-14-

"Let me." Sabi ko dun sa lalaking student na nahihirapang buhatin yung mga boxes. 


"Huh? No! Hindi naman toh gawaing pambabae." He said. 


"Hindi mo na nga mabuhat." Irap ko sa kanya. Bahagya ko siyang tinulak and picked up the boxes here sa store room. Puro speakers kasi yung mga laman kaya mabigat. 


"K-kaya mo ba?" He asked. 


"Yeah, saan ba dadalhin?" 


"Sa main hall. Halika alalayan na kita." He said. He was talking to me on our way to the hallway. And I found out his name is Clark. Well, I saw it on his ID. 


"Nagwe-weightlifting ka ba?" He asked. Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. "Ang lakas mo kasi." He said at bahagyang nagkamot ng batok. It's a good thing na hindi siya masyadong naiintimidate sakin. And I find him cute though. 


I know how to appreciate beauty, of course, kaso minsan yung outer beauty hindi bumabagay sa inner beauty ng isang tao. Parang dito sa tatlong nakasalubong namin ngayon. 


Yeah, they're handsome. Girls are head over heels for them, pero yung ugali--basura. Binangga ako sa balikat ni Raven kaya napaatras ako. Hindi naman ako pinansin nina Waldrin at Christian. 


I glared at him and he glared back. 


"Tsk bakla." I hissed. Nadapa ako ng biglang may tumulak sakin. Tumilapon pa yung hawak ko na sana hindi nasira. 


"M-Max--" Hindi na naituloy ni Clark ang pagtawag sakin because Raven glared at him. 


I immediately stood up at itinulak si Raven na napaatras ng ilang hakbang. "What's you're problem?" I hissed. He grab my jacket and I grab his collar. 


"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" He shot. 


"What did I do to you?!" 


"Nakakainit ka ng ulo everytime I see you, hindi pa ba sapat na rason yun?" He smirked. 


"Then, magdusa ka." I pushed him kaya nabitawan niya yung jacket ko. I picked up the box. Hindi ko na sila tinapunan pa ng tingin. They're too childish. Naglakad na ko papuntang Main hall ng maramdaman kong nakasunod sakin si Clark. 


"Hindi ka ba natatakot sa kanila?" He asked. 


"Mukha ba kong takot?" I asked him. Nakarating kami sa Main Hall. We checked first the speaker kung gumagana  pa at buti naman gumagana pa. Buti na lang may styrofoam sa loob. Kaya hindi yun nasira nung bumagsak. 


Nakahinga ako ng maluwag, kapag nagkataon may babayaran na naman ako. 


"Buti na lang hindi nasira, tara marami pa tayong bubuhatin." Clark called me. Sumunod naman ako sa kanya pero bigla siyang natigilan ng biglang may mabasa sa phone niya. Bahagya ko siyang sinilip and horror is written all over his face while reading the message. 


"Okay ka lang?" I asked him. Lumingon siya sakin at lumunok. 


"S-Sorry Maxene, may gagawin pa pala ako, ikaw na bahala bumuhat ng mga speakers kaya mo naman." He said at mabilis na umalis. Kumunot ang noo ko, pero alam kong wala rin lang naman akong magagawa. 


Bumalik ako ng stockroom ng mag-isa, dapat may trolley push cart sila para mas mabilis. Isa ito sa mga irereklamo ko kay Madam SC. 


Laking pagtataka ko ng makitang nasa taas na ng mga cabinet yung mga speakers. Parang kanina lang nasa baba na lahat ng mga yan. Napabuga na lang ako ng hangin at kinuha yung hagdan sa gilid para maibaba ko yung mga speakers. 


Buhat-buhat ko pababa yung isang speaker ng marinig ko ang paglock ng pintuan at tunog ng padlock sa labas ng stockroom. Napailing na lang ako. Akala siguro nila tatalab sakin ang simpleng padlock. 


Ibinababa ko muna lahat ng speakers sa sahig bago ko sinubukang buksan yung pinto. 


Nakalock nga. 


I grip the doorknob, at pwinersa ang pag-ikot dito hanggang sa marinig ko ang dahan-dahang pagkasira ng mga turnilyo at bakal nito sa loob. Problema ko na lang ngayon yung padlock sa labas. 


I was about to kick the door ng b igla akong makaramdam ng matinding kirot sa tagiliran. 


"D*mn! Ngayon ka pa umatake!!!" I hissed... Kinapa ko yung bulsa ko para maghanap ng narcotics pero nasa bag ko pala yung mga pakete ko!!


"Ugh!! F*ck!!" I hissed. Naging dependent ako sa droga kaya unti-unti ko ng nararamdaman ang epekto nito sa katawan ko. Sigurado akong sira na ang liver at kidney ko kaya madalas akong nakakaramdam ng sakit sa katawan. 


But I have no time for another surgery. Ikalimang liver ko na ito, at pangatlo ng pares ng kidney. 


My life has always been like that, kapag may nasisira sakin ay pinapalitan ng bago. Naranasan ko na ring mabulag ng dahil sa droga. Iyun ang rason kung bakit magkaiba kami ng kulay ng mata ni Marshan. 


Hindi ako immortal, hindi ako robot. Droga ang nagiging lunas ko sa mga sakit ko sa katawan, ngunit ito rin ang sanhi ng unti-unti kong pagkamatay. I'm not even sure kung gaano pa katagal akong mabubuhay. 


My life is not f*cking cool. Araw-araw nasa bingit ako ng kamatayan. 


Medyo tumahimik lang ng dumating sa sina Marshan at Paeng. I even imagined life living with them for the rest of our lives. 


Pero hindi kami tuluyang magiging masaya hangga't may natitirang bakas ang mga Venom. Sisiguraduhin kong mabubura sila ng tuluyan bago tuluyang bumigay ang katawan ko. 


Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. The pain was bearable for me, dahil mas marami pang mas masasakit na pangyayari ang napagdaanan ko. 


Umupo na lang ako sa gilid. At yumakap sa mga tuhod ko. The pain is still there. Hindi ko na alam kung gaano katagal ako sa ganoong posisyon hanggang sa marinig ko ang pag-unlock ng kandado sa labas. 


Madilim  na pala at hindi pa nakabukas ang ilaw dito sa loob. 


"M-Maxene?" I heard Monique's voice. 


Pinakiramdaman ko ang katawan ko. Kumikirot pa rin ang tagiliran ko pero hindi na ganun kasakit. 


"I'm here." I answered. 


"My gosh! Wala na talagang ginawan matino yang Raven na yan!! Alam mo bang hindi kami makapasok-pasok dahil naglagay sila ng red note sa may pintuan!!!" She hissed at binuksan yung ilaw dito sa loob. 


"Okay lang, buti nga nakatulog ako." I said. Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya, hindi ko pinakitang may masakit sakin. I took my bag from her at pasimpleng kinuha yung pakete na nakalagay sa gilid. 


"Nasundo ko na si Paeng, nasa coffee shop siya. Halika na. Hindi ka pa nakakapagdinner." 


Mabilis kong ininom lahat ng nasa pakete pagkatalikod ni Monique. Alam kong hindi iyon tatalab agad pero mas mabuti na rin yun para makapagtrabaho ako ng maayos mamaya. 


"Ano nga pala yung Red Note?" I asked Monique. Bahagya siyang sumulyap sakin at bumuntong hininga. 


"Alam mo namang silang tatlo ang batas dito sa school diba? At kapag may nakadikit na Red Note sa isang bagay, it means na hindi ito pwedeng hawakan, galawin o kahit tignan man lang." 


Buti na lang kasama niya yung driver nila dahil alam kong hindi makakapagdrive si Monique, ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko na ibinulsa ko na lang sa jacket ko. Tumatalab na yung gamot. 



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top