-17-
Rinig na rinig ko ang kalampag ng mga manonood sa fence ng Octagon. Octagon ang tawag sa ring na ginagamit sa MMA, at ganun din ang tawag namin sa ring namin for Underground Fights. I put body paint on my tattoos at nilagyan ko rin ang mukha ko to conceal my identity. Nakabraid din ang buhok ko para hindi masyadong makasagabal.
I am wearing a sports bra and shorts. Tinali ko yung sapatos ko. Buti na lang maagang nagstart yung mga laban. Kaya maaga rin kaming magsstart sa main event.
"Ang hirap maghanap ng laban para sayo! Magpatalo ka kasi kahit minsan para magkaroon ng thrill." My manager said habang nakapamewang sa harapan ko.
"Magkano ang makukuha ko today?" I asked him.
"1 million."
"What?! My last fight was worth 10 million bakit 1 million na lang ngayon?" We're talking on dollars. Mayayaman ang mga nagssponsor ng Underground Battles kaya nakakalula ang mga cash prize.
"I told you, mahirap maghanap ng makakalaban mo."
Napabuntong hininga na lang ako. I thought tiba-tiba ako ngayon. D*mn it! May tumawag na saming organizer. Nag-stretching muna ako bago kami lumabas ng waiting room.
"Tandaan mo, wag mong mamaliitin itong kalaban mo, he's also an undefeated. Malaki siyang tao kaya malalakas at mabibigat ang mga tama niya." Sabi ni Manager sakin.
"I don't care who he is. Nagmamadali ako."
"On the left corner, the challenger!! The Mammoth!!!" The crowd roared. Napangiwi na lang ako, he deserves his name. He's a giant. Malaki din ang katawan niya na parang weightlifter.
"He looks like a pig." I said.
"Wag mo sabing maliitin eh!" Manager nagged at me. Napairap ako sa kanya. Naghihiyawan na ang lahat habang nagfleflex sa loob ng Octagon yung challenger.
"And in the right corner!!!!" Tumapat yung spotlight sakin. "Our undefeated champion!! Thanatos!!!" Feeling ko magigiba na ang buong hall sa lakas ng hiyawan na sinabayan na ng samo't saring ingay.
Thanatos is the greek word for Death.
Pumasok ako sa ring and raised my hand. Sinisigaw ng mga tao ang code name ko. Lumapit na samin yung referee at pinagharap kami. Sinabi lang naman niya yung mga dos and don'ts. Malaki si Mammoth na sa tingin ko hanggang siko lang niya ko sa tangkad ko na 5'7.
"Fight!"
Sumandal kami pareho sa fence. Nakahalukipkip lang ako. Sumugod siya sakin with a jab pero iniwasan ko yun at sinipa siya ng malakas sa sikmura. Napaatras siya, I took that opportunity to step on the fence and bounce to him dahil mataas siya. I elbowed his shoulder at narinig ko ang paglagatok ng buto niya. Dahil malaki siya I have to fly just to reach his vital points.
Napaluhod siya ring so I immediately climb on his back and wrapped my legs on his nape to choke him. Malakas ang kalampag ng mga audience sa fence. He grab my legs and forcefully removed it, dahil nakatayo siya kailangan ko pang mag-tumbling para hindi ako tuluyang bumagsak sa ring.
He got some power!
Napatingin ako sa orasan and it's already quarter to 3!! Sumugod ulit siya sakin, umakyat ulit ako sa fence and gave him a roundhouse kick on the face. Halos lumindol pa nung lumagapak siya sa sahig. The referee stopped me nung lalapit sana ako. He checked The Mammoth.
He waved his hands. The fight is over and I won. Umingay ang buong hall. Lumabas na ko ng Octagon at lumapit sa manager ko na inabutan ako ng tubig at towel.
"Minadali mo naman masyado." My manager said.
"I'm late at boring pa yung kalaban." Naasar na sabi ko. Dumiretso na kami sa locker room. Agad akong nagshower, sinuot ko na yung hoody ko. I wore a mask and shades.
"Check your bank account tomorrow. I'll contact you again kapag may naglakas ng loob na maghamon ulit sayo." Tumango na lang ako sa kanya at nagmamadaling lumabas ng Underground.
Bitbit-bitbit ko pa yung heels na binili sakin ni Waldrin.
Agad akong pumara ng taxi at sinabi sa driver yung address ng botique.
"Kuya paliparin mo na." I said 'cause it's already 3:05 on my watch and I think I'm dead.
--------
Nagtatakbo ako papasok ng botique. Napasinghap ako when I saw Waldrin sitting on the couch. Nakahalukipkip at nakacross legs na nakatingin ng masama sakin. Dahan-dahan kong sinara yung glass door ng botique.
"What time is it?! You're 30 minutes late!" He shouted.
"Traffic! Anong magagawa ko!" Irap ko sa kanya.
"Tsk! You're so stupid! Pumasok ka na sa dressing room!" I clenched my jaw and glared at him bago ako pumasok ng dressing kung saan halos atah lahat ng staff nandito.
"Saan ka ba kasi galing Ms. Maxene! Takot na takot na nga kami kay Sir Waldrin kaya nagtago na lang kami dito." The tailor said. Bumuntong hininga na lang ako.
"Sa spa po muna tayo." Someone said.
"Spa?"
"Yes po, kailan niyo po munang magpafacial tsaka magpawax." She smiled at me.
"W-What?!"
Hindi ko na alam kung ilang beses akong napahiyaw dahil sa sakit. Never pa kong nagpawax sa buong buhay ko! Nagsheshave lang ako. D*mn it! My skin is so f*ckin red right now. They're even threading my eyebrows!!
"Aww! That hurts!" I shouted sa babaeng nagtatanggal ng whiteheads ko. Feeling ko nadedeform na yung ilong ko sa pagpress at pagpisil niya. Pinagsuot muna nila ako ng robe after. Napatingin ako sa legs ko na ang kinis at ang soft na ngayon.
My skin feels so soft and fluffy. Dinala naman nila ako sa salon. They shampooed, conditioned and blow dried my hair. Hindi ko na nga namalayang nakatulog na pala ako.
"Open your eyes." I heard someone mumbled. Nilagyan nila ng contacts ang mga mata ko and I almost cried because of that. Muntikan ko na ngang irub yung mata ko sa kati. Then they started putting stuffs on my face.
Napabahing pa ko when they put powder on my cheeks.
"Aish! Ms. Maxene please umayos ka! Nahihirapan kami sayo! Baka mas malalo tayong matagalan! Papatayin tayo ni Sir Waldrin!" Sabi nung baklang nagmemake up sakin. I rolled my eyes at him. I'm not facing any mirror kaya hindi ko makita ang itsura ko.
"There! Done!" He giggled. Inikot niya yung upuan ko para makaharap ako sa salamin. My eyes widen.
"Oh my! What did you do to my face? I look so old!"
"Nagmukha ka lang pong matured, sexy! Ganern! Makaold ka diyan!" He pouted. I just glared at him. Inilapit ko yung mukha ko sa mirror and checked my face. This is why I hate makeups. They can do magics.
Kinuha na ko nung tailor at dinala sa fitting room. I was awed by the beauty of the dress na nakasuot sa isang mannequin sa harap ko ngayon.
"Wow." I mumbled. It's a peach dress. Tinulungan niya kong isuot yun. I already put fake skins on my tattoos.
"You're slayin' honey! Maganda ka naman kasi, kailangan mo lang iemphasize. I modified it for you, I'm your fairy godmother honey." She winked. I looked at my reflection and on how the dress hugged my body.
"Can't you do something about the cleavage?" I asked her. Tumawa lang siya at umiling.
"Hurry up! Malelate na kayo." She said. Sinuot ko na rin yung heels and looked again at my reflection. Tinulak-tulak na niya ko palabas fitting room. Andun na lahat ng staff. Nakatalikod samin si Waldrin at may katawag sa phone.
I held my breath ng bigla siyang mapalingon samin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top