CHAPTER 36
Chapter 36
Cassidy Pov
Huminga ako nang malalim at pinikit ko ang nga mata ko. Labis talaga na bumabagabag sa akin iyong mga konting skin contact namin ni Tyson. Kung iisipin ay matanda na ako para umakto ng ganito. Nagmumukha akong teenager nito eh. But I really flinched whenever Tyson's hand landed on my skin. Hindi naman iyon sa takot. Hindi naman iyon sa kaba. Iyon ay dahil sa konting pag-uugnay lang ni Tyson sa akin labis nang nagwawala ang damdamin ko. Gumugulo ang sistema ko sa konting dampi, konting hawak, at yakap. Nagwawala na ang sistema ko.
Inis kong pinadyak ang paa ko sa kama. Mabuti na lang at wala dito ang mga bata sa kwarto ni Tyson. Mag-isa lang ako kaya ayos lang kung para na akong baliw dito. Nakakainis ang sarili ko parang di ko na ma-control ang mga susunod na gagawin at ia-akto. Wala rin dito si Tyson dahil nandun sa kanyang mini office dito sa bahay niya. Gabi na pero nagtatrabaho pa rin. Ang hirap din siguro maging mayaman laging abala! Di ako kailanman makaka-relate dahil mahirap lang ako.
Nabuburyo na ako dito dahil wala ang mga bata dahil andun sila sa silid ni Zyrho. Pinuntahan ko sila kanina at naglalaro. Sinabihan kong matulog na pero hihintayin daw nila ang ama. Pero bigla namang tumawag si Owell kaya nasa kanina ang telepono ko. Gusto pa kasing makipag-video call. Kaya bumalik na lang ako dito sa kwarto.
Matagal na kami ng mga bata dito sa bahay pero ni minsan ay di ako humawak sa mga gamit ni Tyson. Siguro dahil nakasanayan ko na? O siguro ganoon kasi noon din naman ay di ako naghahawak sa dating bahay ni Tyson. Ni basahan ay ayaw ngang ipahawak sa akin. Pero ngayon dito ay nakakagalaw na ako ng maayos at nakakapagdesisyon na ako sa kung ano ang gagawin ko at hinahayaan ako ni Tyson. Pag nagpapa-alam ako sa kanya ay pinipikit na lang niya ang mata at tatango sa akin. He is now lenient to me. At dito sa kwarto niya ay di pa talaga ako nakakahawak sa mga gamit niya dito.
Isang buntonghininga ay inalis ko ang kumot sa binti ko saka binaba ang cotton shorts na umuk-ok na sa singit ko. Inayos ko rin ang loose tshirt ko. May mga damit naman ako dito kahit na hindi namin pinaghandaan itong pagtira dito. May mga nabili na kasi si Tyson.
Binaba ko ang paa ko at tumingin ako doon sa side table na may tatlong drawers at nakapatong sa table ang solo picture ni Tyson at iyong naka-frame na picture naming lima noong pumunta kami sa EK. Hindi naman ako umusisa pa doon kasi kwarto naman ito ni Tyson. Ngunit napapangiti ako doon kahit na di ako nakatingin sa camera. Parang totoong pamilya na talaga kami.
Umalis ako sa kama saka naghanap ako nang mapagkaka-abalahan ko. Nilapitan ko iyong bedside table na may mga drawers at binuksan ko iyong unang drawer. Umupo ako sa harap no'n. Nang mabuksan ko ay napasinghap ako. Mga pictures iyon ng mga bata. Mga stolen at ang iba naman ay hindi. May mga kuha rin noong kaarawan ng tatlo. Di rin nakatakas sa mata ko larawan ko doon. Kuha pa iyon nang nasa Sagada ako at naglilinis ng bahay. Tsk! Mga kabaliwan ni Maranzano!
Ngunit uminit naman ang pisngi ko doon. Nakakabaliw.
Hindi ko na hinalughog pa ang iba pang larawan at sunod kong binuksan ang sunod na drawer. Pagbukas ko doon ay halos matumba ako sa pagkaka-upo ko. Iyong init na naramdaman ng pisngi ko ay mas lumala. Ngumiwi ako at mabilis iyong sinara. Ano ba ang naisip ni Tyson at nilagyan niya ng condoms at lubricants iyong drawer? Paano kung makita iyon ng mga bata? Paano kung pinakialaman iyon ng mga bata? Napaka talaga ng lalaking iyon!
Ngiwing binuksan ko ang sunod na drawer at ang ngiwing nakapaskil sa mukha ko ay unti-unting natunaw nang makita ako ang laman ng last na drawer. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang laman ng third drawer at tumulo ang luha ko.
Pinalis ko ang luhang tumulo sa mga mata ko ngunit may luha na namang sunod na tumulo. Ang laman ng pinakababang drawer ay ang sonogram ng triplets. Ito iyong sonogram na gusto ko sanang ipakita ni Tyson noon. Naalala ko na nabitawan ko pala ito noon doon sa kanyang library. Akala ko wala na iyon. Akala ko di iyon nakita ni Tyson. Diba nasunog ang dating mansyon niya? Bakit nandidito pa ito? Did he really keep it?
Umiiyak ako habang hinimas-himas ko iyong sonogram. Ngayon ang lalaki na nila. Noon ay halos di pa sila makita sa monitor pero ngayon malaki na at pilyo.
"Cass?" lumingon ako at nakita ko si Tyson na kakapasok lang sa kwarto at bitbit ang isang baso ng gatas. Wala naman dito ang mga bata ah?
Pinunasan ko ang basang pisngi saka tumayo hawak ang sonogram.
"Wala dito ang mga bata. Kaninong gatas iyan?" saad ko sa kanya.
Tiningnan niya ang hawak ko at naglakad siya tungo sa akin.
"It's for you." halos bulong niyang saad.
Tinanggap ko ang gatas pero nilagay ko lang iyon sa bedside table.
"Drink it, Cass--"
"Mamaya na." malumanay kong wika.
Nakita ko ang pagkuyom ng ma-anggulo niyang panga. May mumunting stubbles na siya doon.
"Di ka na nakapag-shave." saad ko habang nakatingin doon sa kanyang panga.
Humawak siya doon.
"Ngayon lang pero ang bilis tumubo." Aniya at napasilip sa hawak ng kamay ko. "What is that?"
Itinaas ko iyon at aking tiningnan. Alam kong nakikita na niya kung ano iyon.
"You keep it." usal ko.
Huminga siya saka hinawakan ang siko ko. Agad kong naramdaman ang pamilyar na kuryenteng dumaloy sa tanang ugat ko. Parang binubuhay ng kuryenteng iyon ang lahat ng dugo ko sa katawan.
Naunang umupo si Tyson ng patagilid sa kama at uupo na rin sana ako sa tabi niya nang hilahin niya ang dalawang siko ko at pinaupo sa kanyang hita. In-side ways. Napa-igik ako.
"Tyson, uupo na lang ako sa tabi mo." usal ko pero pinalibot na niya ang kanyang dalawang kamay sa baywang ko. Ni-lock niya ang kanyang mga daliri upang di talaga ako makawala sa kanya.
"Stay for a while." Nilunok ko ang naramdamang bikig sa lalamunan ko. Iba na ang dating nang kanyang namamaos na boses.
Humawak ako doon sa balikat niya at di na gumalaw sa kanyang hita. Tiningnan ko si Tyson na halos butasan na ako sa kanyang mga titig.
"You asked if I kept that? Yes. I kept it like it was the most important part of my life, love." Nag-iwas ako nang tingin nang marinig ko ang tawag niya sa akin. Love.
"Hindi ko na maibabalik pa ang nangyari na noon, Love. No matter how much I regretted it. Hindi ko na maibabalik pa ang oras. That time when you left me alone in the library. I became immobile. Gusto kitang sundan pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Gusto kitang habulin but I can't bring myself to get out of the chair.It took an hour or so before I finally got myself together and I saw that... on the floor." He looked at the sonogram in my hands.
"And for the first time since time immemorial, I felt my heart pounding when I saw it. For the first time in a long time, I cried. That time, I felt I had lost everything. I feel like I lost the most important part of my life. And when I finally want to see you and am ready to take back my words, it is now too late because you have already left, Cass."
Bawat salitang binibitawan ni Tyson ay parang hinihila noon ang mga alaala ko noon na gusto ko nang kalimutan. Pumasok sa utak ko iyong mga alaala noon iyong mga nangyari nang gabing iyon at nagulat na lang ako nang walang na ang galit ko. Wala na ang sakit. Mapapait na ngiti na lang sa nga nasayang na oras.
"When the house burned, the mansion was burning," he continued. "That was left inside my room. I saw how big the fire was that time, but I didn't hesitate to go back inside to get it. Because I know that if I lose it, I will also lose my life."
Umiyak na ako. Bumuhos na ang luha ko sa mga pinagsasabi ni Tyson. Nakikita ko siya. Nakikita ko siya sa mga pinagsasabi niya sa akin. Nakikita ko ang taong mahal ko. Ang taong akala ko di nagpahalaga at nagmahal sa mga anak namin.
Sinapo ng kamay ni Tyson ang mukha ko saka hinarap sa kanya na at walang tigil pa rin ang luha ko sa kaka-agos. Sinunod ng kanyang mga diliri ang preskong luha ko.
"Sshh! Don't cry. Hindi ko iyan sinasabi para paiyakin ka. At mas lalong di ko iyan sinabi para kaawaan mo ako, love, hmm." aniya at pinunasan ang luha ko. Pinapatahan niya ako pero siya naluluha na rin naman.
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at niyakap ko si Tyson. Ramdam ko ang pagka-istatwa nang huli pero niyakap ko pa rin siya at binaon ko ang mukha ko sa leeg niya. Ilang saglit ay naramdaman ko ang kamay niyang gumapang sa likod ko at hinagod ako doon.
"I'm sorry. I went into your stuffs." usal ko sa pamamagitan ng leeg niya.
"It's okay. I won't mind. Everything that is mine is now yours, too, love." pag-aalu niya at panaka-nakang hinalikan ang panga ko.
I am still drowning. Drown him in. He showered me with gentle kisses on my jaw, ear, and neck, and I didn't complain at all. His expert tongue traced the line of my jaw up to my chin. Komportable ako doon. Gusto ko iyon. Despite the fact that his light-grown stubbles prick my soft and smooth skin.It's tickling. It's the same tickle that I feel in my stomach right now. There is something tingling in my stomach the way Tyson's lips leave kisses on my skin.
Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya at halos malukot na nang kamay ko ang sonogram. Nang pinalandas ni Tyson ang baba niyang may mga bagong tubong whiskers sa leeg ko. Nakakakiliti ng sobra. Para akong na-iihi na ewan dito sa hita niya. Na-igiling ko pwet ko sa hita niya nang maramdaman ko na hindi na baba niya ang lumalandas sa leeg ko. Dila na niya iyon! Dinidilaan na niya ang leeg ko. Wala siyang pinapalampas doon at dinilaan niya ang lahat na naabot ng dila niya. Pakiramdam ko basang-basa na ng laway niya ang leeg ko pero di ako nandidiri doon. Wala akong naramdamang pandidiri. I want more to be exact.
Napapanganga na lang ako habang sumisipsip din siya doon. Para bang may makukuha siyang yaman doon na kanyang pinag-igihang sipsipin.
Halos mapatalon ako sa pagkaka-upo dito sa kanyang hita nang ang daliri niya ay dumapo sa leegan ng loose tshirt ko at hinila niya iyon para ma hantad ang collarbone ko. Napasinghap ako. Kinagat niya nang mahina ang tainga ko saka muling dinilaan ang leeg ko pababa hanggang sa umabot na ang mainit at basa niyang dila sa collarbone ko. Maingay niya akong dinidilaan doon.
Nakikiti ako ng husto. Nakikiliti ako sa mga dila at halik niya. Dumagdag pa ang hangin na nanggagaling sa ilong niya at ang stubbles niya.
Nakuyom ko ang palad ko at pumikit nang mariin. Nalukot ko ang mga daliri sa paa ko at kumapit sa kanya ng mahigpit na para bang hawak na niya ang buhay ko.
"Hmm," nai-ungol ni Tyson habang pasalit-salit ang pagdila, kagat, at halik niya doon sa collarbone ko.
"Ahh," sunod kong ungol nang naramdaman ko ang pagbaon ng ngipin niya sa collarbone ko. Masakit iyon pero... may ibang hatid iyon sa kaibuturan ko.
Paulit-ulit iyong ginawa ni Tyson. Hindi na siguro ako nagtataka kung pagkatapos nito ay namumula na iyon o maglikha ng pasa mula sa kanyang kagat at sipsip. Napipigilan ko lamang ang ugol ko sa pamamagitan ng pagkagat sa labi ko. Kaya mga impit ko nalang ang lumalabas. Para kasing aso si Tyson na uhaw na uhaw sa tubig at doon niya iyon nakita sa collarbone ko at nagpakasasa siya doon. Dumagdag sa pagnanasa kong naramdaman ang ingay na nililikha ng kanyang bawat dila at sipsip doon. At ungol niyang tila nasasarapan sa nalalasahan doon sa balat ko.
Mabilis akong napamulat nang makadama ko ang pagtusok sa pwetan ko. Sumunod ang daing ni Tyson at mura.
"Fuck!" isang basang halik ang iniwan ni Tyson sa collarbone ko bago ako marahang tinulak upang bigyan ng distansya ang may tensyon naming katawan.
Namumungay ang kanyang mga amatistang mata. Ngunit para na iyong dumidilim sa pagpipigil sa sarili. Nilalabanan ni Tyson ang tuksong naglalaro ngayon sa kanyang kailaliman. Kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang Adam's apple.
"I'm sorry. I'm sorry. It's just that we're too close and you smell so nice. I cannot help it. Sorry. Please forgive me."
"Ty--"
"I promised myself that I would only touch you if you became mine again, if you fell in love with me again. So I'm so sorry, love." aniya at inayos ang leegan ng damit ko na hinila niya kanina.
Di na niya ako pinagsalita pa.
Laglag ang panga kong tingnan si Tyson na umiigting ang panga sa pagpipigil. Did he really mean what he said? But I can feel his thing down below. He's turned on.
Nilapag niya ako sa kama at tumayo. Nakita ko ang umbok niya. He is having a boner and he is restraining himself. Tahimik niyang kinuha ang baso ng gatas na nasa bedside table. Binigay niya iyon sa akin at nakatingala sa kanyang tinanggap ko ang baso.
"Drink." aniya saka hinalikan ang noo ko at dumiretsong banyo.
---
Naging abala ako sa pagtulong sa pagdidilig ng mga halaman dito sa bakuran ni Tyson. Ang laki ng bakuran nakakaawa ang maglilinis at nagdidilig dito. Panay ang suway ng mga tauhan ni Tyson na h'wag daw akong tumulong kasi mapapagalitan sila ni Tyson pero nagpumilit pa rin ako tumulong. Namiss ko rin kasi ito. At saka abala ang mga anak ko sa loob. Nand'yan kasi si Sean. Nag-aaral ang mga bata kaya dito ko na ibala ang sarili ko.
"Mr. Barromeo ako na d'yan." lapit ni Nate sa akin saka sinubukang agawin ang hose na gamit ko.
Nginiwian ko si Nate saka inagaw ko rin ang water hose pero ang batang ito. Matigas ang ulo. Inagaw din sa akin.
"Hindi na Nate ako na. Kaya ko naman." Pagpilit ko.
Sa huli nag-aagawan kami ng water hose ni Nate at natatawa na lang ako sa ginagawa ng batang ito. Ayaw din pa-awat! At sa pag-aagawan namin ni Nate ay may narinig kaming malakas na tikhim galing sa likuran.
Paglingon namin ni Nate ay sumalubong sa amin ang makulimlim na mukha ni Tyson. Halos magdugtong na ang kilay at nagdidilim na ang paningin.
Lumuwag ang pagkakahawak ni Nate sa water hose at bahagyang yumuko kay Tyson at tumalikod ng mabilis. Kumunot ang noo ko sa naglakad-takbo na si Nate papalayo.
"Get inside, Cass. Mainit na. At..." umigting ang panga niya at umiwas ng tingin. "magbihis ka."
Tumingin ako sa sarili na nabasa na pala ang damit ko sa pag-aagawan namin kanina ni Nate. Kumapit na ang manipis kong tshirt sa maliit kong katawan at nanunuro na ang nipples.
Tumaas agad ang temperatura sa pisngi ko.
Nagbihis ako sa taas at pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako. Pagkababa ko ay nakita ko si Pike na nakatalikod sa gawi ko at may kausap sa telepono.
"Ms. Barromeo... tsk... Ms. Tanya. Pinapatanong lang ni Don kung maayos ba ang takbo ng negosyo d'yan... Mabuti naman... hmm... just text or call me kapag may problema... no problem... nakakarating... yes he is here... he is very well... goodbye."
Kumurap-kurap ako. Si Auntie Tanya ba ang kausap ni Pike? Simula nang tumira ako kay Tyson noon ay di ko na siya nakita at pati na ang mga pinsan ko. Si Gretel. Si Aileen. Alam ko na di mabuti ang relasyon namin pero gusto ko rin sila makita. Makumusta. Sila na lang ang pamilya kaya gusto ko silang makita. Kahit na masama sila sa akin noon sila nalang ang natitirang tao sa mundo na kadugo ko maliban sa mga anak ko.
"P-pike." Tawag ko sa kanya at gulat na napalingon si Pike sa akin.
"Cass, kanina ka pa dyan?"
Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang braso niya.
"Sa-sabihin mo si Auntie Tanya ba ang kausap mo? Ang Auntie ba iyon, Pike?" nahuhulang saad ko.
"Cass..."
"Please, Pike." pagmamakaawa ko.
Bumuntonghininga siya. Kinuha niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya at pinaupos niya ako sa couch. Umupo rin siya sa malapit na upuan sa akin.
"Wala akong karapatang sabihin ito sayo, Cass. It's Don's bussiness to tell you about it. Pero narinig mo na rin naman ako." Pumikit siya. "Yes, Cass. It was you aunt."
"N-nasaan sila Pike? Nasa US ba sila? Nagpakasal na ba ng kano ang pinsan ko?" uhaw sa sagot kong tanong.
Umiling siya.
"Walang nangyaring ganyan, Cass. Your aunt and your cousins are in Palawan. Don bought an island in Palawan and sent them there."
Naguguluhan ko siyang tiningnan.
"I'll be damn if Don's learned about this, Cass. I shouldn't b--"
"Pike." Nakikiusap kong wika.
"Okay." Huminga siya ng malalim. "Don sent your relatives there to be safe. After noong nangyaring pagkasunog ng presinto kung saan nakakulong ang ama mo Cass, si Mr. Travis. Nag-imbestiga kami, si Don. At nalaman namin na si Mr. Paige, remember him?"
Paige? Si Raven?
"Si Raven? Ang gago na iyon?"
Tumango siya.
"Siya ang may pakana sa sunog noon... doon sa presinto kung saan nakakulong ang ama mo, Cass. Hindi namin kung bakit niya iyon ginawa kasi wala namang magkokonek sa ama mo at sa kanya. Tapos nalaman din namin na sunod niyang ipapahamak ang pamilya mo kaya inunahan na ni Don. Don sent your aunt and cousins in Palawan. Sila rin ang pinamahala sa hotel and resort ni Don doon. Alam ni Don na importante ang pamilya sayo kaya nilayo niya ang aunt mo at pinsan dito. At alam mo ba kaya ayaw kang malingat sa mata ni Don noon, Cass? Dahil magiging delikado ang buhay mo. Akala ni Don na kusa ka talagang sumama kay Mr. Paige noon, Cass kaya nasaktan ka niya noon. Don misinterpreted. Misunderstood everything before, Cass. And both of you suffered."
***
If meron nang nabo-boring-an sa takbo ng story na ito. Ayos lang naman po sa akin na wag niyo na pong ituloy ang pagbabasa sa kwento. Hindi ko po kayo pipiliting basahin ang akda ko. Umalis lang po kayo ng matiwasay at wag mag-iwan ng dumi sa comment section. Ayaw ko po sa rude na reader/s. Ayaw ko po sa mga rude na commenters. Nagm-mute po ako ng reader kung sinuman ang mambabastos sa comment section. Ayaw ko na may nababastos na mamumulat at mas lalong ayaw ko na may reader akong binabastos kaya minu-mute ko. Tumatanggap naman po ako ng suggestions o criticisms about my crafts but do it in private way. Wag iyong pati reader ko binabastos na din. Kahit na maliit lang ang reader/s ko. Pinapahalagahan ko sila. Mahal ko ang (mga) reader/s ko. Kaya kung may mambastos sa kanila di ko iyon papalampasin. I want to build a healthy environment for my reader/s. Ayon lang po.
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top