-16-
Happy New Year!!!
M A X E N E
Napasinghap ako when suddenly someone covered my mouth at dinala ako sa isang vacant room. Mabilis ko siyang siniko at pinilipit yung braso niya papunta sa likod niya.
"Ahhh! Ouch! Stop! D*mn it!" He cursed. Agad ko siyang binitawan ng marealize kong si Raven pala yun. Bakas pa rin sa katawan niya ang mga pasa at sugat.
"S-Sorry. Okay ka na ba?" I asked at kinapa yung noo niya. Nagkafever din kasi siya kahapon kaya pinabantayan ko muna kay Paeng. Nag-away pa kami dahil dun, hindi rin naman ako makaabsent dahil may test kami kahapon.
"Yeah, I'm fine. T-Thank you nga pala." He said at bahagyang napamasahe sa batok niya. My eyes widen because I didn't expect him to thank me. Pero iba pa rin talaga kapag nakakarinig ka nun, nakakapagpagaan ng loob.
"Do you want to grab some snacks? My treat." He said. Bahagya kong tinilt yung ulo ko to look at his face. Sinuri ko yung mukha niya kung seryoso ba siya because it just feels so weird.
"Mukhang malakas ang tama sa ulo mo, pero sige tara." I said. He smirked at me at bahagyang tumawa. Bahagya akong napangiti, he can laugh. I never seen his natural laugh, yung walang bahid ng sarkasmo.
"Pero seryoso? Okay ka na ba?" I asked him at bahagyang tinitignan ang mga sugat niya sa mukha habang sabay kaming naglalakad papuntang cafeteria.
"Yeah, may iniinom kami kaya mabilis kaming gumaling kapag nabubugbog kami." He said. I knew what he was talking about. It's a kind of drug. Alam ko yun, I've been dependent to it before pero tinigil ko na rin dahil hindi na tumatalab sakin.
"Parang magic beans?" I asked and he chuckled.
"You can be funny sometimes." He grinned. Napatingin ako sa mga students na napapatigil pang sinusundan kami ng tingin. Pati nga rin ako hindi makapaniwalang Raven and I are talking casually.
"What do you want?" He asked. Napatingin ako sa menu. Parang restaurant kasi ang ang cafeteria namin dito. Lulutuin pa nila yung order namin.
"I'll have banana split and iced coffee vanilla." I said.
"Okay ganun na rin sakin miss." Raven said at iniabot dun sa cashier yung card niya. "Come on let's have a seat." Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. He seems not to care though.
I was just staring at him nung makaupo kami. His brows furrowed. "What? Do I have something on my face?" He asked.
"Uh no. Nakakapanibago lang." I said. Nagkibit balikat lang siya. Bahagya siyang natatawa everytime he catches me staring at him.
"Come on! I can also be nice!" He chuckled. Dumating na yung order namin at hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya habang naiiling. "Mahilig ka ba sa sweets?" He asked out of nowhere.
"Not really..." I replied after I ate a spoonful of ice cream. Bahagya akong napaatras when he reach for my face at bahagya dumampi ang daliri niya sa gilid ng labi ko.
"S-Sorry, may ice cream ka kasi dito." He said pointing the side of his lips.
"Oh! Pasensya na." Bahagya kong dinampi ang panyo sa bibig ko. His grin was just plastered on his face. I don't know what's funny, but he looks like he's having fun.
"Raven what's this? Are you planning to take away my date?" My jaw dropped sa biglaang pagsulpot nina Waldrin at Christian. Waldrin was just glaring at both of us na para bang
isang malaking kasalanan ang pagkain ng banana split.
"Bro, where did you get your bruises?" Christian asked him. Tumayo si Raven and I was just watching them.
"Wala napaaway lang." He said. Napatingin ako kay Waldrin who's throwing dagger looks to Raven. Napapaiwas na lang ako ng tingin kapag tumitingin siya sakin, hindi ko alam kung bakit naiilang ako kapag nagtatama ang mga tingin namin sa isa't-isa.
"Bakit nga pala kayo magkasama ni Maxene?" Christian asked.
"Why are you being nice to her? Do you like her?" Waldrin hissed. Napasinghap ako sa narinig. Tumayo na 'ko at akmang sisigawan si Waldrin.
"Yeah, I like her." Raven said. Napasapo na lang ako sa noo ko. I know he's lying, but I don't get why he has to annoy Waldrin. They're friends! At mukhang may balak pa talaga silang mag-away.
"D*mn you!" Waldrin hissed. Buti na lang napigilan agad ni Christian si Waldrin sa akmang pagsugod kay Raven. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila, sigurado akong hindi pa makakalaban si Raven dahil sa mga natamo niyang sugat kahapon.
"Tumigil nga kayong dalawa!" Christian spat. Napatingin sakin si Waldrin at automatic naman akong napaiwas ng tingin.
F*ck! Why do I feel giddy when he look at me?
Waldrin grab my wrist but I put all my weight on my feet para hindi niya ko mahila.
"S-Saan mo ba ko dadalhin?!" I hissed.
"You're coming with me willingly or I'll carry you?" He asked me coldly. Bigla akong nanghina kaya nahila niya ko palayo. Hindi ko na alam kung saan niya ko dinala dahil nakatingin lang ako sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko.
Napasinghap ako ng tumama ang likuran ko sa pader at isang malakas na hampas sa pader sa gilid ng mukha ko.
"Do I look like I share?" Nanlalaki ang mga mata niya na para bang pinagbabatantaan niya ang buhay ko. My eyes locked on his jaw as I watched it moves.
"Ano bang problema mo?" I asked calmly. Ayokong sabayan ang init ng ulo niya dahil ayoko muna ng gulo.
"May gusto ka ba kay Raven?" Pumilantik ang kilay ko sa narinig. That's impossible! At ano naman sa kanya kung oo o hindi?!
"What's funny?!" He asked. Hindi ko namalayang napangisi na pala ako sa tanong niya.
"Ano ba kasing kinagagalit mo? I don't understand you!" I grin. He clenched his jaw furiously. I was able to glance at his eyes, at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Nawala ang ngisi sa mga labi ko.
Napuno ako ng pagtataka, why is he acting this way? Ano bang problema niya sakin? What did I do to make him this mad?!
From the wall, bumaba ang kanang kamay niya sa batok ko. He brushed his palm on my neck at bahagyang hinawi ang buhok ko. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa ginawa niya.
"I can choke you right now, but that's not what I'm gonna do." He held my shoulders at hindi na ko nakareact pa ng dumampi ang mga labi niya sa pisngi ko. Nakayuko siyang lumayo sakin pero hindi nakatakas sakin ang pamumula ng kanyang mukha.
"You're my date at hindi ka pwedeng mapunta sa iba." He said not even looking at me at mabilis na naglakad palayo with a flushed face. Dahan-dahan akong napahawak sa pisngi ko as I watch him walk away.
What the heck did just happened?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top