-11-
I don't know why he's staring at me. Halos dalawang minuto na rin kaming nagtititigan. Umakyat ako dito sa rooftop para sa mapag-isa and I didn't expect him to be here. Naabutan ko lang naman siyang nakaupo sa gilid and staring at me.
I was about to close the door ng bigla niya kong tawagin.
"Hey! Come here." Naggesture pa siya na pinapalapit ako at agad na kumunot ang noo ko. I bit my lower lip. I closed the door at dahan-dahang lumapit sa kanya. Kung makautos naman ito feeling hari.
"W-What?" I didn't know why I stummered but I cursed myself for that. Bakit ba ko naiintimidate sa kanya?!
"What's your name?" He asked.
"Maxene." I breathed. Nakapamulsa lang ako and stopped almost a meter away from him. Tumango-tango siya. Naglakad siya papunta sakin and I took a step back. Napasinghap ako when he grab my face and examined it. Halos hindi na ko makahinga sa sobrang lapit niya sakin.
Tinanggal niya yung hood sa ulo ko and touched my hair. Naitulak ko na siya ng bigla niyang amuyin ang buhok ko. Manyakis to ah!!!
"What do you think you're doing?!" I gasped.
"I'm going to a party, and you'll be my date." He said casually na parang ako pa ang may utang na loob sa kanya. Nalaglag ang panga ko at napakurap-kurap pa ko.
"Are you insane? What made you think I'll go with you?!" I hissed. Hinawakan niya ko ng mahigpit sa braso and I gritted my teeth ng maramdaman kong masakit na. I was glaring at him and he was just staring at me coldly.
"Trust me, I can get anything I want." He hissed. Napasinghap ako when he suddenly pushed me at napaupo ako sa sahig sa lakas ng tulak niya sakin. He looked at me blankly bago ako iwan dito sa rooftop. Napabuga na lang ako ng hangin.
Siya na nga ang namimilit, siya pa ang may ganang magalit?!!
"D*mn him." I hissed. Napatingin ako sa kamay ko na nagkaroon ng konting gasgas. Tsk.
------
"Anong gagawin ko? Malapit na ang party ng mga Zekovia's." Napatingin ako kay Monique. Nakacast yung kanang kamay and she still got some bruises. Nahihirapan pa siyang maglakad kaya nakaalalay ako sa kanya.
"What party?" I asked. Bumuntong hininga siya.
"Birthday kasi ni Madam Wilhelmina, yung lola ni Waldrin at may-ari ng University." She said. I almost laugh, nadagdagan na naman ang edad ni Madam SC. Mas lalo na naman siyang susungit.
But, is that the party na sinasabi ni Waldrin? Yun na nga siguro.
"I have to look great, I have to be Christian's date!" Monique whined desperately. Napabuntong hininga na lang ako.
"Pupunta ka ba?" She asked.
"Why would I?" Irap ko sa kanya. I am allergic to gatherings. Sila Marshan lang naman ang mahilig sa mga ganyan. I'd rather sleep.
"But you have to! Malay mo, iinvite ka ni Raven!" She said. Muntikan ko na siyang itulak sa sinabi niya kung hindi lang siya injured!
"What made you think of that? You know they hate me, and the feeling is mutual." I said. Kinilabutan tuloy ako sa sinabi. Sa lahat ng maiisip niya, si Raven pa talaga na hindi ko alam kung saan pinanghuhugutan ang galit sakin. Ngumuso na lang siya sakin.
"And pwede ba, unahin mo yang pagpapagaling mo kaysa sa party na yan!" I spat. Mangiyak-ngiyak pa siyang tumingin sakin pero inirapan ko lang siya.
Nakarating kami sa loob ng classroom. Kalat na kalat ang balitang nagkaroon ng gang fight kaya hindi na sila nagulat sa itsura nina Monique. They are despising Phantom for being a cheater at maging ako'y hindi ko yun nagustuhan.
Malalakas sina Blake tapos idagdag pa ang daan-daang underlings nila versus the three of them. Inalalayan kong umupo si Monique sa chair niya bago ako umupo sa seat ko.
"Sino kaya ang pipiliin nila? Kyaahhh, I'm so excited!"
"Sana ako! Ang tagal kong pinaghandaan ito!"
Kumunot ang noo ko dahil sa bulung-bulungan. Kanina yang mga ganyang usapan sa hallway.
"They are pertaining to the party." Bulong sakin ni Monique. Napatango na lang ako sa kanya. Is it really such a big deal? Umupo na lang ako sa seat ko. Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko so I immediately check my phone.
Napangisi ako ng mabasa yung message. I'll have a fight this weekend. Buti naman dahil namumulubi na naman ako.
"Good Morning class! Tomorrow will be the start for the preparation of Zekovia's Foundation Day and birthday celebration of Madam Zekovia."
Bungad ng teacher namin. Nangalumbaba lang akong nakikinig and smirked, I have to gather information para may pambara ako may Madam SC kapag nagkita ulit kami. The teacher divide us into 5 groups para tumulong sa iba't ibang task.
Hindi kasali sa groupings yung tatlo pero magkasama kami ni Monique sa iisang group, ang Entertainment Committee.
"Tayo ang bahala sa sound system, sa intermission number, mga ganun ba." Monique said. Napatango na lang ako. Ano ba naman ang maitutulong ko diyan, baka nga tagabuhat lang ako ng mga speakers.
"Last year nga kumanta ako eh." She grinned. She seems very excited about the party eh hindi pa nga siya lubusang magaling.
After that, we were able to meet the other members of the committee for the delegation of tasks. Sa human forces ako nadelegate, si Monique sa arts and designs tapos yung iba sa intermission number at sound system.
Napansin ko naman ang masamang tingin samin nung tatlong babaeng tagaibang section daw. At kanina pa ko nagpipigil na dukutin isa-isa ang mga mata nila.
"This is so annoying talaga, why do they have to be part of this committee?" Pagpaparinig nung isa. Napantig ang tenga ko sa narinig and glanced at them.
"Yeah kabadvibes."
Naramdaman ko ang paghawak ni Monique sa braso ko kaya kumalma ako saglit, it's okay if they'll talk the worst about me wag lang nilang idadamay si Monique.
"So that's it! We will have a meeting tomorrow at magsstart na rin tayo sa pagpurchase ng iba pang kakailanganin!" The leader told us. Nagsitayuan na rin kami at inalalayan ko pa si Monique na biglang binangga nung isang babae at nginisian pa buti na lang naagapan ko ang pagbagsak niya.
"This bitch!" I gritted my teeth. Ngumisi lang silang tatlo sakin, kung hindi ko lang hawak si Monique ay baka tumama na agad sa sahig ang mga naaspalto nilang mga mukha.
"See you around losers!" They grinned and gestured a letter L on their foreheads.
I clenched my jaw.
Pag ako napuno, sisiguraduhin kong comatose kayong tatlo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top