CHAPTER 32

Dedicated to: Fojushi300 Hello beeh!
_______________________________

Chapter 32

Cassidy Pov

Napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko ang kalagayan ni Tyson na nakahiga sa hospital bed. May benda sa ulo niya at sa ang isang binti, at ang kamay niya ay may nakalagay na arm sling. May mga konting sugat din sa mukha niya.

Ang tatlong anak namin ay nandoon sa gilid niya binabantayan ang paggising niya. Nakaupo silang tatlo sa silya. Si Zen at Zhuri ay panay ang kausap sa daddy nila kahit na di naman iyon sumasagot kasi tulog. Si Zyrho ay nanatiling nakatitig kay Tyson at nakalagay ang maliit na braso sa harap ng kanyang dibdib.

Binalingan ko si Pike sa tabi ko. Pareho kaming nakatayo di kalayuan sa mga bata at kay Tyson.

"Ano ba talaga ang nangyari kay Tyson Pike?" tanong ko kay Pike na nakamasid lang din pala kay Tyson.

Napabyahe na lang kasi kami dito kahit na madaling araw pa lang at ang mga bata nga ay di na nagbihis nang malaman nila na nasa ospital ang ama nila. Atat na silang makita ito. Tapos wala namang imik itong si Pike sa byahe namin patungo dito.

Bumaling siya sa akin. "Alam mo naman Cass na umuwi dito si Tyson para siya mismo ang mag-imbestiga doon sa nangyaring ambush sa inyo. Galit si Don kasi wala kaming maibigay sa kanya na improvement sa ginawa naming investigation kaya kumilos siya mag-isa. Pauwi na sana si Don nang may sumubok na bumangga sa kanyang kotse na isang ten wheeler truck. Mabuti nga si Don ay isang car racer kaya mabilis ang kilos ng kamay at paa niya pagdating sa sasakyan. Sinubukan niyang iwasan ang sasakyang tatama sana sa sasakyan niya pero bumangga naman ang sasakyan niya sa isang poste. Malakas ang pagpapatakbo niya kaya ganyan ang nangyari sa kanya." kwento ni Pike sa akin at tiningnan saglit si Tyson na tulog doon sa hospital bed.

"Paano mo nalaman ang lahat ng iyan kung mag-isa lang si Tyson nang pauwi siya?"

Huminga siya ng malalim.

"H-in-ack namin ang CCTVs sa buong area at sa mga daan na tinahak niya. Actually, nakakapagtaka nga, e..." pagbitin ni Pike.

"Nakakapagtaka?" tanong ko at nagtagpo ang kilay ko.

"Kasi tiningnan din namin iyong takbo ng ten wheeler truck at maayos naman iyon. Parang sadya iyong ginawa kay Don. Parang sinadya na banggain siya pero hindi para patayin."

Imbes na maliwanagan ako ay mas lalong nagkabuhol-buhol ang utak ko.

"Naguguluhan ako, Pike." anang ko.

"Nang mabangga ang sasakyan ni Don sa poste ay tumigil iyong ten wheeler truck at bumaba ang driver no'n at tiningnan lang ang sasakyan ni Don saka iniwan. Dahil kung gusto nilang patayin talaga si Don dapat doon binaril na pero hindi ginawa."

Umawang ang labi ko at nilingon ko si Tyson. Sino ba ang taong humahabol sayo Tyson? Sa mga kalaban mo sa mundong ginagalawan mo? Sino sa kanila ang gumawa nito sayo?

"Hindi n'yo ba nakilala ang driver ng truck, Pike?" Pagbaling ko sa kanya.

Bigong umiling si Pike.

"Hindi namin nakilala Cass dahil may takip ang mukha at nang matagpuan namin ang truck ay sunog na iyon."

Namayani ang katahimikan sa amin ni Pike. Mayamaya ay umalis si Pike upang bumili ng makakain dahil wala pang breakfast ang mga bata at pati na rin ako. Tanging gatas lang ang ininom nila at doon pa sa bahay iyon namin sa Sagada.

Napayakap ako sa braso ko at kiskis ko ang kamay ko sa magkabilang braso. Malamig at wala man lang akong dalang jacket sa pagmamadali namin.

Habang tinitingnan ko ang mga anak ko na naghihintay magising si Tyson ay napabuntong-hininga ako. Mula kasi nang dumating kami kanina ay di pa gumigising si Tyson. At sabi naman ni Pike na stable na ang kalagayan ni Tyson. Epekto lang daw ng medisina kaya ganyan ngayon si Tyson.

"Daddy, wake up."

"Daddy, you still need to change my room into a Barbie theme. You said you'd watch Barbie with us. So wake up as soon as possible, okay?"

"You still owe me a promise, dad."

Bumuntong-hininga ulit ako saka nilapitan ang mga anak ko.

"Mga anak matulog muna kayo. Gigisingin ko lang kayo kapag... gising na ang daddy ninyo." wika ko sa kanila at isa-isa kong hinagod ang kanilang likod.

"I'm not sleepy papadad." mabilis na saad ni Zen sa akin.

"Me, haaahh, too, papadad." si Zhuri pero lihim akong napatawa nang humikab siya.

"I will wait till dad's awake, papadad." si Zyrho.

Sa huli ang pinatulog ko sa kama na nasa tabi lang din ni Tyson ay si Zhuri at Zen. Si Zen kasi ay napapansin ko na inaantok siya nilalabanan lang niya ang pagka-antok niya. Nang humiga si Zhuri sa kama ay agad siyang nakatulog. Pero nagbilin pa sa akin ng salita.

"Wake me up if daddy is awake, papadad. Okay?"

Iniwan ko sa kama ang dalawang anak ko na tulog na at nilapitan ko si Zyrho na nanatiling nakatitig sa ama na tulog pa at malalalim ang hininga na pinapakawalan.

Umupo ako sa upuan na iniwan ni Zhuri na nasa tabi ni Zyrho. Sinuklay ko ang buhok niya at napatingin siya sa akin bago ihinilig ang ulo sa ibaba ng kili-kili ko.

"Matulog ka na doon anak. Tumabi ka nalang kay Zen." marahang saad ko habang sinusuklay pa rin ang buhok niya.

"I'm not sleepy, Papadad. I just love your hand combing my hair."

"Hmm."

"Anak."

"Yes, papadad."

"Diba sabi mo sa akin na gusto mong maging tulad ng daddy mo?" ani ko sa kanya at binaling ko ang mata ko kay Tyson.

"Yes, papadad, I want to be like daddy someday."

Napapikit ako.

"If you want to be like your daddy, anak, there's a possibility that you'll be like your daddy right now. You'll be in danger anak and papadad don't like it."

"But that's what I want, papadad. I'm afraid I cannot do what you want, papadad. I'm sorry." mahinang wika niya at niyakap ang kanyang kamay sa katawan ko. Binaon niya ang kanyang mukha sa dibdib ko. "I'm sorry papadad but I'm afraid that my mind won't change."

Hindi na lang ako umimik pa at hinalikan ko lang ang ulo niya. Alam kong bata pa si Zyrho. Alam ko na maaaring ito ang pangarap niya ngayon. Sana magbago pa ang isip niya. Pero natatakot talaga ako kasi iba siya mag-isip kumpara sa mga kapatid niya.

"C-cass?"

Mabilis ang pagbitaw sa akin ni Zyrho nang marinig ang namamaos na boses ng ama. Tumalima agad ang atensyon niya kay Tyson na kakagising lang.

"Daddy."

"May... may kailangan ka? Tatawag ba ako ng doctor?" sabi ko sabay tayo.

Mahinang iniling ni Tyson ang kanyang ulo at napapapikit.

Tumango ako sa kanya at bumalik sa kinauupuan.

"You're all here." Halos bulong na iyon ni Tyson.

Tinanguan ko siya.

"Papa Pike went to our house to fetch us, daddy." si Zyrho ang sumagot sa kanya at nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Tinatansya ang maaaring sakit ng kanyang katawan ngayon sa mga natamong bali at sugat sa katawan.

"Where's Pike? Tell him to discharge me from this damn hospital."

"Tyson! Kakagising mulang at galing ka sa operasyon. Anong sinasabi mong discharge-discharge?" pagsingit ko.

"Please, C-cass just tell Pike." si Tyson na at parang nahihirapan pa siyang huminga.

"Daddy, are you really okay? Do we need to call a doctor?" nag-aalalang wika ni Zyrho.

"D-daddy's fine, son. Don't worry."

"I will wake Zen and Zhuri daddy. They've been waiting for you to wake up." ani ng anak ko at bumaba sa kanyang kinauupuan.

"Tyson di ka pa pwedeng lumabas. Kakagising mo lang at di ka pa maayos." saad ko nang pumunta si Zyrho sa kama kung saan ang mga kapatid niya.

Napapikit si Tyson.

"I'll be more sick if I'll stay here Cass." usal niya habang pikit pa rin ang mata.

Ilang saglit pa ay nagising na ang dalawang bata at agad naman kinamusta siya ng mga ito. Naluluha pa si Zen habang kinakausap ang ama. Nang dumating si Pike na may dalang breakfast ay pinakain ko ang mga bata at nag-usap ng masinsinan sina Pike at Tyson. Panay lang ang tango ni Pike kay Tyson habang may sinasabi ito sa kanya. Di ko naman naririnig kasi mahina ang kanilang pag-uusap at may distansya din.

Matapos silang mag-usap ay lumabas si Pike sa room. Matapos naming kumain ay tama naman na may kasama nang doctor si Pike saka kami pinalabas. Ilang minuto rin ang doctor sa loob bago ito lumabas.

"Thank you, Russell."

"That asshole is a fucking hard-headed man, and I'll tell you, Pike, even if he is the boss, please try to refrain from him sometimes if he does something that can harm his situation. Now that he has refused to stay here, and wants to go home, he doesn't even want a personal nurse. You're the only one who can look after that asshole. 

Nalugmok ang balikat ni Pike at napabuntong-hinga bago tumango sa kausap na lalaki, iyong doctor na ang tawag ni Pike ay Russell.

"I'll try Russell."

"Tsk! Don't try, do it, fucker and also give him the medicine that he needs to take. Daanan mo na lang sa office ko mamaya." ani noong Russell saka tinapik ang balikat ni Pike at saka umalis.

Nilapitan ko si Pike. "Pike, uuwi na si Tyson? Bakit pumayag ka? Ngayon lang siya nagising Pike. Papaano kung ano ang mangyari sa kanya sa bahay at walang doctor? Tapos wala pang personal nurse?" anang ko sa kanya.

"Cass, it is Don's decision."

"Pero--"

"Don has bad memories of hospitals Cass. He cannot endure the smell or the environment of a hospital."

"Ano?" Kunot noong tanong ko.

"It's a long story Cass."

---

"Fuck, I don't want to use a damn wheelchair Pike." mariing saad ni Tyson nang ibaba ni Pike ang wheel chair.

Nandito na kami ngayon sa facade ng bahay. Kakarating lang namin. Talagang ang gusto ni Tyson ang masusunod. Alam kong may rason naman siya gaya ng sinabi ni Pike pero pati ba personal nurse ayaw niya? E, sinong mag-aalaga sa kanya dito sa bahay? Si Pike?

"Don, you don't have a choice. Look at your leg." si Pike at tinuro ang binti ni Tyson na may cast. "May fracture ka Don hindi mo dapat ginagalaw ang paa mo. If you want a faster recovery. Please, Don wag ka munang maglakad. Panandalian lang naman ito hanggang sa gumaling ang paa mo."

Sa huli wala nang magawa si Tyson kung hindi sundin si Pike. Pero habang tinutulak ni Pike ang wheelchair niya ay panay naman ang kibot ng bibig niya.

"Papadad nakakaawa po si Daddy. He cannot walk." si Zhuri nang makapasok kami sa bahay at nakatingin kami sa mga tauhan ni Pike na pinagtulungan siya nitong buhatin sa taas.

Nandito kami ngayon sa salas at nakatingala sa hagdanan.

"Papadad, can we stay here for the meantime?"

Napabaling ako kay Zyrho nang magsalita siya.

"Yes, papadad. Can we stay here?" segunda ni Zen sa sinabi ni Zyrho.

"Mga anak."

"Papadad, Papa Pike have to do Daddy's work since he cannot do it, right? Then, who will take care of daddy? Will daddy be alone here?" sunod namang saad ni Zyrho.

"Yes, papadad. Super duper naaawa ako kay Daddy. He cannot walk and he cannot use his one hand. So, how will daddy eat? Who will cook for daddy? And how daddy can take a bath?" nagmamaka-awang saad pa ni Zen.

Si Zhuri naman ay napapatango lang sa mga pinagsasabi ng mga kuya niya.

Gusto kong sabihin sa kanila na marami namang tauhan ang kanilang ama. Maraming maids. Maraming titingin sa ama nila. Pero alam ko rin na gusto nila itong alagaan.

Pumikit ako bago magsalita. "Sige. Mags-stay tayo dito."

"Yehey!!!" masayang sigaw nina Zhuri at Zen at si Zyrho naman ay ngumiti.

"So, we will look after daddy? But how can we take care of daddy? Do we know how to cook? Can we even lift daddy's legs?" naputol ang tawanan nila sa sinabi ni Zhuri.

Si Zen at Zyhro ay napapaisip din sa sinabi ng kapatid nila at ilang saglit pa ay napalingon sa akin si Zyrho tapos si Zen at Zhuri.

Tinaasan ko sila sa kilay ko.

"Ohhh," suwabeng anang ni Zen. "You are really smart Kuya Zy. Since we cannot take care of Daddy because he is sooo big. Then papadad can look after daddy for us." wika ni Zen na para bang ang talino niya sa sinabi niyang iyon.

At nalugmok ang balikat ko nang sumang-ayon na ang dalawa.

"A-ano mga anak... sasabihan ko muna si Papa Pike ninyo, huh?" Hilaw ko silang nginitian. "Maupo muna kayo dito dahil pupuntahan ko si Papa Pike ninyo sa taas." bilin ko sa kanila.

"Okay papadad." Masunurin naman silang tumango sa akin.

Paakyat na ako sa taas nang makasalubong ko sa hagdanan ang mga tauhan ni Tyson. Yumuko sila sa akin.

"S-si Pike?" tanong ko sa kanila.

Nagkatingin pa ang apat na lalaki.

"He is in Don's room Mr. Barromeo." ang sagot ng isa sa kanila sa akin.

"Sige. Salamat." ako saka tipid ko silang nginitian.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan nang ni Tyson. Pero walang tumugon doon. Muli akong kumatok at nang walang sumagot ay binuksan ko na iyon. Di naman naka-lock.

Pagkapasok ko ay wala si Tyson at si Pike sa kwarto. Ang wheelchair lang ang nakita ko. Tatawagin ko na sana ang pangalan ni Pike nang may marinig ako dumadagundong na boses galing sa banyo.

"FOR FUCKING CHRIST'S SAKE PIKE GET THE HELL OUT!!!" napatalon ako doon.

"Don! Matatumba kayo kapag di kita sinupurtahan! Di naman ako titingin!" Rinig ko namang argumento ni Pike kay Tyson.

"You will get out or do you want me to throw you out!"

"Don--"

"Say one more thing and I will kill you Pike!"

Mga sigawan ni Pike at ni Tyson sa banyo. Bigla akong nag-alala kay Pike. Napakatigas talaga ng ulo ni Tyson.

Sa huli ay bumukas ang pintuan at lumabas si Pike doon na pawisan at lugmok ang balikat.

"Pike."

"Oh, Cass nand'yan ka pala."

"Anong..." gusto kong tanungin si Pike kung ano bang ginagawa ni Tyson doon sa CR pero di ko siya magawang tanungin noon. Baka kung ano na ang isipin ni Pike.

"Want to ask what's going on inside?" si Pike na ang tinutukoy ay ang pintong nilabasan.

Napakagat labi ako.

"He wants to pee and I accompanied him inside since he can't barely stand. Pero ang tigas ng ulo niya." bigong saad ni Pike.

Nakakaaawa din naman si Pike kasi kailangan niyang pakisamahan ang ugali ni Tyson. Pero hanga ako sa kanya na tumagal talaga siya dito. Tumagal siya sa pagtatrabaho kay Tyson.

Sabay kaming napalingon ni Pike sa pintuan ng banyo ng may marinig kaming kalampag doon.

"FUCK!!!"

"Don!"

"Don't you fucking go inside Pike or I will wring your neck!"

"Pike, pwede bang puntahan mo muna ang mga bata sa baba. A-ako na papasok sa loob." saad ko kay Pike na kinalaki ng mata niya pero agad napalitan ng pag-aalala.

"Are you sure Cass? Don might..."

"I trust him that he wouldn't do anything to me."

Tumango si Pike at ako naman ay pumasok sa banyo. Hindi naman ito ang pinunta ko dito pero heto ako at nagpresenta pa talaga.

"Pike I said--" nabitin sa ere ang kanyang nga salita ng makita na ako ang pumasok imbes na si Pike. Napaupo siya doon sa tiles at di makatayo.

"You—you shouldn't be here Cass. You can't see how miserable my state is, Cass." wika niya pero di ko pinansin iyon. Nilapitan ko siya saka sinampay ko ang isang kamay niya na walang sling arm sa balikat ko at niyakap ko naman ang isang kamay ko sa baywang niya at tinulungan siya makatayo.

"I'm such a burden." usal niya.

"Magpagaling ka na lang at sumunod ka kay Pike." saad ko sa kanya.

"Heck! I won't let him see me peeing."

Bigla kong naramdaman ang pag-init sa batok. Nang maramdaman ko ang hininga niya sa batok ko.

"T-tara na sa labas." nautal kong aya sa kanya dahil kinabahan ako. Baka nakita na niya ang pamumula ng batok ko.

"C-cass."

Napatingala ako sa kanya. Hindi naman pinkish ang pisngi ni Tyson pero ngayon bat naging ganoon na iyon. Bakit naging kulay rosas na ang pisngi niya? Nagb-blush siya?

"Can... can you zip the zipper of my pants?"

Nanlaki ang mata ko kay Tyson saka napatingin doon sa kanyang nakabukas na zipper. Umusli doon ang umbok niya.

Dahan-dahan kong binaba ang isang kamay ko doon na nanginginig. Napapalunok ako at mas naramdaman ko ang init ng pisngi ko. Nakahawak na ako doon sa zipper niya at itataas ko na lang iyon nang bigla siyang magsalita.

"I-it's okay if..."

"Huh?" ani ko at tiningala si Tyson. Sa panginginig ng kamay ko ay di ko naman sinasadyang masundot ang daliri ko sa umbok niya.

"Ah, shit!!" napamura si Tyson at ako naman ay napakagat labi na lang. At natatarantang sinara ang zipper pero dahil nga sa nginig ng kamay ko ay nahirapan pa ako doon at nadiin ko ang kamay ko sa umbok niyang nakatago. Napamura na lang ulit si Tyson.

"Sorry." usal ko nang palabas kami at nanatili ang init sa pisngi at batok ko.

"Don't be, Cass. It's not your fault that my body reacted with a simple finger brush of your fingers, Cass."

***
Hello po! Sa mga nakabasa ng kwento ko na 'Owned by mafia boss' may book 2 na po at may prologue na sana mabasa po ninyo. Ayon lang. Thank you po!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top