-31-
April 6, 2018
Happy 22nd Birthday to me!!
Dahil birthday ko, etoh na another UD!!!
M A X E N E
"Ika-ilang laban mo na ito?! You don't need the money Maxene, my allowance alone is too much for the three of us!" Natigilan ako sa pagtanggal ng benda sa mga kamao ko as I glance at Marshan. Ika-ilang laban ko na nga ba ito ngayong linggong toh?
"You know why I am doing this." I sighed. She tapped her foot on the floor at tumingin sakin na wari'y naiinis.
"Tapos mamayang gabi may drag race ka pa! Gabi-gabi na lang Maxene! Tapos anong oras ka ng makakauwi! Then you'll go out early in the morning---"
"I cannot stand doing nothing, pumapasok lang siya sa isip ko." I cut her off. Natigilan siya sa sinabi ko at agad na umupo sa tabi ko. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa matapos kong ligpitin ang mga gamit ko at makapagpalit na rin ng damit.
"Here's Mr. Kulit again." Marshan rolled her eyes ng mabungaran namin sa labas si Yrew. As usual, naka-aviators ito at cool na cool na nakasandal sa sasakyan niya.
"Saan tayo ngayon?" He approached us. Umirap sa kanya si Marshan at maangas na pinatunog ang sasakyan namin.
"May sasakyan kami. Can't you see?" Mataray na sabi niya kay Yrew na agad namang napasimangot sa sinabi nito.
"I promised Marshan na magshoshopping kami today." I said to Yrew umaliwalas naman ang mukha.
"No problem, susunod na lang ako." He smiled widely at me. I nodded at him bago ko sundan si Marshan na nagdadabog na naglakad papunta sa sasakyan namin.
"He really as in really likes you!" She exclaimed habang pinapaandar yung sasakyan. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. As always, she easily jumps into conclusions.
"But unfortunately, si Waldrin pa rin ang gusto ko para sayo. But if ever, if ever magustuhan mo man si Yrew, I'll try my best to support you even though he irritates me to the core." She glanced at me. Napatingin ako sa kanya at hindi ko na napigilang mapatawa.
"You easily fall for guys who irritates the hell out of you, sa tingin mo hindi ko alam na nahulog na ang loob mo kay Raven?" I asked her. Bigla siyang napapreno at nanlalaki ang mga matang napatingin sakin.
"W-W-What?!" She gasped. Tumawa lang ako sa kanya at napailing-iling.
Dumiretso na kami sa Mall, and gaya nga ng sinabi niya, nakasunod samin si Yrew. Lagi man silang nagbabangayan ni Marshan, hindi pa rin nawawala ang pagka-gentleman niya. He volunteered to carry our stuffs kahit mabibigat ang karamihan dito.
M A R S H A N
"Dahil mabait ako today, ililibre kita ng ice cream." Sabi ko kay Yrew ng umupo kami sa bench. Umalis saglit si Maxene para mag-CR.
"Dapat lang, ang bigat-bigat nitong mga pinamili mo!" He grunted. Hindi ko na pinansin ang angal niya dahil I feel light today, good mood ako.
Naglakad ako papunta sa food court para bumili ng soft ice cream. Ilang araw na rin akong nagcre-crave ng ice cream. Well, simula noon nawalan na ko ng ganang pumunta sa convenience store para bumili ng ice cream. Those little and sweet memories are hurting me everytime.
"Anong gusto mo? Chocolate or Vanilla?" I asked Yrew pagkalapit ko sa kanya. Bumaga siya ng hangin at humalukipkip sa harapan ko.
"Wow! Tig-10 pesos lang yan ah! Umasa pa naman akong sa DQ ka bibili!" He hissed. I laughed at him at inabot yung chocolate ice cream sa kanya.
"Dami mong reklamo! Pasalamat ka nilibre kita." I chuckled. Umirap lang siya sakin at sinimulan ng kainin yung ice cream na binigay ko. I sat besides him, hindi ako allergic sa kanya today dahil binitbit niya yung mga pinamili namin.
I was busy licking my ice cream ng maramdaman ko ang pag-akbay sakin ni Yrew, he slightly pulled and licked the side of my lips.
Naestatwa ako sa ginawa niya at dahan-dahang napatingin sa kanya. He was just smirking at me habang nanlalaki ang mga mata ko sa gulat.
"Raven, you know them?"
Agad na nabaling ang tingin ko sa nagsalita and there they are, few steps in front of us-- Raven and his ex-girlfriend. Nag-init ang mga sulok ng mga mata when I saw them holding hands.
So, nagkabalikan na nga talaga sila...
"No. Tara na." Raven said coldly. Nakita ko kung paano niya hawakan ng mahigpit ang kamay nung babae bago sila umalis sa harapan namin. My chest clenched, ang hapdi sa pakiramdam.
"Ang sakit noh?"
I gave Yrew a sharp glance habang ngingiti-ngiti lang siyang kumakain ng ice cream.
"I know I am annoying, but..." Umusog siya papalapit sakin pero hindi ako nagpatinag. "You can count on me, I swear hindi ko kayo pababayaan ng kapatid mo." He smiled softly at me.
That moment, for the first time, I saw sincerity in his words and it warms my heart.
M A X E N E
"Marshan had always been longing for a brother figure. Even though we have Kuya Spencer, iba pa rin yung closeness niya sa mga kaedad niya. She wanted a boy version of me, and I am seeing it in you." I said to Yrew pagkababa namin ng building namin. Nauna ng umakyat si Marshan dahil aayusin pa niya yung mga pinamili niya.
"I know... Your sister is very fragile and I wanted to protect her, too." He said. Napangiti ako sa sinabi niya.
"I don't know why you are doing this, but thanks for being such a good friend to us." I smiled at him. He took some steps and suddenly hugged me. I'm getting used to him being clingy like this.
I can feel his loneliness that's why I'm letting him.
"Hmmmm... You'll soon know. But believe me, my intention is pure." He said. I tapped his back softly before he let go of me.
"Waaahhhh!!! No touch!" Marshan immediately pushes Yrew away from na ikinagulat naming dalawa ng husto. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa at bahagyang napailing.
"Sus, inggit ka lang eh." Yrew chuckled and grab Marshan for a hug. Nakita ko pa kung paano maestatwa si Marshan sa kinatatayuan niya until Yrew let go of her and kiss her cheek.
Tatawa-tawa na lang na umalis si Yrew habang pulang-pula naman si Marshan sa kinatatayuan niya.
"Hmmm... You're always shy about these stuffs." I teased her ng makalayo na ang sasakyan ni Yrew samin. Ngumuso siya sakin.
"Well, hindi naman kasi ako katulad mo na walang pakealam sa mga ganung bagay!" She grunted.
"He's just a friend, walang malisya." I chuckled. "You easily get flustered Marshan, look how innocent you are." I laughed. Mas lalo lang siyang namula at nagmartsa na papasok ng building namin.
She's just too cute.
"Maxene, Marshan..." Parehas kaming natigilan ni Marshan.
Halos hindi kami agad nakareact sa biglaang pagsulpot ni Kuya Spencer. Marshan held my arm, ramdam ko ang panginginig niya habang nakahawak sakin.
"I-I'm sorry..." He said.
I pressed my lips tightly as I held Marshan's hand.
"Guess what Kuya, we're living. Kaya na naming mabuhay ng wala ka." I said insensitively. His eyes widen bago ito lumamlam na parang naluluha. Napahigpit ang hawak ko kay Marshan dahil naramdaman ko ang sakit ng mga katagang binitawan ko.
"D-Don't say that Maxene---"
"Please leave, hindi ka na namin kailangan, just how you just cut us off in your life." I said. Nanginginig ang mga kamay kong hinila si Marshan papasok ng building namin.
He never called nor visited us. I tried my hardest to understand him, he's going to have his family soon I know, pero hindi naman siguro mahirap na kamustahin kami paminsan-minsan.
He just went away like that, he just left us without saying anything.
And I never felt betrayed like that before...
Narinig ko ang pagsinghot-singhot ni Marshan bago kami makarating sa unit namin. I know how much she missed our brother, I miss him, too. But things just got rough.
"Luto na yung pagkain Ate." Bumungad samin si Paeng na nakasuot ng apron at may hawak na sandok. I don't know why he is being like this, he's been cooking for us lately.
"Do you feel like you need to take care of us?" Nagsquat ako sa harapan ng kapatid ko at kinuha yung sandok mula sa kanya.
"W-Wala na si Kuya, and you're both girls, I am obligated to protect the two of you because I'm the only man here." Nakayukong sabi niya. Kumirot ang puso ko sa narinig, nagkatinginan kami ni Marshan bago siya palihim na nagpunas ng luha.
"You don't have to, mas gugustuhin pa naming nakikipaglaro ka sa mga kaedad mo Paeng." I said to him.
"You've been through a lot, lagi kang nagkakasakit sa gabi. You can just stay in bed and rest and I'll do everything, kaya ko naman." He insisted. Mas lalong nanikip ang dibdib ko sa narinig. I held my brother's shoulder before hugging him tight.
"Sige, sige. Kumain na tayo then. Tignan natin kung pasado na ang luto mo." I smiled at him. I saw the sparks in his eyes like he's is very proud of his cooking. Para bang excited siyang ipatikim ito sa amin dahil sigurado siya sa lasa.
Lumalaki na ang kapatid ko. Nagiging responsable na siya. I can leave him without any regret, besides I know kapag naibalik na siya sa mga Zekovia, alam kong hindi nila siya pababayaan. I'll be at ease and at peace.
"Wow! Nag-youtube ka dito noh?" Marshan exclaimed after tasting Paeng's cooking. Ngumuso si Paeng sa kanya.
"Atleast, nakuha ko yung lasa." He snorted. Napangiti na lang ako as we enjoyed the food when the doorbell rang. Nagkatinginan muna kaming tatlo before Marshan volunteered to open the door.
"May bisita kayo ate?" Paeng asked me. May wall divider dito sa may kitchen kaya hindi namin nakikita kung sino yung mga pinapasok ni Marshan.
"M-Maxene." Marshan breathed. Napalingon ako sa kanya at agad naman akong napatayo ng makita kung sino ang mga bisita namin.
"M-Madam SC, Tito Wilson." I gasped. Dumako ang tingin nila kay Paeng na nagtatakang nakatingin rin sa kanila.
"Oh! She's the grandma at Ate Monique's shop!" Paeng exclaimed. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. My heart's pounding inside my chest sa sobrang kaba. K-Kukunin ba nila si Paeng?!
No! Not yet! H-Hindi ko pa kayang mawalay sa kapatid ko.
"A-Ano pong ginagawa niyo dito?" I breathed.
"Hindi namin siya kukunin Maxene, we just wanted to see him. Knowing that he's in the hands of McNeils, sigurado kaming hindi niyo siya pababayaan." Madam SC sighed. Hindi ko alam kung nakahinga ba ko ng maluwag sa narinig.
"Kamusta ka iho?" Baling ni Madam SC kay Paeng. Muli kong nahigit ang hininga ko.
Paeng smiled at them. "Kumain na po ba kayo? Nagluto po ako, why don't you join us?" He said. Nanghihina akong napakapit sa upuan ko as I stared at them. Marshan gently stroke my back. Nanginginig pa rin ako.
Kahit sabihin man nilang hindi nila kukunin si Paeng, natatakot pa rin ako sa mga pwedeng mangyari if he founds out that the man in front of him is his father.
"We would love to iho but we have to go." Madam SC softly smiled at him. Tumingin sila samin bago nagpaalam. Nanghihina akong napaupo sa upuan ko ng ihatid na sila ni Marshan palabas ng unit namin.
My chest hurts so bad.
Bumalik si Marshan and again stroke my back para pagaanin ang pakiramdam ko.
"That man..." Tumingin samin si Paeng. "He is my father." He said and I froze.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top