-26-

M A X E N E

Hindi binitawan ni Waldrin ang kamay ko as we roamed around their mansion. I felt so relieved dahil kanina'y sobrang kinakabahan ako. Their mansion screams luxury and elegance, but still our mansion is a lot better. 


I can not help but compare, especially the chandelier in front of their grand staircase. Ours were made of diamonds, pure and real diamonds. Yung sa kanila hindi ko lang sigurado, but I'm sure it's expensive. 


"I also have this." Tukoy ko sa isang crystal figurine na nakalagay sa isang table. May disenyo itong dalawang red carps na parang tumatalon sa ere. 


"It's the Crystal Myriad Ji Xiang, a gift by the Swarovski to Lola on her birthday." He said. 


"A gift? I didn't know na tumatanggap pala ang lola mo ng mga hindi kamahalang bagay." I said as we started to walk again. 


"That's a limited edition piece, paanong hindi kamahalan?" He asked. Napakurap-kurap ako sa sinabi niya at medyo naguluhan. 


"But that's just a paper weight." I said. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya tapos bigla na lang siyang tumawa. 


"That's a $20,000 sculpture, ang mahal at ang laki niyan para gawin mo lang paper weight. I can't imagine now how wealthy your family is." He chuckled. Bahagyang namula ang pisngi ko sa sinabi niya. It's a gift given to us by Kuya Spencer on our birthday, tig-isa nga kami ni Marshan pero color pink yung sa kanya.


"Come on, they're waiting at the dining hall." He slightly pulled me. Still hindi niya binitawan ang kamay ko. 


Bigla akong naconscious sa suot kong jacket, faded maong jeans at rubber shoes. I am still wearing my eyeglasses, hindi ko sinabi kay Marshan na pupunta ako dito because I'm sure pipilitin niya akong magsuot ng bestida. 


"Oh! They're here! Welcome to our humble home ija." A beautiful lady approached us, kulay langit ang kanyang mga mata na gaya kay Waldrin, she have a great resemblance to Wela who is looking at me right now habang nakataas ang kilay. 


She pulled me closer to kiss my cheeks at bahagya akong niyakap. 


"Mom, you're suffocating her!" Waldrin pulled me away from his Mom. 


"Waldrin naman! I am just so happy, ngayon ka lang kasi nagdala ng babae dito." His Mom said. Napatingin ako kay Waldrin na nakakunot ang noo at bahagyang namumula. I bit my lower lip ng mapansin ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko. 


"Hello po, I'm Maxene." I said shyly. 


"I know. I know. Mama and Wela told us a lot about you. My daughter likes you so much." She giggled. 


"MOM! That's not true!" Angal ni Wela na ngayo'y namumula na at patuloy pa rin ang pag-irap sakin. 


"That's enough Alicia, kumain na tayo." Madam SC spoke in a very authoritative voice. Ngumiti sakin si Tita Alicia. Iginiya ako ni Waldrin paupo sa isang upuang gawa sa mahogany, sa harap ng kanyang Ina. 


"This is your Tito Wilson, Maxene pagpasensyahan mo na dahil sa kanya nagmana si Waldrin." Napatitig ako kay Tito Wilson, he looks so cold, na gaya ni Madam SC na may kakaibang awra. But his aura feels very familiar, it may be intimidating to others but it feels comfortable for me. Dahil na rin siguro kay Madam SC, nasanay na rin ako sa kanya. 


"Magandang araw po." I said. 


"Nice to meet you." He said. Buo at nakakatakot ang boses niya. It sounded so familiar to me. Napatitig ako kina Tita Alicia at Tito Wilson, ano kaya ang pakiramdam ng magkaroon ng magulang? 


"Uhm, may dumi ba kami sa mukha ija? Kanina ka pa kasi nakatitig samin." Tita Alicia asked me with a laugh. 


"Sorry." Napayuko ako sa bahagyang pagkapahiya. 


"No, it's okay you can tell us what's bothering you." Tita Alicia said to me nicely. May kung anong mainit na bagay na humaplos sa puso ko. I felt Waldrin's hand on mine. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. 


"I am just wondering, what it feels like to have parents." I said at tumingin kay Tita Alicia. Pansin ko ang pagkagulat sa kanilang mga mukha, no one dared to create noise for few moments. 


"W-What do you mean..." Wela asked me. Ipinatong ko ang isang kamay ko sa kamay ni Waldrin na nakahawak sakin. 


"I was adopted, we were adopted, lumaki kami ng mga kapatid ko sa isang sindikato." I said half truly. Napasinghap si Tita Alicia, nanlalaki ang mga mata ni Wela at nakatitig lang sakin si Tito Wilson. Madam SC is just listening to me. 


"I- I don't know..." Halos walang boses na lumabas sa bibig ni Waldrin. 


"Marami ka pang hindi alam sakin." I smiled at him. Ngumiti ako sa kanila and tried to look happy. 


"But I'm happy now, we're happy now. Our Lolo loves us so much at tinuring kaming tunay na mga apo." 


Lumamlam ang mga mata ni Tita Alicia, maging Wela ay mukhang naiiyak na. 


"You can now treat us as your parents ija, you are part of us now." Tita Alicia said. Ramdam na ramdam ko ang init ng pagtanggap nila sakin. It warms my heart and my very soul. 


"Let us eat now." Maawtoridad na sambit ni Madam SC. She doesn't feel like her usual self today. Masyado siyang tahimik. We started eating silently. Yung kaninang maaliwalas na pakiramdam, ngayon nakakasuffocate na. 


"Ma, please eat the vegetables." I heard Tito Wilson said. Napatingin ako sa gawi ni Madam SC, may nakalagay na isang plato sa tabi niya kung saan niya nilalagay yung mga gulay na hindi niya kinakain. 


"Don't force me." Madam SC said coldly. Hindi na muling nagsalita si Tito Wilson. I can now feel Madam SC's place in this house. Itinuloy ko ang pagkain, natigilan ako sa pagnguya ng ilapag ni Madam SC ang plato ng mga gulay na hindi niya kinain sa harapan ko. 


"Eat those." She said with an intimidating voice. 


"Lola! She's a guest!" Waldrin said. Pero agad din itong natahimik ng tignan siya ng masama ni Madam SC. Mukhang wala talagang uubra sa katarayan ng matandang ito. 


Inilapag ko ang mga kubyertos ko sa plato ko to make a soft clanging noise as I look at Madam SC with mockery. 


"You disrespectful woman! Kainin mo yan or else ipapagiba ko ang coffee shop ni Monique!" She threaten me again! I clench my jaw and glared at her. Ngumisi lang siya sakin bago tinuloy ang pagkain. 


"Ma naman..." Singit ni Tita Alicia.


"Stop Alicia." She hissed. Napayuko na lang si Tita Alicia at tinuloy ang pagkain. 


I stared at the plate full of vegetables, I was raised not to be a picky eater, maging ang mga kapatid ko ay sinanay ko ng ganun.  Kinuha ko yung plato at binalik kay Madam SC. Natigilan pa silang lahat sa ginawa. 


"I said eat that!" She snapped. 


"You eat those, hindi mo naitatanong wala ka sa yaman ng Lolo ko. Kayang-kaya naming ipagiba itong mumurahing mansyon mo." I smirked at her. Napasinghap ito at nakatingin lang sakin na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. 


"Aba't! Kapag hindi mo kakainin yan, ipapakasal ko si Waldrin kay Yasha!" 


Natigilan ako sa sinabi niya. "It's his prerogative." I hissed. 


"Trust me sweetie, I can force him." She smirked. Napatingin ako kay Waldrin na nakaigting ang mga panga. Madam SC is right, she has the power over her family. She can force him to marry that woman kahit ayaw nito. 


"I won't marry her." Hinawakan ni Waldrin ang mga kamay ko. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkadismaya, ang bigat lang ng loob ko sa mga narinig. 


"Lola please naman..." Waldrin sounded so desperate. 


"Ang apo ko lang pala ang kahinaan mo Maxene." Nakangising nangalumbaba si Madam SC habang nakatingin samin. 


"Ma diba napag-usapan na natin toh?" Tito Wilson butt in. 


"Don't listen to her, just trust me." Waldrin said to me. Pero parang hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya. May kung ano kasing kumikirot sa kaloob-looban ko at iyon ang mas pinagtuunan ko ng pansin. 


"We're done eating sa kwarto na kami." Waldrin said. He pulled my arms pero hindi ako nagpahila. 


"H-Huh? Bakit tayo pupunta sa kwarto mo?" I asked him. Kumunot ang noo niya at binitawan ang mga kamay ko. 


"Hmmm ano kayang gagawin nila sa kwarto ng silang dalawa lang?" Rinig na rinig ko ang panunukso sa boses ni Wela. I glared at her before I smirked. 


"Why don't you ask Rocket what we did in his room?" Agad namang sumama ang timpla niya and she almost threw the fork at me kung hindi lang ako nahila ni Waldrin agad. 


"Stop it, tara na sa kwarto ko." He said. Napasinghap ako ng bigla niya akong buhatin in a bridal style na parang wala lang sa kanya. 


"I-Ibaba mo ko Waldrin nakakahiya!" 


He remained deaf, tinakpan ko na lang ang mukha ko sa sobrang hiya. Narinig ko ang tunog ng bukas sara ng pinto before I felt a soft cushion against my back. 


"Remove your shoes, dinala kita dito dahil ayokong kung anu-ano pa ang sabihin ni Lola sayo. You only have to believe everything I say." Nag-iwas ako ng tingin at ibinaba ang mga paa ko sa carpet para magtanggal ng sapatos. 


"What if she really forces you to marry her?" I bit my lower. Bakit ko pa ba iyon tinanong?! Parang ayoko ng marinig ang sagot niya. Mas lalong sumisikip ang dibdib ko, mas lalo lang na hindi ako makakahinga. 


Waldrin cupped my face at hindi ko na naitago sa kanya ang pangingilid ng mga luha ko. 


"No one can force me to marry someone I don't love, even if she disowns me. My mom and dad were of the same case, anak ng isang magbubukid si Mommy kaya ayaw sa kanya ni Lola, but Dad fought for her, and their love story is the best story I've ever heard." 


Napansin ko ang bahagyang pagkislap ng kanyang mga mata. Waldrin loves his parents so much I can see it through him. 


"If Dad can, why can't I?" 


Muli kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko at paghuhurumentado ng puso ko. Napapikit ako ng dumampi ang mga labi ni Waldrin sa noo ko bago niya ko pakawalan. Lumapit siya sa Television set and scanned his DVD rack.


"What do you want to watch?" He asked. 


"Anything." I said. I saw him pulled a DVD at sinalang ito sa player. He removed his shoes bago siya humiga sa kama at sumandal sa headboard. He tapped the space besides him. Kumunot ang noo ko and looked at him sharply. 


"Nood lang ng movie ha?"


Natawa siya sa sinabi ko, suddenly he grab my arm kaya napasubsob ako sa dibdib niya and his arms immediately encircled around me. 


"Just one kiss." He grinned. Napasinghap ako when his mouth covered mine. Napahawak ako sa balikat niya para tinulak siya but his hand is holding my face firmly. Halos hingalin ako when he let go of my mouth at nagawa pa niyang tumawa dahil pulang-pula na ko. 


"Okay let's watch." He chuckled. Hinampas ko siya sa dibdib bago ako umayos ng pagkakasandal sa headboard ng kama niya. 


"Hey..." He intertwined our fingers. "What did you do with Rocket inside his room?" He asked. Nawala ang atensyon ko sa movie dahil sa tanong niya. 


Action film pa naman ang pinapanood namin. 


"He taught me how to play piano, we kissed, we hug. That's all." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. 


"May tawagan ba kayo?" 


I glance at him again. Hindi siya nakatingin sakin but I know his attention is not on the movie. 


"Wala. Ikaw?" I asked him. Lumingon siya sakin with questioning look. 


"Anong ako?" 


Tumingin ako sa TV and held his hand firmly. "Anong gusto mong tawagan?" Mahinang sabi ko but I know he heard it. I glance at him at napansin ko ang nagbabadyang ngiti sa mga labi niya. 


"Hmmm I'll think about it first." 


Muli na naming itinuon ang atensyon sa movie. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng ulo ni Waldrin sa balikat ko. Sinilip ko ang mukha niya at pinakiramdaman ang paghinga niya. He's already asleep. Maingat kong inayos ang higa niya sa kama. I can carry him even if he's heavier than me. Pinatay ko na yung movie na pinapanood namin. 


I gaze at his face as I brush my palm on his cheek. "You can be cute sometimes." I whispered to him before kissing his cheek. I put on my shoes at lumabas ng kwarto ni Waldrin. 


Hindi naman siguro masama kung maglibot-libot muna ako. Hindi naman ako pinapansin ng mga maids na nakakasalubong ko, maybe wala ngang masama kung mag-iikot-ikot muna ako. 


Umakyat ako sa third floor ng bahay nila. Parang exhibit ang tema ng lugar na ito dahil wala itong ibang laman kundi mga mamahaling collectibles at paintings. Sa gitna ay may malaking Family portrait. Napangiti ako ng makita si Waldrin na mukhang nagbibinata pa lang sa portrait na ito. Sa iba't ibang parte ay nakasabit ang mga portrait nila mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan. 


Napatitig ako sa portrait ni Waldrin nung bata pa siya. Binundol ng kaba ang aking dibdib. I saw a spherical staircase that leads to another floor or maybe sa attic na ito patungo dahil hanggang 3rd floor lang naman ang bahay nila. Mabilis kong inakyat iyon not minding how rusty the railings were. 


Binuksan ko ang maduming pinto papunta ng attic, it created a rusty sound at agad naman akong napaubo sa alikabok sa sumalubong sakin. My suspicions were confirmed when I saw the portraits being kept hidden in this small room. 


Napaluhod ako sa harapan ng isang portrait ng isang batang lalaki na may malaking ngiti sa mga labi. 


"This is a forbidden room." Napalingon ako kay Tito Wilson. 


"S-Sino po ang batang ito?" I asked him. 


He looked at me coldly at inayos ang mga natumbang mga portrait. 


"That's Walrick, ang bunso namin ni Alicia, he was abducted when he was just 2 years old. Until now, hindi pa siya namin nakikita. We already gave up looking for him." I grasped my chest dahil hindi ako makahinga. Mabilis akong lumabas ng attic at hindi ko na pinansin ang pagkasugat ng mga kamay ko sa kalawanging bakal. 


Umalis ako ng bahay nina Waldrin ng walang paalam. 


Because Walrick their son, is my brother Raphael.  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top