CHAPTER 29

Chapter 29




Cassidy Pov

"You like it, Cass?" Tyson said and it was like a whisper.

Without having a second thought about my answer. I answered him. "Yes. I like it."

Seconds after I realized what my answer was, I turned my eyes on him to take back my words, but it was too late now. Tyson is now smiling from ear to ear. It was like he was satisfied enough with my answer. 

Now, Tyson is ascending to the second floor of his house that I thought I like, with a wide smile glued on his face... though I really like it. It's just that I don't want him to know that I really like it. My pride, my ego is telling me to not to gratify his thoughts of me and his happiness. Pero huli na. Huli na para bawiin ko iyon kasi ayon na dala-dala na niya ang naging sagot ko sa kanya kani-kanina lang.


Kinagat ko ang labi ko at napahawak ang kamay ko sa sling ng tote bag ko.

"Papadad, Zen and Zhu are already upstairs..." The tugged on the hem of my shirt throw me back from the reality.

I bowed my head and find my son Zyrho tugging on my shirt.

Ginulo ko ang buhok ng anak ko at magsasalita na sana nang may ibang boses ang sumapaw.

"Cass, come here."

I looked up and saw Tyson on the second floor with Zen and Zhuri with him. The smile on his face is not fading yet. Is he that happy with my answer?

"O-oh, aakyat na." ako saka hinawakan ko ang kamay ng anak ko.

"Papadad, we're going home naman po, diba?"

Hihilahin ko na sana ang anak ko patungong second floor nang bigla siyang magtanong sa akin.

Nilingon ko siya.

Inayos ko ang strap noong tote bag ko at niyuko ang katawan ko upang pantayan ang kayang tindig.

"Oo naman. Uuwi tayo pagkatapos ng birthday ninyo."

Ngumiti sa akin ang anak ko at tumango.

Pagkarating naman sa itaas ay giniya kami ni Tyson sa mga rooms na nakahanda para sa mga bata. Ang una naming pinuntahan ang ay room ni Zyrho. Ayaw pumasok ni Zyrho kaya sinamahan ko siya papasok sa room. Ang kwarto ay pinuno ng maraming libro at mga laruan. Ang kama naman ay single bed lang at kasya lang sa isang tao. May mga desinyo rin iyong Toy-Story.

"Your room is awesome, Kuya Zy. Look there's a loottt of books and toys, too." Anang ni Zenver na siyang unang bumusisi doon sa mga laruan. Pinuntahan ni Zen ang mga libro at pinatakbo ang kamay doon sa libro na nakalagay sa shelves. Lumingon si Zenver kay Zyrho na hindi humiwalay sa akin. "You love books  Kuya, diba?"

Tango lang ang sinagot ni Zyrho sa kakambal.

Biglang namatay ang ilaw at akala ko ay hindi na nakabayad sa Meralco si Tyson. Napaigik si Zenver at tumakbo sa akin at kumapit naman sa pantalon ko. Narinig ko ang pagtawag ni Zhuri kay Tyson na siyang malapit sa kanya. Sunod na umilaw ang ceiling noong room at bumungad sa amin ang ilaw sa ceiling na nagmimistulang galaxy at nagpapalit iyon sa solar system.


"Wow!" sambit ni Zyrho sa tabi ko.

Sunod naman naming pinuntahan ang room ni Zhuri na katabi lang ng room ni Zyrho. Si Zyrho ay iniwan na namin doon sa kwarto niya pero sinabi ko naman sa nasa kabilang room lang kami kapag gusto niya na sumunod sa amin.

Pagbukas ni Tyson sa pintuan noong kwarto ni Zhuri ay agad na sinalubong kami sa rosas na kulay na kwarto. Kahit na ang kurtina ay pink at may human size pa ni Barbie sa isang sulok at saka mga dolls.

"Uwahhhhh!!!" si Zhuri at tumakbo doon sa human size na Barbie at niyakap iyon. "Barbiieee!"

"Halaaaaa, ang ganda ng room mo baby sister!" si Zenver saka pinuntahan ang mga dolls na naka-display sa malapit lang sa human size na Barbie.

"Zen, let's go to your room." Kuha ni Tyson sa atensyon ni Zenver na aliw na aliw sa mga dolls na kinalalaro na nila ni Zhuri sa kama nito.

Nahirapan pa akong pilitin si Zen na puntahan ang room niya. Gusto na kasi niyang maglaro doon sa room ni Zhuri. Malapit na nga niyang sabihin na share na lang sila ng room.


Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa reaksyon ni Zenver nang pagbukas ni Tyson sa room niya ay bumungad sa amin ang Transformer theme na kwarto.

Nilapitan ni Tyson si Zenver at nag-squat.

"Don't you like it, Zen?" tanong ni Tyson sa anak na lugmok ang balikat na nakatingin sa room niya.

"Daddy, I w,want a Barbie theme room, too." mahinang sambit na Zenver kay Tyson.

I cannot count how many times did Tyson blinked his eyes hearing his son. He lost of words for a minute or two but he soon find his voice and softly said to Zenver.

"Okay, we'll change it."

Agad naman na lumiwanag ang mukha ni Zenver saka niyakap si Tyson at inulan niya ito ng halik. Napangiti naman si Tyson.

"Also, I want rainbows on my room, daddy."

Tumango si Tyson sa anak.

Isa lang ang na-realized ko habang ini-isa ng isip ko ang mga nasaksihan ko ngayon. Lahat ng binigay ni Tyson sa mga anak ko hindi ko kayang ibigay sa kanila iyon. Ni-hindi nga kami makabukod sa sariling bahay. Nagsiksikan pa nga kami sa iisang kama. Hindi ko nga sila magbigyan ng malambot na higaan. Only I can give them a love of a parent to his children. An unconditional love from parents to his children. Pagmamahal at pag-aaruga ang kayang ibigay ko sa mga anak ko. Itong mga bagay na binigay ni Tyson ngayon sa kanila kahit ilang taon ko pa itong pagtrabahuan kasama pa ang mga ibang racket ko ay hindi sasapat ang pera ko.


"Hey." I lifted my head and find Tyson in front of me, suddenly, a tears came out from my eyes.

Tyson's thumb immediately followed my tears and wiped it using the pad of his thumb finger. He soon tilt's his head on the other side and pursed his lips with his forehead wrinkled.

"Why are you crying, Cass?" tanong niya sa akin.

Nilayo ko ang mukha ko sa kamay niya at pinunasan ang sariling pisngi.

"Uh... na—napuwing lang."

He regained his composture as he slipped his hands on the pockets of his jeans.

"Cass?"

Suminghot ako saka tiningnan siya ng maayos. Nandidito kami sa labas ng room ni Zhuri.

"Hmm?"


"Is it... okay with you that we... are sharing in one bed?"

Umurong ang dila ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at napakapit na lang ng mahigpit sa sling noong tote bag ko. Pansin ko rin na hindi na dala ni Tyson ang The North Face na bag ko. Kanina ko pa iyon napansin kaso di ko lang naman binigyan ng pansin.

Tinitigan ko siya kung babawiin ba niya ang sasabihin niya sa akin. Tumingin ako sa kanya na may pag-aasang bawiin niya ang kanyang sinabi sa akin pero wala. Hindi na siya umimik pa at hinihintay lang ang sagot ko sa kanya. Bigla tuloy gusto kong tawagin si Owell at tanungin kung ano ang puwede kong isagot sa tanong ni Tyson.

Hindi ko alam kung tatanggihan ko ba si Tyson o papayag sa kanyang tinanong. But later on I find myself choosing the latter option.

I find myself standing in the threshold of Tyson's huge master's bedroom. I cannot bring myself to step inside of his room. Maybe because I'm afraid? Fear? O dahil noon hindi naman niya ako pinapatapak sa silid niya? Sa pagkaka-aalala ko hindi niya ako inimbitahan sa kwarto niya. Ni-isang beses ay hindi ko man lang nasilayan ang silid niya. At ano ito ngayon? Siya na mismo ang nagtanong kung pupwede ba na magsama kami sa iisang silid—sa silid niya.

Akmang ia-apak ko na ang paa ko papasok nang may tumawag sa pangalan ko.

"Cassidy?"

Clutching the sling of my tote bag I turned my eyes to the owner of the voice who called me.

Wide eyes. I shouted, "Pike!"

Retracting my foot away from Tyson's door I went to Pike. Agad ko namang ikinalampit ang kamay ko sa leeg niya. Hindi niya ako magawang yakapin pabalik dahil akupado ang mga kamay sa mga maraming paper bags.

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Sayang hindi sumama si Owell. Magkikita sana kayo. Di ko kasi siya mapilit." ako sa kanya.

Tumaas ang gilid ng labi niya at binaba ang mga paper bag na nasa kanan niyang kamay saka dinala niya ang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Silly. Hindi talaga iyon sasama sa inyo kahit na anong pilit mo pa doon." saad ni Pike na talagang inaasahan na ang sinabi ko sa kanya.

Kinuha ko ang kamay ni Pike sa ulo ko. Nagmumukha akong bata sa ginagawa niya.

"Pero sayang naman kasi sa susunod na araw pa kami... u-uuwi."

"Hmm, that is why Don instructed me to get your things rea--"

Dahil sa isang tikhim mula sa likod ko napatigil sa pagsasalita si Pike at tumingin doon sa pinanggalingan ng boses. Ako naman ay napalingon doon at nakita ko si Tyson na nakahilig sa hamba ng pintuan niya. With his strong arms folded in front of his massive chest and at the same time clenching his jaw hard. And his eyes intently glaring my hands that was holding Pike's hand.

I let go of Pike's hand and hide my hand at my back. When I fixed my eyes on Tyson, the tense on face slowly subsided. Tyson bring his hands down and stand on his ground.

I gulped.

"You can leave the paper bags there, Pike." Tyson said in cold voice. I feel the shiver run down to my spine as he spoke.

In my peripheral vision, nakita kong binaba ni Pike ang mga paper bag at saka yumuko at umalis. Hindi ko namalayan na sumusunod na pala ang mata ko sa mga galaw ni Pike.

"Cass," I flinched when Tyson's warm and calloused palm landed on my arms. My heart beat in erratic.

Tiningala ko siya at nakita kong nakakuyom na naman ang panga niya. Pumikit siya saka binitawan ako.

"Get inside and unpack your things inside."

I nodded.

Siya na ang kumuha doon sa mga paper bags na iniwan ni Pike saka siya naunang pumasok sa kwarto niya. I massage the area where my heart is before following him. 'Please, relax.' I inwardly plead my crazy heart.






---

Ang mabango at napakakapal na kumot sa kama ni Tyson ay nakatakip na hanggang sa leegan ko. Hindi naman ako giniginaw dahil sa aircon pero kasi magkatabi kami ni Tyson sa iisang kama. Nakapatay na ang ilaw kanina pa. Ang mga bata naman ay hula ko na tulog na rin dahil kanina pa iniwan sa silid nila. Si Zyrho ay humiga naman na mag-isa sa silid na binigay ni Tyson. Si Zenver ay tumabi kay Zhuri kasi ayaw niya nga doon sa room niya.

Hindi ko alam kung bakit ko pinaparusahan ang sarili ko na tumabi kay Tyson. Hindi ko alam kung bakit ba kasi ako pumayag na sa iisang kwarto lang kami. Kung tutuusin nga ay di naman nagdidikit ang balat naming dalawa sa malaki niyang kama. Nasa dalawa hanggang tatlong tao nga ang kasya sa distansya naming dalawa saka hindi pa kami share ng kumot. Siguro dahil na rin sa buong kwarto ay amoy na amoy ko si Tyson. Dinala ko ito sa sarili ko kaya ako lang din ang magdudusa.

Panay ang baling-baling ko sa ibang direksyon at hindi ko talaga magawang makatulog. Pinipikit ko naman ang mata ko kaso gising na gising naman ang diwa ko. Siguro dahil nakatulog ako sa byahe?

"Tyson." mahinang tawag ko. "Tyson gising ka pa ba?"

"Hmm."

"P-pwede ba na tatabi na lang ako kay Zyrho, Tyson." ani ko.

Naramdaman ko ang pag-uga ng kama naaninag ko ang pagbangon niya mula sa maliit na ilaw na naggagaling sa bintana. Kaya bumangon na rin ako.

"Why? Is there something wrong? Am I too close?"

Lihim akong napadaing. Too close? E ang layo na nga naming dalawa. Muntik na nga siyang mahulog sa sarili niyang kama.

"Hindi naman sa g-ganun."

"Then you're still suffocating whenever I'm near? You're still trembling in fear whenever I am close or whenever we are in one place? You're still afraid of me?" aniya at hindi ako maka-imik.

Hindi ako maka-imik kasi mali naman siya. I am slowly accepting him. Accepting his change and I believe him. I trust him that he changed. I'm not afraid of him. On the contrary, I'm afraid of myself because of my emotions, my feelings. I'm afraid of myself than him. That is what I realized on myself. I'm afraid of getting myself closed into him because I know what coming next.

"Okay." His sighs were audible. "Just sleep here. I'll be sleeping outside."

Iyon lang ang sinabi niya saka bumaba sa kama. Binuksan niya ang ilaw at doon ko nakitang topless pala siya na tanging ang sweat pants niya lang ang suot. Kumuha siya ng gray na tshirt sa closet niya at naglakad patungong pintuan.


"Good night, Cass." aniya saka sinara ang pintuan.


Kinabukasan ay maagang binulabog ng mga anak ko ang tulog ko. Matagal akong nakatulog at heto't maaga akong binulabog ng mga anak ko. Na-i-excite maliban kay Zyrho.

At totoo ang sinabi ni Tyson naka-ready natalaga dito ang mga damit sa mga bata... pati na rin sa akin. Pero parang sobra-sobra naman parang di na niya kami papauwin ng Sagada sa sobrang dami ng damit na binili niya. Iyong dala ni Pike kahapon na mga paper bags ay sa akin pala iyon. Dagdag daw iyon dahil baka wala akong nagustuhan sa mga naunang nabili. Parang tatayo si Tyson ng sariling mall sa mga binili nilang mga damit. Bilang pagrespeto sa mga damit na mga binili niya di ko ginamit ang dala kong damit sa Sagada. Doon ako namili sa mga pinabili niya.


Sabi ni Tyson para makahanda ang mga tauhan niya sa bahay para sa party ng mga bata sa EK muna kami pupunta at ang party kapag nakauwi na kami. Sinang-ayon ko siya sa mga gusto niya dahil isang beses lang naman ito.

"Tyson bakit wala masyadong... tao." saad ko nang makarating kami sa EK na walang tao  maliban sa mga nagtitinda at nagbabantay sa mga rides at sa gate.

"I'll temporarily closed the whole place for us. You may be know my work Cass and it is not safe for our children in crowded places."

Napalinga-linga ako sa paligid dahil sa sinabi ni Tyson pero agad namang naputol nang hawakan niya ang braso ko.


"Don't worry my men already secure the whole place before we arrived. And those vendors," baling niya sa mga nagtitinda. "they're my men. You are safe here and our children. So, calm down. Besides, I am here. I won't let anything bad happen to you."

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya at binawi ko naman ang braso ko na hawak-hawak niya. Namimihasa na siya sa kakahawak sa akin porket di ako umaangal.

Aliw na aliw ang mga bata sa mga rides at pati kaming dalawa ni Tyson ay nasama na rin sa kanila. Napangiti na ako nang makita ko na tumatawa rin si Zyrho at nakikita ko siyang nginingitian na niya ng tipid si Tyson.

I took a photo of the three of them in front of the tall ferris wheel then, sumama sa kanila si Tyson. May karemang dala si Tyson pero di ako marunong doon kaya ang cellphone niya na lang ang binigay niya sa akin para kunan sila.

Matapos ko silang kunan ay titingnan ko na sana ang mga kuha ko kung okay lang ba nag aksidente kong mapindot ang home button at muntik ko ng mabitawan ang telepono na Tyson nang makita kong... ako ang nasa wallpaper niya. Stolen iyon. Kuha iyon nang nasa trabaho ako sa hotel at nakangiti akong ini-entertain ang mga customers. Naka-blur pa nga ang tao sa harap ko doon sa wallpaper niya para ang katawan ko ang makita doon.

"Cass? Come here. Let us take a photo."

My eyes rapidly blinking when I fixed my eyes Tyson and when he started to come over my fingers tremble in pressing the camera icon.

"Are you okay?" tanong niya saka kinuha ang cellphone niya sa kamay ko.

Tumango ako sa kanya at hilaw na napangiti.

Nag-utos siya sa isa sa mga tauhan niya kunan kami ng larawan gamit ang kanyang cellphone. Pero wala na doon ang utak ko. Okupado na ang utak ko sa wallpaper ni Tyson.

"Papadad, look at the camera." kinilabit ako ni Zyrho.

Binaba ko ang tingin ko sa kanya saka naman wala sa sariling napatingin ako kay Tyson na nakatingin din pala sa akin. Tapos ay ngumiti siya sa akin.

My eyes went in bulge and then i heard Tyson's men counted one to three and the sound of camera click followed.

***
May bago akong story na p-in-ublish dito sa wattpad check it out po. And leave your thoughts sa comment section. Thank you! MWAAHH!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top