CHAPTER 38

Chapter 38

Cassidy Pov

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko at panay ang sulyap ko sa pintuan, sa labas ng bintana, at sa malaking wall clock na nandidito sa salas ng beach house ni Tyson. Ang lakas ng tahip ng puso ko at pinagpapawisan na ng malamig ang kamay ko. Hindi pa nga nawala ang kaba ko kanina dahil sa pag-atake ng kung sino sa bahay ni Tyson at heto't nadagdagan pa dahil hanggang ngayon ay wala pa rin sina Tyson. Ang huli lang naming pag-uusap ay iyong pinatakas niya kami nang mga anak niya kasama sina Nico at Nate. Naiwan siya doon sa bahay kasama si Pike. Hindi ko na naman kailangan pang sabihin kung ano ang ginawagawa nila dahil malamang nakipagbarilan din sila doon sa umatake.

Tumayo ako at kagat-kagat ang kuko habang nagmamartsa sa salas. Alas dos na nang madaling araw pero wala pa rin si Tyson. Naiiyak na ako sa pag-aalala sa kanya at kay Pike. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya. Gusto ko pang sabihin sa kanya ang sagot ko doon sa tanong niya.

"Mr. Barromeo, maupo muna po kayo." saad ni Nico sa akin.

Si Nico ay nandidito sa loob samantalang si Nate naman ay nasa labas at nagro-roving. Silang dalawa pinasama ni Tyson sa amin ng mga anak niya.

"Nico wala ka bang matawagan doon para makumusta natin sila. Nag-aalala ako kay Tyson."

Dismayadong umiling si Nico sa akin.

"Kung meron man din akong matawagan doon Mr. Barromeo alam ko rin naman po na hindi nila iyon masasagot lalo na't may lumusob sa bahay." wika niya.

"P-pwede naman siguro 'no?  Na bumalik si Nate doon para malaman natin ang stiwasyon nila?" pagsusumano ko.

Bumuntong hininga si Nico. "Hindi 'yan pwedeng gawin ni kuya Mr. Barromeo. Ang utos ni Don ay dalhin kayo dito at bantayan at protektahan. Hindi kami maaaring gumawa ng hakbang na di alam o utos ni Don."

Lalong nalugmok ang balikat ko.

"P-pero Nic--"

"Pasensya na rin po, Mr. Barromeo. Ginagawa lang namin ang ano man ang utos sa amin."

Tumango ako sa kay Nico saka bumalik sa kinauupuan ko at pinagsiklop ang kamay ko saka nagdasal na sana ayos lang sila doon sa bahay. Sana ligtas lang sila.

Napatingala ako sa ikalawang palapag ng beach house kung saan ang mga silid at kung saan din natutulog ang mga bata. Umiiyak din sila. Nag-aalala rin sila sa ama nila at sa kanilang papa Pike. Masaya pa ako kanina. Akala ko ayos na lahat pero sa isang iglap ay kinuha lang ang lahat nang iyon. Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Tyson kanina.

"Nico, Nate bring my family to my beach house in Batangas. I will trust my family's welfare in your hands." bilin ni Tyson sa magkapatid. Nandidito kami ngayon sa underground ng bahay na hindi ko alam na mayroon pala nito. Ang underground ay parang gawa siya sa mga bato at ang bawat sulok ay may mga ilaw. Sa dingding din ay may mga armas na naka sabit.

Tumigil ng ilang saglit ang pagpapaulan ng bala sa bahay kaya kinuha ni Tyson ang pagkakataong iyon na dalhin ako isang silid kong saan din ang hagdanan patungo sa underground ng bahay. Doon ko rin naabutan si Pike, Nate, at Nico na karga ang mga anak ko. Si Zenver at Zhuri ay umiiyak. Si Zyrho naman ay nagpupumiglas sa kamay ni Pike na makawala dahil hinahanap kaming dalawa ni Tyson. At nang makita nila kami ni Tyson ay saka lang tumahan ang mga bata.

"Papadad, daddy... I'm so scared." iyak ni Zenver kaya naman nag-squat si Tyson at niyakap ang anak na humihikbi at nanginginig sa takot.

Si Zhuri naman ay yumakap sa akin at si Zyrho.

"Papadad." iyak ni Zhuri. Tahimik lang si Zyrho na yumayakap sa akin nang mahigpit.

"Hey, kids. Aalis kayo, okay? You will leave here with your papadad. And kuya Nico and Nate will come with you." pahayag ni Tyson sa mga anak.

Kumalas ang mga anak ko sa pagkakayap sa akin nang marinig nila ang ama.

"How about you daddy?" humihikbing tanong ni Zenver.

"I will help your papa Pike here, so I will stay."

"Tyson..." singit ko.

Kinuha niya ang kamay ko. "Take care and the kids."

Sunod-sunod na iling ang ginawa ko sa kanya.

"Hindi. Sama-sama tayong aalis dito Tyson. Hindi ako papayag na maiiwan ka—kayo dito." pagmamatigas ko at nagsimula nang magpumatak ang mga luha ko.

"Sshh! I will follow you. I will come after you and our kids." he console me pero hindi iyon sapat. Umiling pa rin ako sa kanya. Yumuko ako. Ayaw kong may maiwan dito at makipaglaban doon sa mga umatake sa amin. Naririnig ko pa rin ang mga barilan sa taas at natatakot ako. Natatakot ako sa mga anak ko at kay Tyson.

"Ayaw ko." bulong ko.

Kinulong ni Tyson ang mukha ko sa kamay niya at inangat niya iyon. Kumuyom ang kanyang panga at pinunasan ang luha ko.

"It is not safe here, love. It's better for you and our ki--"

"HINDI! Hindi nga kayo maiiwan dito. Sabay tayong aalis dito Tyson. Sige na." pagmamakaawa ko sa kanya pero iniling lang ni Tyson ang ulo niya bilang pagtutol sa sinasabi ko.

"I don't know how many intruders there are. And I cannot fight back knowing that you're all here, love."

Napatili ako at pati na ang mga bata nang biglang may malakas na pagsabok na nagpayanig sa buong bahay.

Niyakap ako ni Tyson at hinalkan sa noo.

"Nico and Nate will be with you. They will accompany you and our kids to my beach house, okay? Don't worry too much, I still want to hear your answer." ngumiti pa siya.

Binalingan niya naman ang mga anak namin. Tumayo ang tatlo sa kanyang harap.

"You will walk away from here, kids. Don't look back, okay? No matter what happens when you get out of here with your papadad and your Kuya Nate and Nico, don't look back. Be with your papadad, okay? I love you, my angels." bilin niya sa mga anak at isa-isa silang niyakap at hinalikan.

"I will stay here with you, daddy." si Zyrho na kinasinghap ko.

"No, son. You'll be safer when you're away from here and be with your papadad." mabilis na agap ni Tyson sa anak.

Pinalis ko ang luha ko at tumayo nang tumayo rin si Tyson. Mas lalo akong natakot at kinabahan sa mga pinagsasabi niya sa mga anak namin.

Pinasuot ng bullet proof vest nina Nate at Nico ang mga bata na saktong kasya rin sa kanila. Parang napaghandaan na rin ito ni Tyson. Binigyan ni Pike ng bullet proof vest si Tyson at si Tyson na ang nagsuot sa akin noon.

Umiiyak ako habang sinusuot niya iyon sa akin. Muli niya akong niyakap ng mahigpit.

"I love you." bulong niya sa akin bago kumalas.

"Nate, Nico. Take care of my family." huling bilin niya sa magkapatid at inakay na kami nina Nate at Nico palayo kina Tyson at Pike. Binuhat ni Nico si Zenver, si Nate naman ay buhat si Zhuri na siniksik ang mukha sa leeg nito. Samantalang nahawak ang kamay ko sa maliit na kamay ni Zyrho.

Muli kong nilingon sina Tyson at Pike na kumukuha ng armas na nakasabit sa dingding.

Tumigil ako sa paglalakad. Binitawan ko ang kamay ni Zyrho saka ko tinakbo ang nagawang distansya namin ni Tyson.

"We will not leave anyone alive. Kil--"

Napatigil si Tyson sa pagsasalita nang niyakap ko siya mula sa kanyang likuran at binaon ko ang mukha ko sa likod niya. Ramdam ko ang ang pagka-istatwa ni Tyson.

"Mag-iingat ka." saad ko.

Huminga nang malalim si Tyson bago kinalas ang pagkakayakap ng kamay ko sa kanyang katawan. Humarap siya sa akin at sinuklay ang buhok ko na tumatakip sa mata ko. Muli ko na naman siyang niyakap.

Tinulak ko ang katawan ko palayo sa kanyang pero nanatiling nakahawak ang kamay sa tela ng damit niya.

Tiningala ko siya. "Promise me. Mangako ka Tyson na susunod ka sa amin nang mga anak mo ng buhay at walang sugat." saad ko sa kanya habang tumutulo ang presko kong mga luha.

"Love..."

"Mangako ka. Mangako ka Tyson." pagmamaka-awa ko.

"Hmm. I promise to get out of here alive, but I can't guarantee the second one, Love."

"Tyson naman."

"Love, like I said earlier, I still want to hear your answer. I still want to make more memories with you before I leave this lifetime. And  have another angel from you."

'Yan ang huling sinabi ni Tyson sa akin na siyang pinaghahawakan ko ngayon. He wants to hear my answer. He wants to make memories with me and our children and have another child. Ibibigay ko sa kanya iyan lahat umuwi lang siya ngayon dito nang buhay at ligtas. Hindi ko 'yan ipagkakait sa kanya lahat basta magpakita lang siya sa akin ngayon. After all, I love him and I am willing to be part of his life again. I know that being with him is dangerous, but I am willing to be in danger with him. Six years of suffering was enough for us. It's time for us to be with each other.

Parang pumanting ang tainga ko nang may marinig akong mga sasakyan na dumating. Si Nico rin na siyang nakatayo lang sa isang tabi ay napatingin din sa labas.

Agad akong tumayo at tumukbo sa pintuan para pagbuksan iyon nang may kamay na pumigil sa akin. Tiningnan ko nang masama si Nico.

"Mr. Barromeo. Ako muna ang titingin."

Kinuyom ko ang kamay ko at tumango sa kanya. I know he is just doing his job. He is doing this for our sake.

Si Nico na ang lumabas para sa akin.

"Kuya sina Don na ba 'yan?" rinig kong tanong ni Nico sa kapatid niya na nasa labas.

"I guess."

Bumukas iyong pintuan at sunod-sunod na pumasok iyong mga tauhan ni Tyson. Halos takasan ako ng dugo sa katawan ko nang makita ko sila. May mga sugat sila. Ang iba may sugat sa binti, sa kamay, sa tagikiran, mga galos sa katawan at sa mukha.

"Sa basement sila dalhin. Nandun ang infirmary." si Nate at pinasunod iyong mga lalaking sugatan. Iyong may mga sugat sa binti ay inaakay noong iba na di masyadong na puruhan.

Naghintay pa ako kung may papasok ba o may sasakyan pang darating kaso wala na. Tiningnan ko ang mga tauhan ni Tyson na sumunod kay Nate.

"Si Tyson... nasaan siya?" natanong ko.

Iyong isang lalaki na may sugat sa binti ay nilingon ako. "Mr. Barromeo."

"Si Tyson?"

"Sumunod po sa amin si Don, Mr. Barromeo kaso may binalikan pa sa mansyon kasi may maiwan daw siya."

Napaupo ako sa sahig. Ano naman ang naiwan niya at talagang binalikan pa niya? Hindi ba niya pwedeng iwan iyon? Gaano ba iyon ka-importante at binalikan pa niya?

"Halika ka na." rinig kong saad n'ong kasamahan niya.

Muli na naman akong umiyak at humagulhol.

"Mr. Barromeo..." winaksi ko ang kamay ni Nico na humawak sa bilikat ko at patuloy ako sa pag-iyak.

Madami namang tauhan si Tyson bakit siya pa ang bumalik doon sa bahay niya kung may naiwan man siya? Bakit kailangang siya pa?

Hindi ako tumayo sa kina salampakan kong sahig at tinakpan ko lang ang mata kong lumuluha. Hanggang sa may marinig akong boses. Ang boses ng lalaking hinahanap ko.

"Cassidy."

Awtomatik na humiwalay ang mukha ko sa palad ko at nilingon ko ang direksyon kung saan nanggaling iyong boses.

Nagkukumahog ako sa pagtayo nang makita ko si Tyson nakatayo sa harap ng pintuan. Pinunasan ko ang basa kong pisngi saka lakad-takbo ang ginawa ko para lang malapitan si Tyson.

Tyson smiled and spread his arms for me. Hindi na ako nag-aksaya pa nang oras at niyakap ko kaagad siya. Napaungol siya sa impak ng pagkayakap ko sa kanya.

"Pinag-alala mo ako." saad ko habang nakataob ang mukha sa kanyang mabasa-basang dibdib. Hula ko ay sa pawis iyon. Sinuntok ko ang likuran niya at napa daing naman siya.

"Bakit ka pa bumalik sa bahay? Bakit di ka na lang dumiretso dito? Bakit kailagan pang ikaw ang bumalik sa bahay? May mga tauhan ka naman." pagsermon ko sa kanya.

Kumalas ako sa pagkakayakap at nanlamig ako nang makita ko ang bakas ng dugo sa kanyang forearm. Kaya pala siya dumadaing kanina. May sugat siya.

"Ito ang binalik ko sa bahay." aniya kaya naman lumipat ang nata ko sa kanya at nakita kong may kinapa siya sa kanyang bulsa.

Napapikit ako sa mata ko. Ang sonogram ng triplets. Susuntukin ko na naman sana siya nang makita ko ang sugat sa kanyang balikat.

Hindi ko na pinansin pa ang sonogram sa kamay niya at hinawakan ang kamay niya saka ko siya hinila.

"W-wait. Where are we going?" tanong niya kahit na nagpatianod naman sa akin.

"Sa infirmary gagamutin natin ang sugat mo." sagot ko sa kanya.

Napatigil ako nang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko sa mahina akong hinila.

"Puno ang infirmary." saad niya.

"Papaano iyang sugat mo?" tanong ko.

"Upstairs. I have a first aid kit in my bathroom." aniya at hinila ako sa taas.

Ang kwartong tinutukoy niya ay nasa tabi lang ng kwartong inu-ukupa ng mga bata. Pumasok kami sa isang panlalaking kwarto na kulay puti at pinatingkad ng kulay itim mga gamit. Nakita kong kulay itim na bedsheets pero puti naman ang beddings n'on. It was a king size bed. May lampshade rin sa bawat gilid n'on.

Hinala na ako ni Tyson sa bathroom at bumungad sa akin ang napakalaking toilet and bathroom.

Pinakawalan ni Tyson ang kamay ko.

Puti at brown naman ang pinagsama dito sa bathroom at ang dingding naman ay herringbone tile pattern ang nakalagay na tiles. Sa isang banda ay parang may cupboards at doon kinuha ni Tyson ang first aid kit.

Nilagay niya iyon sa for his-and-her na sink na may malaking salamin sa likod. Lumapit ako sa kanya at ako na ang bumukas noong kit. Kompleto iyon at di pa nagagamit.

Pinaharap ko siya sa akin at ako na ang nagtanggal sa butones ng suot niyang sleeves. Tumingkad ako upang maingat kong matanggal iyon nang natapos kong tanggalin ang mga butones.

"Ay!" sambit ko sa gulat nang bigla akong binuhat ni Tyson gamit ang isang kamay niya na walang sugat para mai-upo doon sa sink, sa tabi noong kit.

"H'wag ka ngang gumalaw-galaw." sermon ko sa kanya  at tuluyan ko nang hinubad sa kanya long sleeves niya.

"I'm sorry." kalmado niyang saad.

Tiningnan ko ang sugat at nakahinga ako nang maluwag na hindi iyon malaki.

"Anong nakasugat sayo?" tanong ko habang nililisan ang kanyang sugat.

"Bullet." maiki niyang sagot.

Nagpukos ako sa paglilinis ng kanyang sugat. Hindi naman ako maalam doon pero ang ginawa ko lang ay ang lagi kong ginagawa kapag nasusugatan ang mga anak ko noon.

Naaasiwa ako nang ramdam na ramdam ko ang titig ni Tyson sa mukha ko. Kumuha ako ng betadine at naglagay sa bulak saka siya saglit na tiningnan. Nakakapaso na ang titig niya.

"May problema ba?"

"Hmm, your eyes are swollen." turan niya.

"Dahil sayo." paninisi ko sa kanya.

"You're worried?"

Tumigil ako sa pagdampi noong bulak sa sugat niya at tiningnan ko siya sa mata. Kahit na nakaupo na ako sa sink ay kailangan ko pa ring tingalain ang mukha niya.

"Oo naman."

"Why is that?" mabilis niyang tanong.

Tumabol ang puso ko. At naibaba ko ang tingin ko sa kanyang katawan na umiigting. His massive chest is heaving and his abs below is glistening due to his sweats.

"Bawal bang... m-mag-aalala sa taong... mahal mo." wika ko habang nasa baba ang mata. Hindi ko na ata kayang tingnan siya sa mata.

Pinaghiwalay ni Tyson ang binti ko at saka siya pumagitna doon. Tinungkod niya ang kanyang dalawang kamay sa bawat gilid ko at niyuko ako. Saglit niyang inangat ang ulo ko sa pamamagitan ng pagtaas sa baba ko.

His eyes are full of mirth. Happiness is dancing in his amethyst orbs.

"What is it again?" malambing niyang tugon.

"Sabi ko... bawal bang mag-alala sa taong mahal mo."

"Who do you have feelings for?" malamyos niyang tanong at binaba ang kamay. Binalik niya iyon sa pagtukod sa gilid ko at halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya sa akin.

Ang mainit niyang hininga ay tumatama na sa ilong at upper lips ko.

Napiga ko ang bulak sa kamay ko.

"Sayo." hinga ko.

"Again?"

Napakagat labi ako. Uminit ang pisngi ko.

"Sayo... at ikaw ang mahal ko... noon pa man."

"I love you. I love you, too, love. Mahal din kita." litanya niya.

"Gusto mong marinig iyong sagot ko diba?" anas ko at maingat na humawak sa balikat niya.

"Hmm." tumango siya.

"Payag na ako. Iyo na ulit ako."

He heaved.

"I can't be more happy, love." namamaos saad niya na para bang hinugot pa ang boses sa kinailaliman ng lalamunan niya at hinalikan ang tungki ng ilong ko. "Thank you." bulong niya.

"Alam kong marami na akong nasabi na masama sayo, Tyson. Naka pagbitaw na ako ng mga masasakit na salita sayo. Halos sinumpa na kita sa galit ko sayo. At inaamin kong naisip ko na rin na mawala ka na sa buhay ko pero... ang totoo... galit ako sayo kasi kahit na sa lahat ng ginawa mo... mas pinipili ka pa rin ng puso ko. Kahit na anong puot man ang nararamdaman ko ikaw pa rin ang mahal ko. Siguro tanga na ako para mahalin ka pero tanga na kung tanga dahil pipiliin pa rin kita. Sayo ako masaya Tyson. Sayo ako ligtas kahit na alam kung delikado sa piling mo." pinalis niya ang luhang dumaloy sa pisngi ko.

"Hindi ako hihingi ng tawad sa mga nasabi ko sayo noon, Tyson. Kasi lahat ng iyon. Gusto kong isumbat sayo. Iyon 'yong mga naipon sa dibdib ko na gusto kong sabihin sayo. Kaya di ako hihingi ng tawad doon. Pero gusto kong bawiin iyong sinabi ko sayo noon na di kita kailangan sa buhay ko." Nagtagpo ang mga mata namin nang tingnan ko ang mata niya. "Kasi kailangan kita, Tyson. Kailangan kita sa buhay ko at sa mga anak natin." Tumulo muli ang luha sa mata ko at sinalo iyon ng mga labi ni Tyson. Napakagat labi na naman ako.

"Goddammit!" mura niya habang ang labi ay na nanatili sa pisngi ko.

"I want to kiss you, love. I want to own you."

My heart thumped in excitement and longingness.

Dumiin ang pagkagat ko sa labi ko dahil sa sinabi niya.

"I want you, too."

"Shit!" mura ni Tyson at hindi na nagpatumpik-tumpik pa at hinalikan ang labi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top