CHAPTER 4

Chapter 4



Cassidy Pov

Six years ago...

"Huwag mo na akong dalawin dito, Cassidy." Hindi nakatingin sa akin na saad ni tatay Travis.

Pumikit ako ng mariin saka sinubukan kong hawakan ang kamay ni tatay na may posas. Kakadapo lang nang kamay ko sa ibabaw ng kamay ni tatay pero agad niyang winaksi ang kamay ko. Napangiwi ako nang tumama ang kamay ko sa posas. Nilayo ko ang kamay ko sa kanya at nilagay ko iyon sa hita ko.

"Pero tay..."

"Cassidy sundin mo na lang ang gusto ko. Saka wag mo nang subukan na piyansahan ako dito. Dahil wala ring saysay." Parang galit na saad ni tatay sa akin.

"Tay," simula ko. Yumuko ako at binagsak ko ang tingin ko doon sa kamay ko na namumula dahil sa tama ng posas. "Ang hirap po tay. Wala ka po sa bahay... wala po akong kakampi tay. Inaalila po ako nina auntie." Sumbong ko kay papa at nagsimula nang uminit ang mata ko.

"Cassidy..."

"Ilalabas kita dito tay. Gagawa po ako nang paraan malabas ka lang po dito." ani ko at tumingin kay tatay.

Si tatay ay isang bearer at ako naman ay anak niya at namana ko ang pagiging bearer niya. Natatakot ako para sa sarili ko kasi alam ko ang mga reputasyon naming mga bearer sa mundong ito.

Tapos sa bahay naman ang kasama ko ang mga anak na babae na auntie. Na walang ginagawa kung hindi atupag sa kani-kanilang telepono. Mga hindi marunong maghanap ng trabaho. O sadyang tamad lang sila magtrabaho.

Masakit para sa akin na tanging si tatay Travis lang ang nakasama ko mula pagkabata ko hanggang ngayon pero heto si tatay napupunta sa kulungan dahil isa siya sa nahuli nang may drug raid sa lugar namin. Ako bilang dugo't laman ni tatay hindi ako naniniwala doon. Hindi ako na niniwala na kasali si tatay sa mga drug dealers o users. Hindi ganoon ang tatay ko.

Sa ilang beses ko nang pabalik-balik dito kay tatay sa kulungan mukhang siya na ang napapagod para sa akin. Tumigil na rin ako sa pag-aaral dahil walang magpapalamon sa akin. Sina auntie kasi hindi ako pinapakain kapag wala akong naibigay na pera sa kanila kada-linggo.

Mag-tatatlong buwan na kasing nakakulong si tatay at di ko na makayanan ang mga ugali nila ni auntie. Sama-sama kami sa iisang bahay nang yumaong mga lolo't lola namin. Si tatay Travis kasi di na bumukod dahil namatay din naman ang sana ay asawa ni tatay na ama ko rin. Namatay ang ama ko dahil sa isang car accident. Kaya hindi na bumukod si tatay at sina auntie naman wala siyang asawa pero may anak sa iba't ibang lalaki. Kaya sama-sama kami sa iisang bahay.

Gusto kong bumukod. Gusto ko nang umalis sa bahay nang lola namin pero di ko magawa kasi maliit lang ang sahod ko bilang waiter sa isang bar. Nakaka-pera lang ako nang marami kapag may mga tip ang ilang kustomer. Tapos nag-iipon din ako para pang-piyansa kay tatay.

"Ang pag-aaral mo ang unahin mo, Cassidy!" Galit na na untas ni tatay at napatampal sa mesa. Kontra talaga siya sa plano kong pagpiyansahan siya.

Napatingin ako sa mga ibang preso na may dalaw din at napatingin sa aming direksyon ni tatay Travis.

"T-tumigil na ako t-tay." Pahina nang pahina ang boses ko habang sinasabi ko iyon.

"Ano?! Tumigil ka! Kailan pa Cassidy!"

Sa tagal dito ni tatay hindi na niya nalilinisan ang mukha niya. May bigote na nga rin siya at wala siyang gupit ng buhok.

"Isang linggo matapos kang makulong tay."

"Dios ko naman, Cassidy! Ano na ang ginagawa mo ngayon?"

Sa kabila ng galit na tono ni tatay sa pananalita niya. Alam ko na nag-aalala rin siya sa akin at inuuna niya ako palagi.

"Sorry tay. Sorry po."

"Anong ginagawa mo ngayon? Ngayon na tumigil ka na pala sa pag-aaral mo. Kaya pala dalaw ka nang dalaw dito dahil tumigil ka na. Hindi ka man lang nag-iisip!"

"N-nagtatrabaho po ako tay... sa isang bar."

"Ano?" Kunot noong tanong ni tatay.

"W-wag po kayong mag-isip ng kung ano tay. Waiter lang po ako doon." Agap ko.

Tumigil ako sa pag-aaral hindi lang dahil nakulong si tatay kung hindi dahil na rin wala nang magtutustos sa pag-aaral ko. Hindi naman porket libre ang school e wala nang gastusin. Paano ang pagkain ko? Ang mga projects? Ang pang-commute ko araw araw? Si auntie Tanya nga hindi niya pinag-aral ang anak niya dahil sa kakulangan ng pera tapos ako gagastusan niya? Himala kung mangyayari iyon.

"Umuwi ka na Cassidy. Wag mo na akong dalawin dito. Saka kung nagtatrabaho ka naman pala ngayon mag-ipon ka para sa sarili mo hindi para sa akin. Dahil alam kong hindi mabuti ang ginagawa ng kapatid ko sayo." Si tatay saka siya tumayo.

Tumayo rin ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko si tatay at saka lumabas ang luha ko. "Miss na miss kita tay. Hindi ko po ata kaya ang na wala kayo." Bulong ko sa dibdib ni tatay.

Naramdaman ko ang pagtaas-baba nang dibdib ni tatay at ang paghalik niya sa ulo ko. "Patawarin mo ako anak. Iniwan kita..." sabi ni tatay habang ang labi niya ay nasa ulo ko at ako naman ay humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. "hindi mabuti na nasa bar ka nagtatrabaho Cassidy. Alam mo na bearer ka maraming pwedeng mangyari sa lugar kung saan ka nagtatrabaho. Tumigil ka na dyan at maghanap ka nang ibang trabaho. Saka wag mo nang isipin ang pang-piyansa ko dito. Ayos lang ako dito sa loob." Alam ko na kahit na anong galit at salita sa akin ni tatay malambot siya sa akin.

Kulamas ako sa pagkakayakap kay tatay. Bakit ba ayaw na niya akong padalawin dito? Hindi ba niya ako namimiss? Di maintindihan ang pagtulak sa akin ni tatay.

"Mag-ipon ka Cassidy at umalis ka an doon sa bahay. Lumayo ka na dito. Mag-iingat ka lalo na sa mga lalaki."

Umuling ako kay tatay at pinunasan ko ang luha ko. "Hindi tay. Hangga't nandidito kayo hindi ako lalayo sa lugar na ito. Hindi ako aalis ng lugar na ito kung hindi kita kasama."

Muling bumalik ang pagiging seryoso ni tatay. "Umalis ka na Cassidy at sundin mo ang sinabi ko." huling saad ni tatay at tinalikuran ako.

"TAY!" sigaw ko ngunit di man lang niya ako nilingon at diretso alng ang lakad niya pabalik sa silda. Pinalis ko ang luha ko habang palayo nang palayo si tatay.

Umuwi ako sa bahay at naabutan ko na nagkahiga sa sofa namin sina Aileen at Gretel habang nakatutok ang mata sa cell phone nila tapos nakabukas pa ang TV. Si Aileen ay twenty-three na habang si Gretel naman ay twenty-two. Hanggang highschool lang ang natapos nila at ngayon wala silang trabaho. Habang si auntie Tanya naman ay isang recruiter, nag-r-recruit ng mga babae na sumasayaw sa bar. Iwan ko kung legal o illegal pa iyong pang-r-recruit ni auntie Tanya. Siya nga rin ang nagpapasok sa akin bilang waiter sa bar kung saan siya nagtatrabaho. Minsan naririnig ko pa nga na binubugaw ni auntie sina Aileen at Gretel sa bar at mabuti na lang tumanggi silang dalawa.

"Oh, Cass. Andyan ka na pala... magluto ka na. Malapit ng umuwi si nanay baka mapagalitan na ka naman n'on." sabi ni Gretel. Tumingin lang siya saglit sa akin saka binalik ang mata sa cell phone niya.

Napatingin ako sa orasan na nasa divider namin. Alas singko na nang hapon. Pagkaalis ko kasi kanina doon sa presinto ay naghahanap din ako ng pwedeng pagtrabahuan ko kasi totoo naman ang sinabi ni tatay delikado ang bar para sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa akin doon. Pero hanggang sa mapagod ako kakahanap ng trabaho wala akong napasukan. Lahat sila di naghahanap ng worker. Kaya hanggang sa di pa ako nakakahanap ng trabaho at wala pa akong ipon magtitiis ako dito kasama sila at magtitiis ako sa pagtatrabaho sa bar.

Bumuntong hininga ako at hinubad ang jacket ko saka tumungo sa kusina. Nagsimula na akong magsaing nang marinig ko ang biglang pagsigaw ni Aileen.

"WAHHH! OH MY GOSH! Gretel, oh my gosh!" rinig na rinig ko ang pag-ieksaherada ni Aileen sa labas. Kahit mismo siguro ang mga kapit bahay namin narinig ang malakas niyang sigaw.

"Ang OA ate. Ang OA mo kung makasigaw ka dyan para kang naka-jackpot sa lotto." pagalit naman na wika ni Gretel sa kapatid niya.

"Higit pa ito sa lotto, Gretel. Oh my god! Iyong afam ko pupunta siya dito sa Pilipinas at papakasalan na niya ako at dadalhin niya ako sa US!" Pati ako na nakarinig lang dito sa kusina ay napaigtad rin ang tainga ko sa aking narinig.

"Wee! Talaga? So magiging mayaman na rin tayo? Aalis na tayo dito?" Si Gretel.

"Yes sis." Masayang saad ni Aileen.

Kahit na alam ko na hindi ako kasali sa mga pinag-uusapan nila napangiti rin ako. Dahil kung totoo ang sinasabi ni Aileen na aalis sila dito. Ibig sabihin di ko kailan na umalis dito at di na ako mamumublema sa kanila. At wala nang mag-uutos sa akin na parang alipin sa bahay na ito.

Nang mag-alas siete na ay umalis na ako sa babay upang tumungo sa bar kung saan ako nagtatrabaho. Inayos ko ang bowtie sa leeg ko saka lumabas para magsimula nang magtrabaho.

Sa buwan na pagtatrabaho ko dito nasasanay na ako sa mga lalaki na iba ang tingin sa akin. Minsan pa nga ay nahihipuan ako sa pwet pero binabalewala ko na iyon. Pero noong una talagang nasampal ko ang lalaki sa dala kong tray sa gulat. At sa huli ako pa ang napagalitan ni auntie Tanya sa nagawa ko.

Pabalik na ako sa counter nang may biglang humawak sa braso ko at hinapit ang baywang ko. Napatingin ako sa lalaking gumawa no'n sa akin. Ang tray na dala ko ay nayakap ko. Sa kamay ng lalaki hindi siya nahirapang iyakap iyon sa katawan ko habang ang isa niyang kamay ay nasa braso ko pa rin.

"Oi, sir." sambit ko at tiningala ang taas niya.

"Do you have time after your work?" bulong niya sa tainga ko. Napapikit ako doon dahil may kiliti ako sa tainga ko. Tapos idagdag pa ang mainit na hangin galing sa bibig niya.

"S-sorry sir. Waiter lang po ako dito..."

"Hmm, I don't mean to ask you out and we'll fuck. I just want someone to talk to."

Napatingin ako sa kanya nang mawala ang bibig niya sa tainga ko. Hindi ko masyadong naaninag ang mukha niya dahil madilim kung saan kami ngayon. Hindi niya pa rin binibitawan ang katawan ko.

"Oh, ahmm..."

"I'll wait for you." una niyang wika saka ako binitawan at umalis na. Sumuong siya doon sa dagat ng mga nagsasayawang tao.

Napahawak ako sa dibdib ko matapos iyon. Kahit na sa pagdating ko doon sa counter at nilapag ko na ang tray ang tambol ng puso ko ay di pa rin tumigil. Napapikit ako at napahagod sa bandang dibdib ko.

"Cass, ayos ka lang?" Napamulat ako nang may magsalita. Nakita ko si Justin, ang isa sa mga kasamahan ko dito sa bar na waiter din. Si Justin ay kaibigan ko rin at bakla siya.

"Mmm, ayos lang ako."

"Diba, naghahanap ka nang extra na trabaho?" Tumango ako sa kanya. "Ang club na pinagtatrabahuan ko every sunday night kailangan nila nang extra workers." sabi sa akin ni Justin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top