CHAPTER 9

Dedicated to: kylynval
_______________________

Chapter 9





Cassidy Pov

Si Auntie Tanya ay manghang nakatingin kay Tyson sa gilid ko. Ang mapag-agking kamay ni Tyson ay dumapo sa baywang ko at inusog ako palapit sa kanya. Ang mata ni Auntie ay sumusunod sa galaw ni Tyson. Para siyang nakakita ng isang ginto sa harapan niya dahil sa ginawa ni Tyson.

I didn't flinch on Tyson's hand because I knew if I do something off. My life would on vain. I now lay my life on Tyson. The day na kinausap ko siya. Na pinakiusapan ko siya at humingi ng pabor sa kanya na wag akong patayin. Sa oras na iyon, na di niya kinuha ang buhay ko— pagmamay-ari na niya ako. Di man mapapasa kanya ang utak ko, ang loob ko pero ang kalukuwa ko at katawan parang nakasalalay na sa mga kamay niya.

"Eherm!" si Aileen na umubo.

Mula sa gilid ko nakita ko na mabagal na tumingin si Tyson sa pinsan ko. Bumaling din ako kay Aileen na ngayon ay nakabawi sa pagkamangha at pagkalaglag ng panga niya kanina.

Si Gretel naman sa tabi niya ay nakatingin lang sa kamay ni Tyson sa baywang ko. Hinawakan ko ang kamay ni Tyson saka iyon sinubukang kunin. Pero ang pagkakapit niya doon ay mas dumiin lang.

"Don't you dare take it." may pagbabanta sa tono ng pananalita niya.

"U-umupo ka mo na." Rinig kong alok ni Aileen ngunit parang di iyon narinig ni Tyson.

Tiningala ko siya saka napalunok ako nang matatalim na tingin ang binibitawan niya sa akin.

"K-kukunin ko lang ang mga damit ko Tyson..." pabulong ko nang saad sa kanya.

"We'll go to your room."

Binukas ko na ang bibig upang pigilan si Tyson. Gusto ko sana siyang pigilan sa pinaplano niya. Muli ko na lang tinikom ang bibig ko at dahan-dahan na tumango sa kanya.

He slightly pushed my hips. "Lead the way-"

"Oh! Saan kayo pupunta?" si Auntie Tanya na ngayon lang ata nakabalik ang boses.

Nabitin ang paghakbang ko at tumingin kay Aunite sa nagtagpo ang kilay. Di ko alam kong sa galit ba iyon sa akin. O sa inis niya ba iyon na ngayon lang ako nakauwi dito sa bahay.

Tuluyan nang inalis ni Tyson ang kamay niya sa akin kaya nakahinga ako ng matiwasay doon. Hindi talaga kasi ako hinahawakan ng iba. Kahit na sa trabaho ko sa bar ingat na ingat ako sa galaw ko at hanggang maaari nga ay umiiwas ako sa mga lalaki pero di naman iyon maiiwasan sa trabaho ko... dati. Kaya nga sa tuwing hahawakan ako ni Tyson parang may gumagapang na kuryente sa katawan ko pero isinantabi ko lang iyon. Ayaw kong isipin iyon pero siguro dahil takot lang din ako kay Tyson kaya ganoon ako magreact?

Nahuli ni Auntie ang mata ko at pinandilatan niya ako.  Naguguluhan siya sa nangyayari ngayon sa harapan niya. Sa ganoong tingin niya sa akin ay parang pinaparating niya sa akin na ano ang ibig sabihin ko doon sa kukunin ko ang mga damit ko.

Bumuntonghininga ako saka mataman na tiningnan si Auntie Tanya at ang mga pinsan ko.

"A-ano kasi Auntie... may iba na po akong t-trabaho at aalis na po ako dito at doon din po sa bar." Iyon lang ang pinakaligtas na kasinungalingan na naisip ko sa mga oras na iyon.

"Ano?!" silang tatlo ay sabay na sumigaw pagkatapos kong sabihin iyon.

"Na-" tumingin ako kay Tyson na walang emosyon ang mukha at walang ka interes-interes ang mukha na nakikinig sa usapan namin. "Nandidito ang... amo ko. Sinasamahan niya ako para kunin ang mga gamit ko." Patuloy ko.

Umiling-iling si Auntie Tanya saka ako nilapitan. Kinuha niya ang dalawang kamay ko saka higpit na pinisil ang mga iyon.

"Cassidy... alam ba ito ng tatay mo? Alam ba ito ng kapatid ko?" Nanginginig na anang ng boses ni Auntie.

"Auntie-"

"Hindi mapagkakatiwalaan ang taong kasama mo ngayon Cassidy."

"Pero Auntie Tanya..."

Napapikit ng mariin si Auntie saka ako hinila palayo kay Tyson.

"Cassidy aminado ako na hindi ako naging mabuting pamilya sayo... ang mga anak ko. Alam ko ang mga pinaggagawa nila sayo. Pati na ako... wala nga akong mabuting naidulot sayo o nagawa. Pero Cassidy iyang taong kasama mo. Mukha siyang masama Cass. Hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon. Hindi mo ba nararamdaman iyon?" nag-aalalang tanong ni Auntie sa akin. Binababa ko ang kamay ko doon sa magkahawak na kamay namin ni Auntie. Ngayon lang. Ngayon ko lang naramdaman ang pag-aalalani Aunite sa akin. Nanggilid ang mga luha ko. "Sabihin mo sa akin Cass... siya ba ang dahilan kung bakit hindi ka nakauwi dito? Magsabi ka nang totoo Cassidy." ani Auntie Tanya sa tonong namimilit na.

Binalik ko ang mata ko kay Auntie na ngayon ay bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin. Huli na Auntie. Hindi ko na maibabalik pa ang buhay ko sa dati.

"Cassidy-"

"A-ayos lang ako Auntie... saka po m-mabait po ang amo ko."

"Dios ko, Cassidy." niyakap ako ni Auntie.

Inunan ko ang pisngi ko sa balikat ni Auntie Tanya saka niyakap siya pabalik. Sabik na sabik ako sa ganitong klaseng pakikitungo niya sa akin. Ngunit ngayon lang ito nangyari... huli na.

"S-sir, maupo p-po kayo." si Gretel na hula koy alok na naman nila kay Tyson.

"Cassidy," napakalas ako sa yakap namin ni Auntie at mabilis na pinalis ang luha ko gamit ang palad ko. Huminga ako nang maluwag bago humarap kay Tyson. "Get your things and we'll go now."

Tumango ako sa kanya. Paghakbang ko patungo sa silid ko ay hinawakan pa ni Auntie Tanya ang kamay ko nang mahigpit. Hawak na parang pinipigilan niya ako. Ngumiti ako kay Auntie saka unti-unti kong kinuha ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Pumasok ako sa silid ko at di ko na masyado pang tinuon ang pansin ko sa silid ko na gawa sa kahoy. Kumuha ako ng pinakamalaking bag ko at doon ko sinilid ang mga damit ko. Nang hindi magkasya ang damit ko kumuha ulit ako ng isa pang backpack. Wala kasi kaming maleta.

Nag-iwan ako nang tingin sa silid ko bago ko binitbit ang dalawang bag ko sa labas.

Nakita ko si Tyson na ang dalawang kamay ay nasa likod niya lang ang tumitingin doon sa mga hanging frame sa bahay. Sina Auntie, Gretel, at Aileen naman ay panay ang sunod ng tingin kay Tyson. Si Auntie salubong ang kilay na nakatingin kay Tyson nawala ang pagkamangha niya kay Tyson kanina. Sina Aileen at Gretel naman ay hangang-hanga kay Tyson. Sa bagay, di ko maipagkakaila na may magandang mukha talaga si Tyson saka ang tangos lang talaga ng ilong niya. Kahit noong una kong kita sa kanya, iyong ilong niya talaga ang unang nakakuha sa atensyon ko. Bago iyong mata niya.

"Let's get going."

Napataas ang dalawang kilay ko nang marinig ko si Tyson na nagsalita kahit na ang mata niya ay nakatuon lang doon sa picture sa dingding.

"Ah, o sige."

Nalampasan ko na sila Auntie saka humarap ako sa kanila.

"Aalis na po ako."

Tumayo si Auntie. "Cassidy... m-mag-iingat ka."

Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumango. Hindi na kinuha ni Tyson ang bag sa akin at ako na ang nagbitbit sa mga bag ko patungo sa sasakyan. Hindi ko rin naman iniisip na tutulungan niya ako sa pagdala ng mga bag ko.

Nang makarating kami sa sasakyan at nandodoon ang mga tauhan ni Tyson na parang mga istatwa na nakatayo sa gilid ng sasakyan ay inutos niyang ipakuha ang mga bag ko. "Get his things." si Tyson sa mga tauhan niya.

Agad na lumapit sa akin iyong isa at kinuha ang bag ko. Nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko ba iyon o hindi. Sa huli naman ay binigay ko dahil naghihintay iyong tao.

Sa byahe namin pabalik sa mansyon niya ay tahimik lang kami kagaya kanina at walang-imikan. Ayaw ko kasing magsalita ng una sa aming dalawa dahil talagang nanginginig ako sa presensya niya lang.

Ang bag ko ay nasa gitna namin Tyson ang isa ang isa naman ay nasa kandungan ko at maghigpit ko iyong yakap. Ilang sandali pa ay kinuha ni Tyson ang bag ko na nasa pagitan namin at walang paalam niya iyong binuksan.

Magpoprotesta na sana ako pero kinakal na niya ang bag ko na ang laman ay ang mga underwear ko at shorts. Luma pa ang iba! Gumalaw ang panga niya saka sinara ang bag ko at nilapag ulit iyon.

Tumingin sa labas si Tyson.

"To the nearest mall." wika ni Tyson mayamaya.

Mula sa salamin ay tumango naman ang driver saka lumiko ang kotse. Binaba kami ng driver sa mismong entrance ng mall at pinagbuksan kaming dalawa ni Tyson ng pintuan. Nakakahiya na pati ako ay pinagbubuksan nila. Nilapag ko ang bag ko at lumabas dahil nakalabas na si Tyson.

"T-tyson pwede ba na dito na lang ako sa kotse. Maiiwan na ako dito."

Tumaas ang isang kilay niya sa akin.

"We're going to buy you a new clothes." anunsyo niya sa akin.

Winiwasiwas ko ang kamay ko sa kanya sabay iling.

"Naku di na Tyson... may mga damit naman ako." pangangatwiran ko sa kanya.

"No, they're old." argumento niya naman sa akin. "Let's go." Dagdag niya.

"Pero Ty-"

"We'll get inside or you want me to throw your clothes in the trash."

Napatingin sana ako sa mga bodyguard baka sakaling matulungan nila ako na kumbinsihin si Tyson pero ang mga mata nila ay diretso lang ang tingin sa harap. Parang mga robot talaga sila.

Ayaw kong matapon iyong mga damit ko kahit na mga luma iyon at mumurahin lang kaya sumunod ako kay Tyson.

Pagpasok namin sa mall ay napasinghap ako sa napakalamig na atmospera. Manipis pa naman ang pang-itaas ko.

"What brand of clothes do you want to go first?" tanong ni Tyson habang naglalakad kami.

Brand of clothes? E, wala akong alam sa mga ganoon. Sa divisoria ako namimili at fake naman ang nasa divisoria na mga branded clothes. At isa pa di naman ako tumitingin sa brand ng damit basta gusto ko at kumportable ako iyon na ang bibilhin ko.

"Wala akong alam sa mga ganyan." mahinang sagot ko sa kanya. Napakiskis naman ako sa braso ko dahil sa lamig.

Hinawakan ni Tyson ang palapulsuhan ko at hinila na niya ako. Ang init ng kamay niya para sa balat kong sobrang lamig. Pero sa ilang hakbang ay napatigil siya. Nilingon niya ako at nanliit ang mata niya sa akin.

"You're cold." aniya.

Napakurap-kurap ako.

"H-hindi lang sanay sa ganitong klase na lamig."

Tiningnan niya lang ako ng ilang segundo at muli niya akong hinila. Pumasok kami sa isang store na sobrang tahimik at wala masyadong tao. Napatingin ako sa paligid. Iilan lang talaga ang namimili dito.

"Choose any thick clothes."

Napatingin ako kay Tyson sa gilid ko. Hindi na ako nagsalita at lumapit ako doon sa mga damit. Tumitingin ako doon sa mga damit. May nakuha na akong isang jacket mas prefer ko iyon kaysa sa tshirt lang. Tiningnan ko ang presyo at halos malula ako doon. Anong klaseng presyo ito? Napatanong ako sa utak ko. Hindi kakasya ang ilang buwan ko na suweldo para lang sa iisang damit! Nakakabaliw ang presyo dito. Lumapit ako kay Tyson na naka-de-kuatro at nagpi-flip doon sa magazine.

"Tyson," kuha ko sa atensyon niya. Inangat niya ang tingin niya sa akin. Sinara niya ang magazine.

"Hmm."

"Wag na lang tayo dito."

"And why?"

"Ang m-mamahal kasi ng damit dito."

"I'll be paying so choose anything you like. Don't mind the price."

"Pero-"

Bumuntonghininga siya.

Napatigil ako nang tumayo si Tyson at hinila na naman niya ako patungo doon sa pinanggalingan ko kanina. Kumuha siya ng damit doon saka tinatapat niya iyon sa akin kaya lang ang lalaki ng mga damit. Habang ginagawa niya iyon ay di niya binibitawan ang isang kamay ko.

"Fuck this. You're too small." reklamo niya habang naghahalungkat.

Aminado ako talagang maliit ako kumpara sa mga normal na lalaki.

Nang sa wakas ay may nakita na siyang babagay sa katawan ko ay binigay niya iyon sa akin saka lumipat kami dooon sa mga pants. Madaling nakakita si Tyson ng kakasya sa akin at dinala niya ako doon sa fitting room.

"Change." utos niya.

Pareho kaming dalawa na nasa loob ng fitting room.

"H-hindi ba muna natin ito babayaran?"

"Don't think about it. Titingnan natin kung kasya ba iyan sayo." sabi niya may isang pahaba na upuan sa loob ng fitting room at umupo doon si Tyson.

"Hindi ka ba lalabas?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Yes, I will not. Change while I'm here." wika niya at pinagkrus ang braso niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top