CHAPTER 34
Dedicated to: AnaMin6
__________________________________
Chapter 34
Cassidy Pov
"Eehhh! Papadad look so cute, Kuya Zy, Kuya, Zen."
"Shh! Lower your voice, Zhu."
"Don't make Papadad and Daddy awake because of your voice, baby sister."
"Aren't they look so cute, Kuyas?"
"Hmm, yes, baby sister. Papadad look ssoooo little in daddy's arms."
"Tsk! Because daddy has a huge body and is very muscular. While papadad is petite and small."
"Yeah, you are very very right, Kuya."
"I hope we will wake up like this every morning, Kuya, with our daddy and papadad in the same bed."
"We hope too, baby sister."
Naalimpungatan ako doon sa mga munting mga boses na mga anak ko. Mabilis kong namang naramdaman ang sakit sa leeg ko na parang di ko iyon nagalaw buong gabi. Unti-unti kong minulat ang mata ko at agad namang nanlaki ang mata ko nang makita ko ang kaharap ko ngayon. Kaharap ko lang naman ang natutulog na si Tyson. Hindi agad rumehistro sa utak ko ang nangyayari. At napalunok ako nang mapagtanto kong hindi na malambot na unan ang ginawa kong unan. Ang bisig na pala ni Tyson ang ginawa kong unan ngayon!
Napakurap-kurap ako nang tumalbog ang puso ko.
Ang mas kinagulat ko pa ay nakayakap ang kamay ko sa baywang ni Tyson! Malalalim na hininga ang pinapakawalan ni Tyson. At tumatama na sa noo ko ang mainit na hangin na nanggagaling sa ilong at bibig ni Tyson. Mabango pa iyon. Gusto kong kutusin ang sarili na iyon pa talaga ang inisip ko imbes na ang sitwasyon ko ngayon.
Dati nakita ko ng tulog si Tyson. Dati kunot ang noo niya at parang galit pati sa pagtulog niya. Parang may kalaban sa kanyang panaginip ngunit ngayon iba na. Relax na ang mukha niya. Wala nang kunot sa noo. Mukhang payapa na siya sa kanyang pagtulog.
Nang makita kong napapangiwi na si Tyson ay agad kong kinuha ang kamay ko na nakayakap sa kanyang baywang at umalis na rin ako doon sa pagkakaunan ko sa bisig niya.
Ano ba ang nangyari noong tulog ako at doon pa talaga ako umunan sa bisig niya? Mas malambot nga kung tutuusin ang unan kaysa sa bisig niya. Nakadistansya man ako kay Tyson pero naiwan pa rin malakas na kabog nang puso ko at parang nasa tainga ko na iyon. Nakakabaliw.
"Papadad?" si Zhuri.
Doon na ako napalingon sa anak ko na si Zhuri na naka crossed-sit. Si Zenver naman ay naka-frog-sit samantalang si Zyrho ay naka-hurdle sit. Gising na gising na sila. Parang kanina pa sila nagising.
"G-good morning mga anak." bati ko sa kanila habang bumabangon mula sa pagkakahiga at humikab ako.
"Good morning, papadad. Still sleepy?" si Zyrho at naunang lumapit sa akin at hinalikan ang pisngi ko.
Piki akong napangiti sa anak ko. Actually, tingin ko nga ang haba ng tinulog ko. Pakiramdam ko pagkatulog ko kagabi ay di talaga ako nagising o naalimpungatan man lang kahit na konti. Di ko nga alam kung papaano ako nakaunan doon sa bisig ni Tyson. Sana lang di iyon mangalay.
"Morning papadad, hehehehe."
Kumunot ang noo ko sa inasal ng anak ko. Bakit ang saya-saya ata ni Zenver ngayon? Malapad ang ngiti na nakakahawa. Matunog niyang hinalikan ang pisngi at labi ko.
"You're so pretty papadad like me." sabi ni Zenver matapos akong halikan sa labi.
"Haha, ikaw ang nagmana sa akin. Hindi ako nagmana sayo. Ikaw talagang bata ka." ako at piningot ko na naman ang ilong niya at mabilis iyong namula.
Tumawa lang si Zenver.
"Good morning my pretty papadad!" si Zhuri at sinugod ako ng yakap at pinaulanan ako ng halik sa buong mukha.
Pinaningkitan ko sa mata ang mga anak ko na malalaki ang ngiti sa mga labi. Nasa harap ko na silang tatlo at malalaki pa rin ang ngiti na nakapaskil sa kanina-kanilang mga labi. Si Zyrho nga na may pagkamatigas ay nakangiti rin ng matamis.
"Bakit ang sweet-sweet ninyo ngayon? Bakit extra sweet ang mga anak ko?"
"Nothing papadad." halos sabay na nilang sagot sa akin at umiling.
Nag-uusap kaming apat dito sa kama habang ang ama nila sa likod ko ay tulog pa. Nakikita ko na sa bintana na unti-unti nang sumisikat ang araw.
"Talaga?" may pagdududa kong wika.
"It's just so nice to wake up in the same bed with you and our daddy, papadad." mayamaya ay saad ni Zyrho.
"Also the room is very cool papadad."
"And the bed is very very softttt." ngisi ni Zhuri.
Lumaki ang ngiti ko at kasabay no'n ang pag-init ng sulok ng mata ko. Nanlalabo agad ang paningin ko sa mga luhang bumabadya. Indeed, Tyson's bed was very comfy and soft. The room was cold because of the air conditioner, but it was warm at the same time. Unlike our bed way back in Sagada. Pero pinaalala ko sa sarili ko na uuwi pa rin kami doon. Pansamantala lang ang mga ito. At masaya ako para sa mga anak ko na na-experience nila ang mga bagay na ito.
"Can we live here forever, Papadad?" si Zenver.
Nagkasamid-samid ang utak ko sa tanong ng anak ko. Ngunit kahit na hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya ay sasagutin ko na sana siya sa pinakamaingat na sagot ko pero may naramdaman akong init na lumukob sa likuran ko. At bago pa man ko pa man iyon nilingon ay nagkanda-uga na ang mga anak ko sa pagbati sa kanilang ama.
"Good morning, dad."
"Good morning, daddy!"
"Goood moorrrnniiingg, daddy!"
Gusto kong tawanan ang paraan ni Zenver sa pagbati sa ama. Alam ko na na itong anak kong si Zenver ay hindi talaga kagaya ni Zyrho. Alam kong malambot siya. Alam ko ang galaw ng anak pati nga iyong boses. Tanggap ko ang anak pantay sila sa paningin. At sa nakikita ko naman kay Tyson ay tanggap niya rin ang anak. Kasi alam ko naman na ngayon ay alam na niya na malambot ang isang lalaking anak.
Dumistansya ako kay Tyson na nasa likuran ko nang tumayo ang mga bata upang bigyan siya ng halik.
Gumapang ang init sa batok ko patungo sa leeg ko at paakyat sa mukha ko nang maalala ko kagabi ang pinagawa ng mga anak ko sa kanilang ama. Tumambol ang puso ko nang maalala ko kung paano dinampian ni Tyson ang balunbunan ko ng halik at kung paano niya binigkas iyong 'goodnight' niya sa akin.
"Papadad, greet daddy a good morning po." pasi-una na naman ni Zenver.
Nagitgit ko ang ngipin ko.
"G-good morning." ako at tiningnan si Tyson na sa hula ko ay kanina pa pala ako tinitingnan.
Kumurba ang labi ni Tyson at sa tingin ko ay ang sexy nang ngisi niyang iyon. Muntik ko nang makutos ang sarili sa naisip.
"Good morning, Cass." bati naman ni Tyson sa akin sa tonong namamaos. Iyong boses na kakagising lang. Kumabog ang puso ko nang husto at nararamdaman ko na ang tibok ng puso ko pati sa lalamunan ko.
Umalis ako sa kama at sinuot ko ang saping pambahay doon at tinalikuran ang mag-ama. Pupunta na sana akong CR ng magsalita ang babaeng anak na kinagulo di lang ng puso kong nababaliw na sa kabog kung hindi pati ang tiyan ko ay parang may nagising na kung ano doon.
"Papadad, good morning kiss po para kay daddy."
Hindi ko alam kung kita ba nila ang pamumula ng buong leeg at mukha ko pero nilingon ko sila. Pinapagitnaan pa nila ang ama. Sa kanan ay si Zenver at Zhuri at sa kaliwa naman ay si Zyrho.
"Good morning k-kiss? Ha. Ha. Ha. I-ikiss niyo na lang ako sa daddy ninyo. Mabaho ang hininga ni papadad." ako at mabilis na tinalikuran sila.
"Oh, papadad is lying." -Zenver.
"Papadas doesn't have bad breath in the morning." si Zyrho na sinupurtahan pa ang kapatid.
Wala akong paki at dumiretso akong CR. Nagulo ko ang buhok ko na magulo na pala. Pumunta ako doon sa sink at gusto ko nang mapalamun sa sahig ng makita ko na very visible pala ang pamumula ng mukha ko. Mabilis kong binuksan ang faucet at hinilamusan ang mukha. Biglang pumasok sa isip ko iyong ngisi ni Tyson kanina and my face immediately scrunched at the thought. Ano naman kung ganoon ang ngisi niya? Para namang ngayon ko lang iyon nakita! Ngunit itong puso ko. Kinagalak iyon!
Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang mukha na namumula sa napakakintab at malinis na salamin. Magtatagal pa kami dito at kung laging ganito—
Napatalon ako nang may kumatok doon sa pintuan ng CR. Nini-nerbyos na ako. Konting katok lang napapatalon na ako. Magkakasakit pa ata ako nito sa puso kung magtatagal.
"Papadad, daddy wants to pee." boses iyon ni Zenver.
Panginoon gabayan niyo po sana ako. Munting dasal ko bago muling binanlawan ang mukha.
"Oo, andyan na!" sagot ko sa anak at nagpunas ako sa mukha gamit ang towel na naka-hanger.
Sa sumunod na araw ay dumating na ang teacher ng tatlo. Lalaki iyon na hula ko ay ka-edad ko lang. Pero iyong lalaki sakto ang katawan at may katangkaran kumpara sa akin.
"Hello po!" ako na ang bumati dito nang di ko man lang naramdaman si Tyson sa sofang kinauupuan namin na gumalaw o bumati man lang.
Tumayo ako at sinalubong iyong guro.
"Good morning, Mr. Maranzano." anito sa akin na kinamula naman agad ng mukha ko.
"Ay! Hindi po ako ang Maranzano. Iyon po ang Maranzano." pagtatama ko sa guro at tinuro ko pa si Tyson na seryoso lang ang mukha habang nagbabasa sa report ni Pike.
"Oh no! My apologies."
"Okay lang."
"Your husband?" tanong noong guro na kinamula pa lalo sa mukha ko.
Inilingan ko kaagad siya.
"Hindi po."
"Oh, my bad. Anyway, ako nga pala si Sean ang magiging guro ng anak... ninyo?"
Napatango ako. "Mga anak. At Cassidy ang pangalan ko." pagtatama ko at pagpapakilala na naman sa kanya.
Saglit kaming nagkamayan.
"So, saan pala ang study room ng mga bata para makapagsimula na kami."
"Ay, sige. Ihatid na kit--"
"Cass let Pike accompany him." putol sa akin ni Tyson.
Lumingon ako sa kanya na nakatutok lang ang atensyon doon sa binabasang papel.
"This way, Sean."
Pagbaling ko ay nakita ko na si Pike na giniya na si Sean tungo sa study room ng mga bata.
Tinungo ko na lang si Tyson na busy.
"Ahm," nakahawak ako ng mahigpit sa gilid ng sofa.
"May sasabihin ka, Cass?" tanong niya at nagflip doon sa bondpaper at nakita ko kung paano niya minarkahan ng malaking 'X' iyon. Binasa ko sa taas kung ano iyon at nakita ko ang header na Business Proposal.
I chewed on own lips before shifting my position as Tyson turned his amethyst eyes on me.
"Ano..."
His eyebrow arc.
Umirap ako sa kanya. "Ano kasi... hindi magandang asal iyong pinakita mo sa guro ng mga bata. Di mo man lang binati. Siya iyong magtuturo sa mga anak natin. Dapat pakitungahan natin siya ng mabuti." panghihimutok ko.
He pressed his lips together as his brow arced even more.
"I paid for him."
"Kahit na." rason ko.
Tyson's jaw clenched. "What do you want me to do?" tanong niya sa akin na para bang wala talaga siyang alam.
"Syempre dapat w-n-elcome natin siya. Para tuloy na intimidate iyong guro."
"At kasama ba doon ang paghatid mo sa kanya sa study room ng mga bata?" kunot noong tanong niya at itinabi ang mga bondpaper na nasa hita niya. Dios ko. Natural! Nabobo na ba itong si Tyson? Akala ko ba ang binti at kamay niya lang ang napuruhan sa aksidente? Pati ata utak nito naalog.
"Ang gulo mo Tyson--"
"You even hold his hand too tight."
"Huh?"
"You even smile at him so bright."
"Teka nagseselos ka ba?" Hinuha ko.
"I am. I am jealous Cassidy." walang hiya-hiyang sagot niya sa akin.
My eyes blinked widely at his sudden confession. My heart hammered on my chest and throat.
"Shit! I'm sorry, Cass. Damn. I'm sorry if I sound childish, but I can't help myself.I know I have no right, but I cannot help it."
Pagkatapos n'on ay nagdahilan ako sa kanya na naiihi ako. Hindi talaga ako tumungo sa CR imbes ay natagpuan ko ang sarili ko sa likod ng bahay. Kailangan kong kalmahin ang ang malakas na tahip ng puso ko.
Kumunot ang noo ko nang dito sa likod ay di ko matanaw kung hanggang saan ang fences ng bahay. I didn't know that the backyard was this gigantic. I sauntered further and saw two people playing ball.
"Excuse me." tawag ko sa atensyon nila.
Nagulat sila sa pagdating ko at agad nilang tinabi ang bolang nilalaro. Mukha mga bata pa sila.
Bahagya silang yumuko sa akin.
"Mr. Barromeo."
"Nagtatrabaho rin kayo kay Tyson?"
Nagkatinginan muna silang dalawa bago tumango sa akin.
"Pwede ko ba kayong tanungin k-kung ang lupain ba na ito ay pag-aari pa ni Tyson?"
Kumunot ang noo noong isa pero sinagot niya ako. "Oo, Mr. Barromeo. Lahat ng natatanaw mo mula dito ay pag-aari ni Don." ani noong singkit.
Nalalag ang panga ko doon sa sinabi niya. Ni-hindi ko nga matanaw ang lawak noong lupain.
May narinig akong munting tawa kaya nabaling ko ang ulo ko sa kanilang dalawa.
"S-sigurado ba kayo sa sinasabi ninyo?"
"Oo. Mr. Barromeo maniwala ka't sa hindi pag-aari lahat ito ni Don." ang sagot ng isa na di singkit pero maputi.
"Teka, matagal na ba kayong nagtatrabaho kay Tyson? At ilang taon na ba kayo?"
"Ah," napakamot ang isa sa kanyang batok. "Twenty-two na ako Mr. Barromeo at Nico po ang pangalan ko." Aniya. Si Nico ay singkit ang mata ngunit moreno.
"Nate naman po ang pangalan ko Mr. Barromeo at eighteen na po ako. Saka, simula nong nawala ang Mama Silvia namin ni Kuya Nico si Don na po ang bumuhay sa amin. Kaya oo matagal na kami dito Mr. Barromeo." kwento ni Nate. Si Nate ay di singkit pero maputi siya. Nanlaki ang mata. Magkapatid sila! Kung titingnan mo kasi silang dalawa ay parang di naman sila magkapatid.
"Ang Silvia ba na tinutukoy ninyo ay iyong... mayordoma ng mansyon dati ni Tyson?" Dahan-dahan kong tanong sa kanila. Takot na baka masaktan ko sila sa binuksang paksa.
"Oo siya ang ina namin, Mr. Barromeo." ang sagot ni Nate sa akin. "Nakilala mo ang mama namin, Mr. Barromeo?"
Mahina akong tumango. "O... oo si Ma'am Silvia ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko dati at siya rin iyong taong napakabait sa akin. Pa-pasensya na kayo... dahil binuksan ko pa ang... tungkol sa Mama ninyo... pero bakit nandidito kayo? Di ba kayo natatakot na maaring mangyari sa inyo ang nangyari sa mama ninyo?"
"It's okay, Mr. Barromeo. And to answer your question, we choose this kind of life. We chose this path. We're thankful enough that Don kept us on his side even though our mother, who was working for him, had already died. We grew up in Don's hands. He helped us get into school. And when we reached our legality, Don made us choose to leave his house and live outside. Or continue living with him and serving him and his family. And we choose this. Nate and I chose this path. We vowed to stay with him and his family. In exchange for his generosity, we vowed to protect him and his family."
"At hindi lang din naman kami ang tinulungan ni Don, Mr. Barromeo, marami kami." Nate.
Magsasalita na sana ako sa kanila ng may tumawag sa amin. Ang lalaking pinag-uusapan namin. Nilingon ko si Tyson na nakaupo doon sa wheelchair.
"Lunch time, Cass. Come on, let's eat."
My lips curved on their own accord. Iyong taong akala ko puro lang galit, kasamaan, at malamig ay may kabutihan din palang nagtatago doon. Oo may mabuting ginawa si Tyson di man mabayaran ng kabutihang iyon ang mga kasalanan niya sa nakaraan pero nakaramdam ako ng kahungkagan doon. Knowing that he's also kind to the people around him makes me trust and believe him even more.
***
Huhu! I'm so thankful na nakasulat ulit ako. Actually, nawalan ako ng gana na magsulat kasi iyong dalawang chapter na sinulat ko para dito which is chapter 34 and 35 ay nawala. Dito kasi ako sa wattpad nagd-draft ng mga updates natapos ko na sana ang dalawang chapter kaso noong buksan ko wala na. Tiningnan ko naman sa revision history merong natira pero di siya iyong whole chapter. So i have to write again and thankfully nakapagsulat ako. I don't know but I really find comfort in writing. Gusto lang din sabihin na hanggang chapter 46 lang ang story na ito. Needless to say, ayon nakasulat ako and I hope you enjoy reading this chapter. Thank you for reading!
Don't forget to vote, comment and share this story to your friends.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top