CHAPTER 43
Chapter 43
Cassidy Pov
"E, putang inang ama pala iyon, e. Dapat sana sinabi mo sa akin na ganoon ang nangyari Cass para naman mamura at makatikim sa akin ang matandang iyon!" nag-aalburutong untag ni Owell matapos kong i-kwento sa kanya ang buong nangyari doon sa beach house ni Tyson.
It's been two days since we left in Tyson's beach house without his knowledge. Oo. Nakita nga kami ni Pike na umalis sa bahay but we were not able to talk to one another even sila ni Owell ay di sila nakapag-usap dahil konting galaw lang ni Pike noong oras na iyon ay idini-diin ang muzzle noong baril sa kanyang sentido.
It was really scary and traumatizing. Hindi ko alam kung papaano ko maiaalis sa mga utak ng mga anak ko ang mga ganoong senaryo. Ang babata pa nila para makakita ng ganoong klaseng bagay. Ang bata pa nila para makaranas ng mga ganitong klaseng bagay. Noong in-ambush kami saksi rin ang mga bata. Noong may sumugod sa bahay ni Tyson nandun din sila. Tapos noong isang araw nakita nila ang Papa Pike nila at ang mga big kuya nila na may nakatutok na baril sa mga ulo nito at nakadapa sa lupa.
Zen and Zhuri was silently crying because they were worried and scared for their Papa Pike at sa mga big kuya nila. They keep on begging and telling me na magsumbong sa daddy nila but I cannot. I don't want to put my angels life on stake. And while Zen and Zhuri was begging me, I saw how Zyhro throw hateful and deadful stare at Senior Enrico's men in black. I was afraid that Zyrho would be like Tyson... before. I don't want Zyrho to grow up and instill hatred in his head and heart but I saw the other day. It was like I saw Tyson in his eyes. It was like I was looking at mini Tyson. I didn't saw fear, nervousness nor shock in his eyes. It was like he already know what was happening around him.
Siguro di ko na talaga mapipigilan iyon. Nananalaytay sa dugo ni Zyrho ang dugo ni Tyson. At noon paman alam ko nang iba si Zyrho sa mga magkakapatid. Noon pa man nakikita ko na si Tyson sa kanya. The way he act and behave was like his daddy—his father, Tyson. Ang kinakatakutan ko lang ay ang lumaki siyang kagaya sa daddy niya noon.
Kung hindi ko nga siya sinabihan na susundan kami ng daddy niya dito sa Palawan ay di nawala ang galit sa mga mata niya. I also assure him na walang gagawing masama ang mga taong nakita nila sa kanilang papa Pike at mga big kuya nila.
"Wala tayong laban doon, Owell. Saka, iyong... i-iyong mga anak ko. Ayaw kung isugal ang buhay nila. A-alam mo naman Owell n-na sila ang buhay k-ko. A-ayaw kong m-may mangyaring masama sa kanila, Owell." nangatal ang labi ko saka sunod na tumulo ang mga luha ko.
Sa dalawang araw na nandidito kami sa Palawan kung nasaan sila Auntie Tanya ay wala akong ginawa kung hindi ang magdasal at umiyak. Laking pasasalamat ko lang na laging inaakupa nina Aileen at Gretel ang mga anak ko dahilan na di nila ako nakikitang umiiyak. Sa dalawang araw na walang Tyson sa tabi ko ay di ako masyadong nakakatulog. Nagigising ako sa konting kaluskos at na-aalerto sa mga dumadating dito.
I really miss him. I really really miss my love. I feel like every hour that passed was like a month. Halos mabaliw na ako kakaisip kay Tyson. Ewan ko. Pinapatay yata ako sa mga oras na lumilipas na di ko siya nakikita.
"Papaano si Tyson, Cass?" natanong Owell.
Napahilamos ako sa mukha ko at humagulhol na naman. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko saka doon ako umiyak nang umiyak. I was hoping na makita niya ang sulat ko sa bedside table namin at ang telepono ko na may recording doon.
I left a note and a recording for him. This time, umalis ako sa bahay niya pero nag-iwan ako nang sulat at recording. Nilagay ko sa sulat ko kung saan kami ngayon at sinulat ko rin doon na sana pakinggan niya ang recording ko doon bago siya magalit sa ginawa kong desisyon. Doon sa recording sinabi ko na sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Binuhos ko na lahat ng mga salitang mahal at importante doon. I just hope and pray na makita niya ang sulat at mapakinggan niya ang recording ko. Sana.
"Sigurado ka ba Cass na makikita agad ni Tyson iyong sulat na iwan mo?"
Tumango ako kay Owell. Kung hindi lang pumasok ang ama ni Tyson sa kwarto niya ay masisiguro kong makikita talaga ni Tyson ang sulat na iniwan ko sa bedside table namin. Inipit ko iyon sa stand ng lampshade. Sinadya ko talagang bondpaper ang sulatan para madali niyang makita.
"E, bakit... wala pa rin siya ngayon dito. Sina kuya Pike," may pag-aalalang wika ni Owell.
Muli akong umiyak hanggang sa naramdaman ko na lang ang bisig ni Owell na yumakap sa akin. Lagi na lang si Owell sa tabi ko. Lagi niya akong sinasamahan, sinusuportahan, at dinadamayan.
"Cassidy, kumain ka muna. Ang mga bata pinakain na nina Gretel at Aileen. Ikaw na lang ang di pa kumakain." Napalingon ako kay Auntie Tanya. Nakasuot si Auntie ng isang whole dress na umaabot sa buhangin ang laylayan at may nakabalabal sa kanyang balikat na towel.
Gabi na at nandidito ako sa dalampasigan. Nagpapahangin.
Muli kong tinuon ang mga mata ko sa kalmadong dagat. Tahimik na humahampas ang maliit na alon sa dalampasigan. Ang lamig ng hangin at ang ma-alat na simoy ng hangin ay nanunuot na sa balat ko. Hindi naman gaanong madilim sa kinauupuan kong malaking branch ng natumbang kahoy dahil iyong mga puno ng niyog sa paligid ay may nakasabit na mga ilaw na siyang nagpapaliwanag dito sa labas. Hindi rin aki natatakot dito sa labas mag-isa kasi may mga tao naman na nagro-roving.
Tinuyo ko ang pinsgi ko at nginitian si Auntie na umupo sa tabi ko. Ilang saglit pa ay nilagay na sa akin ni auntite Tanya ang towel niya.
"Nilalamig ka na dito," ani auntie.
"Nagpapahangin lang ng konti auntie," usal ko at binaba ang tingin sa paa ko na naka-tsinelas lang at bumaon iyon sa maputi at pinong buhangin.
"Hindi ka kumakain ng maayos simula nang dumating ka dito, Cassidy. Buntis ka ba ulit?" bilog ang matang tiningnan ko si Auntie.
"Gulat na gulat ka naman. Syempre, may partner ka hindi naman malabong mabuntis ka ulit ni Don... ni Tyson."
Kumurap-kurap ako.
"H-hindi naman po ako buntis auntie."
"Hmm," higing ni auntie at tumanaw sa dagat sa harapan namin. "Nag-aalala ka kay Tyson?"
Agad na uminit ang mga sulok ng mata ko. Naiiyak na naman ako.
"Sobra po, auntie. At natatakot po ako na baka magalit siya sa naging desisyon ko."
Rinig ko ang pagpawala ni auntie Tanya ng isang malalim na hininga.
"Alam mo Cass noon, noong unang beses mong dinala si Tyson sa bahay. Iyong kinuha mo na ang mga gamit mo sa bahay. Unang tingin ko palang noon kay Tyson ay masama na. Hindi na maganda ang kutob ko sa kanya. Base sa awra at tindig noon ni Tyson. Akala ko mawawala ka talaga sa amin, Cass." Nilingon ko si auntie.
Nakatanaw pa rin siya sa dagat at tumutulo ang mga luha sa mata niya.
"Alam ko Cass. Aminado ako Cassidy na hindi ako naging mabuting pamilya sayo. Aminado ako sa mga nagawa kong masama at mga sa pang-aaping nagawa ko sayo at ng mga anak ko sayo at iyon ang pinagsisisihan ko ng husto. Kami na lang noon ang mayroon ka noong nakulong si kuya Travis pero hindi pa kami naging mabuting pamilya sayo. At noong gabing nawala ka sa bahay Cass. Doon ko lang napagtanto ang lahat ng mga masama naming ginawa sayo. Labis akong nag-aalala sayo noong araw na iyon. At pumunta pa akong barangay n'on para mahanap ka pero wala namang ginawang aksyon ang barangay. At noong naka-uwi ka na may kasamang lalaki. Nag-alala ako ng husto dahil baka kung ano na ang sinusuong mo sa buhay para kay kuya Travis. Dagdagan pa na dilim ng awra noon ni Tyson." Saglit na tumigil si auntie at nagpunas ng luha.
Tiningnan ako ni auntie.
"Gusto ko lang sabihin sayo, Cass. Na sising-sisi ako sa mga nagawa ko sayo noon. Hindi marapat iyon," ani auntie at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa kahoy. "Sorry, Cass."
"O-okay lang, Auntie. Hindi ko na rin naman po inisip ang mga nangyari noon. At nakahingi na po kayo ng tawad sa akin, diba?"
"Oo pero iba kapag sa personal talaga," saad ni auntie at pinunasan ang mga pisngi ko. "Magpakatatag ka, Cassidy. Isipin mo lahat ng nga pinagdaaanan mo noon. Lahat ng iyon nalamapasan mo. Saka ngayon na nakikita kita kasama ang mga apo ko. Masasabi kong napaka tatag mong tao, Cass. Napaka tapang mo na nalampasan mo lahat ng mga hirap noon at sa pagpapalaki ng tatlo mong anak ng mag-isa. Kaya itong problema na dumating ngayon malalampasan mo rin ito. Si Tyson naman. Alam kong malawak ang pag-unawa noon sayo at mahal ka. Kaya h'wag kang masyadong mag-alala doon. Mabait si Tyson, Cass. Mabait at mahal na mahal ka. Sobra. Napatunayan niya iyon nang tulungan kami dahil kami ang pamilya ng taong minamahal niya. Napatunayan niya iyon nang iligtas niya kami sa kamay nang mapanlinlang at masamang tao na si Raven."
Sa di ko malaman na dahilan ay napangiti ako sa mga sinabi ni auntie tungkol kay Tyson. I feel so proud. I feel so proud to be his lover. To be his partner. To be his other half. My man Tyson Greg Maranzano.
Love, dalian mo ang pagpunta mo dito kapag nakita mo na ang sulat ko sayo. Maghihintay ako love. Hihintayin kita, love. I silently prayed on the briny winds coming from the calm sea.
"Salamat, auntie. Salamat sa lahat."
Kumunot ang noo ni auntie at dumistansya sa akin.
"Bakit ka nagpapasalamat, Cass?"
"Sa mga sinabi mo auntie. Dahil sa mga sinabi mo napanatag ako. Kumalma ang loob ko. Lumakas ang loob ko na darating din si Tyson dito."
Ngumiti si auntie at pinisil ang balikat ko.
"Mahal na mahal mo talaga si Tyson."
Agad na tumulo ang luha ko at tumango-tango kay auntie Tanya. "Oo auntie. Sobra po. Sobra ko po siyang mahal."
"O, siya. Halika ka na sa loob dahil ang lamig na at para na rin makakain ka. Mas papayat ka pa nito dahil sa konti ng kinakain mo, e." puna sa akin ni auntie.
"Wala lang po talaga akong gana," saad ko kay auntie saka tumayo at pinagpag ang shorts ko.
"Hindi ka ba talaga buntis, Cassidy?"
Umiling ako kay auntie.
"Hindi po." Sure kasi akong di ako buntis dahil di naman sa loob ko pinapakawala ni Tyson ang mga semilya niya nang ginawa namin iyon.
"O, siya kumain ka ng marami para lumaki ka naman ng konti. Jusko. Tatlo pa naman ang anak mo."
Sa ikatlong araw namin sa Palawan ay may gana na akong lumabas. Noong nakaraang araw kasi sa gabi lang ako lumalabas. Lumalabas para makaiyak. Pero ngayon hindi na. Tinutulungan ko na lang si Gretel sa pag-aasikaso sa may front desk.
"Naku, Cass. Dapat di ka na tumutulong dito," suway niya sa akin.
Nginitian ko siya.
"Nakakaburyo ang walang ginagawa Gretel. Saka kung maglalagi ako sa kwarto iiyak lang naman ako kakaisip kay Tyson." saad ko sa kanya.
Hindi naman kami busy kasi wala masyadong turista. Saka itong isla na ito ay di gaanong pinapasok ng mga tao. Hindi siya masyadong sikat pero napaka ganda ng lugar. Siguro kaya rin ito binili ni Tyson.
"Ang swerte mo sa asawa mo, Cass." saad ni Gretel.
Natampal ko ang kamay niya.
"Di ko pa siya asawa," natatawang suway ko.
Nakakatuwang noon ay ayaw na ayaw kong nadudugtong ang pangalan ko kay Tyson pero ngayon gusto ko na. Gusto ko nang idugtong ang pangalan niya sa akin. Cassidy Barromeo-Maranzano, ang ganda pakinggan.
"Pero gusto mong mapangasawa siya?" tanong niya at tinigil ang kaka-kakal doon sa bundok ng folders.
Napatingin ako sa labas. Mainit na at napaka aliwalas ng panahon. Siguro ganito ito kahapon at noong isang araw pero ngayon ko lang napansin dahil puro lang ako iyak sa mga araw na iyon.
Bumuntonghininga ako at tiningnan si Gretel na nakatitig sa mukha ko.
"Oo naman. Gusto ko. Gusto kong mapangasawa si Tyson." Nakangiting sagot ko kay Gretel.
Sinuklian niya ang ngiti ko at kinuha ang kamay ko.
"Masaya ako sayo, pinsan. Alam kong maldita kami noon sayo ni ate Aileen at puro kami utos sayo. At alam kong naka-ilang beses na kaming humingi ng tawad sayo. Pero gusto ko pa rin ulitin Cass na nagsisisi na ako... kami sa mga nagawa namin sayo. Mahal ka namin, Cass. At masaya akong natagpuan mo ang taong magmamahal sayo."
Parang may humaplos sa puso ko doon. Yes, nang dumating ako dito. Sinalubong ako nila auntie. At wala akong mapagsisidlan sa saya knowing na makasama. Oo, naghihinagpis ako sa mga oras na iyon pero nang makita ko sila auntie na naghihintay sa akin sa daungan. Kahit papaano ay dumagaan ang bitbit ng dibdib ko dahil alam ko naroon sila na sasandalan ko. Ang pamilya ko. At ang unang humingi ng tawad sa akin pagdating ko dito ay si Aileen talaga. Nag-iba na si Aileen. Di na siya iyong dating kilala ko na babaeng-babae. Ngayon kasi parang lalaki na galawan niya. Itong si Gretel naman ay nag-mature.
Niyakap ako ni Gretel at ginantihan ko naman siya ng yakap. "Mahal ka namin, Cass." bulong niya.
"Mahal ko rin kayo, Gretel."
"Si Aileen wala na ba talaga iyong afam niya dati?" pag-iiba ko sa usapan namin ni Gretel nang pakawalan niya ako.
Ngumiwi siya.
"Scam 'yon. Di iyon totoo. Si ate naman nauto." saysay ni Gretel.
"Papadad!!!" sabay kaming napabaling ni Gretel sa mga anak ko na tumatakbo papasok ng hotel. Sumunod naman sa kanila si Owell na naka-one piece at si Aileen na naka loose t-shirt na puti at itim na cycling.
Umalis ako doon para salubungin ang mga anak ko na may kanya-kanyang dalawang shells.
"Narinig ko yata ang pangalan ko kanina, ah." maangas na ani ni Aileen at pinandilatan ng mata si Aileen.
"Natanong lang ni Cass ang afam mo noon, ate."
Napangiwi si Aileen at bumaling sa akin. "Mga gago iyon, Cass."
Napatawa na lang ako at pati na rin si Owell.
"Look papadad, oh," pagbida ni Zhuri sa shells niya.
"Me too, papadad. Mas marami ang akin." ani naman ni Zen.
"Wow! Ang gaganda naman nito. Saan ninyo ito nakuha?" tanong ko sa kanila at iniisa ko ang kamay nilang may dala-dalang shells.
"In the seashore, papadad. Papa Owell and tita Aileen help us find these shells." pahayag naman ni Zyrho.
"When daddy arrive papadad. Let's collect some shells too." masayang wika ni Zhuri.
Malungkot akong napangiti doon.
"Hehehe! I can't wait to see daddy and show him my shells." bulong naman ni Zenver at ingat na ingat sa shells niyang dala.
Iniwas ko ang tingin sa mga anak ko at pinalis ko ang luhang kumawa doon.
Love, we are waiting for you.
Ginagabihan matapos kong patulugin ang mga bata ay lumabas ako sa kwarto na inakupa naming apat dito sa bahay nina auntie Tanya dahil nauhaw ako. Ang bahay nina auntie ay sakop pa rin naman ng nitong resort nga lang hiwalay sa hotel. Sinabihan ako ni auntie na may suite naman daw iyong hotel na pwede naming tirhan ng mga bata pero minabuti kong kasama sila. Si Owell naman ay sumama lang din sa amin ayaw niya rin doon sa hotel na mag-isa.
May narinig akong tunog helicopter pero binaliwala ko lang iyon. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig na nasa pitcher. Pagkatapos ay naglakad na ulit ako patungo sa kwarto para natulog. Pipihitin ko na sana ang busol ng kwarto namin nang bigla akong tawagin ni auntie Tanya na may malaking ngiti ang nakapaskil sa mga labi niya at hawak-hawak ang cellphone niya. Nakapantulog na rin si auntie.
"Cassidy!"
"Auntie Tanya."
"Cassidy, s-si Tyson kakalapag lang ng helicopter niya sa helipad ng hotel!"
Awtomatik na kumabog puso ko sa narinig. Nilapitan ko kaagad si auntie.
"T-talaga po a-auntie?"
"Oo, Cass-"
Di ko na pinakinggan pa si auntie Tanya sa kanyang sunod na sinabi at lumabas agad ako ng bahay niya. Para tumakbo patungo doon sa hotel.
"CASSIDY! MAG-TSINELAS KA!"
Hindi ko na iyon binalingan pa at nagtuloy lang ako sa pagtakbo ko patungo doon sa hotel. Pagkatapasok ko sa loob ay dumiretso ako sa elevator na habol-habol ang hininga. Nangati ang paa ko sa elevator habang tinitingnan ko ang numero na papataas. Sa sobrang saya ko ay napaluha ako. Para akong tanga dito sa elevator na umiiyak pero nakangiti.
Paglabas ko sa elevator ay agad kong tinakbo ang iron stairs patungong helipad. Rinig na rinig ko na ang tunog ng helicopter habang papalapit ako ng papalapit. Binuksan ko kaagad ang double-doors na gawa rin sa metal at agad na sumalubong sa akin ang malakas na hangin. Lumabas ako at parang talon ang luha ko na umaagos nang makita ko ang lalaking hinihintay ko na pababa ng helicopter.
Hindi na ako lumapit pa doon ng husto dahil at hinintay ko na lang si Tyson na bumababa na. He was wearing his infamous black long sleeves that were rolled up to his elbows and the three buttons of his long sleeves were undone with black slacks and black dress boots.
I curled my naked toes as I waited for him. I wiped my tears, but it's no use since they keep coming.
Tyson's eyes expanded when he saw me. He's slow, and small strides became fast as he fixed his eyes on my wet eyes. A few steps away from me, Tyson let out a series of profanities as he traveled his eyes from my head to my toes and vice versa.
"Dammit, love! What the hell are you wearing!" Ang unang mga salitang binitawan ni Tyson matapos di kami magkita ng halos apat na araw. Talagang ang suot kong army green na loose t-shirt at short shorts ko pa ang pinuna niya.
***
Naiiyak ako malapit na tayo mag-goodbye kina Tyson at Cassidy😭.
Thank you for reading!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top