-35-
M A X E N E
Agad na nanginig ang bibig ko when I saw Lolo. He maybe the man everyone fears but we know him as a loving and sweet grandfather to us kahit hindi niya kami kadugo.
"Lo..." I called him. Lumingon siya sakin mula sa pagkakatanaw sa veranda at pinasadahan ako ng tingin.
"You lost weight." He said. Nanubig ang aking mga mata. I walked fast to him and hugged him. Hindi ko man naranasan ang magkaroon ng isang ama but he never fails to make us feel that we are his family.
I can still remember how happy he was when he saw us, he bought us a lot of matching dress ni Marshan, he spoiled us in every way he could. He has given us everything we need.
"I heard what happened to Spencer." Natigilan kami sa sinabi niya. Napalingon ako kay Marshan at kay Paeng na bahagya nagtatago sa gilid.
"We have to talk to the Zekovias." Hindi niya itinago ang pagguhit ng galit sa kanyang mga mata. He really despises them. At kung ano man ang kinagagalit niya sa kanila ay hindi ko alam at wala akong ideya.
"N-No need Lo, they promised us that they won't take Raphael away from us."
Lolo didn't hear me out. Punung-puno nga ng mga bodyguards sa labas ng mansyon ng mga Zekovia. Sobrang bigat ng tensyon sa loob ng study room ng mga Zekovia, nakaupo si Lolo sa isang single couch sa harap ni Madam SC. They are staring at each other coldly.
"I believed nasabi na sayo ni Maxene na hindi na namin kukunin ang apo ko mula sa iyo." Madam SC started the conversation. Nakatayo kami ni Marshan sa likod ni Lolo. Nakaupo naman si Raphael sa tabi ng kanyang Ina sa couch sa gilid kasama sina Waldrin at Wela. Habang si Tito Wilson ay nakatayo sa tabi ni Madam SC.
"I don't need your consent about this, apo ko si Raphael at kahit saang korte niyo pa ito ilaban, alam niyong wala kayong laban sakin." Lolo said. Napuno ng kaba ang aking dibdib ng mapansin ko ang pagtigas ng panga ni Madam SC.
"Walrick is his name..." Madam SC hissed.
"Anyway, hindi iyon ang ipinunta ko dito. I know you treated my granddaughters well even after knowing that they are McNeils. We may be enemies, but I am thankful for that." Lolo said. Nagkatinginan kami ni Marshan dahil sa sinabi niya.
"You know it's not our choice to be a part of Venom." Madam SC said, based on her tone and how they look at each other, para bang matagal na silang magkakilala ni Lolo.
"Your late husband established this organization. Ang organisasyong halos pumatay sa tatlong batang ito, including your grandson. Sabihin niyo mang hindi niyo ginusto, nagkaroon na kayo ng kontribusyon sa pagpatay sa mga daan-daang bata."
"Lolo, it's enough..." hinawakan ko ang balikat ni Lolo, ramdam ko ang tensyon sa kanyang katawan na agad namang humupa ng hawakan ko siya.
"I know." He sighed and tapped my hand on his shoulder. Tumayo na siya at muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng study room like he has been here before.
"I never married Theodore, Walter." Madam SC suddenly spoke. I can see pain and hatred in her eyes that I have never seen before. "Ilang taon pa ba ang kailangan kong hintayin para paniwalaan mo ko?!"
"You chose him over me Wilhelmina." Lolo said coldly. Napasinghap ako sa narinig at napatingin kay Marshan na gulat na gulat rin. Napatayo ng marahas si Madam SC at inihampas ang palad sa table sa kanyang harapan.
"I had too because he was too powerful that time! I did that to protect you!"
"Did that protect me? Did that protect our lost child Wilhelmina? You chose to be scared and because of you, namatay ang anak ko." Lolo said with no hint of emotions in his voice, hindi lang ako kundi lahat kami na nandito sa loob ng study room ay gulat na gulat sa narinig.
Lolo walks towards the door pero halos hindi pa rin ako makagalaw sa gulat sa mga pangyayari.
"There were of two them Walter, we lost our daughter but our son lived."
Lahat kami ay napatingin kay Madam SC, maging si Lolo ay napalingon sa kanya na bakas ang gulat sa mukha.
"Wilson is your son, that's why I can't take Walrick away from you because he is your grandson, too."
------
"Lolo..." Marshan called Lolo's attention, mula ng nakabalik kami mula sa mansyon ng mga Zekovia, nakatunganga na lang siya sa may veranda at malalim ang iniisip.
"For more or less 30 years, I lived alone. I was the happiest when I adopted Spencer, because I longed for a family, I longed for my lost child. Not knowing that all these years, I have a son, not just a son, I also have a granddaughter and grandsons."
Nanubig ang aking mga mata, I can sense the pain he's concealing. Our Lolo may be a terrifying man but he's soft-hearted. Naalala ko pa noong dapuan ng dengue si Marshan, no one could imagine how terrified he was.
There's only one thing he was afraid of, and that is losing us.
"Lolo, ex mo pala yung mataray na matandang yun." Marshan said. Agad ko siyang siniko pero ngumuso lang siya sakin. Bahagyang tumawa si Lolo at bumuntong hininga.
"Lolo, ngayon bang nalaman mong may sarili kang pamilya, iiwan mo na kami?" Marshan asked him. I bit my lower lip, lumamlam ang kanyang mga mata as he stared at us.
"Ofcourse not, mga apo ko pa rin kayo."
"Ibig sabihin Lo, hindi pwede sina Maxene at Waldrin diba? Because legally, pinsan namin siya." Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Marshan dahil sa sinabi niya and she just looked at me innocently.
Lolo took out his wallet at iniabot ang black card niya kay Marshan. "Go buy anything you want, I need to discuss something with Maxene." Lolo said.
Ngumuso lang si Marshan si amin. "I'll call Monique then. Hmpt!" Nagdadabog na siyang umalis at naiwan na kami ni Lolo dito sa may veranda. Naiwan muna si Paeng sa bahay ng mga Zekovia, I took my seat as I looked at Lolo.
"You know Maxene, I love you with all my heart, hindi na kita itinuring na iba, para sakin dugo't laman kita, noong una pa lang alam kong hindi ka na magtatagal but I never thought it would be this soon alam na ba ng mga kapatid mo?"
Napayuko ako sa tanong ni Lolo. I smiled bitterly and sighed. "I didn't expect this either and I don't have the heart to say goodbye to them Lo."
"You have my trust and my support, pinapakilos ko na ang mga tauhan ko, unti-unti ng nauubos ang Venom, I heard they will have an emergency meeting somewhere here in the Philippines, the bosses of Venom will be there..."
"Yes Lo, I have my eyes on it, pinapaimbestigahan ko na ito and I'm looking for more details."
"How about this Waldrin guy?"
Bahagyang nag-init ang pisngi ko sa tanong ni Lolo. Marshan was right, legally we are McNeils, and biologically Waldrin is. Sa mata ng batas magpinsan kami.
"Lolo naman..." I pouted.
"I was against Rocket because he's Venom but I saw how much it affected you, I don't want to do the same mistake again. You're at the right age, you should live your life the way you wanted to."
"I'll be happy Lolo. I know I will." I smiled at him. "But before that, gusto ko ring makilala ang mga magulang ko. I am looking for Marshan's parents now, I know they are my parents, too, kaya sana bago ako mawala kahit sana totoong pangalan ko, malaman ko."
Napansin ko na bahagyang natigilan si Lolo sa sinabi ko but he concealed it with a comforting smile, like saying, whatever I may found out, he will always be there for me.
"How about you Lo? What are your plans?" I shifted the topic.
"I don't know. I'm too old for this." He chuckled hiding the bitterness in his voice.
Kaya pala noong unang kita ko kay Tito Wilson hindi ako natakot sa kanya, he may be intimidating but I found it comforting because he gives off the same vibes as Lolo. They have the same emotionless eyes and deep terrifying voice.
"Everything will end up okay, Lo."
M A R S H A N
"Andami na nito Marshan..." Monique said, marami na kong bitbit at ganun din siya. Naiinis ako kasi hindi na naman ako sinali nina Lolo sa usapan nila.
"Ugh! Naiinis ako!" I hissed. Monique looked at me innocently at pansin kong nahihirapan na siya sa mga pinabuhat ko sa kanya. "Pasensya ka na Monique, halika dalhin na natin ang mga ito sa kotse."
Pansin kong kanina pa siya pasipat-sipat sa wrist watch niya. Hindi ko lang masyadong napansin kanina dahil sa inis ko.
"May lakad ka ba ngayon?" I asked her matapos naming ilagay sa trunk ang mga pinamili namin.
"Ah eh, pupunta kasi kami sa Sky Ranch mamayang after lunch ni... ni C-Christian." She blushed. Kaya pala ayos na ayos siya ngayon at bahagyang nagkulot pa ng buhok.
Naningkit ang mga mata ko as I stared at her.
"Ako o si Christian?" I asked her. Ngumuso siya sakin kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Hindi pa ako pwedeng umuwi hangga't hindi sinasabi ni Lolo, I will be alone whole day. Kawawa naman ako." Pagpaparinig ko sa kanya. I glanced at her and saw guilt on her face. One thing I like about her is hindi niya kayang tiisin ang mga kaibigan niya, kung si Maxene yung tipo ng kaibigan na pumoprotekta, ako naman yung bully type.
"S-Sumama ka na lang samin." She said shyly.
"Naku! Ayoko namang maging third wheel." I was hiding my teasing voice. Actually, gusto ko talagang sumama dahil wala naman akong gagawing iba.
"It's okay. I'll text Christian na sasama ka." She said and took out her phone. Lihim akong napangisi as I watch her text Christian. Hindi rin naman nagtagal ay nagreply ito.
"Okay lang daw. Sasama daw si Raven." She giggled.
What the F*CK?!!!
"Ah! May pupuntahan na pala ako---" She held unto my arms and smiled at me sarcastically.
"No Marshan... Walang bawian.." She grinned.
"Hi!!!" Masiglang bati ni Monique kina Christian at Raven, ang laki-laki ng ngiti niya habang ako napapangiwi na lang.
"Hi Monique, hello Marshan!" Christian waved at me. Napairap na lang ako at napahalukipkip habang pinapasadahan ko sila ng tingin. They are both wearing khaki shorts and V-neck body fit shirts.
Okay, mukhang may abs sila. Okay! Okay! Tengene ang init!
Bahagya kong pinaypayan ang sarili ko dahil sa tindi ng sikat ng araw kahit cloudy naman. Grabe ang init ng panahon!!
"Tara Marshan! Roller coaster!" Monique pulled my arm pero agad ko rin namang binawi ang kamay ko.
WTF!!!
I smiled sweetly at her at tinuro yung ice cream stand. "I'm craving for ice cream, don't worry about me. Go! Go!" Pagtataboy ko sa kanila.
Nagkatinginan sina Christian at Monique. "Sure ka? Pero sama ka sakin mamaya sa Vikings." Monique said. Napalunok ako at ngumiti sa kanya.
"S-Sure." I smiled. Pumila na sila sa Roller Coaster at agad naman akong naghanap ng bench. Actually, first time kong pumasok sa isang Amusement Park, nakakahilo pala dito.
"Are you okay?" Raven sat besides me. Napatingin ako sa kanya but my gaze fell on his lips kaya agad akong napaiwas ng tingin.
"I'm fine. Naiinitan lang ako." I said. I am a sniper pero stable lang ako. Hindi naman gumagalaw yung tinatayuan ko, I can handle heights but not sudden drops and sharp curves. Muntikan ko pa nga noong masabunutan si Maxene nung isama niya ko sa drag race niya.
"Are you sick?" Uminit ang pisngi ko when Raven touched my forehead. Agad ko pang natampal yung kamay niya sa gulat.
"D-Don't touch me casually." I hissed.
Umigting ang kanyang panga at sumandal sa backrest ng bench. "I cannot touch you but you're letting Yrew hug you?!"
"W-What?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong.
"Come with me." He hissed and pulled me somewhere. Namutla ako ng dalhin niya ko sa pila ng ferris wheel. I was trying to pull my arm from him pero hinila niya ko papunta sa harapan niya sa pila, holding my shoulders. Rinig ko pa ang angal ng mga nasa likuran namin dahil hindi agad ako gumagalaw kapag umuusog yung pila.
I bit my lower lip due to frustration. Bahagya lang akong tinutulak ni Raven para umusog yung pila.
"For two." Abot ni Raven sa ticket namin. Binuksan nila yung isang carriage ng ferris wheel at halos maestatwa ako ng makita kong bahagyang gumagalaw ito.
Hinila ako ni Raven pasakay at agad naman akong napakapit sa upuan. I closed my eyes tightly at nagsisimula na kong magpanic habang papataas ng papataas yung pwesto namin.
"Hey! Ayos ka lang---"
"Don't move!" I stopped him from getting up from his seat dahil naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng sinasakyan namin.
"Do you have fear of heights?" He asked me. Umiling ako at nakaramdam ng hilo. Bakit ba ang tagal?!!!!
Napasinghap ako when he grab my hand, ang lakas ng pagkakahila niya sakin kaya napaupo ako sa tabi niya at napayakap sa kanya. Napatingin tuloy ako sa labas at kitang-kita ko na kung gaano kataas ang posisyon namin. Napayakap ako ng mahigpit sa kanya dahil sa sobrang panginginig ko.
"Sorry, I didn't know." He pulled me closer to him at bahagyang hinaplos ang buhok ko para pakalmahin ako. Feeling ko maiiyak na ko because I am having a panic attack.
"Ssshhhh." He hushed me ng magsimula na kong suminghot-singhot. Bahagya akong kumalma dahil hindi na ko nahihilo sa galaw ng Ferris Wheel hanggang sa makababa kami and my legs became wobbly, nakaalalay sakin si Raven hanggang sa makahanap siya ng bench para paupuin ako.
"How was it? Did you kiss?" I heard Monique's voice. "Sabi nila when a couple kiss sa pinakamataas na parte ng Ferris Wheel, sila na daw ang magkakatuluyan." I can hear her voice pero parang murmurs na lang until I totally passed out.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top