-27-
"What are we gonna do?" Marshan asked pagkatapos niya kong turukan ng anti-tetanus. She continued cleansing my wounds na nakuha ko kakamadali ko kaninang umuwi.
"Let's go back to England." I said. Natigilan siya sa pagbenda ng kamay ko at napatingin sakin.
"Are you sure? You know what will happen to you if Lolo sees you. Well, not only to you."
Nakagat ko ang ibabang labi ko sa narinig. Lolo doesn't like Raphael because he came from the family he hated the most! He hates Madam SC and her family! F*ck! Bakit ba ang liit ng mundo?! Kung kailan napapalapit na ko sa pamilya nila!
"Hanggang ngayon ba hindi pa rin umuuwi si Kuya?" I asked her. Umiling lang siya sakin at bumuntong hininga na rin.
"Do you want to meet her? I mean, Claire, the girl..." Bumuntong hininga si Marshan, she can not formulate a word to describe her, ramdam ko ang inis niya sa kapatid ni Christian. She could've easily called her bitch or anything disrespectful but she also realized that she's carrying a McNeil.
"Why? What did you find out?"
"Kuya is living with her. Butler July informed me, I know where she is, let's go."
I felt the need to go with Marshan, just knowing that she can't even talk straight means that there's something wrong. Ganyan na ganyan siya kapag galit siya. Putol-putol magsalita. Hindi niya nakukumpleto ang mga gusto niyang sabihin. She can do something to harm Claire.
Buti na lang iniwan namin si Raphael sa coffee shop ni Monique para may kalaro si Queenie. Marshan grab the key she first saw at ngayon ko lang napansin na marami pa lang susi ng sasakyan dito.
Bumaba kami ng parking space at agad namang tumunog ang sasakyan. It's a mustang. It's MY mustang!! At lahat ng sports car ko ay nandito!
"H-How?" I gasped.
"We know how you missed racing so much, how about a drag race later to shake off your stress?" She smirked. Napangisi ako ng ibato sakin ni Marshan ang susi ng kotse ko.
"Locate her." I said at agad kaming sumakay ng sasakyan. Hindi rin naman nagtagal ay natunton namin ang building na tinutukoy ni Marshan. Mabilis na naglakad papasok si Marshan na agad ko namang sinundan.
"This is the unit." She breathed pagkarating namin sa penthouse ng building. "He just bought this recently for that bi-- girl!!"
Pinindot ko yung doorbell pero agad ding hinila ni Marshan ang braso ko.
"What are you doing?!"
"I thought you wanted to meet her---"
"Yes? Ano pong kailangan nila?" Nahigit ko ang hininga ko upon seeing her, medyo obvious na ang umbok ng tiyan niya. Not like the last time I saw her.
"Oh! I know you! You're Christian's classmate! And wow! You have a twin sister, do you live here, too?" She asked me. Pansin ko ang pagkakapareha nila ng ugali ni Wela, well they're friends after all.
"No, but our brother does. We're here to take him back." Malamig at may diing tugon ni Marshan. Kumunot ang noo ni Claire as she opened the door wider for us.
"Who?"
"Spencer." I breathed. Napansin kong naestatwa si Claire sa narinig as she held on the door for support.
"Why?" She was breathless.
"You bitch! You took away our brother from us! Hindi ka na ba makahanap ng kakamot sa kati mo that you even seduced our brother?! You gave him a responsibility he shouldn't supposed to have!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Marshan and she even spoke in Tagalog! She looks so furious!
"H-Hindi ko naman sinasadya---"
I grab Marshan when she was about to grab Claire, "Hindi sinasadya?! You don't f*ck with me bitch! Mang-aagaw ka! Kuya Spencer is ours! Just ours!!!"
"Please close your door, lock it. I'm sorry." Paghingi ko ng paumanhin kay Claire. Nanginginig siyang nagsara ng pinto as I try to make Marshan calm down.
"What the?! Let me go Maxene! I'll teach that slut a f*cking lesson!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal siya. Bumagsak siya sa sahig at hindi makapaniwalang nakatingin sakin habang sapo-sapo ang pisngi.
"Y-You hit me..."
"You're being too much Marshan! Pano kong may mangyari sa bata?! Kuya Spencer will be mad at us or worse he will hate us all his life!" Bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata habang dahan-dahang tumatayo.
Ito ang unang pagkakataong napagbuhatan ko siya ng kamay and I know didibdibin niya ito. Mabilis siyang naglakad palayo hanggang sa nagtatakbo na siya paalis. Nakaramdam ako ng matinding guilt sa loob-loob ko.
Hinabol ko siya, hindi naman siya mabilis tumakbo dahil nakaheels lang siya. Bumukas ang elevator at iniluwa nito si Kuya Spencer na gulat na gulat na nakatingin samin.
Marami siyang bitbit na mga groceries, karamiha'y mga gulay at prutas.
"M-Marshan, Maxene."
Nakayuko lang si Marshan at hindi pinansin si Kuya Spencer, pumasok siya sa loob ng elevator at agad ko naman siyang sinundan. I glared at Kuya Spencer bago ako sumakay ng elevator. Malamlam ang mga mga ni Kuya habang nakatingin samin hanggang magsara ang pinto.
Agad kong niyakap si Marshan na agad namang napahagulgol.
"I'm sorry Marshan, I'm sorry." I said as she poured her heart out.
-----
"I'm sorry sa nagawa ng kapatid ko." I said to Christian, natigilan pa siya sa pag-inom ng chuckie at napatingin sakin.
"Ayos na naman dahil pinanagutan na niya si Ate Claire at inalok ng kasal." He said. Sumikip ang dibdib ko sa narinig. Hindi ko alam yun, wala kaming alam ni Marshan tungkol dun.
"G-Ganun ba? Buti naman." I said at napayuko. I never thought it would be too soon. At mukhang masasaksihan ko pa ang paglayo samin ng kapatid ko bago ako tuluyang mawala.
"Are you okay? You look pale." Napapikit ako ng maramdaman ang kamay ni Christian sa pisngi ko. I don't know why I feel so attached to him. His warmth is very comfortable, he feels like home.
"I'm fine, marami lang akong iniisip." I sighed.
"I think you should talk to Waldrin, ilang araw mo na siyang hindi kinakausap. Alam mo bang inis na inis na siya at hindi na niya alam kung kanino niya ibubuntong ang galit niya." He said. Napaiwas ako ng tingin at bumuntong hininga. I've been avoiding him these past few days dahil natatakot na ko sa nararamdaman ko.
I'm starting to fall for him kaso hindi pwede dahil magkaaway ang mga pamilya namin. And worse, if they see Paeng, I'm sure malalaman nilang anak nila ito, kukunin nila si Paeng samin and I don't know if kakayanin kong mawalay sa kapatid ko. Iniisip ko pa lang mababaliw na ko.
"Saan ko ba siya pwedeng makausap?" I asked him. Ngumiti siya sakin at hinawakan ako sa braso.
"Come on, I'll bring you to him." He grinned. Nagpatangay ako kay Christian. Tumigil kami sa harapan ng parang isang room. "Dito ang headquarters namin. Wait for me here." He winked at iniwan ako sa labas habang nakabukas ang pinto.
"May surpresa ako sayo!" I heard Christian exclaimed inside. Pinagsiklop ko ang mga dailiri ko sa sobrang kaba.
"What?!"
Binalikan ako ni Christian and slightly pulled me inside. Nakita ko si Waldrin na nakahiga sa couch at naglalaro ng PSP. He looks so agitated na kulang na lang masira yung PSP sa tindi ng pagpindot niya.
"Kaya mo yan." Christian whispered to me at dahan-dahang lumabas at sinara yung pinto.
"What is it?!" Waldrin yelled. Napakislot pa ko sa gulat. Ang atensyon niya ay nasa nilalaro niya at hindi ko alam kung napansin na niya ko. Muli akong binundol ng kaba.
"M-Mukhang busy ka, n-next time na lang." I said. Naglakad ako papunta sa pinto when he grab me at mahigpit akong niyakap.
"Why are you doing this Maxene? I miss you so much." He whispered to me as he brush his palm on my hair. I hugged him back, I miss him, too.
Alam ko na sa sarili ko kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Naninikip ang dibdib ko at gusto kong maiyak. Miss na miss ko na rin siya.
"Is it about Dad? Lola? Tell me..." He cupped my face at bahagyang pinunasan ang mga nangingilid kong luha.
"H-Hindi ko pwedeng sabihin sayo." I said. Nahigit niya ang kanyang hininga as he pulled me for another hug.
"Okay then, I won't force you. Namiss kita sobra. Don't do that again okay?"
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya at bahagyang tumango.
"Sorry ulit."
"It's okay now, I'm okay now. You're here already."
May kung anong humaplos sa puso. My heart's so delighted with his simple words and how fast he could forgive me after ignoring him for days. I never expected him to be this warm and sweet.
"Now, I believe I deserve a payment." He grinned. Bahagyang namula ang pisngi ko sa sinabi niya. He held my face as he rubs the tip of his nose on mine.
"I love you." He said. I looked at his eyes and smiled at him.
"Me, too. I love you." I said. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Really?"
I chuckled and nodded at him. He immediately kissed me and I kissed him back. No need to lie anymore, no need to stop myself. I only have a little time left, I deserve to be happy until my very last breath.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng headquarters nila. Hindi maalis ang mga ngiti sa aming mga labi.
"Maxene!!!!!" I gasped when Marshan grab me at mabilis na nagtago sa likod ko. Kumunot ang noo ko ng tumigil sa harapan namin si Raven na bahagyang hinihingal. Marshan wrapped her hands around my tummy at nagsumiksik sa likuran ko na parang may tinataguan.
"Anong problema?" I asked Raven.
"Why don't you ask that brat twin of yours?!" Raven hissed.
"Marshan?"
Humigpit ang hawak niya sakin at sinubsob ang mukha sa likod ko.
"Say sorry to him, if you did something wrong." I said.
"No! He'll kill me!" Iling nito sa likod ko, feeling ko tuloy naipupunas na sa jacket ko yung make up niya.
I held her arm pero mas humigpit pa ang yakap niya sakin.
"Now, Marshan." I warned her as I forcefully removed her arms around me.
"A-Awww!" Naiiyak na sambit nito. Hinila ko siya sa tabi ko at maluha-luha siyang tumingin sakin.
"What did you do?"
"I found out that he's still trying to win back his ex-girlfriend! Eh diba he's into you already?!" She hissed. Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Raven na ngayo'y nakaigting na ang mga pangang nakatingin kay Marshan.
"I just wanted to save her! She's in danger!"
"In danger?! She looks happy with him!" Marshan shot back.
"Marshan, you don't have the right to mingle with his personal life." Sita ko kay Marshan. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Waldrin sa bewang ko at ang bahagyang paghila niya sakin papalapit sa kanya.
"But he's being a playboy!" Marshan grunted.
"Bakit ba hindi kayo magkasundo?" Waldrin asked them. Napansin ko ang bahagyang pamumula ni Marshan as she threw sharp glances at Raven.
"Because he's a jerk!"
"And you're a brat!" Raven shot at her.
"See?! He's a jerk! I don't like him!" Naiiritang sabi nito.
"I don't like you, too." Cool lang na sabi ni Raven sa kanya. Nakagat ni Marshan ang ibabang labi sa sobrang inis. Napatingin ako kay Waldrin na wala pala ang atensyon dun sa dalawa kundi nasa akin.
Bahagya akong namula dahil sa klase ng tingin niya.
"Let's leave them alone. They have their own world." He whispered to me.
"P-Pero, baka magkasakitan sila."
"Trust me, I know Raven, too well. He won't hurt her." He assured me. Gaya nga ng sabi niya mukhang hindi na kami napansin nung dalawa na nagbabangayan pa rin sa hallway.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top