-21-

Ang sakit lang ng ulo ko ngayon. I checked my phone. Wala pa ring balita kung may mission ako, underground fight o kahit race man lang sana. Mas lalo pang sumasakit yung ulo ko kapag naaalala ko yung sinabi ni Raven kagabi.


You see I am not the typical kind of princess na nababasa niyo sa ibang stories. I am not pampered, I am paid to kill, nagtratrabaho pa rin ako para mabuhay. I just got the title Queen of Mafia dahil ako ang pinakamalakas na babaeng Mafian as of now. 


"Aw!" I squealed ng may mabangga ako. Nagtaas ako ng tingin and met his piercing stare. I gulped. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. 


"Why are you wearing your glasses again?" He asked. 


"I-I don't know how to put on my contacts." I said. Kumunot ang noo niya at inilapit yung mukha niya sakin. I lean back and gulped again. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko lalo na ng maamoy ko yung hininga niya. 


Kung may amoy man ang pagiging sexy then that's his smell. 


I unconsciously wet my lips nung lumayo siya sakin. Nanunuyo ang lalamunan ko kapag ganito siya kalapit sakin. I heard him smirked kaya kumunot ang noo ko. 


"You're mine remember that." He chuckled at nakapamulsang naglakad palayo. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya and forgot that I'm having headache. 

-------


Napaiwas ako ng tingin when I met Raven's gaze. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya or kung anong mararamdaman ko. 


"Iniiwasan mo ba ko?" 


Napapikit ako ng mariin when he stood besides me habang nakaupo ako sa seat ko at nakaharap sa board. 


"N-No." 


"Hmmm. Tignan mo nga ko." Napasinghap ako ng bigla siyang magsquat sa harapan ko at nangalumbaba sa desk ko. Agad pa kong napaatras sa gulat. Maging si Monique ay mukhang nabigla sa ginawa ni Raven. 


"See you can't even make an eye contact." He hissed. 


Hindi ko alam kung saan niya nakukuha yung lakas ng loob niyang makipag-usap sakin after he confessed. This is so uncomfortable and awkward for me. 


He stood up harshly and cupped my face with his both hands. Kaya napatingin ako sa kanya ng diretso at nanlalaki ang mga mata. 


"You have to look at me always Maxene. You're being rude--"


"You're touching what's mine Raven." 


Agad kong tinanggal ang mga kamay ni Raven sa mukha ko when I heard Waldrin's voice. Maangas na ibinulsa ni Raven ang mga kamay at tumingin sa direksyon ni Waldrin kasama nito si Christian na mukhang nagtataka sa mga pangyayari. 


I bit my lower lip ng biglang magligpit ng mga gamit ang ibang students at umalis ng classroom. 


"Walang sayo Waldrin." Raven hissed. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nagbabaga ang tinginan nila sa isa't-isa. 


What's this?!!!! 


F*ck!! Naguguluhan ako!!! 


Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. I immediately took it out at binasa ito. 


Mission X: 

Annihilate Venom's Marikina HQ


Details:

blah.. blah.. blah.. 


-


Napangisi ako ng mabasa ko yung message. I immediately fix my stuffs at lumabas ng classroom pero bago pa ko makaalis ay nahigit ni Waldrin ang braso ko. 


D*mn! I forgot, may namumuong tensyon pala dito sa classroom! Every time my mission is about Venom, para akong nawawala sa sarili ko. Nothing but excitement fills me up. 


"Saan ka pupunta? May klase pa tayo." He asked. Napatingin ako kay Waldrin, Christian, Raven at Monique, the next generation of Venom. 


I pity them for not knowing they are part of something hellish and inhumane. Kapag kaya natapos ko ang mission ko maisasalba ko rin kaya sila? 


"Ah work." Tipid na sagot ko kay Waldrin. Naglakad na ko paalis thinking that he would let go of me pero hindi niya ko binitawan, mas humigpit pa ang hawak niya sakin. 


"You have to choose now Maxene, ako o si Raven?" He hissed. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. 


"A-Ano? Anong pipiliin ko?! Tungkol saan?! What?!" 


Pati ako naguluhan sa sagot kong tanong. Waldrin held both of my shoulders at pinaharap ako sa kanya. 


"Sino ang gusto mo samin ni Raven?" He hissed. 


Tumaas ang isang kilay ko dahil hindi ko talaga maintindihan ang tanong niya. I removed his hands on my shoulder pero hindi siya nagpatinag, mas humigpit pa ang hawak niya sakin and it's starting to hurt. 


"Ano ba?! Wag niyo nga akong isali sa kabaliwan niyo! I have to go, this is urgent!!!" I hissed as I tried to push him. 


"Choose first!!!" Waldrin yelled at me. 


"Waldrin that's enough! You're hurting her!!!" Napatingin ako kay Christian na sinubukang paghiwalayin kami ni Waldrin. I glared at Waldrin and he glared back. 


Kailangan ko ng makaalis agad!! 


Muli akong napatingin kay Christian and a stupid idea came in, I grabbed Christian's collar and kiss his cheek. Hindi ko alam kung kaninong singhap ang narinig ko. Naramdaman ko ang pagbitaw sakin ni Waldrin kaya agad akong nakatakas at nakatakbo papalayo sa kanila. 


I reached the school gate in no time, pero natigilan ako ng marealize na si Monique pala ang suminghap kanina nung halikan ko si Christian!


Sh*t! Why is my life so complicated?! 


Bahala na! I have to finish my mission first. Wala akong panahon sa love life. 


Pagkaapak na pagkaapak ko pa lang sa labas ng gate ay may tumigil ng puting getaway van sa harapan ko. Mga back up na pinadala ng headquarters. 


Now na may back up ako, it only means one thing. 


Kuya Spencer already know my whereabouts. Hindi magtatagal mabubunyag na ang pagkatao ko bilang McNeil, bilang Mafia. 


"Any update?" Tanong ko sa mga tauhan naming nasa loob ng van. 


"Children Trafficking." Tipid nitong sagot. Napapikit ako ng mariin sa narinig ko. Children trafficking! What the actual f*ck!!!


"Gaano kalala?" I asked them. 


"You wouldn't want to know, Maxene." 


"Gaano karami?" I calmed myself. Kumukulo ang dugo ko sa narinig. I wore my bullet proof vest at nilinis ang gagamitin kong mga baril. 


"Do you really need answers?" 


I inhaled deeply, nanginginig ang kalamnan ko habang naglalagay ako ng bala sa mga baril. Bawat balang nilalagay ko naiimagine ko na kung pano ko ibabaon ang mga ito isa-isa sa mga bungo nila. 


Hindi na sila naawa sa mga musmos na ninakawan nila ng kinabukasan!! I swear to my very last breath, to the very last drop of my blood, buburahin ko lahat ng kasamaang bumuo sa Venom. 


Nakarating kami sa Headquarters ng mga Venom matapos ang ilang oras. We waited for hours sa tagong lugar kung saan hindi kami mapaghihinalaan hanggang sa dumilim na ang paligid at hindi ko na mabilang kung ilang van ang pumasok sa loob ng headquarters. Kung titignan mo'y para lang itong malaking warehouse dahil maya't maya rin ang paglabas ng mga delivery trucks ng kilalang softdrinks. 


I put on the bandolier around my waist at pinuno ito ng bullet magazine. I am armed with hand gun dahil sa mid to short range ako nakikipaglaban while my back ups are expert in long ranged rifles. 


"Napag-aralan niyo na yung blueprint ng building, alam niyo na kung paano kayo makakalusot. The security is not that tight, the guards are not mafians, they're just civilians with guns." 


"Wag kang magpadalos-dalos Maxene, we don't have enough equipment here, we expect less casualty and mild injuries." 


"I know! We have to move!" Kating-kating sabi ko. Bumuntong hininga na lang ito. Tahimik kaming pumasok sa loob ng warehouse, McNeil Mafia have the highest caliber of men, kaya kahit lilima lang kami ay alam kong masyado na kaming marami para pabagsakin silang lahat. 


I, myself would be enough to kill all of them. 


Kinasa ko ang baril ko ng makapasok ako ng tahimik sa madilim na Headquarters. Umigting ang aking panga ng makarinig ako ng halinghing. 


"Bakit hindi mo nabenta lahat?! Hindi ka kakain ngayon ha?!!!" 


"AAAhhh!!! Aray ko po! Tama na po!!!" 


Nanlaki ang mga mata ko ng masaksihan kung paano idikdik nung lalaking may baril ang sigarilyo niya sa braso ng isang batang babae. Tahimik ang ibang mga batang kasama nito sa gilid na wari'y takot gumawa ng ingay. 


"B-Boss, masama po ang pakiramdam ni Ana, ilang araw na po siyang hindi kumakain." Sagot ng isa sa mga bata. I clenched my jaw at tinutok ang baril ko sa direksyon ng lalaki. Malayo man ako sa kanila ay sisiguraduhin kong babaon sa bungo nila ang mga balang papakawalan ko. 


"Isama niyo na ito sa mga tatanggalan ng lamang loob!" 


"Wag po! Maawa po kayo! Magbebenta na po ako ng marami!" 


Hindi ko na napigilan ang sarili ko and pulled the trigger. Sumabog ang ulo ng tinatawag nilang boss sa harapan ng mga bata. 


Muli kong kinasa ang baril ko, and the gun war started. Agad na nag-iyakan ang mga bata as I kept on firing my gun, shooting all of those goons in their heads. Halos ni isa sa kanila ay walang nakagalaw sa bilis ng kilos ko. 


Rinig ko na rin ang sunud-sunod na putok ng mga rifles sa loob ng warehouse. 


Mas konti lang kasi andito sa loob na nagbabantay sa mga bata. 


"Ligtas na kayong lahat!" I said. Nasa sulok na silang lahat, malakas ang iyak at nakatakip ng mga tenga. Nakaramdam ako ng matinding awa para sa kanila. 


"M-Makakauwi na po kami?" Someone approached me. I patted his head and smile at him. 


"P-Pulis po ba kayo? May baril kasi kayo." Yung batang babae kanina. She wiped her worn out dress on her wet face. 


"Ang mahalaga makakauwi na kayo." I brushed her hair. Lumapit ako sa sa pinakaboss nila ang ripped his shirt. I need to leave our mark. I sliced open his stomach at nilunod sa dugo ang damit niya. 


M-Uno.


I wrote it on the wall. M for McNeils, and Uno as my code name before in Venom. 


It's a declaration of war.  


Narinig ko na ang mga sirena mula sa mga pulis mobile na paparating. 


"Andyan na ang mga kasama mo ate! Ligtas na tayo!" The kids rejoiced. Ngumiti ako sa kanila at inayos ang hood sa ulo. The Authorities may not be our enemy, but they're also not a friend. 


"Umuwi kayo ha? Magpakabait kayo at wag na wag na kayong sasama sa mga strangers." I told them bago ako tumakbo palabas at dumaan sa likod ng warehouse. Agad namang tumigil sa harapan ko ang getaway van namin. 


"Mission accomplished team!" Our leader announced. I may have the highest rank here pero never kong ginustong maging leader. Inabutan nila ako ng wet tissue para punasan ang mga dugong kumapit sa balat ko. 


"Nandito na ba sa Pilipinas si kuya?" I asked them. Lahat sila natigilan sa tanong ko. 


If there's one person I am afraid the most after Lolo, then it's my brother-Spencer. He can be as ruthless as Lolo and stronger than me. 


"The questions you ask are the hardest to answer Maxene. You will be summoned soon, that's the only thing we can assure you of." 


---

Comment Here for:

#MaxDrin

#MaxVen

#MaxTian

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top