-32-

M A X E N E 

"We don't really need to attend school." Marshan said while putting on her block heels. I glance at her while putting on my jacket. 


"Ang sabihin mo, takot ka lang makita ulit si Raven." I teased her. Ngumuso siya sakin at bahagya akong inirapan. 


"Bakit ba ikaw? You're not afraid to see them?" She asked me. Napangiti ako ng mapait at inayos yung pagkakatali ng sneakers ko. 


"I already have the word of Zekovia's, they will not harm us--physically, but it's fine, I already mastered concealing my emotions."


Lumabas na kami ng bahay para sana ihatid si Paeng sa school ng mabungaran namin si Tito Wilson sa entrance ng building. He approached us upon seeing us. Kinuha niya ang bag ni Paeng na nakalagay sa likod niya. 


"Ako na ang maghahatid sa kanya sa school mula ngayon, ako na rin ang susundo sa kanya." He said. Nagkatinginan kami ni Marshan bago kami mapatingin kay Paeng na hinihintay lang kung anong sasabihin namin. 


"You can tell us how you feel about this." I told my brother. Napayuko siya at tumingala kay Tito Wilson before holding his hand. 


"Tara na po Dad, pero may mga kondisyon po ako." He said. Napansin namin ang paglamlam ng mga mata ni Tito Wilson at bahagyang paghigpit ng hawak niya sa kamay ni Paeng. 


"Anything son." He said. May kung anong bagay na bumara sa lalamunan ko.


"Ayoko pong nalelate sa pagpasok sa school, at ayaw na ayaw kong late na sinusundo, ayoko pong naghihintay ng matagal." Paeng said. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Marshan sa braso ko. 


"No problem." Tito Wilson smiled faintly. "We have to go, I'll make sure he's safe." He said to us bago akayin si Paeng pasakay sa sasakyan niya. Paeng slightly waved at us at halos nanginginig pa ang kamay kong kumaway sa kanya. 


"Is it really okay Maxene?" Marshan asked me habang naglalakad kami papunta sa sasakyan namin. Muli akong napabuntong hininga. 


"It's fine, Paeng will not leave us, he will always be our brother." 


Nakarating kami ng school. Hindi na kami nagtaka sa biglaang pagbabago ng atmosphere pagkababa namin ng sasakyan ni Marshan, may mga agad na umiwas habang yung iba ngumingiti naman samin at bumabati, maybe they are part of McNeils or other organizations na kakampi namin. 


Gaya ng sabi nila, Zekovia University is a Safe Zone, walang pakealamanan ng organization. Pumasok kami ng classroom at pansin naming kokunti pa lang ang mga nasa loob. 


"We should sit here." Turo ni Marshan sa mga upuan malapit sa door. Yung dati nasa kabilang parte kami sa may bintana. I know she's right, dapat hindi na kami umupo malapit sa kanila. These seats should be fine. 


I started reading some reports tungkol sa mga transactions ng Venoms sa phone ko. Yung mga maliliit na transaction ng Venoms ay pinapaasikaso na nila sa mga ibang members. Hindi rin nagtagal ay dumami na ang tao dito sa loob. 


Marshan is also busy with her phone, maybe nagyou-youtube na naman siya because she's wearing earphones at maya't mayang humahagikgik. 


Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko ng maramdaman ko sina Waldrin na dumaan sa likod namin. They are not saying anything, tahimik lang silang dumaan sa likuran namin. Pinakiramdaman ko si Marshan, I know she noticed them pero hindi na lang niya pinansin. 


Malakas ang kabog ng dibdib ko but still hindi ako lumingon sa kanila. All ties were cut, it's as if we're all strangers again. Hindi na magkakakilala, kaya wala ng pansinan. 


"Good Morning class!!! How's your semestral break?" The teacher asked us. May mga sumagot pero nagkatinginan lang kami ni Marshan na bahagyang napahagikgik. 


"Anyways, you have a new classmate, iho, please come in." Our teacher said. Napatingin kami sa harapan  ni Marshan at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata namin when we saw Yrew smiling widely. 


"Hi! I'm Yrew Gregory Chua. Nice to meet you all." Masiglang bati nito. Napangiwi si Marshan at bahagyang nagtakip ng mukha habang nakayuko sa desk niya. 


"You can seat besides---" 


"Maxene!" He exclaimed, I smiled and  waved at him at naramdaman ko naman ang pagtampal ni Marshan sa braso ko. 


"Don't make him seat near us!" She whispered. Napatawa ako ng mahina. Mabilis na umupo si Yrew sa tabi ko and his arm spread on the backrest of my seat.


"Nagulat ka ba?" He chuckled. 


"Medyo, why did you transfer here?" I asked him. 


"Hmmm you'll soon know." He winked. "Hi Marshan." 


Mas lalong nagsumiksik si Marshan sa may pader na wari'y iniiwasan si Yrew. Napailing-iling na lang ako and focused on the discussion. I was busy taking down notes ng maagaw ni Yrew ang atensyon ko dahil kanina pa siya hindi mapakali. 


I glance at him at agad na nadako ang tingin ko sa direksyon kung saan siya nakatingin. 


My heart almost explode ng magtama ang mga mata namin ni Waldrin, he's glaring at us, they are glaring at us, except kay Monique na malungkot ang mga matang pasulyap-sulyap lang. My chest clenched. Humahapdi ang puso ko. I wrapped my arms around Yrew's head and covered his eyes. 


"Stop provoking them." I whispered to him. 


He removed my hand on his eyes and glanced at me. 


"Sila ang nauna, they threw this paper on me." He hissed irritatedly and gave me the piece of crumpled paper. Napabuntong hininga na lang ako. 


"Buti na lang Maxene andito ka." Yrew pouted and suddenly hugged me na agad namang napansin ni Marshan so she immediately pushed Yrew away from me. 


Yrew caught her hand then smirked at her, "Buti naman tumingin ka na rin sakin." He chuckled softly. Bahagyang namula si Marshan especially when Yrew pulled her and softly pinch her cheeks. 


-----

"D*mn! You're heavy!" Marshan groaned ng akbayan siya ni Yrew habang naglalakad kami sa hallway during break time. 


Natigilan naman kami sa paglalakad ng biglang humarang yung tatlo. Napatingin ako kay Waldrin, I can still see pain in his eyes pero mas puno ito ng galit. 


I miss him so much. Pinipigilan ko lang ang sarili kong lumapit sa kanya at yakapin siya. I love him still, and I'll continue loving him kahit mahirap, kahit masakit, kahit hindi na pwede


"Y-You really have the guts to show us your faces." Waldrin hissed. Napayuko ako at nakaramdam ng matinding kirot sa dibdib ko. 


"Ang kapal ng mukha niyong bumalik dito after all those lies." Christian almost shouted. Naramdaman ko ang kamay ni Yrew sa bewang ko. 


"Stop barking at the wrong three. Hindi kasalanan ng mga McNeils kung bakit kayo nawalan ng mga kapatid." Yrew said. Napatingin agad ako kay Yrew. 


"W-What?" I asked. 


"Galit sila sa mga McNeils dahil McNeils ang sinisisi nila na kumidnap sa mga kapatid nila, Waldrin lost his younger brother and Christian lost his twin sister, who happens to be Raven's first love." Yrew smirked. Nanlalaki ang mga mata namin ni Marshan sa narinig. 


"Shut up!!!" Hindi na kami nakapalag when Raven grabbed Yrew's collar. Nabitawan pa kami ni Yrew dahil doon. 


"What is this?!" May babaeng kunot noong lumapit samin and her arms immediately wrapped around Waldrin's arm. 


"Bakit mo inaaway si Yrew, Raven?!" She spat. Nakagat ko ang ibabang labi ko. This is getting more unbearable. Raven harshly pushed Yrew away, we immediately caught him before he lost his balance. 


Napatingin ako sa babaeng nakahawak sa braso ni Waldrin she's looking at me curiously. 


"Your Maxene, right? My fiancé's ex-girlfriend?" Napasinghap ako sa narinig. F-fiancé? Napatingin ako kay Waldrin but he was just looking at me coldly. Mas lalong nanikip ang dibdib ko. 


"I'm Yasha, anak ako ng may-ari ng Primera." She walks towards me and shake my hand. Halos hindi na nga ako nakahinga sa ginawa niya. "I'll take care of Waldrin, and you'll take care of Yrew." She winked at me. 


Warm arms wrapped around me bago pa bumagsak ang mga luha ko. Yrew guided my head to his shoulders para itago ang mga luha ko. 


"She doesn't have to take care of me, I'll take good care of her." I heard Yrew said, hindi ko na napansin ang naging reaksyon ni Yasha, Yrew pulled us away from them. I can't help but be thankful, he's very observant of us at lagi na lang siyang sumusulpot at times when we needed him the most. 


"Hindi sila dapat iniiyakan." Yrew said as he wiped my tears with his hanky. "You almost broke down in front of them." He hissed. 


"Sorry--"


"Bakit ka ba nagagalit? It's only natural for her to cry when she's hurt!" Bulyaw naman ni Marshan sa kanya. 


"Nakakainis kasi yung mga gag*ng yun! Walang nagpapatunay na McNeils ang kumidnap sa mga kapatid nila, no one knows, pero naghanap pa rin sila ng masisisi at nagtanim ng galit sa mga McNeils." Yrew hissed. Nakagat ko ang ibabang labi ko. 


Sa sitwasyon namin ngayon, if Waldrin founds out that Paeng is his brother mas lalo nila kaming kakamuhian dahil nasa amin si Paeng, they will eventually think na kami nga ang kumidnap sa kapatid niya. 


"Let's have our lunch, but promise me Maxene, you won't cry again in front of them." Yrew said, he held my hand at hinila na ako papuntang cafeteria habang nakasunod lang samin si Marshan. Si Yrew na rin ang nag-order para samin. Naiwan kami ni Marshan sa table at halos few tables away lang sila Waldrin samin. 


Katabi niya si Yasha and they are talking. Waldrin never talks to girls other than me before, hindi nga siya masyadong nakikipag-usap kay Marshan at Monique noon. 


It hurts...  It hurts big time!!!


"Get used to it. Araw-araw ganyan ang makikita mo, good thing nasa ibang section si Yasha." Nilapag ni Yrew yung tray sa harapan namin at binalikan yung iba pang trays. 


"I can sense something between Yasha and Yrew." Marshan whispered to me pagkaalis ni Yrew. "When Yrew hugged you, nakita ko kung pano tumalim ang tingin ni Yasha sa inyo. I can smell something fishy." 


I stared at Marshan and weighed her words. Minsan tamang hinala rin siya. 


"H-Hi, pwede bang maki-table?" Napatingin kami ni Marshan kay Monique, her hands are shaking habang nakahawak sa tray niya. Halos namumutla na rin siyang nakatayo sa harapan namin. 


"Sure, you can have a seat." Marshan smiled at her. Agad na umupo si Monique sa tabi ni Marshan and shyly smiled at me. 


"I-I don't have anything against McNeils, and I don't have any friends besides the two of you. P-Pwede bang sumama ulit ako sa inyo kahit parte ng Venom ang pamilya namin?" She asked nervously. Nagkatinginan kami ni Marshan. 


"It's okay Monique, you don't have to fear us, matagal ko ng alam na Venom ka and I never hurt you after knowing that." 


Monique burst into tears at agad namang siyang inalo ni Marshan. 


"What did you do Marshan? Why did you make her cry?" Inilapag ni Yrew ang tray niya sa table namin. Marshan glared at him at tinuloy lang ang pag-alo kay Monique.  


Eating is starting to be painful for me pero hindi ko iyon pinapahalata kina Marshan. I already lost my palate, my doctor said that food will soon be poisonous. I don't want my siblings to wonder why I am not eating well. 


Tama ng isipin nila na sumasakit ang mga dati kong sugat at bali kapag nawawalan ng bisa ang mga drogang iniinom ko. That's enough, that's all they have to know. 


"Kumain ka lang ng kumain, kundi kakainin ka ni Marshan." Yrew said to Monique na agad namang ikinapantig ng tenga ni Marshan. Napatawa si Monique sa sinabi nito, napangiti ako sa nasaksihan, she glanced at me and I smiled widely at her, ngumiti siya sakin pabalik and I felt something soft touch my heart. 





Umakyat ako sa rooftop during our vacant time, naiwan sa baba sina Yrew at Marshan na kanina pa nagwrewrestling sa may damuhan and I left Monique to deal with the two of them. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang ibang tao doon. 


I need a breather, I also need some sleep at hindi ako makatulog sa park dahil sa ingay nina Yrew at Marshan. Umupo ako sa gilid at sumandal sa pader, I looked at the cloudy sky,


Sana totoong nagiging stars ang mga kaluluwa ng mga namamatay, so I could still continue to watch over them... I hugged my knees ng makaramdam ako ng antok and slowly drove to sleep. 


Naalimpungatan ako when I felt like someone's staring at me. I opened my eyes pero nakaramdam ako ng matinding hilo kaya bumagsak ako sa sahig. 


"Are you okay?" He gasped at tinulungan akong bumangon. Napakurap-kurap ako ng ilang beses and I saw Christian in front of me. 


"C-Christian..." I said softly. Pinasandal niya ko sa pader at bahagya akong binitawan. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa bahagyang pagkirot nito. 


"I-I just want to ask you something..." He said, umupo siya sa harapan ko at bumuntong hininga. 


"A-After knowing that we're part of Venom, bakit hindi niyo kami sinaktan, why didn't you kill us?"


Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga, "Hindi kayo ang kalaban namin, it's Lord of Venom, you heard him, I know Venom more than what you know, and what you can know. Ako na tinuring niyang anak ay kaya niyang gawing ganito... He made me into a monster and he almost did the same to my siblings. Hindi ko siya mapapatawad..." I hissed.


"He can't, he's into charity. Marami na siyang institusyong tinulungan---" 


"Wala akong pamilya Christian, I grew up in that organization. Lumaki akong pumapatay..." I said furiously. Nanlaki ang mga mata ni Christian sa narinig, agad akong nag-iwas ng tingin at inayos ang sarili ko. 


"I'll help you know your sister's whereabouts..." I said before I left him.  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top