CHAPTER 28
Chapter 28
Cassidy Pov
"Sumama ka na lang sa amin Owell." Pamimilit ko na naman kay Owell.
Nakahanda na kami-ako. Sinabi ni Tyson sa akin kanina na may damit na daw ako doon sa bahay niya. Ewan ko kung bahay ba talaga o mansyon niya. Pero kahit na sinabi niyang may damit na ako doon. Naghanda pa rin ako ng sarili kong damit. Mga dalawang palitan lang uuwi lang din naman kasi kami kaagad pag natapos na ang birthday ng mga anak ko. Hindi naman kami mags-stay pa doon ng matagal.
Sa mga anak ko naman ay nagdala na rin ako ng extra pair na mga damit nila baka kasi may motion sickness sila. Hindi pa kasi sila naka-byahe ng malayo at sakay sa isang air-conditioned na sasakyan. Baka magsuka sila kaya nagdala na ako ng damit. Saka hinanda ko rin ang iba pang mga necessities ng mga anak ko. Tulad ng mga pulbos, towel, wet wipes, alcohol, cologne at iba pa. Puno ang isang The North Face na backpack na hiniram ko pa kay Owell. Tapos ang tote bag ko naman ay malaman din dahil naghanda na rin ako ng baon in case na gutumin ang mga anak ko sa byahe.
Bumuga ng hininga sa ere si Owell. Nagpapahiwatig na siya na naiinis sa pamimilit kong iyon. Kanina ko pa siya pinipilit at laging hindi naman ang sagot niya pero pilit pa rin ako ng pilit sa kanya.
Siya lang kasi maiiwan dito. Ako at ang mga anak ko ay sasama kay Tyson kaya sinabi ko rin kay Tyson na pwede ba sumama si Owell at di naman siya tumanggi sa akin. Saka nandun din si Pike magkikita sila kahit sandali lang.
Pinagkrus niya ang kanyang braso at nag-de kuatro.
"Cassidy. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako sasama sa inyo. May trabaho ako dito at walang maiiwan sa bahay." Pangangatuwiran niya naman sa akin.
Ngumuso ako saka umupo sa tabi niya.
"Minsan lang naman Owell saka hindi naman tatakbo ang bahay kapag walang tao rito." pahayag ko naman sa kanya.
Inirapan ako ni Owell at masama ang tingin na binalingan ako. "Ba't ba pilit ka nang pilit Cassidy?"
Nahila ko ang dila ko at pansamantalang di nakasagot.
Pwede ko bang sabihin kay Owell na hindi ako komportable kay Tyson? Na hindi ako komportable kapag kasama si Tyson tapos magsasama pa kami sa iisang bahay. Saka iniisip ko rin ang sa byahe. Mahaba ang byahe namin saka nitong mga nakaraang araw napapansin ko talaga ang kakaibang mga galaw niya. Iyong pakikitungo niya sa akin. Iyong pagtulong niya sa akin. Oo tinutulungan niya ako lalo na kapag pagdating niya rito sa bahay na may ginagawa ako. Iyong simpleng pagtulong niya sa paghahanda sa mga baon ng mga anak... namin. Iyong pasimpleng pagtulong niya sa pagbubuhat ng mga labahan ko. Iyong pasimpleng pagtulong niya sa pagbubuhat ng balde-baldeng tubig para ipandilig ko sa mga halaman sa bakuran. Iyong pasimpleng pagngiti niya sa akin. Lahat ng iyon nakakapanibago ng... sobra.
Hindi niya naman iyon kailangan na gawin dahil malapit na niyang makuha ang mga loob ng mga anak ko. Maliban kay Zyrho. Hindi na niya kailangan pang magpakitang tao sa akin upang patuluyin siya dito sa bahay tuwing pupunta siya kasi tinatanggap na naman namin siya ng maayos dito. At hindi niya kailangan gawin lahat ng iyon para magpa-impres.
Sinabihan ko na siya tungkol d'yaan. Kinompronta ko na siya doon. "I am not doing this, Cass, because I want you to treat me better. I'm not doing all these things because I want to impress my children or you. But if you're impressed, maybe it's a bunos in my side. Also, I'm not doing this because I feel obligated because you let me get close to our children. It's none of those. I am doing this because I want to experience all the things you did. Even if it is too small compared to your experience of raising them, our children. Above all, I still want to experience all the things you've been through. That is why I'm insisting on helping with every little thing. I like doing these kinds of things, Cass. I like doing this because I feel like a real father to our children and... a man to you."
Iyon ang sinabi sa akin ni Tyson na hanggang ngayon ay nanatili sa utak ko. Pinipilit ko na nga lang ang sarili ko na umaktong parang wala lang sa akin iyong sinabi niya sa akin. Ang hirap pa dahil araw-araw siyang nandidito sa bahay tapos ngayon magsasama pa talaga kami.
"Aminin mo sa akin. Gumagalaw na ba si Tyson sayo? Ano? Tama ba ako?" Ani Owell at tinampal ang balikat ko.
"A-anong galaw ba ang pinagsasabi mo d'yan Owell?"
"Tsk! Pag ikaw nadala d'yan wag ka uuwi dito at iiyak, huh."
Ang nakanguso kong labi ay nauwi sa pagngiwi.
"Iniiba mo usapan natin."
Halos mawala na ang eyeballs niya sa kanyang pag-irap. "Kahit na ano pang sabihin mo Cass. Di talaga ako sasama. I-kumusta mo na lang ako kay Kuya Pike at i-yakap mo na rin ako sa kanya ng sobranggg higpit. At kung pwede i-kiss mo rin kung okay lang sayo." May pagbibiro niyang untag.
Sa pagkakataong ito ay ako na ang tumampal sa balikat ni Owell. Okay na ang kumusta at yakap kay Pike pero ang halik! Niloloko na ako nito!
"Sira ka!"
"Joke lang 'yon pero kung totohanin mo wala namang masama at walang magagalit." May pa pikit-pikit pa siya sa kanyang mata at ngumisi.
Hindi ko na talaga nabago ang isip ni Owell na sumama sa amin. Hindi ko na rin siya pinilit pa nang husto dahil masasakal na niya ata ko kung pipilitin ko pa siya.
Paglabas ko ay nakita ko na nag-uusap sina Tyson at Zen. Pansin ko naman na sinasali ni Tyson ang dalawa... naming anak na sina Zhuri at Zyrho. Si Zhu ay nakikipag-usap naman kay Tyson kaso ang anak ko naman na si Zy ay hindi binabalingan si Tyson.
Nang makalapit ako sa kanila ay narinig ko ang kanilang pag-uusap.
Tumigil ako sa paglalakad.
"Daddy may sarili kaming room sa house n'yo po?" tanong ng anak kong si Zen.
"Yes. But I also prefer a room where the three of you will fit, just in case you are not comfortable sleeping alone." sagot naman ni Tyson.
"Does my room have a decors, D-dad?" Ang anak kong si Zhuri.
Nilapitan ni Tyson si Zhuri at yumuko. "Yes. It's a Barbie theme. I heard from your Papadad and to your twin Zen that you love Barbie."
Napapakpak si Zhu at lumiwanag ang mukha. "Wow!"
"I'm so excited! Let me see your room baby sister, okay?" Si Zen na lihim kong kinatawa. Mas excited pa siya kaysa kay Zhuri na makita ang room nito.
Lumakad ulit ako patungo sa kanila.
"Papadad." Si Zy at agad na lumapit sa akin.
"You're ready?" tanong ni Tyson sabay tayo.
"Uhm." Ako at tumango.
Panay ang kagat-labi ko at pahid sa kamay ko habang nasa byahe kami. Ang mga anak ko naman sa likod ay paminsan-minsan na hinahangaan ang mga nadada-anang mga tanawin, mga malalaking bahay, at ang dagat. Tanging si Zyrho lang ang nakikita kong seryoso ang mata at laging nasa unahan ang paningin.
Tumingin ako sa rear-view mirror at tama naman na pagtingin ko doon ay tumingin din si Tyson. Kaya nangtagpo ang nga mata namin. Nanlaki ang mata ko nang malakas na kumabog ang puso ko doon! Agad kong iniba ang direksyon ng mga mata ko at kinagat ko na naman ang labi. Napayakap ako sa tote bag na nasa kandungan ko. At halos madurog ko na ang labi ko sa kakagat no'n.
"Are you okay?" malamyos na tanong ni Tyson sa akin.
Napapikit ako sa himig ng boses ni Tyson.
Halos hampasin ko na ang dibdib ko nang humataw na iyon. Nababaliw na!
Saglit kong tinapunan ng tingin si Tyson at nakatingin din pala siya sa akin.
Tumikhim ako at sumagot, "Oo. Oo naman ayos lang ako."
Tumango siya at binalik ang mata sa daanan. "Hmm. You're biting you lips hard. I thought you are nervous. Stop biting it. It might bleed." anito.
Napatingin ako sa labas ng bintana matapos niya iyong sabihin. Napapansin niya ang pagiging balisa ko! At para hindi ko na maisip pa iyong pagiging balisa ko naisipan kong ipikit na lang ang mga mata ko. Pero bago iyon ay nilingon ko naman ang mga anak ko. Nasa shotgun seat kasi ako.
"Mga anak. Kung naduduwal kayo sabihin ninyo kay Papadad, huh? O kung hindi naman kay... Daddy ninyo. Matutulog lang ako."
"Yes papadad." Sabay nilang sagot.
Aayos na sana ako sa aking pagkakaupo nang mahagip ng mata ko si Tyson na nakatingin sa akin.
"May kailangan ka?" tanong ko.
"Just sleep. I'll watch over our children."
Napalunok ako. Hindi pa rin talaga ako sanay sa mga ganoong linya. Our children.
"N-nag-d-drive ka." nautal kong saad. Sa lakas ba naman ng hataw sa puso ko ay talagang mauutal ako.
"I can watch after them. Just sleep."
"Uhm." Ako at tumagilid saka pinikit ko na ang mga mata ko. Pikit ang mata ko at hawak ko ang dibdib ko na nagwawala. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ganito na naman ang tibok nitong puso ko? Sana paggising ko hindi na ito ganito. Sana hindi na ito tumibok ng ganito. Dalangin ko at tuluyan nang nawala ang malay ko sa aking paligid.
Sa gitna ng malalim kong pagkakatulog ay may naramdaman akong kumot na isinaklob sa katawan ko. Pero dahil sa kaantukan ko hindi ko na nabukas ang mata ko.
Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong mainit na hininga na tumatama sa mukha. Unang maimulat ko ang isang mata ko at napapangiwi pa ako sa ilaw ng araw na tumatama sa akin. Ang malabo kong paningin at ang mata kong kalahating dilat ay naibuka ko ng husto nang mapagtanto kong ang mukha ni Tyson ay konting dipa na lang ang layo noon sa akin.
"We are already here." Tyson's breath fanned my nose and upper lips. My eyes drifted to Tyson's slightly parted lips. My eyes never left his lips until I saw his face move. That's my cue to keep my eyes away from him.
I gulped and averted my eyes. My heart hammered.
Umayos ako sa pagkakaupo at sa pagkakataranta ko dahil nagwawala na naman ang dibdib ko ay aalis na sana ako. Bababa na sana ako sa sasakyan nang tumama ang noo ko sa panga ni Tyson.
Napabalik ako sa kinauupuan ko at tiningala si Tyson.
"Sorry."
He glanced at me. And I thought magagalit siya o pandidilatan niya ako sa mata niya kagaya noon pero hindi.
"It's okay." aniya saka lumabas nang sasakyan.
Napabuntong hininga ako at saka hinaplos ang dibdib ko bago kalasin ang seatbelt nang pagkapa ko ay wala na pala akong seatbelt. Saka ko na napagtanto na si Tyson pala ang kumalas n'on. Kaya naman pala nasa ganoon ang posisyon niya kanina.
Hinintay ako ni Tyson sa labas kaya naman ay binilisan ko ang kilos ko. Inayos ko ang damit ko at kinuha ko ang tote bag na dala ko na nilagay ko sa hita ko kanina na ngayon ay nasa paanan ko na. Hinanap ko ang The North Face bag na dala ko at nahanap ko iyon na nakasukbit sa balikat ni Tyson!
My lips form into thin line.
Pagkasara ko sa pintuan ng sasakyan ay may isang tauhan na pumasok doon saka pinaandar iyon. Ako lang pala hinihintay n'on na lumabas.
"Let's go." Si Tyson.
"Iyong mga bata nasaan na-" napatigil ako sa pagsasalita nang pagtingin ko sa bahay na nasa harap namin ngayon ay iba ito sa bahay na tinirahan ko noon. Iba ito sa bahay kung saan nagsimula ang lahat. Hindi ito ang bahay na tinakasan ko noon. Wala kami sa bahay niya noon.
Napabaling ako kay Tyson. "Hindi... hindi na ito ang bahay mo..."
"Hmm. That house has long gone. It's my new house. My new home." Hmm. That house has long gone. It's my new house. My new home." Tyson said, and I turned my eyes to the two-storey modern house. He mumbled something, but my eyes were preoccupied with the house in front of me.
Unlike before, the house before me is more vibrant, more lively. It really feels like home compared to what his house was before, gloomy and eerie. Ang bahay na nasa harapan ko ngayon ay di kasing laki noong bahay ni Tyson noon. And when you compare it from before mas malaki iyong dati kompara dito.
Hindi ko inaasahan ang paghawak ni Tyson sa siko ko at igiya ako papasok. There were five stairs before we reached his house's grand and spacious foyer, and then the big double door opened.
I was mesmerized by what my eyes were perceiving. The house is not dark at all. Hinayaan ko na ang kamay ni Tyson na nakahawak pa rin sa siko ko. Abala kasi ang mata at utak ko sa paglakbay dito sa bagong bahay ni Tyson.
The white lights on the sand dollar-colored high ceiling radiates through the whole house. The whole staircase on the other side was made of glass. May mga malalaking vases na at may mga totoong halaman din sa loob. The living area was full of sofas and couch. Walang TV sa living area niya.
I like the idea that the living area was no television. My typical type of house. Mas okay kasi ang ganoon. Kasi kapag nasa living area kwento-kwento lang with your family at pahingahan din.
Sa labas color white and black and kulay. Tapos dito sa loob naman ay may puti, brown, at kulay titanium na ang naghalo-halo. Gustong-gusto ko ang kulay. Friendly siya sa mata.
"You like it, Cass?" Tyson said and it was like a whisper.
Without having a second thought about my answer. I answered him. "Yes. I like it."
Seconds after I realized what my answer was,I turned my eyes on him to take back my words, but it was too late now. Tyson is now smiling from ear to ear. It was like he was satisfied enough with my answer.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top