CHAPTER 33
Dedicated to: UndeniablyHuman
___________________________________
Chapter 33
Cassidy Pov
"Yehey!!" sigaw nilang tatlo. Si Zhuri at Zen ay di mapigilang magtalon-talon doon sa malaking kama ni Tyson habang si Zyrho naman ay malapad ang ngiti sa ama na nakaupo ngayon sa kanyang wheelchair.
"S-sigurado ka ba Tyson? May... pagkakulit ang mga bata. Tapos ikaw kailangan ng pahinga lalo ng paa mo." wika ko sa likod ni Tyson.
Ako kasi ang nagtutulak sa kanyang wheelchair at nasa likod niya ako ngayon.
He turned his head on my direction, craning his neck to see me. He flashed a smile.
Napalunok ako at iniling ko ang ulo ko. Naalala ko na naman kasi ang nangyari kanina sa CR. Kung paano sumagi ang daliri ko sa umbok niya. Naman. Kung makaasta ako ay parang teenager. Para namang di... di ko iyon nahawakan dati.
Kaso matagal na iyon.
Natikman mo pa nga.
Mga bulong sa utak ko.
Napailing-iling ulit ako sa ulo ko dahil sa mga pumapasok na kung ano-ano doon.
"It's okay. Mabuti nga na nandidito kayo ng mga anak natin, Cass. I feel relieved and at the same time happy because we're in one roof." saad niya sa akin.
"P-p-pero iniisip ko ang pag-aaral nila Tyson..."
"They can attend a homeschooling program.That's the best option we can acquire for our children now, Cass. I didn't know who was behind the ambush, and I also didn't know who was behind the recent incident. So it is much safer when you are here with our children. I hope you understand me, Cass." saad ni Tyson at biglang hinawakan ang kamay ko na nakahawak doon sa tulakan ng kanyang wheelchair.
Hilaw akong ngumiti kay Tyson saka mabilis kong binawi ang kamay ko. Ngumiti naman siya sa akin na di kita ang kanyang ngipin.
Umamin na sa akin si Tyson. Sinabi na niya sa akin na... mahal niya ako. Humingi na rin siya ng tawad sa akin. Tinanggap ko na ang mga apologies. Tinanggap ko na siya sa buhay ko-sa buhay namin ng mga anak ko. Dahan-dahan ko ng natatanggap na ito na talaga ang magiging buhay ko-namin. Si Tyson ang ama ng nga anak ko. Di ko siya maiiwasan. Tulad na lang ngayon. Gusto ng mga bata na dito na muna sila kasi gusto nilang makita at maalagaan ang ama. Ora-orada naman na pumayag si Tyson sa sinabi ng mga bata.
Tanggap ko na nabibilang talaga si Tyson sa buhay ko. Siguro nga noon nakaalis ako sa dati niyang bahay. Nakatakas ako sa demonyong si Tyson noon. Pero may iniwan naman siya sa akin na magkokonekta ng mga buhay namin ulit. Akala ko noon di ko na siya makikita. Akala ko malaya na ako. Akala ko tapos na. Akala ko wala ng Tyson Greg Maranzano na papasok ulit sa buhay ko. Ngunit nandidito na naman ako. Nandidito na naman ulit si Tyson sa buhay ko. At ngayon kasama na sa buhay namin ang mga anak namin. Di na lang siya at ako dahil may nga anak na kami. At ito nga ako nirarason ang mga bata. Ginagawang rason ang sitwasyon namin para may ipangdahilan ako kung bakit tinanggap ko ulit si Tyson. Ginawa kong rason ang sitwasyon namin para ipangdahilan kung bakit ko tinanggap ang mga paghingi ng tawad sa akin ni Tyson. Pero itong nararamdaman ko ang pwede bang irason ko bang idiin dito ang sitwasyon namin? Sa nararamdaman ko ngayon kay Tyson na unti-unting nabubuhay ulit irarason ko pa rin ba ang nga anak namin? Itong nararamdaman ko kay Tyson ngayon... ayaw ko. Di ko ito gusto. Ayaw ko na. Ayaw ko nang bumalik pa sa dati. Pero anong magagawa ko? Anong magagawa ko kung di ko naman mapipigilan? Tapos ito. Titira pa kami sa iisang bahay.
Malaking tanong din sa akin kung tuluyan ko bang nakalimutan noon si Tyson. Malaking tanong sa akin kung nakalimutan ko ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya dati o nasanay lang ako na wala siya at nabuhos ko lahat ng atensyon ko sa mga anak namin kaya nasasabi kong nakalimutan ko na siya at pati na ang nararamdaman ko. O dahil na rin sa takot ko sa kanya kaya nasasabi ko na wala na akong nararamdaman. At pwede ring iyong galit ko sa kanya ang nagtulak sa akin na wala na akong nararamdaman. Pero nandidito pa. Nandidito pa rin naman iyon at unti-unti na naman itong ginugulo ni Tyson. Unti-unti na niya namang binubuhay ang natutulog kong nararamdaman para sa kanya.
I've read it somewhere at napatulala talaga ako sa nabasa kong quote na ito. Sabi kasi doon. Love doesn't lie, peole do. Love doesn't hurt you, people do. Love won't leave you, people will.
At heto nga ako. Siguro nga nagsisingungaling ako kasi ang feelings ko para kay Tyson na nandidito pa rin. Hindi naman kasi ako matatatakot at mangangamba na muli siyang dumating sa buhay ko kung wala na akong nararamdaman, diba? Yeah, I lied when I said I don't have feelings for him anymore because up until now, it is still here. It was just that it was shaded with my anger and hatred. Pero nandidito pa rin. I'm in love with him. That is why I was hurting. I'm in love with Tyson. That's why he hurt my feelings, pride, and ego before. Yes, love doesn't hurt me. My love for him before gave me strength, gave me comfort, gave me a smile. The love I feel for him doesn't hurt me, but instead the man I love hurts me and turns my heart into shards. And now I realize... I have realized that feeling won't go away. My feelings for him don't leave. It's me who left. It was me who turned away my feelings and left them behind. It was me who abandoned my own feelings. Because I was never loved back...
And when Tyson came back, when he apologized, when he confessed, he helped me mend my broken heart. He helped me. He helped my feelings find their way to where they were supposed to be. And what was stopping me from expressing and telling Tyson the truth was that I was afraid. Totally afraid. I had too much pain. I'm not afraid of getting hurt anymore. I was afraid that Tyson's feelings might also change. I'm afraid that because of his feelings, he will lie. I'm afraid that because of his feelings, he will leave too.
"Papadad?" A tugged on my shirt snapped my thoughts away.
Yumuko ako at nakita ko si Zyrho na hinihila ang laylayan ng damit ko.
"Yes, anak?"
"Papadad. We will just clean ourselves, then we will come back here." si Zyrho saka naman tumango ang dalawang kapatid sa likod niya.
"Naku hindi na anak. Susunod ako sa kwarto ninyo at papatulugin ko rin kayo. Ihihiga ko lang ang daddy ninyo sa kama at aalis din ako para puntahan kayo kaya wag na kayong bumalik dito." saad ko sa kanila na kinasama ng mukha nilang tatlo.
Tumingin ako Tyson na nagkibit lang ng balikat. Tumingin ulit ako sa mga bata at nagtatanong ang mukha.
"Papadad, we will sleep here. We will sleep in one bed." Ngusong saad ni Zenver na kinatayo ko nang maayos.
"Ano?" sambit ko at napatingin sa malaking kama ni Tyson. "Mga anak wag naman magmalabis. Dito na nga tayo pansalamantala. Dito pa kayo matutulog sa kama ng daddy ninyo. May injured ang daddy ninyo, hindi iyan pwedeng magalaw."
Sumama lalo ang mukha nila.
"The bed is very big papadad." halos sabay na rason nina Zenver at Zhuri.
"Yeah. We laid there earlier. It is very spacious papadad."
"Ma... m-malikot kayo."
"Papadad, you sleep beside daddy, and we will sleep beside you so that we won't disturb daddy's rest or his leg." argumento ni Zyrho. Di talaga titigil ang mga ito.
Halos sumayad na sa sahig ang nguso ni Zhuri. Habang si Zenver naman ay laylay na ang balikat at si Zyrho naman ay mataman akong tinitingnan. Naghihintay sa isusunod kung rason.
Napamaang ako at napapikit. Kailan pa naging ganito ang mga ito? Parang di nanggaling sa tiyan ko ah!
Nilingon ko si Tyson. "Tyson." hinging tulong ko sa kanya.
"It's okay, Cass. And they were right; the bed is too big for me. It's very spacious, so we will fit there." ngiting wika ni Tyson.
"Wahh!"
"Omg!"
"Thank you, daddy."
Inalalayan ko na si Tyson na mahiga sa kama niya tutal tapos na rin naman kami sa hapunan. Dinala na ni Pike ang hapunan dito ni Tyson at ang mga bata ay dito na rin kumain at... ako dito na rin. Si Pike ay agad naman na umalis dahil marami daw siyang gagawin na sana ay gawain ni Tyson. Kahit nga si Tyson na nasa wheelchair kanina ay may binabasa pa siyang minutes daw iyon sa mga meetings na di siya nakadalo dahil sa aksidente.
Kaya imbes na si Pike sana ang gumagawa nitong ginagawa ko kay Tyson ngayon ako na ang sumalo sa lahat. Ang arte rin kasi ni Tyson. Ayaw pahawak sa iba. Tama bang pagbantaan iyong mga tauhan niya.
Ayaw niya pa palang mahiga kaya sumandal muna siya sa headboard at naayos ko na ang kumot sa katawan niya ay aalis na sana ako sa kama upang sundan ang mga bata sa kanilang mga kwarto dahil baka kung ano na naman ang gawin ng mga iyon sa CR ang dami pa namang kung ano-anong nilalagay sa CR itong bahay ni Tyson. Baka ubos na ngayon ang sabon sa CR. Biglang hinawakan ni Tyson ang palapulsuhan ko kaya napatigil ako at hinarap siya na nakasandal na sa kama.
Tumingin ako doon sa kamay niya sa palapulsuhan ko bago tumingin muli sa kanya.
"If... if you're not comfortable with the kids idea na dito matulog. It's okay for me Cass. Okay lang sa akin na dito ang mga bata sa tabi ko at doon ka na lang matulog sa kwarto ni Zyrho kung hindi ka komportable dito... na kasama ako sa iisang kama."
Binawi ko ang kamay ko sa kanya at umupo.
Maayos nga iyon. Maayos na maayos iyong sinabi ni Tyson na doon ako matulog sa kwarto ni Zyrho. Pabor na pabor iyong sa akin kaso lang. Malilikot ang nga anak namin. Kung inaakala niyang di siya tatamaan sa paa ni Zenver at sa kamay ni Zhuri ay nagkakamali siya. Ang lilikot ng dalawang iyon. Kaya nga si Zyrho iyong gilid kapag natutulog kami kasi kung si Zenver baka mahulog.
Bumuntonghininga ako.
"Ayos... lang sa akin na dito ako Tyson. Malikot ang mga bata. Baka matamaan ang sugat mo at iyang mga bali mo."
"Okay. Just in case if you're not comfortable. You know what to do."
Tumango ako sa kanya saka umalis doon sa kwarto niya upang puntahan ang mga bata. Una kong pinuntahan ang room ni Zyrho kaso wala na siya doon. Kaya pumunta ako sa kwarto ni Zhuri at nakita ko ang babae kong anak na naghahanap ng masusuot niyang pantulog sa closet niya. Napakaraming pagpipilian doon. Parang nasa mall lang. Ewan ko lang talaga kung ilan ang binayad ni Tyson para dito.
Binihisan ko na si Zhuri at nang matapos ay sinabi niya na pupunta na siya sa room ni Tyson dahil mag-isa lang daw ang daddy niya doon.
Mahina akong napatawa nang pagpasok ko sa kwarto ni Zenver na hindi pa napapalitan nang theme into Barbie ay nakita kong nakaupo sa gilid ng kama si Zenver at si Zyrho naman ay inaayos ang butones ng pantaas ni Zen.
Napasandal ako sa hamba ng pintuan habang tinitingnan ang dalawa.
"You should know how to put your buttons on, Zen. You're a big boy already." saad ni Zyrho kay Zen na parang ang laking tao na kinangisi lang ng kapatid.
"Hehe, you are here naman Kuya to do the buttons of my sleepwear."
Pinitik sa noo ni Zyrho ang kapatid bago pinagpatuloy ang pagbubutones doon sa damit ni Zen.
"Ouch! Isusumbong kita kay papadad, Kuya. Ang sama mo." nakangusong saad ni Zen at napahimas sa pinitik ni Zyrho.
"Tsk!"
"You act like Daddy, Kuya. It doesn't suit you. You're still a kid."
"Tssk."
"But yeah. You really look like daddy Tyson, Kuya Zy while I look like Papadad. Hehehe."
"Hmm. Done." si Zyrho matapos ibutones ang damit ng kapatid.
"Oh! Papadad."
Nang makita ako ni Zenver ay agad siyang bumaba sa kama at yumakap sa akin. Yumuko ako at niyakap siya.
"Ang bango naman ng anak ko. Inubos mo ba ang sabon sa bathroom mo?"
"Hehe, no papadad. I only put a little like what you always thought us."
Ngumisi ako at piningot ang maliit at matangos niyang ilong.
"Very good."
Humagikhik naman siya na parang gusto niya iyong ginawa ko.
Sunod na lumapit sa akin si Zenver at hinalikan ko rin ang ulo niya.
"Ang bango rin ah."
"Of course, papadad. We will sleep in one bed with daddy for first time."
Ginulo ko ang buhok ni Zyrho at ngumiti. Oo nga, first time pala ito na matutulog kami sa iisang kama.
Pagkarating namin doon sa kwarto ay masaya na nagkukwentuhan sina Zhuri at Tyson. Agad naman na umakyat sa kama si Zenver at sumunod si Zyrho. Ako ay pumunta na nang CR para makapaghalf-bath. Matapos ako doon sa CR at nakalabas na nakita ko ang mga bata na nakaupo na sa kani-kanilang mga pwesto at doon sa tabi ni Tyson ay may espansyo doon.
Umupo ako sa kama at tiningnan ang tatlong anak.
"Mahiga na kayo anak."
"Papadad, you sleep beside daddy po." si Zenver at tinuro pa talaga ang tabi ni Tyson.
Dahan-dahan akong tumango.
"O-oo. Sige. Kaya mahiga na kayo."
"Papadad, tabi ka na po kay daddy para sleep na po tayo." si Zhuri.
Napatingin ako kay Tyson na mataman akong tinitingnan. Tinatansya niya rin ang magiging reaksyon ko. Umakyat na rin ako doon sa kama saka tumabi kay... Tyson. Pumikit ako at bumuntonghininga.
"Yehey!" napapalakpak pa si Zenver at nauna nang humiga at sumunod naman ang dalawa.
"Goodnight, babies." si Tyson na naramdaman ko talaga ang hininga sa batok ko.
"G-goodnight mga anak." ako saka ko binigyan ng halik ang mga bata sa noo nila.
Naramdaman ko naman ang pagdausdos ni Tyson doon sa likod ko. Malaki talaga ang kama at di kami nagsisiksikan kahit na lima kami dito.
"Goodnight papadad. Goodnight, daddy." si Zhuri.
"Goodnight, dad. Goodnight, papadad." si Zyrho at ngumiti sa akin.
"Night-night papadad and daddy." si Zenver.
Hihiga na rin sana ako nang magsalita si Zyrho na kinasamid ng laway ko.
"Papadad. Hindi ka ba mag-g-goodnight kay daddy?"
Pero mas grabe ang sinabi ni Zenver.
"Papadad, give daddy a goodnight kiss, too. Para po walang bad dreams si Daddy."
"A-a-anak ano..." kusa akong napatigil nang ang tatlo kong anak ay nakatingin sa akin at hinihintay ang gagawin ko.
Napakuyom ako sa kamay ko at nilingon ko si Tyson. Nilingon ko ulit ang mga bata.
"It's okay if you cannot d--"
Naputol si Tyson.
"Go papadad. Daddy is waiting." suna pa ni Zhuri.
Lumunok ako at muling tumingin kay Tyson.
"Go... goodnight." usal ko at napakapit sa kumot namin.
Ilang segundo ang lumipas at sabay pang umusal ang mga anak ko.
"The goodnight kiss, papadad."
Pakiramdam ko ay pinagkaisan ako ng mga anak ko.
"C-cass--"
Naitikom ni Tyson ang bibig niya nang dinampian ko rin ng halik ang noo niya at mabilis na humiga saka tinago ang namumulang batok at pisngi.
"Goodnight, Cass." rinig kong bulong ni Tyson at naramdaman ko rin ang pasimpleng pagdampi ng labi niya sa ulo ko.
***
Wala na finish na! Hahaha!! Kidding!
Paulit-ulit man pero magpapasalamat ulit ako sa mga patuloy na sumusuporta sa akin at sa mga kwentong ginagawa ko. No words can expressed how much thankful I am sa mga suporta na natatanggap ko sa inyo, sa votes, sa comments at sa mga nag-follow at sa mga silent reader dyan (paramdam naman😆). I know that my supporters are just small compared to others pero naiiyak, na nakakakilig pa rin ako habang iniisip ko na may naghihintay sa mga updates ko. Maraming thank you sa inyong lahat. Mahal ko kayo. Walang labis, walang kulang. At dahil dyan ending na ito! Haha! Charrot lang pero sa totoo; happy ako na finally may ending na ako sa story na ito. Umabot pa talaga ng 33 chapters bago ako naka-decide ng magiging ending sa story na 'to but don't think na matatapos na ito. Things were just getting started. Nonetheless, THANK YOU ULIT!!! Napa-hanash ako ng walang oras. MWAUH😘At bago ko makalimutan Mommy Elise, thank you po sa load naka-update ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top