakin.
"Babalik pa kaya sila?" She asked.
"Makukulong na sila. We need to file our statement later."
"Kailangan pa ba yun?"
"Yes. You'll be safe. Andun naman yung nga pulis." I said.
"N-natatakot ako."
"I'll be with you." Marahan kong pinisil ang kamay niya. Ngumiti siya sakin. Pansin ko ang pagtingin at pagbulung-bulungan ng mga student na nakakakita samin.
May pasa sa gilid ng labi si Monique habang ako may gaza sa pisngi. Mukha tuloy kaming mga adik.
"Nakakahiya talaga. Umuwi na lang kaya tayo?" She said slughtly pulling my jacket.
"No. Just don't mind them." I said at duniretso lang sa paglalakad. Pake ba nila kung ganito kami.
"Hell-- what the f*ck happened to you?!" Singhal ni Christian ng makita kami. Pero si Monique ang agad niyang tinignan.
He cupped her face at tinignan ang pasa nito sa gilid ng labi.
"Anong nangyari? Bakit may mga sugat at pasa kayo?" Bumaling ako kay Raven. Pero hindi ko siya sinagot. Dumiretso lang ako sa seat ko.
"May mga magnanakaw na pumasok sa shop ng pasara na kami." Naiiyak na sabi ni Monique. I just rolled my eyes, aapat lang naman sila, no big deal.
"What?! Sila ang may gawa niyan?! Nakilala niyo ba?!" Christian breathed.
"Maxene was able to take them all down, kaya nasa police station na sila ngayon. Magpafile kami mamaya ng complain."
"Whoah, nagawa mo yun Max?" Raven gasped. Umirap lang talaga ako sa kanya.
Kahit anong pampepeste ang gawin nila sakin. Hindi ako nagkwento, si Monique na lang ang bahala diyan.
Hanggang sa matapos na ang mga klase namin.
I was about to get up from my seat ng may naglagay ng box ng band aid sa hita ko.
Napatingin ako kay Waldrin. Hindi siya nagsalita, nakatitig lang siya. Kinuha ko yung box at napansin kong may sticky note sa likod.
"I bet you need this. Mukha kang palaaway."
Hindi ko alam pero napangiti ako ng konti sa nakasulat.
Sumama samin sina Christian sa police station. Nanginginig pa si Monique habang nagkwekwento. Nasa harap kasi namin yung apat na lalaking nanloob sa shop.
"K-kung hindi po dumating si Maxene hindi ko na po alam kung anong ng nangyari samin sa kapatid ko." Monique break down.
Napatingin ako sa apat na nakangising hinahagod ng tingin si Monique. I bet they are rapist, too.
"Wala silang mga proweba sir, diba wala nga silang CCTV?" Sabi nung isa sa mga suspect.
"Naframe up lang kami sir." Sabi pa naman nung isa.
"So, sinasabi mo bang sinungaling si Monique?!" Kwinelyuhan ni Christian ang pinakaleader at agad naman siyang inawat ng mga pulis. Umiiyak na si Monique.
Napansin ko tattoo sa balikat nilang apat. Lahat yun ay parang tattoo ko sa braso. Pero mas maliit na ahas. Kung sakin eh cobra, sila yung mga normal lang na ahas.
They are part of Venom. Ang pinanggalingan kong organization. Ang dahilan kung bakit may Maxene ngayon. Kung bakit ako nabuhay sa droga at pakikipaglaban bago pa ko mabili ng mga McNeils.
Lumapit ako sa apat. Naghandgesture ako sa kanila at hindi pinakita kina Christian. Hand gesture na tanging mga miyembro lang ng venom ang nakakaalam.
Nanlaki ang mga nila sa ginawa ko.
"A-Anong code mo?"
"V001 UNO." I smirked.
"B-boss, inaamin na po namin ang mga kasalanan namin. Boss ikulong niyo na lang ho kami." Tarantang sabi nila. I grab a gum in my pocket at nginuya yun.
"A-Anong sinabi mo sa kanila?" Raven asked me pagkalabas namin ng presinto.
"I told them, puputulan ko sila ng bayag kapag di sila umamin."
"What the f*ck?!" Sabay nilang sabi ni Christian. Napasmirk na lang ako.
I looked at my wristwatch. I silently cursed ng makitang alas singko na ng hapon. 4:30 natatapos ang klase nina Paeng.
"Oh my gosh! Sina Queenie pala!" Monique squealed. Agad kaming sumakay sa kotse niya and yeah sumakay din sa backseat sina Raven.
Sumunod talaga sila samin. Kanina pa from school hindi na nila dinala yung kotse nila dahil ipapakuha na langdaw nila sa driver.
Rich kids tsss.
"Ate 45 minutes?! Seryoso? Bakit hindi mo pa sinagad ng one hour nahiya naman ako sayo!" Dabog ni Rafael. One thing that annoys me about him, is that hindi siya pasensyoso.
Hindi na ko sumagot dahil alam kong mag-aaway lang kami. Kinuha ko yung bag niya ang put it in the trunk, pati rin yung bag ni Queenie ako na bumuhat.
"Hi ate, sama ka ulit sa shop? Work ka po ulit?" She innocently smiled at me.
"Sorry kung natagalan kami ni Ate mo ha?" I patted her hair.
"You said sorry to her?! you haven't apologized to me yet!" Diretsong sabi ng kapatid ko with his british accent.
I am trying so hard not to use that accent.
"Rafael, sorry okay? Nanggaling kami sa presinto." I sighed. Binuksan ni Paeng yung backseat pero natigilan siya ng makita yung tatlo sa likod.
"Where am I gonna seat then?!"
"Kalong ka samin little bro." Tapik ni Raven sa hita nila ni Christian.
"Kyaaahhh!!! Kuya Waldrin!!!" Queenie giggled at agad kumalong kay Waldrin. Sa unang pagkakataon nasilayan ko ang munting ngiti sa mga labi niya.
"Fine, let's walk." Sabi ko sa kapatid ko. Kinuha ko yung bag niya sa trunk.
"Saan kayo pupunta?" Monique asked.
"May dadaanan pa pala kami." I said.
"Huh? Sakay na lang kayo--"
"Ate, I don't wanna be rude but I don't like hanging out with strangers." Hindi ko na napigilan ang bunganga ni Paeng. Hindi ko hawak ang utak ng kapatid ko.
Pati nga ko nagulat sa sinabi niya.
"Medyo bad mood lang. We have to go." Paalam ko sa kanila. Agad kong hinila si Paeng.
"Wag ka ng magtampo, I'll buy you Ice cream." I almost curse ng marinig ang accent ko. I really hate talking with British Accent.
"Ibili mo ko ng Ice Cream then!" He snorted. I almost rolled my eyes. Here he is again, Ice Cream lang talaga ang katapat niya.
"Okay boss."
---
"Tsaka ito po, and then this one pa." Turo ni Paeng sa mga gusto niyang bilhing ice cream. I cursed silently kung bakit dito pa sa ice cream parlor ko siya dinala.
"Ate what's yours?" He's now grinning from ear to ear.
"I'm full." I sighed. Nagtitipid ako for goodness' sake! Nagigipit ako sa pera dahil sa pagbili ko last time ng drugs.
"Okay, card please." He winked.
"We can't use my card, magkano po ba lahat miss?" I asked the cashier.
"672 po lahat ma'am." She smiled. Napabuntong hininga na lang ako as I took out a cold cash from my wallet.
"Keep the change po!" Paeng giggled. And I was like what the ef?!
"Thank you po Ma'am and sir. Please wait for your order." She smiled at us and pocketed the change.
Kung hindi lang beastmode sakin ang kapatid ko baka binitin ko na siya ng patiwarik.
Hindi pa naman open ang shop ngayon dahil under investigation pa. Itexted all my managers and asked for work pero wala pa daw silang nahahanap.
Namumulubi na ko honestly.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top