CHAPTER TWO
CHAPTER 2: First Day of School
Krystella's POV;
I'm sleeping comfortably here at my queen size bed, feels the presence of the air coming from the airconditioner.
"Ysabelle! Ysabelle!" A woman shouting in front of me, and I don't know who is she, she's at 40-45 age I think like my mama Martina is.
Blur yung mukha niya kaya Hindi ko ito naaaninag, Hindi ko rin alam kung nasaan ako tanging puting background lang ang nakikita ko at ang babae
Ngunit sa pagkaka alam ko natutulog ako, at isa yata itong panaginip, tama isang panaginip na ayoko ko pang gumising dahil nagtataka ako kung sino si Ysabelle na tinatawag ng babae
"Ysabelle! look behind you" sigaw niya ulit at ako lang ang tinitingnan niya, kung ganun ay ako ay tinutukoy niya sapagkat wala ring ibang tao rito kaya lumingon ako sa likoran ko.
Isang lalaki na nasa bente ang edad at tinutukan ako ng baril hanggang sa pina putok ito sa akin. Buong akala ko ay tatamaan ako nang may yumakap sa'kin at sabay kaming natumba.
Isang lalaki ulit na hindi ko naaaninag ang mukha ngunit bakas nito ang kakisigan at ang ala anghel na mukha. Niligtas niya ako mula sa bala. Ang dati'y puti ang kapaligiran, ngayon ay napalitan ng masalamuot at madilim na kapaligiran.
Nawala na rin yung babae. Ang tanging narito nalang ay yung lalaking nagpaputok sa'kin ng bala at ang lalaking nagligtas sa akin.
"Stella!" Tawag sa akin nung lalaki.
"Stella! Stella! Stella!" Tawag niya ulit sa akin at akmang nag iba ang boses nito sa huli "Stella! Gumising ka!" Kahit tulog ay kumunot parin ang noo ko, pamilyar na ang boses nito.
"Krystella Valencia! Gising na!" Bigla nalang ako napa-bangon. Tinig pala ng aking mama.
Wala sa huwisyong bumangon ako ng kama, hindi ko parin maalis sa isipan ko ang panaganip na yun. Pero para sa akin, may pinapahiwatig ang panaginip na iyon.
Hindi ko parin lubos na maisip kung masama ba o maganda ang panaginip na yun. Ays! Bahala na nga!
"Anak! Maghanda ka na sa pagpasok mo sa skwela" masiglang sabi ni mama na pinagtataka ko kung bakit iba na ang kwarto ko kaya hindi ko napigilang magtanong
"Ahm, ma nasaan ako? na-nasaan tayo?" Kunot noong tanong ko "natulog ka kasi kagabi at hindi mo namalayan ang paglipat natin" sagot niya na ikinabigla ko naman.
"Ano?! Lumipat na naman tayo?" Bigla kong sigaw
"Ah,eh, kaya tayo lumipat dito, eh hamak na mas malaki at comportable ang bahay na ito, bukod pa roon ay mas malapit ang paaralan mo dito" paliwanag nito at hindi nalamang kumontra sapagkat wala na akong magawa
"Maligo kana, nandiyan na pala ang uniform mo sa cabinet" huling sinabi nito tsaka lumabas na sa kwarto.
Pumasok na ako sa banyo upang maligo pagkatapos dun at nagbihis na.
Literal na lumubo ang mga mata ko sa nakita dahil sadyang napaka iksi ang palda ng uniporme ko.
Hindi na lang ako kumuntra sapagkat nandito na ito at mukhang bagay naman ako sa uniporming ito.
Pagkatapos suotin ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Maganda rin naman pala ito. Black at Pink ang color nito Black ang skirt nito pero maiksi habang sa upper naman ay white longsleve na turtle neck sa inner at sleeveless na pink ang outer nito at may naka lagay na Eleonoria Royal University sa kanang banda.
_____
"ELEONORIA ROYAL UNIVERSITY"
Nakarating na ako sa skwelahan at sadyang napakalaki ng University na ito at bakit sa dinami dami ng eskwelahang pwede kong pasokan, bakit sa Royal University pa?
Pagbaba ko ng kotse ay agad na bumungad sa akin si Trinity "Hoy! Wow nice ah, bagay sayo, pang anime ang peg mo ah" pangunguna niya sa akin habang nasa ibat ibang direksyon ako naka tingin
Ang ganda dito "hoy!nakikinig ka ba?" Nakakagulat niyang sabi sa akin at nakurap na lamang ako, tsk nakakainis rin 'tong si Trinity minsan eh.
Tumingin ako sa main building at nandoon ang bulliten board habang sa kabilang building naman may nag sisigawan dahil sa dumaang lalaki, pamilyar ang awra ng lalaki pero paki ko ba?! Tsk. Flirt!
Dumiretso na kami sa bulletin board upang tingnan kung saang room kami papasok
"Couzy! Ayan yung bulletin board oh, tingnan natin kung saang section tayo" sabi ni Trinity. Tss, alam ko naman eh
Hinanap namin kung saang room kami,and finally i found it
"Look Trinity we're classmates" naka ngisi kong sabi, ngayon lang ata ako ngumiti ng hindi peke?
"Oh, we're in 11-sec.Happy, nasa 4th building ito, 3rd Floor" tuwang tuwa niyang sabi at sa tuwang yun yinyugyog na niya ako sa braso ko. Tsk! Here we go again
Pero nananadya ba ang tadhana? kung saan hindi ako masyadong masiyahin sa sec.Happy talaga ako napunta
"Tara na nga" putol ko sa kaligayahan niya at naglakad na ako "Hoy! KJ nito! kala naman nito kung nasaan ang 4th building" rinig kong reklamo niya sapagkat naka sunod lang siya.
Habang naglalakad kami, may narinig akong tinig ng isang babaeng umiiyak
"Wag! Ma-maawa kayo" paki usap nito. Kaya naman ay agad kong sinundan kung saan nanggaling ang boses
"Hoy! Saan ka pupunta?" rinig kong sabi ni Trinity, hindi ko na lamang ito pinansin, hindi pa naman siguro kami mali-late.
Nang makarating na ako sa pinanggalingan ng boses ay agad kong nakita ang isang babaeng nerd na umiiyak habang hawak ang kaniyang magkabilang braso sa dalawang maskuladong lalaki habang ang isa naman ay mukhang varsity player pa na hawak hawak ang bag ng babae at pinaglalaglag ang mga gamit nito
"Bitawan niyo ako please" pag mamakaawa nito habang patuloy ang mga bullies sa pinaggagawa nila.
I really hate violence, bullies, it's so damn crap! Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumabas mula dito sa wall
"Let her go,cowards!" pagmamatapang kong sigaw sa kanila, totoo namang mga duwag sila sapagkat pinagtutulongan nila ang babaeng nerd na walang kalaban laban.
Lumingon sa akin ang isa na mukhang varsity player "At sino ka para pagsabihan kami ng duwag, ha!" Sabi niya habang lumapit sa kinaroroonan ko
"I have no intention to introduce myself on you, cowards" I said seriously, then i grasp his point finger tightly dahil pinag duduro ako nito
"Let me go you b*tch!" Galit niyang sabi sa akin, tsk
"I will, if you allow that nerd to go!" pagmamatigas kong sabi at mistula nilang pinakawalan ang babae habang hawak hawak ko pa ang daliri ng lalaking ito "Now let me go" sabi niya sa akin tsaka ko pinakawalan ang daliri niya, bago sila umalis ay tiningnan niya ko ng masamang tingin gayun din ako tsaka na sila nagsi takbuhan papalayo.
"Are you okay?" Mahinahong sabi ni Trinity sa babae, kararating lang nito.
Tinulongan ko naman ang babae na magligpit ng mga nalaglag niyag gamit
"Saan ka dapat pupunta?" Tanong ni Trinity sa babae na ngayon ay nagsisimula na ring tumulong
"Fo-fourth building mu-must be my direction, ngunit..." sagot nito na may bahid pa ng kaba at takot "ngunit nakasalubong mo ang mga mokong na yun?" dagdag ko sa mga dapat pa niyang sasabihin
"Kung ganu'y sumabay kana sa'min dun din kami pupunta" sabi ko at nagsimula na akong naglakad at kasunod lang sila
"Tha-thank you, miss" sabi niya "Welcome" tipid kong sagot
"By the way, Elle kilala naman kita at kilala mo na ako, diba?..." Masiglang sabi ni Trinity mula sa likuran ko, nakikinig lang ako sa kanila, nakalimutan ko rin na transferry lang pala ako at hindi ko pa kilala ang mga tao dito
"By the way, Stella she's Cellestia Kaye Eleonoria. Elle, she's Krystella Valencia" dagdag pa ni Trinity na pinakilala niya sa'min amg isa't-isa.
Cellestia pala pangalan niya and what!? Eleonoria?! It means related siya sa school na ito, pero bakit hinahayaan niya ang sarili niya na ma bully?
"Eleonoria?!" Hindi ko na napigilan ang Curiosity ko at nagtanong na ako. Matagal-tagal din bago sumagot si Cellestia, bigla kasi itong tumahimik.
"Ahm, Elle? You're spacing out again? Hihi" singit ni Trinity na ikinabalik naman ng diwa nito
"Ah... Ye-yes. Cellestia Eleonoria is my mom which is the owner of this school" mahina niyang sagot, at hindi na ako nagtanong pa para wala ng daldalan.
Cellestia's POV;
Pagkatapos naming ligpitin ang mga nahulog na gamit ko ay nangunguna na sa paglakad si... Ahm, yung babaeng tumulong sa'kin. I don't know her pa kasi eh. "Kung ganu'y sumabay kana sa'min dun din kami pupunta" sabi niya bago kami tuluyang sumunod sa kaniya. Inayos ko na rin ang glasses ko.
"Tha-thank you, miss" I said with a breaking tone. "Welcome" tipid niya lamang na sagot.
"By the way, Elle kilala naman kita at kilala mo na ako, diba?..." basag sa katahimikan nang nagsalita sa Trinity.
"...by the way, Stella she's Cellestia Kaye Eleonoria. Elle, she's Krystella Valencia" pakilala ni Trinity na'min sa isa't-isa.
"Eleonoria?!"
Wait... Valencia? Krystella Valencia? So they're cousins? Trinity Valencia and Krystella Valencia are cousins. So she's the daughter of Cedrick Valencia. The administrator of our school. May sumunod pala silang anak? Balita ko kasi nawala ang anak nila many years ago and never been found. I guess she's the second daughter, so that's it. Pero bakit parang may iba sa kaniya?
"Ahm, Elle? You're spacing out again? Hihi" biglang sabi ni Trinity na ikinabalik naman ng gawi ko. Oh, I'm spacing out of nowhere nga. Di ko na nasagot ang tanong ni Krystella. Teka ano nga ba yun?
*Eleonoria?!* biglang kong naalala, ahh yun pala
"Ah... Ye-yes. Cellestia Eleonoria is my mom which is the owner of this school" sagot ko. Yeah, I know. Baka nagulat siya sa apelido ko dahil Eleonoria ako at binu-bully lang sa school na ito. Di naman kasi ako ang ate ko eh. Georgina Cellestia is better than me, kahit sa paningin ni mommy
*Sighed*
Krystella's POV;
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa third floor, fourth building
"Magkaklase pala tayo!" tuwang sabi ni Trinity kay Cellestia at ayon sa kalkyulasiyon ko mukhang 99% na magiging friends kami nito ah, masyado naman kasing friendly si Trinity at sana lang hindi board itong ka-usap
"Ok, since we're classmates sabay na tayo mag lunch mamaya" naka ngising sabi ni Trinity.
Pumasok na kami sa classroom at nandiyan na pala ang teacher namin, ngunit hindi pa naman kami late kasi hindi pa nagsisimulang magklase ito
"So we're complete na!" Salita ng teacher, so I guess kami nalang pala ang inaantay dito "...and you miss, you have to introduce yourself because you are new here" dagdag pa nito at ako ang tinutukoy,nagpunta na sila Trinity ay Elle sa upuan habang na iwan ako rito sa harap upang ipakilala ang sarili.
Ngayon nasa akin na ang atensiyon ng lahat. Tss, this is what I hate "I'm Krystella Valencia" tipid kong pag pagpapakilala at naglakad na patungo sa upo-ang gusto ko. Nasa tabi ko naman si Trinity habang nasa likod ko naman naka-upo si Cellestia
Fastforward...
*Riiiiiinnnnnggggg!* Rinig naming bell para mag lunch
"Hoy sabay na tayo! Nagugutom na ako" pagmamadali ni Trinity sa amin, nagugutom na rin ako
"I'm starving also" mahinang sagot ni Cellestia, hindi na ako umimik at sumunod na sa kanila patungong Cafeteria.
Tahimik lang akong naglalakad kasama sila at habang sila naman ay mukhang ma uubos na ang laway sa kadaldalan, ang nerd na ito tahimik pag nasa klase pero kung nasa labas na nagsho-showering na ang laway sa kaka salita
"Hoy Stella! magsalita ka naman diyan" nakakabwisit talaga din 'tong si Trinity, idadamay pa ako sa walang kwentang daldalan nila, ngunit tanaw ko na ang cafeteria kaya na una na ako sa kanilang naglakad
"Bilisan niyo diyan nagugutom na ako" irita kong sabi
"Hoy! KJ talaga nito" sigaw ulit ni Trinity pero nagpapatuloy parin ako sa paglalakad
"Baka ayaw niya sa'kin" mahinang sabi ni Cellestia subalit rinig ko ito dahil kasunod ko lang sila,lumingon ako sa kaniya at tiningnan siya ng masama "Tss. That's not what you think, wala akong hindi gusto, basta hindi lang ako iniirita" seryoso kong sabi at tumalikod na sa kanila at naglakad kasunod lang sila sa akin
"Masanay kana, Elle, ganiyan talaga siyang kaibigan, medyo KJ pero kapag ikaw ang nalagay sa piligro, ipagtatanggol tayo niyan" paliwanag ni Trinity kay Cellestia rinig ko ito sapagkat kasunod lang sila sa akin,Tsk! Sa tingin niya mata-touch ako.
Nasa counter na ako at um-order ng one extra large fries, one slice of lasagna, then a one bottle of water. Water lang gusto ko ayoko ng softdrinks eh.
Pagkatapos ay humanap na ako ng pwesto, dun ko napili sa may bintana at pumunta na'ko dun at tsaka umupo. Gusto ko kasi malapit sa bintana eh bakita ba?
Pero bakit kaya iba ang kulay ng lamesang 'to sa iba at tsaka 'tong upo-ang inuupuan ko iba rin, gold ang color nito, ganun din ang lamesa, kaya dito ko na isipang umupo. This quite good and relaxing.
Nagsimula na akong sumobo nang bigla nalang binasag ni Trinity ang tanghalian ko
"Hey! Stella! Maling pwesto yang inupuan mo, lipat tayo bilis" bulong na sabi ni Trinity sa akin na para bang mukha siyang kinakabahan
"What's wrong about?! wag niyo akong iniisturbo pag kumakain" irita kong sabi sa kanila
"No! ayoko, lumipat nalang tayo please naman oh, Baka maabutan nila tayo ha-" putol niya itong sabi at bigla nalang na tulala na tumingin mula sa likoran ko "andiyan na sila" mahinang sabi ni Cellestia at nagsiyukuan sila
Tsk ano bang meron sa mga 'to? At bakit nasa akin ang atensiyon ng mga estudyante pero patuloy nalang ako sa pagkain
Nagulat nalang ako nang nakita kong nagsitayuan ang mga tao at nagsiyukuan rin, nag tili an naman ang ibang babae.
Tiningnan ko ang pwesto nila Trinity para itanong kung anong nangyare pero wala na sila sa pwesto nila kanina, nasan ang mga yun? Mayroon talagang mali sa likoran ko.
'What the h*ll is goin' on?!' I said in the back of my mind
Nabigla nalang ako ng may dumapong kamay sa lamesa na galing sa likoran ko, nagtinginan na rin ang mga tao sa direksyon namin.
"Hindi mo ba alam na buhay pa ang nagmamay-ari ng pwestong ito, miss" malamig niyang sabi at pamilyar ang boses nito.
Tumayo ako sa kinatayayuan ko at lumingon "Malay ko ba na--" putol kong sabi at nabigla kung sino ang lalaking narito sa harap ko
"You!"
"You!"
Sabay pa talaga kaming sumigaw. Siya yung lalaki sa dagat, ang gag*ng 'to! Dito pala siya nag aaral?! Aarrgh!
"ANONG GINAGAWA MO RITO!?" sigaw niyang tanong
"NAG AARAL! OBVIOUS NAMAN, DI BA!?" I shouted back, kung alam ko lang na dito siya nag aaral?! Abay!
"SINUSUNDAN MO BA AKO!?" Sigaw niya ulit sa akin, kapal din ng mukha nito eh
"AT SINO KANG GAGONG KA PARA SUNDAN KITA RITO!" balik sigaw ko ulit sa kaniya,ngayon ay mukhang nag iinit na ang ulo nito sa galit. Bakit? Siya lang ba ang nag-iinit dito sa galit! Oh f*ck this school year. I'm sure this is so f*ckin miserable school year! I swear it!
Kitang kita naman sa mukha niya na uminit na ang ulo niya. Direktahan kaming tumitingan sa isa't-isang mata. He really has this dark eyes that I really can't forget.
Xander's POV;
"Ikaw! Alam mo ba na sino ang binabangga mo, ha?!" Timpi kong sabi sa kaniya. Pag sini-swerte nga naman at pinagtagpo talaga kayo ng litseng tadhana. I already love you, destiny!
"I don't care if who the h*ll you are!" Galit niyang sagot sa'kin. Kung ibang babae lang 'to, matagal ng sabog ang ulo nito but why the heck I can't do that on her! Damn it! But still I can't keep my self to blow up because of my anger, yung tipong darating ako sa point na lilipad na ang mga kamao ko.
Lalapag na sana ang kamao ko sa mukha ng babaeng 'to when suddenly someone grab and pulled out my fist
"No need to do that, Xander" mahinahong sabi ni Ryle tsaka ibinaba na ang kamao ko "How this man can manage to do that f*ckin thing to the girls..." She said sarcastically "... Oh, not even a man pala, a coward perhaps" she continued with her playful smile na lalong ikina init ng dugo ko. Sinusubukan talaga ako ng babaeng 'to ah
Akmang lalapit na sana ako sa kaniya nang biglang nagsidatingan ang mga taga-guidance.
"Prince Xander! Krystella! Come with me to the office!" I know that voice. The admin in this school. What the-- this is my first time na magaga-guidance dahil sa gulo. What a sh*t!
_____________________________________
HOPE YA ENJOY!
COMMENT AND VOTE:>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top