CHAPTER 30
Chapter 30
Cassidy Pov
Matapos ang mahabang pagdiriwang namin sa kaarawan ng triplets. Sa wakas ay nakapagpahinga na rin. Alas dies na nang gabi at nandidito ako sa living area. Hindi na ako pinatulong nila Pike na magligpit sa mga kalat, sa paglilinis ng bahay.
Actually kakababa ko pa rin naman galing ako sa mga silid ng bata para linisan at patulugin sila. At tutulong na sana ako sa paglilinis nang pigilan ako ni Pike. Kaya na-upo muna ako dito sa living area dahil si Tyson ay nandodoon sa kwarto sabi niya maliligo muna daw siya at ayaw ko naman na doon ako sa silid naghihintay. Kaya minabuti ko na lang na dito sa living area.
Kinuha ko ang android kong telepono sa bulsa ko saka ko tiningnan ang mga photos na kinuha ko ngayong araw. Napapangiti ako habang nag-s-scroll sa recent photos ng gallery ko. Ang mga nakaw kong kuha sa mga bata ay nakaka-aliw. Iyong pag-blow nila sa kanilang candle. Iyong paglaro nila sa icing noong four layers nila na cake. Pati ang mga tauhan ni Tyson ay nakisali na nga sa laro dahil hinahabol sila ng mga bata.
Habang sini-swipe ko ang mga photos isa-isa umabot ako sa photo na karga ni Tyson si Zyrho. Masuyo ang ngiti ni Tyson kay Zyrho pero ang anak naman ay nakakunot ang noo sa kanya. Sa sunod naman sa larawan ay sina Tyson at Zhuri tapos hinalikan ni Zhuri ang pisngi ni Tyson. Nakangiti at pikit ang nata ni Tyson. Sa sunod ay ang larawan nina Zenver at Tyson na pinahiran ng icing ni Zen ang mukha ni Tyson gamit ang dalawang maliliit na kamay nito.
Pangiti-ngiti ako habang iniisa ko ang mga larawan nang mapunta ako sa larawan na nakatingin si Tyson sa camera ng phone. Sa larawan ay parang alam ni Tyson na kinukunan ko sila ng larawan. Klarong-klaro ang amatista'ng mata ni Tyson at ang malinis niyang mukha na kinuloretihan puti at itim na icing. Pero kahit na may icing ang mukha niya umaapaw pa rin ang kanyang angkin na kagwapuhan. Ang hulmado niyang panga.
Napindot ko ang off na button nang tumagal ang mata ko sa larawan ay nagwala na naman ang puso ko. Parang kinikiliti na naman ang tiyan ko ng mga insekto. Diyos ko! Wag naman sanang mauulit ang nakaraan. Wag niyo po sanang hayaan na mahulog na naman po ako sa kinasasadlakan ko noon. Ayaw ko na po roon. Tama na po ang mga narasan ko noon.
Napapikit ako at bumuntong-hininga.
"Cassidy? Ayos ka lang ba? Inaantok ka na."
Ang dumamping kamay sa balikat ko ang nagpamulat sa mata ko. Pagbukas ko sa mata ko ay nakita ko si Pike na nakaupo na sa sofa kung saan din ako nakaupo at nakaharap sa akin.
"Oh, tapos na kayo sa paglilinis?"
"Sa kusina na lang pero ang tanong ko. Ayos ka lang ba?" Aniya.
Tumango ako sa kanya.
"How was your day with Don and the triplets so far?" tanong niya.
Kinagat ko ang labi ko. "Ayos... maayos. Sobrang saya ng mga bata. Kahit si Zyrho na may pagkamalamig at distant sa mga tao magawa rin niyang magsaya ngayon kasama ang ama nila."
"And you?" Si Pike.
"Huh?"
"Kako ikaw. Ikaw masaya ka ba?"
"Oo.. oo naman masaya ang mga anak ko, e."
"Cass, I know that your children are your happiness. Pero sa loob mo para sa sarili mo. Iyong sayo talaga wag mong isipin ang mga anak mo sa sagot ng tanong ko. Masaya ka rin ba?"
Natahimik ako sa tanong ni Pike. Napatitig lang ako sa mukha niya at di makapagsalita.
Masaya ba ako? Masaya ba ako para sa sarili ko? Ngumingiti ba ako sa sarili ko? Masaya ako pero sa mga anak ko. Masaya ako na masaya na ang mga anak ko. Nakontento na ako doon. Kontento na ako na masaya sila. Pero ako ba masaya sa sarili ko? Sa mga nangyayari sa buhay ko? Sa mga nangyari ngayon? Oo at hindi lang naman ang pagpipilian pero bakit ang hirap? Bakit di ko masagot si Pike?
"Kasiyahan ko ang mga anak ko Pike. At kung masaya sila masaya na rin ako. Sa mga nangyayari ngayon... masaya ako dahil sa wakas nakilala na nang mga bata ang ama nila. Inaamin ko na noong una ay nagdududa pa ako sa desisyon ko. Na tama ba na makilala nila si Tyson. Na tama ba na binigyan ko ng pagkakataon na makilala ni Tyson ang mga anak namin. Na tama ba ang desisyon kong pagkatiwalaan siyang muli. At pinatunayan ni Tyson na tama ang desisyon ko. Pinatunayan niya na hindi mali ang desisyon ko. Masaya ako sa takbo ng buhay ko ngayon Pike. Masaya ako para sa mga anak ko. Sana lang hindi magbago si Tyson. Kahit para lang sa mga anak namin."
"Haven't you seen the Don's changes? Cass."
"Changes." Pabulong kong saad.
Hindi ko lang nakita ang mga pagbabago ni Tyson, simula sa ugali niya, sa pakikitungo siya hanggang sa mga aksyons niya. Ramdam na ramdam ko ang pagbabago niya. At tinanggap ko iyon. Pero natatakot ako sa mga pagbabago niyang iyon. Dahil nakikita ko pa rin kasi talaga ang dating siya.
"Tsk! You don't have to answer me." wika ni Pike nang hindi ko siya masagot.
Umusog siya papalapit sa akin at ginulo niya ang buhok ko.
Napangiwi ako saka kinuha ko ang kamay niya. Bata talaga ang trato ni Pike sa akin.
"Para naman akong bata nito." ako.
Tumawa siya. "Mukha naman."
Sinampal ko ang balikat niya pero tumawa lang siya at kinabig ako para mayakap niya.
Hinayaan ko siyang yakapin ako tutal ay sanay naman ako na ganito si Pike. Sweet talaga siyang tao. Kaya nga ang swerte ni Owell dito.
Inunan ko ang baba ko sa balikat ni Pike. Mukhang kailangan ko rin talaga ng yakap niya ngayon. Dinala ko ang kamay ko sa likod ni Pike para gantihan siya ng yakap.
"Please, be happy, Cass. You deserve it. You deserve to be happy. And let go of your past. Forget the past that punishes you, Cass. Don't chain yourself to the past. Everything's changed now..."
Napapikit ako at hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
Hindi ko talaga alam kung ano na ang nangyari sa buhay ko kung wala si Pike at si Owell. Hindi ko alam kung ano ang naging buhay ko kung di niya ako tinulungan noon. Laking pasalamat ko sa mga payo niya, sa mga comforts niya, sa pagpapatawa niya sa akin noon, sa pagtulong niya hanggang ngayon, at sa pagturing sa akin na parang kapatid niya talagang tunay.
Ang yakapan naming dalawa ni Pike ay naputol nang may narinig kaming tikhim. Agad na kumalas sa pagkakayakap si Pike at dumistansiya.
"You can go to the room now, Cass." Si Tyson na basa pa ang buhok at nakasuot na nang pants niya at manipis na tshirt. Nanunuro na nga ang nipples niya.
Hindi ko alam kung bitin pa siya sa ligo niya o ano pero nakakuyom na naman ang panga niya. Nang makalapit siya sa kina-uupuan ko. Nakita ko na pati pala ang kamao niya ay halos pumutok na ang mga ugat doon. Parang babasagin na niya ang telepono niya sa kamay niya. Bakit parang galit na naman ito?
"Excuse me." si Pike saka tinapik ang balikat ko at umalis.
Tumango ako kay Pike at nakita kong sumunod ang mata ni Tyson kay Pike. Mag-uutos na naman ba siya? Hindi pa nga tapos sa paglilinis ang tao.
"S-sige akyat na ako." Ako saka walang prenong tumayo at naglakad patungong hagdanan.
"I thought you wanted to see the photos you took earlier."
Nabitin ang pag-akyat ko sa hangdanan nang magsalita si Tyson.
Lumingon ako sa kanya na hawak-hawak ang kanyang telepono. At nagtagal ang mata ko doon sa telepono niya. 'Ako ang wallpaper doon.'
"If you don't mind I can go to the room and--"
"Hindi na!" Mabilis kong putol sa kanya. "Sa... ano i-send mo na lang sa akin ang mga pictures."
Tyson's jaw moved, and he let go of a heavy breath.
"Okay... and Cass can you and our children stay here for another night?"
Pinaningkitan ko siya sa mata.
"Ang usapan ay usapan, Tyson."
Napatango na lang siya na parang nakuha niya ang ibig kong sabihin.
"Mmm, I understand."
Tumakbo na ako sa itaas saka pumasok sa silid—sa kwarto ni Tyson. Napasinghap ako nang maiwan ang bango ni Tyson dito sa silid.
Gusto kong i-untog ang sariling ulo nang maramdaman ko ang pagtaas ng temperatura sa buong silid. Sa silid ba talaga o ako ang uminit. Saka ko naman naramdaman ang pagkakislot ng sensitibong parte ng katawan ko. Nanlaki ang matang binagsak ko ang mga mata ko doon sa pagitan ng hita ko. Diyos ko! Bakit... bakit ako nakaramdam ulit nito?
Bago ko pa kutusin at suntukin ang sarili ay hinubad ko na ang buong damit ko saka naman tumakbo sa bathroom at maligo ng malamig na tubig. Malamig na malamig na tubig.
Pagkatapos ko doon sa CR ay nagbihis na ako nang damit ko saka pinatay lahat ng ilaw at humiga na sa kama. Pagod lang siguro ako at kailangan ng tulog.
Sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay nakaramdam ako nang may humaplos sa pisngi ko. Pero dala ng kaantukan ay di ko na binuka pa ang mga mata ko ay nagpatuloy sa aking pagtulog. Ilang beses na may kamay humaplos sa pisngi. Mainit iyon, may pagkagaspang ngunit may pagkalambot, hindi siya masakit sa balat.
Napaungol ako sa kamay na humaplos ng paulit-ulit sa pisngi ko. Hanggang umabot na iyon sa leeg ko at pabalik naman sa pisngi ko.
"I don't know what to do anymore, Cass. I'm a man who has plans ahead of him. I'm a man who plans ahead before taking my actions, but when it comes to you, all my plans seem futile, useless, and make no sense. I tried to hide it. I'll try to restrain myself from you. I try to keep myself on my own ground, but whenever you are near, my wall, my defense ruined. You ruined it by just fixing your eyes on me, by just your simple smile and actions. I'm sorry that I was too late. I apologize for arriving at my conclusions so late.I'm sorry for not recognizing your worth back then. I'm sorry for taking you for granted. I'm sorry for making you feel worthless and wronged. I'm sorry if you feel that your feelings before are one-sided. I'm sorry for pushing you. I'm so sorry for pushing you away. I'm sorry for making you suffer. I'm so sorry that I did not protect you and be there by your side when you needed me the most. I'm so sorry for the pain, Love. I'm so sorry, Love. And I am sorry, but I cannot hide my feelings anymore, love. And now, for right now, I'm sorry, but I love you and I want you to be mine. Even if you push me. Even if you hate me. Even if you don't love me. I will make you love me again. I will make you fall for me again. And I will be a worthy man of your love. I love you, love. I love you, Cass." Then a warm lip lands on my cheeks, then into my eyelids, and then onto my forehead, where it stays there for a minute or two. I felt my tears trickle when the warm lips left my forehead.
When I opened my eyes, I raised my hands to touch my face. It's damp. Agad akong bumangon sa pagkakahiga ko at nagka-kandarapa na kinapa ang switch ng lampshade. Wala namang tao. Bumaba ako saka binuksan ko na ang ilaw ng kwarto ni Tyson pero wala namang tao. Ano iyon? Panaginip? Napatingin naman ako sa pintuan nakasara naman iyon.
Bumalik ako sa kama na hapong-hapo sa lakas ng tibok ng puso ko. Muling tumulo ang luha ko sa hindi ko malaman na dahilan.
---
"Tyson..." tawag ko kay Tyson na ngayon ay nauuna ng maglakad patungo sa parking lot ng bahay niya.
Ngayon ang araw na uuwi na kami sa Sagada. Nakiusap pa siya kagabi na pwede ba daw na sa susunod na araw kami uuwi pero hindi na ako pumayag doon. Ang usapan ay usapan. Kung ano ang nakapagkasunduan iyon na ang dapat sundin kaya wala na siyang magawa.
Idagdag pa na nahihirapan na akong pakiharapan siya. Gusto ko siyang tanungin. Gusto ko siyang komprontahin. Kung bakit... kung bakit ako ang nasa wallpaper niya. Magkasama kami sa buong araw kahapon. Nakailang subok na akong tanungin siya pero di ko magawa. Kapag nasa harap ko na siya wala nang katagang lumalabas sa bibig ko. Napi-pipi na ako kapag kaharap siya. At siguro... may takot rin. Takot na malaman ang sagot niya. Takot na baka madala na naman ako kanya. Kagaya noon. Takot na baka mabulag na naman ako at nagtanga-tangahan sa kanya.
"Yes?" aniya at tumigil sa paglalakad bitbit ang mga laruan na gustong iuwi ng mga bata at mga regalo.
"S... salamat."
"No need to thank me, Cass. I should be the one thanking you. Thank you for everything. Thank you for bringing angels into my life. Thank you for being an angel. Thank you for coming into my li--"
"Tara n-na." It sounds rude pero pinutol ko na siya sa pagsasalita niya.
He is saying so much... too much. Too much for my mind to decipher. Too much for my heart to handle. Nagsisimula na akong mag-isip kung mas okay ba ang dating Tyson na laging galit sa akin. Kaysa naman sa Tyson na ganito. Tyson na... maintindihin. Tyson na tumutulong sa akin. Tyson na maalaga sa mga anak... namin. Tyson na marunong nang ngumiti. Tyson na alam kung paano baliwin sa tibok ang puso ko.
"Hmm."
Napapukpok ako sa dibdib ko dahil nababaliw na naman. Rinig na rinig ko na talaga ang tibok ng puso ko.
Tumingin ako sa likod ni Tyson na inaayos ang mga dadalhin namin pauwi sa Sagada na nasa compartment. Gusto ko na rin siyang lapitan at tanungin kung pumasok ba siya kagabi sa silid. Pero paano?
"Let's go." sigaw niya sa akin at binuksan ang pintuan ng shotgun seat.
I briskly walked towards the car where they are.
"Salamat." Pasasalamat ko sa kanya at pumasok ako sa loob.
"Seatbelt." Paalala niya na tinanguan ko naman.
Ang mga bata sa likod ay nagkukulitan habang matulin ang byahe namin pauwi sa Sagada. At ilang oras ang lumipas habang nasa daan kami ay biglang napaigik ako nang may tumama na malakas na bagay sa sasakyan. Pagkatapos no'n ay sumunod naman ang mga bala.
"Fuck!"
"Daddy!"
"Papadad!!"
"Shit!" Mura ni Tyson at napatingin sa labas na salamin.
Napakurap-kurap ako at tumingin din sa labas saka ko nakita ang dalawang heavy tinted na mga sasakyan. Sa kabila ng malakas na hampas ng dibdib ko ay di ko inalis ang tingin ko doon sa mga sasakyan na nakasunod sa amin. Nakita ko kung paano lumabas ang mga lalaking nakabangot ang mga mukha at may bitbit na baril saka pinaulanan ng bala ang sasakyan.
Napasigaw ako doon saka tinakpan ang tainga ko.
"Damn! Stay away from the window, kids!" Rinig kong utos ni Tyson sa mga bata.
"Cass, don't look at them." Dumapo ang isang kamay ni Tyson sa kamay ko na nakatakip sa tainga ko.
"P-pero Tyson..."
"My car is bulletproof, Cass. I promise to protect you and our children, yes? Trust me, hmm. Now, get at the back. Samahan mo ang mga bata. Don't let them look at the outside."
Nanginginig kong sinunod ang utos niya. Pagtingin ko sa mga bata ay nanginginig din sila sa takot. Si Zenver at Zhuri ay umiiyak na. Pero si Zyrho ay seryosong nakatingin sa ama niya sa driver's seat.
Pumagitna ako sa mga bata at sinikop ko sila.
"Daddy," sa kabila ng mga umuulang bala sa labas at kabog ng dibdib ko ay malinaw pa rin sa akin ang pagtawag ni Zyrho kay Tyson.
Inangat ko ang tingin ko kay Tyson na saglit ring natigilan at napasilip sa anak.
"I—We trust you, Dad."
"We will get out of here alive, son."
"I know." Si Zyrho na buo ang tiwala sa kanyang ama. "I will seat in front, Papadad." Sunod na tugon ni Zyrho na kinaalarma ko.
"Anak."
"Baby sister and Zen needs you the most, Papadad. I will just sit in front papadad and watch how daddy crash those goons."
Hindi na ako naangal pa sa ginawa ni Zyrho at walang takot na pumunta sa harapan. Parang baliwala sa kanya ang mga bala na tumatama na sa sasakyan.
"Daddy, can I sit in your lap?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Zyhro. Bakit ngayon pa niya gustong umupo sa hita ng ama?
"K-kuya.."
"Zyrho--"
"I can maneuver the steering wheel while you control the suspensions, dad."
"Son..."
"We will protect papadad and my sibs, dad."
Ngumisi si Tyson sa anak saka niya pinaupo si Zyrho sa hita niya at kinuha niya ang kanyang sariling baril sa na nakatago sa dashboard.
"Let's crash them, son."
"Yeah."
***
Another trying hard na chapter intindihin n'yo na lang sana. 🤣😭 Anyways, gusto ko lang magpasalamat sa mga nagbabasa nitong akda ko. Hindi ko talaga inaasahan na ang mga sumuporta dito, huhuhuness. Maraming-maraming salamat po sa mga laging nagv-vote at nagc-comment namaka-motivate po saka sa mga silent reader din po maraming salamat po sa inyong lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top