-10-

"Buti naman hindi ka napano." Monique said. Iniinda pa rin niya yung sakit ng likod niya. She got bruises on her face. 


"I told your Mom na samin ka muna nakitulog, I don't know what to say at them." I said. Napatingin ako kina Raven. Nasa iisang room lang sila. Ward kasi ang pinaglagyan sa kanila. Ofcourse, they got bruises, too. Nabalian din atah sila ng buto. 


I don't care anyway. 


"Paano mo kami nailigtas?" Monique asked. 


"I waited for them to leave. Akala siguro nila malalagutan din kayo ng hininga." I lied. Napatingin ako sa kapatid ko na kumakain ng apple habang nanonood ng TV. 


"Magagalit sakin si Mommy kapag nakita niya akong ganito." She sighed. 


"You bring us all here alone?" Napatingin ako kay Raven. 


"Yeah." I said coldly. I don't expect them to thank me. I don't need it anyway. 


"Paeng nakakadalawa ka na." I told my brother ng akma niyang kukunin yung pangatlong apple. He pouted at me, binili namin yun para kina Monique. Bumili din ako para sa kanila, iaccept man nila o hindi wala na akong pakealam. 


"It's okay let him eat." Monique smiled at me. 


"Kamusta yang likod mo?" I asked her. Umiling lang siya sakin. 


"Mauna na kami then, you rest ako na bahala sa restaurant." I said. Naiiyak siyang humawak sa kamay ko. 


"Huhuhu! Maxene! Hulog ka talaga ng langit! Sorry talaga ang laking abala ko na sayo." She sobbed. Napangiwi na lang ako. 


"I know, kaya next time wag kang magpadalos-dalos." Irap ko sa kanya. Suminghot-singhot siya habang tumatango. 


"Hello?" Napatingin ako sa kapatid ko when he answered my phone. "Why are you calling Xander? You haven't gone home yet?" Inis na sambit ng kapatid ko with his British accent. 


"You're not welcome in our flat anymore! Go back to Europe!" Napasapo na lang ako sa noo ko. 


"Sino yung Xander? Boyfriend mo?" Monique asked me. Muntikan na kong napatawa sa tanong niya. 


"You cannot live with us!!" Raphael burst. Kinuha ko yung cellphone ko mula sa kapatid ko. Inaasar na naman nito si Paeng for sure. Pikunin kasi si Paeng. 


"Why not?! Miss ko na ate mo!" Xander said. 


"Xander..." I said in a warning tone. Narinig ko ang pagkataranta niya sa kabilang line. 


"Etoh na nga, flight na namin. Tinatawag na kami. Bye na." He said and ended up the call. 


"Is he gone? Umuwi na ba sila?" Nakahalukipkip na tanong sakin ng kapatid ko. 


"Yeah, let's go. Nakakaistorbo ka na." I said to him at binulsa na yung phone ko. Ngumuso siya ulit sakin at nagpaalam na kay Monique then he glared at the boys. Inihilamos ko yung palad ko sa mukha niya. 


"Stop glaring." I whispered to him. 


--------------

Madam SC is back. Yung Senior Citizen na sopistikada. I clenched my jaw. I've been standing besides her for about 5 minutes. At hanggang ngayon hindi pa rin siya oorder. 


"Balikan ko na lang kayo kapag may order na po kayo." I smiled sarcastically at her. 


"Oh no! I have decided!" She said. Napatingin ako sa driver niya na ngumiti lang sakin. "Strawberry cake please and Americano Grande." She smirked. 


I clenched my jaw. Pinipigilan ko lang talagang irapan siya. Nilagay ko sa counter yung order niya. 


"Akala ko hindi na siya babalik." Ate Anna whispered to me. 


"Sana nga lang talaga hindi na." I sighed. 


"Kaya mo yan! Fighting!" Ate Iza grinned at me kaya napangiwi na lang ako. Binigay niya sakin yung strawberry at americano. 


"Here's your order Ma'am." I said. 


"Scoop out the strawberry." Mataray na sabi nito. I heaved a sigh at nilagay yung strawberry sa tray. "Where are you going? Scoop it here infront of me." She said. 


Kumunot ang noo ko.

That's the same thing Waldrin said before. Lola kaya siya ni Waldrin? Whoah! Small world. Mukhang magkaugali din sila. Iscoop out the strawberry at nilagay sa gilid ng plate bago ko pantayin yung icing sa ibabaw. 


"Is that all Ma'am?" I asked na medyo inis na. Tinaasan lang niya ko ng kilay. Muntik ko na siyang inirapan. I continued my work and she was just staring at me. 


Kumukunot ang noo ko everytime I looked at her cause I always caught her staring at me. Halos magdadalawang oras na rin siyang nakaupo dun. Kumuha na nga rin ng sariling table yung driver niya. 


"What does she want?" I mumbled to myself. 


"Excuse me!" Tawag nito sakin. Kunot noong pumunta ako sa kanya at kung hindi lang talaga siya matanda ay baka binigwasan ko na siya. 


"Yes madam?" I asked her. 


"I saw you kanina, sa school ka pala namin nag-aaral." She said. My brows furrowed. "I am Wilhelmina Zekovia, the owner of ZEKOVIA UNIVERSITY." 


Hindi siya naglahad ng kamay, hindi siya nagpapakilala. She's bragging and as if I care. 


"So?" I asked her. She smirked at me and chuckled. "I'm going to call you Madam SC, I treat people equally. And I don't really care who you are PO." '


Nawala ang ngisi sa mga labi niya na para bang ano mang oras aatakihin na siya. 


"Come on Roberto! We're leaving!" She said. It was my time to smirk. 


"Please don't come back." I said. Ngumiti sakin yung driver niya pero si Madam SC mukhang papatay niya. I silently laughed. Feeling niya siguro matatakot ako sa kanya. Mas malayong mas nakakatakot si Lolo kaysa sa kanya. 


Dumiretso ako sa locker ko para tignan yung patch ng uniform ko. Every monday lang kaming nag-uuniform actually. Nakalagay ngang Zekovia University yung school namin.


D*mn ngayon ko lang narealize na sila Waldrin pala ang may-ari. Wala naman akong pakealam noon kung saan akong school mag-eenroll basta yung malapit samin. Nagkibit balikat na lang ako at inayos ang uniform ko sa locker. 


As if it could kill me.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top