-37-
A/N: I'll dedicate the next chapter to the one who has the best comment. Keep on commenting!!
M A X E N E
"D*mn, you just made my heart skip a beat! If that's what you want, pakakasalan kita ngayon din or any day you want. Kahit taon-taon pa yan or buwan-buwan, pakakasalan kita Maxene just set the day you want." He said.
Nag-init ang mga sulok ng mga mata ko as I stared at his face. What did I do to deserve someone like him?
I am a killer, I can take lives in just a blink of an eye. Isa akong makasalanan, isang salot. I don't deserve to be loved like this.
"Give me 2 months. We'll get married after two months."
Kung buhay pa ko after I kill all of them, kung buhay pa ko at pwede pang madagdagan ang buhay ko, pakakasalan ko siya. I will stop killing, I'll live a normal life, I'll confess all my sins, I'll love like a normal girl.
"Okay! Does this mean na ayos na tayo?" Bahagyang nagningning ang kanyang mga mata. Nakagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin. Am I doing the right thing? Tama bang mas pakinggan ko ang puso ko?
"Yes... But." I grab his collar and looked at him straightly in the eye. Hindi namatay ang ningning sa kanyang mga mata. D*mn! He's too innocent...
"You are mine, and you know what I can do." I hissed. Malawak ang ngising namutawi sa kanyang mga labi as he freely wrapped his arms around my waist pulling me closer to him.
"I am yours, you are mine and that baby is the golden rule." He said and kissed me. Kumunot ang noo ko ng may mapansing kakaiba sa mga halik niya. He can kiss deep and better now. Alam na rin niyang igalaw ang dila niya, he now knows how to bite my lips gently and suck the air inside my mouth.
And f*ck! It's making me delirious.
Don't get me wrong, Rocket taught me how to kiss. And who the f*ck taught him?!
I pushed him away ng maramdaman ko na ang bahagyang pag-init ng kanyang katawan.
"W-Who taught you?" I almost gasped, catching my breath. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya but his hands never leave my waist.
"To kiss? I had to watch videos to learn. I never kissed anyone besides you." Bahagya siyang namula sa sinabi niya.
"Do you have anymore questions? Can we continue?" He asked wrapping his arms tightly around me again.
"W-What?"
Bigla siyang tumawa na mas lalong ikinanuot ng noo ko. He planted small kisses on my face at isang medyo matagal na dampi sa mga labi ko.
"I love you, it's Sunday tomorrow, sunduin kita? Around 8 am?"
"Ano kasi, I promised Christian tomorrow." I bit my lower lip. Agad namang tumalas ang tingin niya sakin. D*mn! He was just looking at me softly awhile back and now he's back with his usual serious face.
"And why is that?"
Iniyakap ko ang mga braso ko sa bewang niya. "He's seeking for my help to find his sister."
"Sister? Christine? Can you do that?"
"If ever na Venom ang kumuha kay Christine, then yeah I can dig more into it and find out her whereabouts."
"Okay." He sighed. "...but next time consult me first, I want to spend all the days with you." He pouted. Napangiti ako sa naging reaction niya, I love seeing his soft sides.
"Okay then, kailangan ko nang umalis." Kumalas ako ng yakap sa kanya. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.
"One last kiss for today." He kissed me again at nagpaubaya naman ako. My heart feels so happy with him.
"Matagal pa ba?! Kanina pa ko tapos!!!" I gasped as I pushed Waldrin away from me dahil sa biglaang pagsulpot ni Paeng. My face heaten up as I approached my brother.
"T-Tara na?" I asked him.
"What were you doing?! Gumagawa ba kayo ng baby?" He asked innocently but with a hint of irritation in his voice.
"What?! Saan mo na naman ba napulot yan?!" Hinila ko na siya palabas ng kwarto ni Waldrin.
"Hindi pa but soon, bro.. Tomorrow, maybe." Napalingon ako kay Waldrin habang nanlalaki ang mga mata ko. Presko lang siyang nakasandal sa doorframe ng kwarto niya habang nakangisi samin.
"No! You promised me! Sabi mo ako lang baby mo!" Pagmamaktol ni Paeng. Sometimes, he acts mature but most of the time I cannot handle his temper.
"Tumigil ka nga nakakahiya! Marinig ka ng Mommy mo!" I said. Bumaling ako kay Waldrin at tinignan siya ng masama but he just mouthed 'I love you' to me kaya mas lalo akong namula.
"Ihahatid ko na kayo sa labas." Waldrin offered. Yumakap sa bewang ko si Paeng at tumingin ng masama kay Waldrin.
"No!!!" Paeng squealed, hinila niya ko paalis at halos patakbo na kaming lumabas ng mansyon nila. Ni hindi na nga siya nagpaalam sa mga magulang niya, he's such a bipolar, malas ang magiging girlfriend ng batang ito.
"Paeng ha? That was disrespectful!" Sermon ko sa kanya ng makasakay na kami sa kotse ko. Humalukipkip lang siya after putting on his seat belt.
Malapit na kami sa bahay ng biglang tumunog yung phone ko. I put on my bluetooth earpiece when I saw Raven's name on the screen.
"Hello Raven?"
"Maxene..." He said in a shaky voice... "I'm sorry, nandito kami sa Prime Hospital, Marshan was shot!"
Umigting ang panga ko sa narinig. "Stay there and I'll kill you."
I ended up the call at tinawagan si Lolo. I took a sharp curved papunta sa hospital.
"Are you on your way?" Lolo asked me.
"Yes 'Lo."
"Okay, Butler July reported to me. Malapit na kami sa Prime." He said. Mabilis na natapos yung tawag and I focused on my driving.
Marshan cannot be shot. She was bullet proof, she was trained to dodge every bullet coming her way. Unless... she was mentally or emotionally unstable.
Paeng can feel the tension, they say I give off a kind of scary aura and that's their cue to shut up or not to mess with me. Tahimik lang siyang nakikiramdam sa tabi ko.
We reached the Prime hospital at agad naman kaming sinalubong ni Butler August. Dinala niya kami sa room ni Marshan and I even saw Raven sa waiting area na parang tulala dahil hindi na rin niya napansin ang pagdating namin.
"How is she?" I asked Doctor Marquez. I saw Marshan inside the operating room, unconscious at namumutla na.
"Natanggal na namin yung bala, and stopped the bleeding but she needs an immediate blood transfusion---"
"Then why aren't you doing it yet?!"
"Maxene, she's B negative, masyadong rare ang blood type niyo. We're doing our best to find a blood donor, we have communicated to blood banks in and out of the country." He said. Napatingin ako kay Raven and I saw Paeng besides him na pilit sinisilip ang mukha niya.
"I have to go back to my office..." Dr. Marquez said.
"Raven..." I called him. Hindi siya nag-angat ng tingin. Lutang pa rin siya. Ngayon ko lang napansin na wala siyang kasama, wala si Monique at Christian and his shirt is drenched with blood.
"Si Lolo?" I asked Butler August.
"He's contacting his connections to investigate further the case." He said formally. Napatango na lang ako sa kanya at muling binalingan si Raven.
Lolo did the investigation, and knowing him, whoever did that to Marshan, siguradong hindi na sila sisikatan ng araw.
"You get some stuffs for him to change into." Tukoy ko kay Raven, agad namang umalis si Butler August at naiwan na lang kaming tatlo dito sa waiting area.
"Raven! Maxene!" Dumating sina Christian at Monique, kasama na rin nila si Waldrin na agad namang lumapit sa tabi ko.
"What happened? Raven?!" Christian asked. Nag-angat ng tingin si Raven pero agad din siyang napayuko at napasabunot sa buhok niya.
"He cannot talk yet, but our team is investigating it." I said. Bumaling sakin si Christian.
"How's Marshan?"
"Still waiting for blood transfusion, masyado kasing rare ang blood type namin kaya nahihirapan sila." I sighed.
"What's your blood type? Maybe we can donate." Monique asked.
"B negative..."
"I am B negative, pwede akong magpatest." Christian said without hesitation. Bahagyang nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.
"A-Are you sure?"
"Yes. Ganyan din ang problema nila sakin nung naoperahan ako." He said.
"I-I'll call Dr Marquez then." I said.
"I'll go with you." Waldrin held my arm. Bumaling ako kina Monique.
"Kami na muna ang bahala kay Raphael at Raven." She said.
"I told you, you can sleep on my arms." Waldrin said ng magreklamo ako tungkol sa bahagyang pangangawit. Sa couch na kami nakatulog at successful naman ang transfusion. Hinayaan na lang naming magpahinga sina Marshan at Christian.
Umuwi na si Monique kagabi at maaga daw siya ngayon. Si Paeng naman kasama na ni Lolo na umuwi at si Raven, kasama naming nagbabantay.
"Ang clingy mo." Asik ko kay Waldrin. Ngumuso lang siya and made himself comfortable on my lap. Ang mga paa niya ay nakapatong na sa arm rest ng couch dahil hindi naman siya talaga kasya dito.
"Do you need anything? Coffee? Food?" Raven asked. Nakapagpalit na siya kagabi at nahimasmasan na.
"It's okay Raven, magdadala daw si Monique. I think parating na naman siya." I said. I cannot blame him, wala rin akong karapatang magalit sa kanya, nagpadalos-dalos si Marshan at napahamak siya dahil doon.
I heard my sister groaned at agad ko namang tinapik si Waldrin para makaalis ako. Iniangat niya ang ulo niya to make way. Lumapit ako kay Marshan, she's still pale. She could hardly opened her eyes.
"F*ck! I'm thirsty." She hissed.
Napatingin ako kay Raven na agad namang nagsalin ng tubig sa baso at nilagyan ito ng straw.
"How are you feeling?" I asked her while adjusting her bed para makainom siya ng maayos. Iniabot ni Raven sakin yung baso and I saw how Marshan closed her eyes firmly when she saw Raven.
"Fine as hell." She said pagkatapos niyang ubusin yung laman ng baso. "Anong ginagawa ni Christian dito?" She asked ng mapansin si Christian sa kabilang kama na tulog pa rin.
"He's your blood donor."
"Good Morning! Marshan! Oh my gosh!" Maluha-luhang lumapit si Monique samin. Sina Waldrin at Raven na ang nag-ayos ng dala niya. Hindi rin nagtagal ay nagising na rin si Christian. We ate our breakfast and had some coffee, Raven volunteered to feed Marshan and they were just both awkwardly silent while eating.
"Dr Marquez said pwede ka ng umuwi, but it's your choice." I told Marshan after we finished eating.
"How about my cast? Kailan ito tatanggalin? I feel so invalid with this." She said. Umiling ako sa kanya and I know she got my point.
"MARSHAN!!!" The door banged open at iniluwa nito si Yrew. He immediately went to us at niyakap si Marshan. "Wag ka munang sumama sa ilaw Marshan! Please! Mabuhay ka!!!" Yrew faked his sob at agad naman itong nakatanggap ng batok kay Marshan.
"Baliw, I'm fine! And where have you been?!"
"Uyyy namiss niya ko! Wag ka ng magtampo, may pinaasikaso lang si Daddy." Yrew grinned at umupo sa gilid ng kama ni Marshan.
"Maxene! Namiss kita, parecharge!" He was about to hug me pero biglang pumagitna si Waldrin kaya si Waldrin ang nayakap niya.
Hindi ko na napigilang matawa ng biglang bumitaw si Yrew kay Waldrin na mukhang nandiri pa.
"Fck! That was so gay!" Yrew hissed. Lumapit naman si Waldrin sakin at inakbayan ako sa harapan ni Yrew, possessively wrapping his arms around me. Nagtagisan pa sila ng tingin bago literal na umirap si Yrew at binalingan ako.
"So, what happened?" He asked as he glanced at Marshan.
"It's complicated." Marshan sighed. "Wala namang magandang maikukuwento kaya wag na lang."
"Ang drama mo!" Yrew chuckled and pinched her cheeks. "Anyway, dahil wala na kong masyadong gagawin, I'll volunteer as your personal nurse---"
"Hindi pwede!" It was Yasha. Nakatayo siya sa may pintuan at nakahalukipkip. "Marami pa tayong gagawin Yrew!"
"What?! I asked Dad and he said tapos na!" Namula sa inis si Yasha.
"Mom said may ipapagawa daw siya." Yasha said. She's obviously lying.
"Wait nga! Ang ingay niyo! Ano bang relasyon niyo talaga?!" Marshan hissed bakas sa mukha niya ang bahagyang pagsakit ng ulo dahil sa ingay ng dalawa.
"Wala ka na dun!" Yasha snapped.
"Yasha stop!"Yrew hissed bango bumaling ulit samin. "I'll just talk to my sister." Yrew said at agad naglakad patungo kay Yasha, he pulled her away before shutting the door close. Nagkatinginan kami ni Marshan dahil sa gulat sa narinig namin.
"W-What?! Magkapatid sila?" Marshan gasped.
"Hindi niyo alam? They are the children of the Chua's ang may ari ng Primera." Monique said.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top