-15-
Another sleepless night. Ilang gabi na ba kong nahihirapan? Halos gabi-gabi na akong hindi makatulog dahil sa sakit ng katawan ko na naghahanap ng droga. Mahirap man, but I have to get rid of it. Nagsuot ako ng tshirt, jogging pants at bonnet. Kailangan kong lumanghap ng sariwang hangin. Nagsuot din ako ng facemask dahil inuubo ako.
Dumaan ako sa convenience store para bumili ng softdrinks bago ako naglakad-lakad.
*Cough* *Cough* *Cough*
Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ako yung umubo. My forehead creased. Nakarinig ako ng kalampag ng mga bakal at kung anu-ano pang binabalibag. Naglakad ako patungo sa madilim at masikip na eskinita.
"Ano na? Anong laban mo ngayon samin Smith?!" Someone whispered. Smith?
Nakarinig ulit ako ng pag-ubo. Then, dahil sa liwanag ng buwan nakaaninag ako ng familiar na mukha. It's Raven. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ko namalayang nabitawan ko yung coke in can ko kaya nagcreate iyon ng ingay.
"Sino yan?!" Napaatras ako at lahat sila lumabas mula sa eskinita kaya kitang-kita ko ang mga mukha nila ngayon. Nakahawak sila ng mga bakal na tubo na may bakas ng dugo.
"Pare babae..." Someone said. Napatingin ako kay Raven na kung makaubo parang malalagutan na ng hininga.
Someone poked me with the metal tube. Mahigpit ko yung hinawakan to the point na hindi na niya yun mahila mula sakin. He kicked me pero nasangga ko yung sipa niya. I caught his leg and crashed his bones. Binitawan ko yung tubo na nayupi na ng sumugod na saila sakin. Nasa 20-30 lang sila siguro.
Naiiwasan ko ang bawat hampas nila sakin. Puro sipa lang ang binigay ko sa kanila, sipa sa mukha, sa kamay, sa sikmura, sa binti. I made sure na babalian ko sila ng buto. Para lang silang bata kung lumaban, nagchicheat na nga, weak pa.
Kinuha ko yung dalawang tubo na mula sa mga member nilang bagsak na. I used them like swords. This is why I hate fighting with gangsters, walang kathrill-thrill. Mabilis ko silang napabagsak lahat.
I stepped on their backs and pressed them on the floor. Hanggang sa makarinig ako ng nabaling buto. I did that to all of them.
I toss the metal tubes somewhere at naglakad ako papunta kay Raven. Wala na siyang malay, I checked his pulse. Mahina na ito at hindi na siya humihinga. Agad ko siyang hinila papunta sa open na lugar.
Pinahiga ko siya sa floor. I removed my face mask and gave him a mouth-to-mouth resuscitation. I held his chin and pinched his nose before I blew into his mouth, then I pumped his chest. Ilang beses ko iyong ginawa, apat or limang beses siguro.
*cough!* *cough!*
I gasped when I heard his heavy breathing na parang naghahabol ng hininga. I can even taste his blood on my mouth now. Napapunas ako ng bibig ko and I saw him looking at me.
"Tara gamutin natin yang sugat mo." I said. Hindi na siya nakapalag pa. Maybe, he's too weak to fight. Inalalayan ko siyang maglakad, kahit alam kong kaya ko siyang buhatin hindi ko yun ginawa. Malapit lang naman yung bahay namin.
I checked the wall clock and it's 3:30 am already. Hindi na naman ako nakatulog. Pinaupo ko si Raven sa couch and made him drink water first bago ko siya pahigain. Kinapa ko yung batok niya and pressed a nerve para mawalan siya ng malay. No worries, it's safe.
I tend his wounds. I don't know why I'm doing this. Hindi ako santa I know, pero hindi ko matiis na wala akong gawin kung alam kung may maitutulong ako.
RAVEN's POV
Naalimpungatan ako ng maramdamang may nakatitig sakin. I opened my eyes..
"AAAHHHH!!! Sh*t!" I screamed ng may makita akong batang nakangalumbabang nakatitig sakin.
"Buti naman you're awake." He said. I groaned ng maramdaman ko ang sakit ng katawan ko.
"Did you know I have to absent today to watch you?! Malaki ka na diba? Bakit pa kita kailangang alagaan?!" Naghyhysterical na sabi nito. He's familiar, he's Maxene's brother. Napatingin ako sa kabuuan ng apartment nila.
"Asan yung ate mo?" I asked.
"Nasa school." Irap nito sakin. "Can you eat? I'll reheat the soup for you." He said.
I saw everything last night. How she managed to fight the Dark Zone Gang, kung gaano kadali para sa kanyang pataubin sila, on how reactionless she was while doing it na para bang wala lang sa kanya yun.
And yeah, I felt her lips on my mouth and d*mn it! I feel like my face's burning.
"Hoy! Kuya! Kanina pa po kita kinakausap." Napakurap-kurap ako when he snapped his fingers near my face.
"S-Sorry what is it?" I asked him.
"Sabi ko po, irereheat ko na yung soup para makakain ka na. And bakit ka po namumula?" He asked.
"Nothing, b-bigla lang sumakit yung sugat ko." I said.
"Okay, stay there." He said. Tumungtong siya sa isang chair at nireheat na nga yung soup na sinasabi niya. Umupo ako sa couch and checked my phone. I have some miscalls from Christian and messages, too.
Nagreply na lang ako na hindi ako makakapasok today dahil may lakad ako. Hindi ko na sinabi na sumugod ako ng mag-isa sa lungga ng mga Dark Zone. Napataob ko na yung iba that time pero masyado silang marami at hindi pa masyadong naghihilom ang sugat ko sa laban namin noon ng mga Phantom.
It was all because of Hannah, my exgirlfriend, ang girlfriend ngayon ng leader ng Dark Zone. I know pumayag lang naman siyang maging girlfriend ni Spikes dahil ayaw niyang masaktan ako. Dahil ayaw niyang mabugbog nila ulit ako.
"Kuya kumain ka na." Raphael said. Napabuntong hininga na lang ako and smiled at him.
"Thank you bro." I patted his head at ngumuso naman siya sakin. Kumain ako ng soup na binigay niya and he was just staring at me.
"Kumain ka rin." Alok ko pero umiling lang siya.
"Tapos na ko, tsaka niluto yan ni ate para sayo." He said. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. I clenched my jaw, I don't know what to do, we've been rude to her.
I don't know anymore.
Hindi ko na hinayaan si Raphael na magligpit nung pinagkainan ko. May hiya din naman ako kahit papano.
"Do you want to go somewhere?" I asked him.
"Bakit? Okay ka na ba?" He asked.
"I can walk." I said.
"Sige tara, dun tayo sa park. Nagprapractice kasi akong magbike." He said. Hindi muna ako umuwi or pumasok ng school. Sinamahan ko muna si Raphael magbike. Nagpabili pa siya sakin ng ice cream at kung anu-anong meryenda.
Hinatid ko na siya sa bahay nila nung medyo kaya na niyang magbike.
"Ikaw na magthank you sa ate mo para sakin." I said. He parked his bike sa gilid ng apartment nila.
"You do it, for sure matutuwa yun." He grinned. Lihim akong napangiti, thinking if I should buy some chocolates and flowers.
But nah, mukhang hindi naman siya mahilig sa ganun. A simple thanks will be enough I think. But again, no... It's not enough.
"Kuya okay ka na ba talaga?" I smiled at Raphael. Nahuli pa niya kong natutulala.
"I'm just thinking kung anong pwede kong ibigay sa ate mo as a Thank You gift." I told him. Lumapit siya sakin and held his chin na wari'y nag-iisip din.
"Just be nice to her, she may not look very friendly but she's a warm and sweet person."
Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Mukhang may idea siya sa mga pinaggagawa namin kay Maxene. Within me I know what Raphael was saying. Kahit naging masama kami sa kanya, she was there when we needed some help.
"Okay then, I will." Nagpaalam na ko kay Raphael and I don't know why a smile formed on my lips.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top