-36-

Para kay 

 saranghae!




M A X E N E 

"Sunduin mo na ang kapatid mo." Utos sakin ni Lolo, napatingin ako sa kanya. 

"Hindi ka sasama Lo?" I asked him. Bumuntong hininga lang siya at umiling. Wala naman akong maipapayo kay Lolo, we're both stupid in love. And in a cue, narinig ko ang pagtunog ng phone ko sa jacket ko. 

Kinuha ko ang jacket ko mula sa couch and took my phone out of it's pocket. I saw Monique's name on the screen, diba magkasama sila ni Marshan?

"MAXENE!!!" Monique gasped. "Si Marshan hinimatay!" 

"W-What?! Where are you?!" I immediately put on my jacket at nagmamadaling kinuha ang susi ng sasakyan ko sa ibabaw ng drawer. 

"Dito sa Amusement Park!" Muntikan pa kong matisod habang nagsusuot ako ng sapatos. Muntikan na kong napatawa dahil sa narinig ko, Marshan has fear of heights and terrible motion sickness, unless she's driving. 

Naalala ko pa noong sumakay kami ng cable car sa Hong Kong noon, she puked inside the car and I acted like I didn't know her but unfortunately we're twins. 

"Okay, I'll be there in few minutes. Just make her rest for awhile." I said. I ended up the call at binulsa na ang phone ko. 

"What is it?" I heard Lolo asked me. He closed the door to the veranda at naglakad papalapit sakin. 

"Marshan passed out Lo, nasa amusement park daw sila." I chuckled. 

"Marshan should fix that fear of hers." 

Nagpaalam na ko kay Lolo, may mga bodyguards naman siya sa halos lahat ng sulok ng building so I need not to worry about him. Dumiretso ako sa Amusement Park na sinabi ni Monique. The park was huge kaya nahirapan pa kong hanapin sila. 

Okay na si Marshan when I found them at umiinom na siya ng tubig. Lumapit ako sa kanila and asked what happened.

"Eh kasi, you know the myth about a couple kissing at the top of a Ferris Wheel?" Monique asked me. Napatingin ako kay Marshan na bahagyang namula at kay Raven na nakatingin lang sa kanya. Like checking her if there's something wrong about her. 

"You cannot do that, Marshan has fear of heights and motion sickness." I said. Nanlaki ang mga mata ni Monique at napabaling pa sakin ang atensyon nina Christian at Raven.

"Sorry. Hindi namin alam." Raven said. I pressed my lips tightly and brushed my sisters hair. 

"It's okay, you can still try kissing under the mistletoe and of course, the kissing bench at Syracuse University." I winked at Marshan ng magtaas siya ng tingin sakin. Mas lalong namula ang kanyang mukha habang nanlalaki ang mga mata. 

"Maxene!" She gasped. "Sasabunutan kita!" Nanlalaki ang mga matang sabi niya sakin. 

I chuckled and pinch her cheeks, "I'm gonna pick up Raphael, sasama ka?" Bumaling si Marshan kay Raven at hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi magets yun. 

"Okay. I see. I'll be going then." I smiled at them. Ngumuso sakin si Marshan at bahagya akong inirapan. 

"Maxene, yung pinag-usapan natin." Christian approached me.

"You have my number, right? Pupunta ako sa bahay niyo to investigate, just ready some photos of her." I smiled at him. 

"Okay, thank you." He smiled at me. Nagpaalam na ko sa kanila at dumiretso na sa parking space. Marshan looks fine, andun naman sina Raven and I'm sure hindi nila siya papabayaan, and if any worse happens, I know Marshan can take care of herself.

Lagi niyang dala ang handgun niya na gawa sa diamond, kaya hindi ito nadedetect ng metal detector. 

Dumiretso na ko sa mansyon ng mga Zekovia, hindi naman ako nahirapan sa pagpasok na para bang inaasahan na nila ang pagdating ko. The door automatically opened for me. 

"I'm here to pick up my brother." Sabi ko sa isang maid na nakasalubong ko. 

"Ah, nasa kwarto po niya si Sir Walrick." She smiled at me. 

"Uhm, pwede mo ba kong samahan?" Ngumiti siya sakin at nagsimula ng maglakad. I followed her to Raphael's room. Saktohan namang paglabas ni Tita Alicia mula sa kwarto nila. 

"Maxene! Susunduin mo na ba si Walrick? Why don't you join us for dinner?" She smiled at me at naglakad papunta sakin. Bahagya akong napangiwi but I tried to smile at her. 


"Ah hinihintay na po kami ni Lolo." I said awkwardly. 

"Hmmm I see, next time then?" She smiled. I was about to knock on Raphael's room pero bigla itong bumukas. Nanlaki ang mga mata ko ng bumungad samin si Waldrin na mukhang nagulat din ng makita ako. 

Agad akong nag-iwas ng tingin and glanced at Tita Alicia na ngumiti lang ulit sakin. 

"Ate! Ayusin ko lang mga gamit ko." I heard Paeng's voice.  Nakasilip siya sa gilid ng door frame dahil nakaharang sa pinto si Waldrin. I know anytime pwede ko siyang makasalubong, I thought it was okay, but my heart seems not prepared for it. 

"Make yourself at home Maxene, if you need anything sa kusina lang ako. Or you can ask Waldrin." Tita Alicia tapped my shoulder bago siya bumaba ng hagdan. Napatingin ako kay Waldrin, he stared at me for few seconds bago siya gumilid para makapasok ako sa kwarto ni Paeng. 

Napatingin ako sa paligid ng kwarto ni Paeng, his room is painted in dark blue. The color he hated the most, he prefers pastel colors. Napatingin ako sa suot niyang damit, it's black. Paeng never wore dark colored shirts, dahil ayaw niya. 

"It's okay. I'm fine." He said. Napansin niya siguro ang pagkadisgusto ko sa mga gamit na nandito sa kwarto niya. I know every detail about my brother, gaano man ito kaliit. 

"I see---" 

"Maxene, can we talk?" Napalingon ako kay Waldrin. He is still standing at the doorway, bakas ang lungkot sa kanyang mga mata na para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi. 

"In my room please?" 

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at bumaling kay Paeng na nagpapalipat-lipat ang tingin samin. 

"Okay, pero saglit lang." I said. Tumango siya sakin. Sumunod na ko sa kanya papunta sa kwarto niya. 

Sobrang awkward lang dahil wala ni isa sa amin ang nagsalita hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. 

"I just don't want anyone to hear us." He said as he closed the door to his room pagkapasok namin. Napahawak ako sa braso ko when the scent of his room lingers in my nose. Amoy na amoy ko siya sa bawat sulok ng kwarto niya. 

"So, what is it?" I tried to sound tough and fine kahit medyo nanginginig na ang tuhod ko. 

"I'm sorry." He said. I stilled and looked at him. Malamlam ang kanyang mga matang nakatingin sakin habang nakasandal sa pinto.

"Wala namang problema, everything was just a misunderstanding---"

"Walang problema???" Napasinghap ako when he suddenly held my arms.  "I lost you because of my f*cking pride, of my grief and resentment without any basis! I lost you Maxene, you are already mine pero binitawan kita!" 

He rested his forehead on mine kasabay ng pag-agos ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata. 

"And every time I see you being touched by someone else, hindi ako makahinga, pinipiga ang puso ko sa bawat oras na dapat hawak-hawak kita but I can't because you're no longer mine. I'm sorry for being a jerk, I'm sorry for hating you, for hurting you. There's no valid excuse for what I have caused but trust me, I never stopped loving you. I tried but I can't." 

Bumaba ang kanyang mukha sa balikat ko as he poured his heart out. Nakahawak lang siya sa mga braso ko, ramdam kong gusto niya kong yakapin pero hindi niya magawa.

Umusbong ang kakaibang sakit na may halong saya sa dibdib ko. I never hated him, kailan ma'y hindi ko siya sinisi sa mga nangyari sa amin. We may have hurt each other but we all learnt from our mistakes. 

"Please come back to me, sakin ka na lang ulit. Please..." He sobbed. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Tumagos sa puso ko ang mga katagang binitawan niya. 

I wanted to be selfish. I want to be with him again. But the deeper this feeling gets, the harder it is to bid goodbye. Ayoko ng dagdagan ang mga taong sobrang masasaktan sa pagkawala ko. 

But still, I chose to be selfish.

I wanted to leave more good memories with him. 

"I-I have a favor to ask." I cupped his face. Namumula ang kanyang mga mata at halos hirap na rin siyang idilat ang mga ito ng maayos.  

"Anything..." He breathed. I brushed my thumb on his cheeks. I want to experience everything I could experience if I was a normal girl. I want him to be my first and last in everything else. 

"Marry me..."



M A R S H A N 

They didn't force me to ride anything after that nakakahiyang phase of my life.  Sinamahan muna ako ni Raven na maglakad-lakad para mawala yung hilo ko. Muling sumakay sina Monique at Christian sa ibang rides na para bang sinusulit yung ride-all-you-can ticket nila. 

*growl* 

Napahawak ako sa tiyan ko and groaned. Nagugutom na ko. Ayoko pa namang kumain dahil feeling ko anytime magsusuka ako. 

"You should eat something." Raven told me. Napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak. I never thought that this simple gesture will make me feel at ease, na para bang okay lang kahit maglakad kami ng matagal basta hawak niya yung kamay ko. 

Darn heart! Ang cheesy mo! 

"Ugh! I'm fine. A soda will be fine." I exhaled. "Or I could just sleep." I said. Pwede naman na akong umuwi pero ayaw ko pa. Lumipat ang kamay ni Raven sa bewang ko, he pulled me closer so I could lean on his shoulder. 

Wala akong oras para magblush dahil sumasakit na naman ang ulo. 

I heard the ringing of his phone. Bahagya akong nag-angat ng tingin sa kanya and watched him took out his phone. Kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan ng ex niya sa screen. My jaw clenched as I watched him answer it. 

Hindi niya ko binitawan habang kausap niya yung ex niya pero hindi niya rin ako tinignan. 

"What?! What happened?! Asan ka ngayon?!... Okay.. Stay right there. I'm coming for you." I wrapped my arms around him dahil sa mga huling katagang binitawan niya but honestly I was threatened, I was hurt. 

Napatingin siya sakin as he pocketed his phone. I don't care how I looked right now but I'm pretty sure namumula na ang mga mata ko dahil pinipigilan ko ang sarili kong maiyak. 

"Ihahatid na kita Marshan, I just need to go somewhere." He said. He's choosing to go to her than staying with me. Sino nga ba ako sa kanya? We don't have a label to our relationship. 

And she'll always be his priority. 

Binatawan ko siya at bahagya akong napayuko. 

"It's fine, I can go home by myself." I said. 

"No, I'll drive you home." He took my hand at hinila na ko papuntang parking space kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Hindi siya nagexplain tungkol sa tawag kanina. Maybe, because it's none of my business. 

Sumandal ako sa bintana sa passenger's seat and closed my eyes. Masyadong masakit ang ulo ko, ang tiyan ko at ang puso ko para kausapin siya. I took out my phone and texted butler June, if he won't tell me his business, I'll discover it myself. 

Nakarating kami sa building ng halos hindi ko na namalayan. 

"Ihahatid na kita sa taas." He said while unbuckling his seatbelt. 

"No, I'm okay. Darating na rin naman yung mga butler ko. You can leave me here." I said. Bahagyang umigting ang kanyang panga at hinawakan ang kamay ko. 

"I'll see you tonight." He slightly squeezed my hand bago bumaba ng sasakyan. Agad namang bumukas ang pintuan sa gilid ko ng makasigurado akong nakalayo na siya. 

"The car is ready Lady Marshan." Inalalayan akong bumaba ng sasakyan ni butler June. We transferred into the other  car at agad naman nila akong pinainom ng gamot. 

"Your order Lady Marshan?" Butler August asked. 

"Follow Raven, but don't make it obvious." I said. Sinundan namin ang taxi.ng sinakyan ni Raven, I even texted Maxene na mukhang late akong uuwi ngayon dahil may aasikasuhin ako. Tumatalab na yung gamot na pinainom nila sakin pero hindi pa rin humuhupa yung init ng ulo ko at sakit sa puso ko. 

Why am I even acting like a jealous girlfriend?!!! 

"Lady Marshan..." Butler August got my attention. Tumigil na pala ang sasakyan namin and I saw Raven got out from the taxi. Kumunot ang noo ko dahil familiar sakin ang lugar na ito. Malapit ito sa dating apartment nina Maxene. 

"You stay on the lookout." I said and got out of the car. Sinundan ko ang tinahak ni Raven na madilim na eskinita hanggang sa marating ko ang isang mukhang abandonadong warehouse. Madilim ang paligid ngunit may mumunting liwanag sa loob, halos iilan na lang din ang natitirang walls at ceiling nito na gawa sa yero. 

Wala na rin itong pintuan at nagkalat ang mga basurang bakal na kinakalawang na. 

Sumilip ako sa loob ng warehouse. Marami sila sa loob, about 30, I think. Nakita ko si Raven na nakatayo sa gitna, may kausap siyang lalaki at sa tabi nito ay yung hindi naman kagandahan niyang ex-girlfriend. 

 Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang sapakin nung adik si Raven kaya napaupo siya sa sahig. Nag-iwas lang ng tingin yung ex niya at hindi man lang inawat yung adik niyang boyfriend! 

"Yan kasi! Isang tawag lang sayo ni Hannah, kumagat ka naman?" He laughed. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin dun sa babaeng nakayuko at walang ginagawa. Mas lalong nag-init ang ulo ko. They started to beat up Raven at hindi man lang ito lumalaban. 

"H-Hannah, tumakbo ka na!" Raven shouted at her. Umiling si Hannah at mangiyak-ngiyak lang na nanonood. 

"Sorry, Raven! Sorry talaga!" 

Inilabas ko ang baril ko and entered the warehouse. Nagpakawala ako ng putok ng baril, lahat sila ay natigilan at napalingon sa direksyon ko. 

Madilim ang lugar kung saan ako nakatayo dahil tuluyan ng lumubog ang araw at tanging ang mga mumunting light bulbs sa paligid ang nagbibigay liwanag dito sa loob. Naglakad ako papalapit sa kanila and Raven's eyes widen upon recognizing me. 

"M-Marshan... Anong ginagawa mo dito?" Halos walang boses na sabi ni Raven, pumutok na ang gilid ng labi niya at nagdudugo na ang gilid ng kilay niya. 

"Boss!! Siya yung bumugbog sa mga kasamahan natin!" I heard someone shouted. Kumunot ang noo ko, I didn't even know them, or maybe, it was Maxene. 

Napaatras ako ng bigla na silang sumugod sakin, short range fight may not be my forte, but Maxene trained me enough to at least defend myself. They attacked me pero hindi ko ginamit ang baril ko, I just reciprocate their punches and kicks, I may not be as strong as Maxene but I can induce damages and I can pinpoint vital points. 

"Marshan! Why are you here?!" Raven asked me pero hindi ko siya sinagot. He helped me with the fight. They are too much for me at nakakaramdam na rin ako ng pagod.

It took us about 30 minutes, at masakit na ang katawan ko and my energy is almost drained. Yung adik na lang at yung girlfriend niya. Sinugod ni Raven yung adik and they exchanged punches, napatingin ako kay Hannah na nanginginig na ngayon sa kinatatayuan niya. 

Kinasa ko ang baril na hawak ko at tinutok sa direksyon niya. Her eyes widen at bahagya siyang napaatras. 

"This is all your fault." I hissed at her. Muli siyang napaatras but I took a step forward. Horror is written all over her ugly face.

"H-Huwag..." 

"Marshan!!!" Natigilan ako ng biglang pumagitna si Raven sa amin, protecting that girl using his body, na para bang kaya niyang saluhin lahat ng bala para sa kanya. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. 

"She's toying with you!!! It was a trap Raven---"

"I know! I know Marshan and this is out of your f*cking business!!!" He hissed. Bumagsak ang mga luha ko sa sinabi niya. I bit my lower lip and pushed him so hard, he lost his balance at napaupo siya sa sahig. 

It was too much, mas masakit pala kung sa bibig niya mismo nanggaling ang mga katagang iyon. 

F*ck! This is painful! 

"STUPID!!!----"

*bang!* 

In a snap, my body slammed on the floor, nakaramdam ako ng matinding sakit sa balikat ko. Napatingin ako sa gilid and I saw Hannah seating besides her unconscious boyfriend, holding a gun pointing at me. 

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng biglaang kumalat ang sakit sa buong katawan ko. I held my shoulder and felt the blood flowing out of my wound. 

"AHHHHH!!!" I screamed. Naaninag ko si Raven na gulat na gulat sa nasaksihan and he couldn't even move an inch due to shock. 

"AAAAAAHHHHHHHHHH!!!!" I screamed my heart out, the pain is excruciating! Nagsimula ng manlabo ang mga mata ko. 

My whole body is in pain. 

My shoulder, 

and my heart... are both bleeding. 





A/N: Mas kinikilig ako sa MarVen T__T

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top