CHAPTER 8
Chapter 8
Cassidy Pov
Wearing a black oversized polo and a black big shorts. Tingin ko ay kay Tyson ang damit na ito o nanghiram siya sa mga bodyguard niya may masuot lang ako. Pinaligo kasi ako ni Tyson matapos akong kumain doon. Sabi niya maligo daw ako at may pupuntahan daw kami. Hindi ko naman alam na wala pala akong damit dito. Nakalimutan ko bigla na wala akong damit dito dahil sa nangyari doon sa hapag kanina.
Iyon ang kauna-unahang halik sa tanang buhay ko. Hindi ko alam na ganoon pala ang bagay na iyon. Simula kasi noong sinabi sa akin ni tatay na maaari akong mabuntis ay nag-iingat na ako. Alam ni tatay na isa akong bearer at gaya niya dahil ang isang bearer ay di tinutubuan ng buhok sa kilikili at sa mga binti. Maliliit din kami kumpara sa iba.
Syempre nang malaman ko iyon ay sinimulan ko mag-ingat sa sarili ko lalo na sa mga lalaki. Kaya wala pa akong halik at iyong doon sa nangyari sa amin kanina ni Tyson na halikan. Iyon ang unang halik ko.
Di ko mapigilang di kapain ang labi ko dahil naalala ko ang mga labi ni Tyson sa akin. Nang halikan niya ako kanina nawala ang takot ko sa kanya. Pinaubaya ko na sa kanya ang katawan ko kanina at kung di lang siya lumayo at sinabi sa akin na maligo baka nga mas malayo pa doon ang nangyari sa amin dahil... dahil ang kamay niya ay pumasok na kanina sa pwètan ko.
Si Tyson ang nagpukaw sa natutulog na init sa katawan ko. Iyong nangyari kanina ay di ako pinilit ni Tyson doon. Kusa akong gumanti sa mga halik niya. Kusa kong tinatanggap ang bawat haplos ng labi niya sa labi ko. Di ko alam kung dahil ba first time ko o ano pero gusto ko iyong halik ni Tyson sa akin. Gusto ko na para niyang inaangkin ang labi ko. Na para na niyang hinihila ang dìla ko. Iba siya sumipsip.
Muntik ko pa ngang makalimutan na siya pala ang abductor ko at hawak niya ako sa leeg. Isang maling galaw ko lang maaaring huling araw ko na rin iyon dito sa mundo.
Ang pagbukas sa malaking pinto dito sa silid na ginisingan ko kanina ang nagbalik sa utak ko sa kasalukuyan. Niluwa doon ang isang lalaki na naka-suot din uniform gaya noong kumidnap sa akin.
"Are you ready Mr. Barromeo?" tanong niya sa akin.
Napahawak ako doon sa suot kong shorts na malaki. Niyuko ko ang ulo ko sa kanya.
Tumango ako.
"Okay, follow me."
Tahimik kong sinunod ang utos niya. Napaigtad ako nang tumama ang balikat ko sa bisig niya. Di ko man namalayan na sumabay na pala siya sa mga hakbang ko.
"Natatakot ka sa akin?" tanong niya habang patuloy ang paa namin sa paghakbang.
"A-ahm, ano kasi..."
"Don't worry. I will not harm you. I'm just a one of the Don's bodyguard. We will not harm you unless the Don's say so."
Tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanya. Mukha naman kasi siyang mabuting tao.
"A-ano pala ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Pike, that's my name."
"Hmm, Pike. C-cassidy iyan ang pangalan ko." pakilala ko naman sa kanya. Hindi na kami nagkamayang dalawa at naglakad na kami palabas. Ang hallway na nilalakaran namin ay carpeted at pababa sa mirroring grand staircase ay may carpet din iyon.
"M-mayaman talaga i-iyong si Tyson, 'no?" ani ko nang tumapak na kami sa unang baitang pababa.
Tumigil si Pike sa paglalakad kaya napatigil din ako. Salubong ang kilay niya sa akin at naninigkit ang mata niya. Bigla siyang sumeryoso.
"B-bakit?" kinakabahan komg tanong sa kanya.
"What did you call him?"
"Sinong... him?"
"The Don, Cassidy."
"Si T-tyson ba?"
Napamaang siya sa akin. Iniwas niya ang mata niya at napahawak siya sa baywang niya saka umiling-iling.
"He let you call his name?"
"S-sabi niya sa akin na Tyson ang ngalan niya Pike. Bakit bawal ba siya tawagin sa pangalan niya?" nakukuryoso ko nang tanong dahil sa naging reaksyon ni Pike sa akin.
Umiling lang sa akin si Pike saka naglakad ulit pababa iniwan niya ako. Hinabol ko siya at inabot ko ang kamay niya. Napatigil siya saka tumingin sa kamay ko na nakahawak sa kanya. Ipinagwalang bahala ko ang tingin niya sa kamay ko.
"Pike, bawal ba tawagin si Tyson sa pangalan niya? Oo nga... napansin ko na tawag... ninyo sa kanya ay Don. Kaya sabihin mo sa akin. Dapat ba Don din ang tawag ko sa kanya?" tanong ko sa kanya.
Ayaw ko na magkamali ako sa pamamahay na ito. Ayaw ko na mamatay ako sa bahay na ito at di ko man lang nakikita si tatay. Napaka-unexpected lang kasi ang nangyari sa buhay ko. Ang una ay nakulong ang tatay ko, tapos tumigil ako sa pag-aaral dahil gusto kong makapag-ipon ng pera para pang-piyansa kay tatay. Tapos napasok ako sa trabaho na di ko aakalain na magtutulak sa akin sa sitwasyong ito.
Ngayon ang buhay ko ay hawak na nang isang ekstranghero na lalaking iyon. Isang lalaki na iwan ko. Kinikilabutan ako sa kanya. Nakakatindig palahibo ang dating ni Tyson.
Bumuntonghininga siya. Saka hinawakan niya ang balikat ko sa kamay niya na di ko hawak.
"Mr. Barromeo-"
"Cassidy, 'yan ang itawag mo sa akin."
"Okay," huminga siya. "Cassidy, I don't why Don let you call his name. Ang totoo n'yan di namin siya tinatawag sa pangalan niya. Matagal na kaming nagtatrabaho dito pero iyan na ang tawag namin sa kanya... at ikaw..." umiling na naman siya. "Maybe the Don favors you."
"Favors me?"
"You shouldn't be asking about that Cassidy."
"Bakit? Bakit hindi? Pike, I wanna know why he spare my life." tanong ko sa kanya.
Walang kurap akong tinitigan ni Pike. Ako naman ay sinasalubong ko rin ang mata niya.
"Wala ako sa lugar para sabihin sayo Cassidy. Pasalamat ka na lang. But... when times come maybe the Don will tell you."
"Huh?"
"Just be careful Cassidy. Don't do anything that will make the Don take your life. Just follow what he wants. You're blessed enough that the Don didn't kill you. And to be honest you're the first person na kinidnap namin at di ka pa pinatay ni Don."
Napalunok ako sa sinabi ni Pike. Parang nag-vibrate ang tuhod ko. Nanginig ang tuhod ko at muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko. Hinigpitan ni Pike ang pagkakahawak sa akin.
Blessing ba talaga ang pagdating ko dito? Blessing ba itong kinasasadlakan ko ngayon? Ibig bang sabihin na dati nang nanghuhuli ng mga tao si Tyson at... pinapatay niya? I don't know if it's a curse or a bless.
"Pike." napaigtad ako nang marinig ang boses ni Tyson mula sa baba.
Muntik na akong matumba ng bigla akong titulak ni Pike. Tumingin ako sa Tyson sa baba na nakasalubong ang tingin sa akin. 'Yan na naman siya sa suot niyang puro itim. Para talaga siyang... taga-sundo?
"I don't like anyone who touches what's mine Pike." si Tyson saka sinilid niya sa kanyang bulsa ang kanyang dalawang kamay at tumalikod. "Get down Cassidy."
Bumaling ako sa kay Pike. "Go, Cassidy."
"Na... natatakot ako..."
"The Don won't hurt you." sabi ni Pike sa akin.
Nauna akong bumaba kay Pike at saka sumunod ako kay Tyson sa labas. Nakita kong naghihintay siya sa labas ng isang itim din na sasakyan. Nakasandal siya doon. Kahit na takot ako kay Tyson. Di ko pa rin mapigilang di siya hangaan. Sa kabila ng pinakita niya sa akin na masama humahanga pa rin ako sa kanya.
"What took you so long? Flirting with Pike?"
Kumurap-kurap ako sa tanong niya.
"H-hindi Tyson... may tinanong lang ako kay Pike."
He chuckles.
"Get in the car." he said and look over his shoulders.
"Saan tayo pupunta?" di ko talaga mapigilang tanungin siya.
"We will go to your house. We're getting your stuffs there."
Sumilay ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni Tyson. Pero naalala ko we're getting my stuffs lang pala. Anong akala ko ihahatid niya ako sa bahay namin pagkatapos nila akong i-abduct?
Ang byahe patungo sa bahay namin ay medyo matagal kasi malayo pala iyong mansyon ni Tyson. May driver tapos isa pang bodyguard na nasa shotgun seat. Tapos kami namang dalawa ni Tyson ay nandidito sa likod magkatabi.
Panay ang kiskis ko sa palad ko doon sa shorts dahil nanunubig iyong palad ko sa kabila ng aircon. Hindi na ako nagtanong kung paano nalaman nila ang bahay namin dahil nalaman niya na nga ang buong pangalan ko na hindi ko man sinasabi sa kanya. Tapos, siguro alam din niya na nagtatrabaho ako doon sa bar.
Pagkarating namin doon sa amin ay parang artista ako nang bumaba ako sa sasakyan. Naman kasi sobrang kintab nitong sasakyan ni Tyson at halata ring mamahalin.
"I'll be waiting here."
Napatingin ako kay Tyson at tama naman na bumaling siya sa akin.
"D-dito ka lang?"
Sa tanong ko iyon ay para na dismaya pa ako na di ako sasamahan ni Tyson sa bahay. Nahiya naman ako doon.
Tyson sneered.
"Don't dare try to escape Cassidy. You know I can find you wherever you are in this land."
Tumango ako sa kanya. Binuksan ng isang guard ang pintuan kay bumaba ako. Napayuko ako doon sa bodyguard dahil di naman kailangan na pagbuksan pa ako.
Nahiya ako dahil sa suot ko na halata na malaking-malaki sa akin. Nagmukha tuloy akong rapper sa kanto.
Ang bahay namin ay wala sa tabing daan kaya kinakailangan ko pang pumasok sa isang makipot na daan. Hindi na ako kumatok nang pumasok ako sa bahay. Pagbukas ko sa pintuan ay kung minamalas pa ako ay nandodoon si Auntie Tanya, Aileen at Gretel.
Malaki ang mata nilang bumaling sa akin.
"Oh! Mabuti naman at alam mo pa palang umuwi ng bahay Cassidy!" sarkastikong wika ni Auntie at tumayo tapos nilagay niya ang dalawang kamay niya sa kanyang baywang. Hinarap ako ni Auntie.
Narinig ko naman ang pag-tss nina Aileen at Gretel.
"Ano naglalakwatsa ka na kasi wala dito ang tatay mo? Ano napapagod ka na dito sa bahay?"
Nanikip naman ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Auntie. Hindi lang nila alam kung ano ang nangyari sa akin. Di lang nila alam na sobra akong natakot dahil akala ko mamamatay na ako. Hindi man lang ba sila nag-aalala sa akin? Hindi lang ba nila ako tatanungin kung ano ang nangyari sa akin?
"Oo Auntie napapagod na ako sa bahay na ito!" sagot ko kay Auntie. Nakakapagod na rin kasing magpaapi-apihan sa bahay na ito. Siguro kaya rin nagkalakas ako ng loob dahil napu-frustrate na ako sa nangyayari. "Pero Auntie di naman ako naglakwat-"
Ang pagsasalita ko ay naputol nang dumapo ang kamay ni Auntie sa pisngi ko. Napaiyak ako. Naiyak ako sa sakit at sa paghati na ganito ang klase na kamag-anak mayroon ako.
Humahapdi ang pisngi ko sa sampal ni Auntie. Parang umaapoy sa hapdi ang pisngi ko.
"Natuto ka na palang sumagot ngayon Cassidy. Aba naman!"
At akmang sasampalin na naman ako ni Auntie nang mabitin sa ere ang nakahanda na niyang kamay para sampalin ako.
"Slap him and I'll bury you six feet beneath the ground alive." Tyson's raspy and hoarse voice made Auntie halts.
Sina Gretel at Aileen ay napatayo naman sa kinauupuan nila at nakatulalang nakatingin kay Tyson sa likuran ko.
"Sino ka?" tanong ni Auntie.
Hindi sinagot ni Tyson ang tanong ni Auntie at sinabi niya lang kung ano ang gusto niya. "You're just his aunt. So don't you dare lay that shìt hands of yours in my property, hmm?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top