-25-


M A X E N E

"Sorry Monique." I heard Marshan apologized to Monique. Natigilan ako sa pag-aayos ng mga orders dito sa coffee shop ni Monique at napatingin sa kanilang dalawa. 


"Ano ka ba? Hindi ko naman hawak ang puso ni Christian." Monique smiled at her. 


Inayos ko ang order nilang coffee at shortcake sa tray bago ako naglakad papunta sa kanya. I can see how apologetic Marshan is and I saw the glint of sadness on Monique's eyes. 


"Maxene." Marshan pouted at me. She may be a brat pero tinuruan ko naman siyang magsorry kapag siya ang nagkamali. She has been too clingy on Christian kanina dahil iniiwasan niya si Raven without realizing that she's hurting Monique. 


"Coffee para kabahan ka naman." Sabi ko sa kakambal ko na inirapan lang ako. 


"You should blame Raven! Monique, I swear I like Christian but just as a friend like how I like you." Pangungumbinsi ni Marshan kay Monique. 


"I trust you Marshan, it's not a big deal to me." Monique smiled at her. Napabuntong hininga na lang ako. Agad na kumunot ang noo ko ng tumunog ang wind chime sa may pintuan senyales na may pumasok na mga customers. 


My eyes widen ng makita si Madam SC kasama of course ang driver niya, and also her apo Wela with her fiance Rocket.


Nag-iwas ako ng tingin at bumalik sa counter. Hindi nakatakas sakin ang mga tinging pinupukol nila sakin. 


"M-Maxene, k-kaw daw magserve sa kanila." 


I slightly clenched my jaw. Kinuha ko ang order pad sa counter at naglakad papunta kina Madam SC, narinig ko pa ang mahinang pagtawag sakin nina Monique at Marshan nung mapadaan ako sa gawi nila. 


"Alam mo na siguro kung bakit kami nandito Maxene." Malamig na tugon ni Madam SC. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkirot sa kaloob-looban ko. I like her better when she's yelling at me. I like her better when she looks so mad, she could strangle me to death. 


I don't like her being like this. 


May inilapag silang puting sobre sa harapan ko na may disenyong kulay ginto. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano at para saan iyon. 


"You'll be my maid of honor." Gulat akong napatingin kay Wela, hindi ko lubos akalain kung anong mararamdaman ko sa narinig ko. 


"H-huh?" 


"My bestfriend, Claire, is pregnant. And she's the only friend I have and you're the only girl I know besides Monique na isa sa mga bridesmaid." She said bluntly na para bang utang na loob ko pa sa kanila ang pagiging maid of honor ko if ever. 


"B-But I'm your fiance's ex!" I exclaimed. Bumaling ako kay Rocket who looks very apologetic at halos hindi ako matignan ng diretso. 


"I'll volunteer! You're too rude and stupid to make my sister your maid of honor after knowing that Rocket still has feelings for her." Napatingin ng masama si Wela kay Marshan at mukhang nagulat pa si Rocket ng makita siya. 


"M-Marshan... It means..." Rocket almost whispered. 


"Yeah, Kuya Spencer is here---"


"Spencer? The guy who got Claire pregnant?! Kapatid niyo yun? Ang liit nga naman ng mundo." Ngisi ni Wela samin.


Parehas kaming naestatwa ni Marshan sa narinig. Para bang tumigil ang pag-inog ng aming mundo sa mga katagang binitawan ni Wela. 


Hindi ko na napigilan si Marshan when she grabbed Wela's collar para ilapit ang mukha niya dito. Napatingin ako kay Madam SC na mukhang wala namang pakealam. 


"Take that back bitch." Marshan hissed. Ngumisi si Wela at tinampal ang kamay ni Marshan. 


"Why? You don't know? Your brother f*cked my best friend and got her pregnant, pero asan ang kapatid mo? He runaway from his responsibilities." Wela smirked at inayos ang kanyang damit na bahagyang nagusot. 


Kailanma'y hindi ko naimagine na mauugnay sa babae ang kapatid ko. Besides Marshan and I, he hated girls so much to the core. Kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng interest sa kahit sinong babae kaya nga madalas siyang tinutukso noon ni Marshan na bakla. 


"T-totoo ba?" I asked Rocket. Naging malumanay ang kanyang mga matang nakatitig sakin. 


"It happened when Spencer went here for a business trip. We don't know the details." He sighed. 


"I'm going home!" Marshan grunted. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko na siya napigilan sa pagwawalk out niya. 


We always believed na samin lang si Kuya Spencer, na hindi siya malalayo sa aming dalawa ni Marshan. Na kami lang dalawa ang mga babae sa buhay niya. 


Napahawak ako sa kamay ko sa sobrang panginginig nito. 


Claire...

Christian's sister...


Ang liit nga naman ng mundo. 


"You'll be my maid of honor whether you like it or not." Wela insisted. Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang nanginginig kong kalamnan. Kanina pa ko nagpipigil na saktan si Wela. I could just easily kill her if I lost control, lalo't hindi ko nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig niya. 


"And if I refused?" I asked her. Mas lalong tumalim ang tingin niya sakin. 


"Then, we won't let you date my brother." Kumunot ang noo ko sa sinambit niya. 


"Alam naming nagkakamabutihan na kayo ni Waldrin." Madam SC said. Napapikit ako ng mariin. D*mn! Hindi pa nga kami, may humahadlang na. Tsk. 


"I don't need anyone's permission to date whoever I want---"


"Matagal ko ng naipagkasundo si Waldrin sa apo ng kaibigan ko. They will be married as soon as they finishes college. Pero kung magiging mabait ka at masunurin samin, I might reconsider it." 


Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko sa narinig. Waldrin is bound to marry someone already. Hindi ko alam kung bakit parang kumirot ang dibdib ko sa narinig. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?!


F*ck it! I don't like this feeling!


"Fine." Halos walang boses na sabi ko. Ayokong maging maid of honor niya pero ayoko rin namang ilayo nila sakin si Waldrin. 


D*mn! Bakit ba ko nagkakaganito?! 


Napansin ko ang bahagyang pagkislap ng mga mata ni Wela na para bang tuwang-tuwa siya sa narinig pero ikinukubli niya iyon sa mataray niyang mukha. 


"Papayag ka rin naman pala. Hmpt!" Wela flipped her hair in front of me bago nagwalk out. Sa edad niyang iyon may pagkabratinella pa siya. I glance at Rocket who looked at me with sorry eyes bago sundan palabas si Wela. 


Bumaling ako kay Madam SC. Taas noo itong naglakad papunta sakin and tapped my shoulder. 


"I like you Maxene, but I like Yasha better for my apo, lalo't hindi ko kilala masyado ang pagkatao mo." Madam SC said at sunod na ring lumabas. Napakapit ako ng mahigpit sa sandalan ng upuan dahil muntikan na kong mawalan ng balanse sa sobrang panginginig. 


My heart f*cking hurts so much. 


------


Bitbit ko ang mga gamit namin ni Paeng, dito na kami titira sa unit na binili ni Kuya Spencer. I opened the door but immediately closes it ng makita ko kung gaano kagulo sa loob. 


"Ate Marshan went berserk again." Paeng mumbled. Napabuntong hininga na lang ako and opened the door again. Kalat lahat ng mga gamit sa loob at halos hindi na kami makahanap ng space kung saan namin iaapak ang mga paa namin. 


Natigilan kami ng lumabas si Kuya Spencer mula sa isang kwarto, maging siya'y nagulat ng makita kami. Namumula ang kanyang mga mata at may bakas ng mga kalmot sa buong katawan. 


"How is she?" I asked him. 


"Tinurukan ko muna ng tranquilizer." He sighed. "I'm sorry Maxene, hindi ko alam. Hindi ko naman akalaing may mabubuo." 


"Ano ka ba kuya, it's fine with me. Eventually, makakahanap at makakahanap ka naman ng babaeng tutunaw sa nagyeyelo mong puso." Ngisi ko sa kanya. 


Bumuntong hininga siya at umupo sa nakatumbang couch. 


"I'm f*cked up." He hissed and messed his hair. 


"Saan ba ang kwarto namin?" Pag-iiba ko ng topic. He really looks so f*cked up right now. Ayoko ng dagdagan ang bigat sa dibdib niya. Alam kong pinuno na iyon ni Marshan, knowing her. 


"Sa taas." He sighed. Agad na nagbihis si kuya at biglaan na lang umalis ng walang pasabi. Kaya after naming ayusin ang mga gamit namin ay agad kaming naglinis at nagluto. 


Base sa tranquilizer na tinurok ni Kuya kay Marshan mukhang bukas pa siya magigising. 


----

"Why are you avoiding me?" Hindi na ako nakaiwas kay Waldrin ng bigla niya kong yakapin dito sa gitna ng hallway. Hindi ko na kasi alam kung paano ko siya haharapan simula nung malaman kong naipagkasundo na pala siya sa iba. 


"Sino si Yasha?" Naramdaman kong nanigas siya sa sinabi ko. Muli akong nakaramdam ng sakit sa naging reaksyon niya. He slowly pushed me to look at my face. 


"Pano mo nalaman?" 


"Papakasalan mo ba siya?" Nag-init ang mga sulok ng mga mata ko as I stared at him. 


Bumuntong hininga si Waldrin at bumitaw sa mga balikat ko. Mas lalong humapdi ang puso ko sa ginawa niya. Nanginginig ang bibig ko at halos hindi ako makahinga. 


"Can I kiss you?" He grinned. Nahampas ko siya sa balikat sa sobrang inis ko. 


"Nagawa mo pang mang-asar! Seryoso ako Waldrin!" I hissed. Tumawa lang siya at pinulupot ang mga braso sa bewang ko as he pulled me closer to him. 


"I can't help it, you're too cute when you're jealous." He chuckled. He rubbed the tip of his nose on mine habang nakapikit at nakangiti. 


"I'm not jealous!" I hissed. 


"You are. Don't worry it's still my prerogative to marry her or not." He grinned. Inirapan ko lang siya bago ko siya itulak palayo sakin. Tinalikuran ko na siya para itago ang ngiting nagbabadya sa mga labi ko. 


D*mn! This is weird. 


Naramdaman ko naman ang presensya niya sa tabi ko. Narinig ko pa ang banayad niyang pagsipol until I felt his hand on mine. Napatingin ako sa mga kamay namin as he intertwined our fingers. 


"Ipapakilala kita sa parents ko." He said. Natigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. 


"W-What? Why?" 


Kumunot ang noo niya sa tanong ko. 


"Why? They have the right to meet my girlfriend." Parang hindi niya nagustuhan ang tanong ko base na rin sa tono ng pagsagot niya sakin. 


"G-Girlfriend? H-Hindi pa naman tayo diba?" 


He let go of my hand. Pumunta siya sa harapan ko at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. Kunot na kunot ang mga noo niyang nakakatitig sakin. 


Napasinghap ako ng bigla na lang niya akong halikan. Nasa school kami for pete's sake! Hindi lang isang beses, kundi dalawa, tatlo hanggang sa hindi ko na nabilang. Napakapit pa ko sa damit niya dahil sa panginginig ng tuhod ko. 


"Now answer me, why did you let me kiss you?" 


Nakagat ko ang ibabang labi ko, pakiramdam ko'y pulang-pula na ko ngayon at halos hindi ko na siya matignan ng diretso. 


"Because you are giving me the right to kiss you Maxene. It only means you like me, too. And whether you like it or not, I'm going to claim every rights on you. Simula ngayon, I need you to always remember that you are mine and only mine." He hissed. 


Wala sa loob kong napatango sa sinabi niya. Muli siyang napangiti at hinalikan ako sa noo before holding my hand again. Napayuko ako at pinakiramdaman ang loob ko. 


Delikado toh, pakiramdam ko sasabog na ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top