-20-
"I met Rocket through my brother, they were bestfriends, naging kami when I was just 14, dahil akala ko pinagtritripan niya lang ako. He asked me if I can be his girlfriend and I said yes 'cause I thought he wasn't serious. Yeah, I was just 14. But eventually, nahulog din ang loob ko sa kanya. I can play piano if it's for him, siya lang ang pwedeng magpatugtog sakin ng piano. But then, when he finished college bumalik siya dito sa Pilipinas because of some serious matters, he promised me babalikan niya ko but after that wala na kong narinig na balita mula sa kanya."
Mahabang paliwanag ko sa kanila.
"Pumunta ka ba dito dahil sa kanya?" Raven asked.
"I told you, nawalan na ko ng balita sa kanya, I didn't know his whereabouts." I said.
"Do you still love him?" Waldrin asked me. Natigilan ako sa tanong niya. Do I still love him? Ano nga ba talaga ang nararamdaman ko? I have moved on I know, pero nung nakita ko siya parang may kung anong kumirot sa kaloob-looban ko.
Maybe, I wasn't totally healed up.
"I don't know." That's all I could answer. "I'm sorry, I didn't know he's getting married. Nasaktan ko pa tuloy yung ate mo." I apologized to Waldrin.
"Nasaktan ka rin naman diba?" He said. Napabuntong hininga na lang ako and hugged Waldrin's coat na ipinasuot niya sakin. Kahit papano, I felt comfort in his coat. I can feel his warmth in this at amoy na amoy ko ring ang pabango niyang dumikit dito.
"It's okay Maxene..." Monique brush my arms. I can see sadness and sympathy in her eyes.
"I hope I didn't ruin anything." I said. Hindi sila sumagot and I know no one knows the answer for that.
"Come on, ihahatid na kita pauwi." Raven told me at naglahad ng kamay. Lahat pa kami napatingin sa kanya.
"I'm his date, I can drive her home." Waldrin clenched his jaw. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"You need to stay here Waldrin, babalik naman si Raven." Christian said. I heard Waldrin gave a heavy sigh the gave Raven a sharp look na hindi naman nakatakas sakin.
"Tara na Maxene." Raven told me. He removed Waldrin's coat on me at binalik kay Waldrin. Tinanggal naman niya yung coat niya at ibinalot sakin. Inakbayan niya ko at inakay palayo sa kanila.
Raven's coat gives off a different kind of comfort.
Napalingon ako kina Waldrin and again apologized.
--------
"Do you wanna grab some food?" Raven initiated to talk pagkasakay namin sa kotse niya. Bahagya akong ngumiti sa kanya.
"Yeah, baka hindi pa nagdidinner si Raphael." I told him. "Gusto mong kumain sa bahay or sa party ka na lang?"
Maya-maya pa kasi iseserve ang food at parehas pa kaming hindi kumakain.
"Sa inyo na lang." He winked. "Mukhang wala na rin akong mood na bumalik doon and I'm sorry about my brother."
Isinandal ko ang ulo ko sa headrest ng shotgun seat niya. I let out a sigh. I don't really blame anyone, kasalanan ko naman na umasa ako, na naghintay ako.
"You don't have to apologize, hindi lang talaga kami para sa isa't isa."
Bahagya siyang sumulyap sakin before he drove off, dumaan muna kami sa jollibee para makapagdrive thru ng dinner.
Paeng at his early age can cook atleast, nung nasa Venom pa lang kami, lagi akong nabubugbog kapag hindi nakakaabot sa kota ng binebentang sampaguita sina Paeng at Marshan. Kahit malakas ang benta ko ng droga kapag nagkamali silang dalawa ay ako ang laging sumasalo.
I never let anyone hurt them, and all they could do is to feed me when I'm all beaten up.
"Salamat nga pala sa paghatid sakin, Raven." I smiled at him when we reach our apartment. After ng nangyari ay gugustuhin ko ring umuwi agad. Our lives are rather complicated, Raven is the brother of my ex and Waldrin's sister, I bet, loathed me right now.
"It's okay, I felt kinda out of place dahil parehas na may date sina Waldrin at Christian." He chuckled. I opened the door for him at pinapasok siya sa apartment namin. Naabutan naman namin si Paeng na gumagawa ng assignments habang nanonood ng TV.
"Hi Kuya Raven!!! Ang aga niyo namang umuwi ate?"
"Hmm wala lang, sa taas lang ako, magpapalit lang ako. Ikaw muna bahala kay Raven." I told him. Niyaya naman ni Paeng na umupo sa sofa si Raven as he fix his stuffs on the mini table. Mukhang nagugustahan naman niya si Raven.
Umakyat na ko ng kwarto ko para magpalit ng damit, medyo natagalan pa ko sa CR dahil ang hirap tanggalin nung make up. Pagkababa ko naabutan ko pa si Paeng at Raven na naghaharutan.
May pagkaanti-social ang kapatid ko and it's nice seeing him being friendly with other people.
"Kumain na tayo?" I asked both of them. Lumapit naman sakin si Raven at inabot yung paperbag ng jollibee. He even helped me fix the table para makakain na kami.
"Ate yung wing at leg part sakin." Paeng commented pagkaupo niya sa seat niya. Nilagyan ko ng chicken ang plato niya and opened the cup of gravy for him.
"Anong favorite part mo?" I asked Raven.
"Yung part na kasabay kitang kumain." He chuckled. Natigilan ako sa sinabi niya na mas lalong nakapagpatawa sa kanya.
"Umayos ka Raven." I hissed. Tumawa lang siya at kumuha na ng chicken sa bucket.
"Kahit anong part naman basta may gravy." He said. Nagkwekwentuhan sina Raven at Paeng habang kumakain kami and I don't know why panay ang sulyap sakin ni Raven na maya't maya'y kumikindat.
Nagsalin ako ng juice sa mga baso naming tatlo.
"Thanks." Raven grinned at muling kumindat sakin. Dun na talaga kumunot ng sobra ang noo ko. May sakit atah siya at hindi niya mapigilan ang pagkindat.
"Paeng, ang dami mo ng nasasabi hindi ka pa nakaka-kalahati diyan sa pagkain mo, may assignments ka pa diba? Anong oras na oh!" Sita ko sa kapatid ko. Ngumuso lang siya sakin at mabilis na inubos yung pagkain.
"Ikaw Raven, itigil mo yang pagkindat-kindat mo at kumain ka na."
Tumawa lang siya sa sinabi ko as he finishes his food. Dumiretso sa sala si Paeng para ituloy ang assignments niya.
"You don't have to help. Bisita ka dito." I said to Raven dahil tinutulungan niya kong maghugas ng mga pinagkainan.
"It's fine. Alam ko rin namang tumulong sa mga gawaing bahay." He said.
Hindi naman sa ayaw ko siyang tumulong but ang liit lang naman kasi ng lababo namin, at halos magdikit na kami dahil sa liit ng espasyo. I can't even move freely.
"Ako na. Hindi tayo kasya dito." I told him. Napansin ko ang pag-igting ng panga niya and I just realized na kahit matangkad na ko sa height kong ito eh hanggang bandang baba lang ako ni Raven, he will eventually grow taller for the next years.
"Then, I'll do it tulungan mo na lang ang kapatid mo sa assignments niya." He held my shoulders at bahagyang tinulak ako palayo sa sink.
"If you saw his books, my brother is doing Advance Calculus, hindi sa kanya yun, assignment yun ng kapit bahay namin na binabayaran si Paeng sa bawat assignments na nagagawa niya." I said.
"Whoah! Your brother is a genius then."
Pumunta na lang ako sa gilid and watch him wash the dishes. He looks like he really know what he's doing kaya hinayaan ko na.
"Why? Masyado na ba kong husband material?" He winked at me.
"Alam mo, hindi ko talaga akalain na sobrang hangin mo! Diyan ka na nga!" Naasar kong sabi sa kanya. Umupo ako sa tabi ni Paeng na busy na mukhang katatapos lang sa mga ginagawa niya. lumapit din naman agad si Raven samin nung matapos siya.
I can't help but gaze at him, nakatupi ang puting longsleeves niya hanggang sa siko habang nagpupunas siya ng kamay gamit ang towelette na nakasabit sa ref.
I just realized his resemblance with Rocket. He looks really like Rocket nung kami pa. Raven looks like the younger version of Rocket whom I fell in love with.
"I guess I have to go back, pinupuno na ng miscalls ni Christian itong phone ko." He said.
"Ihahatid na kita sa labas, then." I said pagkatayo ko. Hinatid ko na si Raven papunta sa sasakyan niya. Sinusuot niya yung wrist watch niya na tinanggal niya kanina bago maghugas ng plato.
"I have to go." He said pagkaharap niya sakin.
"Sige, salamat sa paghatid, sa food at sa pagtulong na rin." I smiled at him. Ngumiti siya sakin bago naglakad papunta sa sasakyan niya pero natigilan siya na parang may nakalimutan.
Mabilis siyang naglakad papunta sakin and held my right arm.
"B-Bakit? May nakalimutan ka ba?" I asked.
"Yes."
Napasinghap ako ng hawakan niya ang isa ko pang braso while looking at me intensely directly into my eyes.
"B-Bakit?"
Halos hindi ako makahinga sa intensidad ng tingin niya sakin. He clenched his jaw and held my arms tighter.
"I think I like you Maxene." He breathed. Nanlaki ang mga mata kasabay ng paghigit ko sa aking hininga.
"H-Huh?"
"I like you, this may be complicated but I just want you to know, para hindi ka na magulat 'pag niligawan na kita." He smirked.
Hindi na rin ako nakapalag when he kissed me on my right cheek before he dashed to his car at pinaharurot ito paalis.
Sh*t! This is no good!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top