CHAPTER 27
Dedicated to: alvinkhier
____________________________
Chapter 27
Cassidy Pov
"Pumayag ka?!" Pasigaw na tanong ni Owell sa akin matapos kong ikuwento sa kanya ang naging usapan ni Tyson noong nakaraang linggo.
"Kaibigan lang naman, Owell. Saka wala naman sigurong masama doon." saad ko sa kanyang habang nagkukusot sa damit.
Nandito kaming dalawa ni Owell sa likod ng bahay at naglalaba. Ang mga bata ay nanonood lang ng palabas sa sala. Nakagawian ko na nanaglalaba tuwing sabado dahil sa linggo sa simbahan kami at bonding na rin. At ngayon tinulungan ako ni Owell dahil medyo marami-rami ang labahan ko ngayon.
At sa paglalaba namin ay nakwento ko sa kanya iyong usapan namin ni Tyson pati na rin iyong paghingi ng tawad ni Tyson sa akin. Talagang nagulat ako doon. Hindi ko inaasahan ang paghingi ni Tyson ng tawad sa akin. Sa oras na iyon parang ibang Tyson ang kaharap ko, ang yumakap sa akin. Ramdam ko kasi ang tapat niya. Ang taos-puso niyang paghingi ng tawad sa akin.
Simula rin n'ong araw na iyon tuwing sinusundo niya ang mga bata dito sa bahay ay bumabati na siya sa akin. Binabati na niya ako ng may ngiti sa labi niya kahit na may pag-aalinlangan iyon. Nagpapaalam na siya kapag aalis siya. Kumakataok na siya sa pintuan kapag papasok siya sa bahay. At inaalok niya rin ako nang sakay patungo sa trabaho ko pero tinatanggihan ko. At kahit na lagi siyang nakakatanggap ng tanggi sa akin tuwing inaalok niya ako. Araw-araw pa rin niya akong inaalok kapag nahatid na namin ang mga bata sa school.
"Ihatid na kita sa trabaho mo." Ganyan lagi ang saad niya sa akin kapag nakababa na kami ng mga bata sa kotse niya.
"Hindi na. Salamat." At lagi namang ganyan ang nakukuha niyang sagot sa akin.
Nakakapanibago. Nakakabigla ang pag iba ng pakikitungo ni Tyson sa akin. Siguro dahil sinabi niya sa akin na pwede ba kaming maging kaibigan at pinayagan ko naman siya kaya siguro ganoon na ang pakikitungo niya sa akin.
Lagi pa rin siyang tahimik. Ang ugali niya talaga at ang pakikitungo sa akin ang sa tingin ko ay sobrang nagbago. Sa mga bata naman ay sinasali na siya sa mga kwento nito. Si Zenver talaga ang masasabi ko na close na niya. Umuupo na kasi si Zenver sa hita niya at kinikwentuhan siya nito. Tapos sinasali naman ni Zenver ang dalawa niyang kapatid na tumatango lang. Mukhang mahihirapan talaga si Tyson kina Zyrho at Zhuri matigas kasi ang ulo ni Zhuri at hindi madaling naniniwala. Si Zyrho naman nagmana kay Tyson kaya dapat intindihin ni Tyson ang anak niyang iyon.
"Alam mo ba kung ano ang kasunod n'yan Cass?" Biglang tanong sa akin ni Owell.
"Anong kasunod?" Takang tanong ko sa kanya.
Napatigil siya sa b-brush sa isang pantalon at pairap na tumingin sa akin. Nilagay niya sa kanyang magkabilang tuhod ang kanyang kamay.
"Ano ka ba Cass. Hindi mo talaga G?"
"Ang alin ba?"
"Ayst! Syempre ngayon gusto kang maging kaibigan n'yang si Maranzano-"
"O, tapos?" Pagpuputol ko sa kanya.
"Ayst! Sympre sunod n'yan gusto ka nang maging nobyo! O baka diretso asawa na. Kasal na." sagot niya at kinuha ang brush na ginamit kanina at bumalik sa ginawa.
Ako naman ang napatigil at napatingin kay Owell na parang galit na nagb-brush doon sa pantalon.
"Posible ba 'yan?" Nausal ko.
Napatigil siya saglit at sumagot, "Malamang."
"Hindi naman siguro." ani ko.
Napabuntong-hininga si Owell at tumigil na naman sa pagb-brush. Nanliit ang mata niyang tumingin sa akin.
"Tatanungin kita Cass. Tingin mo ba noon may posibilidad na humingi ng tawad si Maranzano sayo?"
Umiling ako sa kanya na kina-tango niya.
"Tingin mo ba noon may posibilidad na maging magkaibigan kayo ni Tyson? Tingin mo ba noon hihilingin niya sayo na maging kaibigan kayo?"
Umiling na naman ako.
Napapikit ako nang biglang napapitik si Owell sa ere.
"Ayan naman pala. Kaya wag mo akong masagot ng 'hindi naman siguro'," paggagaya niya sa boses ko. "dahil Cass hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Maranzano. Hindi mo alam kung ano ang susunod na galaw niya. Kaya kung ako sayo magformulate ka sa mga susunod niyang galaw sayo at sa mga bata."
"Bakit naman gusto ako ni Tyson na maging nobyo o asawa? Ang hirap naman paniwalaan n'yan."
"Kagaya ng ang hirap paniwalaan na humingi siya ng tawad sayo." Pambabara ni Owell sa akin. "Cass, ewan ko lang, huh, kung bakit di makita ni Maranzano ang halaga mo noon pero sinasabi ko sayo Cass kung sana type lang kita siguro matagal na kitang niligawan pero di ko keri. Mabait ka Cass, maganda," kinindatan niya pa ako na kinangiwi ko. "-maalaga, mapagmahal. Tssk! Ewan ko lang talaga d'yan kay Maranzano noon. Madali kang mahalin Cass sinasabi ko sayo. Pero wag din tayo mag-assume dahil baka naging friendly na si Maranzano." Labas sa ilong na saad ni Owell sa panghuling pangungusap na sinabi niya.
Sa pag-uusap namin ni Owell habang naglalaba ay kung saan-saan na umabot ang usapan namin. Iniba ko na ang usapan namin tungkol kay Tyson kasi lagi na lang niya akong binabara. Kesyo daw ganyan, ganun. Pinagpipilitan niya kasi na sa susunod daw ay sasabibin na ni Tyson ay gusto na ako nito at kung ano-ano pa.
Sa totoo lang hindi sumagi sa isip ko ang mga bagay na pinagsasabi ni Owell sa akin. Di ko na iniisip kung gusto ba ako ni Tyson o mahal niya ako. Ngayon ang iniisip ko lang ang kapakanan ng mga anak ko. Ang mapalaki sila ng maayos at malayo sa gulo na kinasadlakan ko noon. At iyong pagtanggap ko sa hiling ni Tyson na maging kaibigan kami. Tinanggap ko lang naman iyon kasi iyon ang sa tingin ko ang nakakabuti at doon ako mapapanatag. Susubukan ko ulit na magtiwala sa mga sinasabi ni Tyson. Ang hirap na rin kasi na puro ako duda sa kanya tapos magulang din siya sa mga anak ko. Sana lang wag niya akong biguin.
Sa pagbabanlaw namin ni Owell ay biglang tinawag ako ng anak kong si Zenver na nakatayo sa pintuan ng kusina namin.
"Papadad! Daddy is here!" Malaki ang ngiti ni Zenver habang kinakamay ako.
Mainit na dito sa labas kaya nakakunot ang noo ko.
"Puntahan mo na ang bisita mo." Saad ni Owell.
"Paano itong babanlawan ko pa? Tata-"
"Ako na dito. Kaysa ako naman ang aasikaso doon baka mabubusan ko iyon ng mainit na tubig."
Napabuntong hininga ako kay Owell at tumayo saka pinunas ang kamay ko sa suot kong shorts. Bago ako umalis doon ay tinanong ko pa ang usang beses si Owell kung sigurado na ba siya na maiwan siya sa labahan ko at binara niya lang ako. Nasanay na ako doon kaya nagpasalamat na lang ako sa kanya.
Hinintay ako ni Zenver at sabay na kami na pumunta sa salas kung saan si Tyson na nakikipag-usap sa dalawang anak niya pero sa natatanaw ko ay puro tango at iling lang ang nakukuha niyang sagot sa mga anak.
"Daddy!" tawag naman ni Zenver kay Tyson at ngumiti naman si Tyson sa anak.
"Ang aga mo namang dumating." saad ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita bugkos ay tumayo siya saka lumapit sa akin.
"What did you do?" tanong niya sa akin.
"Oh!" Tanging sambit ko.
"You're sweating." sabi niya at itinaas ang kamay saka iyon inabot sa noo ko sana kaso bago pa man dumapo ang kamay niya sa noo ko ay pinilig ko na ang ulo ko.
"Ah," ako. "Naglaba lang sa likod." Ani ko at ako na mismo ang nagpunas sa sarili kong pawis.
"Oh! Then I can help you with your laundry." anito.
Winiwasiwas ko ang kamay ko. "Hindi na. Si Owell na ang tatapos doon."
Tumango siya.
"Balik tayo sa sinabi ko sayo. Bakit ang aga mo?"
"Oh, that. I'm... I'm just excited I guess."
Tumingin ako sa mga bata na nanood sa TV saka tumingin ulit kay Tyson.
"Di ko pa nasasabi sa kanila ang plano mo." pabulong kong saad sa kanya.
Birthday na nila sa lunes at nakapagpaalam na ako sa teacher nila na di sila makakapasok sa lunes at kung may gagawin man sila ay hahabol na lang ang mga anak ko. Pumayag naman ang teacher nila. Dadalhin kasi ni Tyson ang mga bata sa Manila para doon i-celebrate ang birthday nila.
Kung saka-sakali man ay matuloy ito ngayon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakalayo ang mga bata dito sa Sagada.
Napatango-tango si Tyson sa akin. Lumakad ako tungo sa sofa kung saan ang mga bata at umupo ako sa harap nila. Naramdaman ko naman ang presensya ni Tyson sa likod ko.
"Mga anak diba malapit na ang birthday ninyo?"
Nagkanya-kanya silang tango sa akin.
"Your daddy," saglit kong tiningnan si Tyson. "want to celebrate your birthday with him... in Manila. Okay ba sa inyo iyon?"
Ngumuso sang babae kong anak. "Kasama ka papadad?" halos pabulong na tanong niya sa akin.
Napamaang ako at di makasagot sa anak ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at sasagot na sana sa kanila nang magsalita si Tyson likuran ko.
"Of course. Kasama ang papadad ninyo, Zhu." Si Tyson na narinig pala ang tanong ng anak.
"Yay! May ferris wheel ba sa Manila, Daddy? The super big and tall one?" Sa saya ni Zhuri ay napatanong ito kay Tyson tungkol sa ferris wheel na gusto niyang masakyan.
"Yes," pati ako ay nahimigan ko ang saya sa boses ni Tyson. "Do you want to ride a ferris wheel? What do you want to do on your birthday? Whatever you want on your birthday. I'll try my best to fulfill it."
Lumiwanag ang mukha ni Zhuri doon.
"Anything?" napatanong si Zenver.
"Yes, my boy anything." si Tyson at nag-squat sa tabi ko.
Napakislot ako doon at dumistanya sa kanya.
"Then, can we have a very-verrryyy big cake and lots of chocolates too?"
"Okay, Daddy can do that. Anything else?"
Napayakap si Zenver kay Tyson at pinugpog ito ng halik gaya ng ginagawa niya sa akin.
"Thank you so much, Daddy."
Malapad ang naging ngiti ni Tyson sa ginawa ng anak na pati ako ay napangiti na lang din.
Nang humiwalay si Zenver kay Tyson ay napatingin naman si Tyson sa isang anak niya na tahimik lang at walang interes sa pinag-uusapan.
"What about you, my baby boy, Zy? What do you want for your birthday? Or your wish?"
Seryoso si Zyrho na tumingin kay Tyson. Naabot ko ang kamay ng anak ko at pinisil ko iyon. Si Zenver tanggap na tanggap na niya si Tyson. Si Zhuri unti-unti na rin pero si Zyrho parang walang improvement.
Ang galit sa mata niya tuwing titingin kay Tyson ay nanduduon pa rin.
"Anak Zy-"
"I just wish good health and a long life for Papadad." sapaw ni Zyrho sa akin upang sagutin si Tyson.
"Anak." saad saka pinisil ang kamay niya.
Tumingin sa akin si Zyrho.
"What is it, Papadad? Is there something wrong with my wish? That is what I want. Ever since I learned how to understand the world around me, Papadad. Every time we blow our candles and every time we go to church. I always pray for your safety at work. I wish good health for you and a long life for you. You, Papadad, my sister and brother are all I want in my life and I have you now. So, I just pray for your health and ours."
"Alam ko 'yan anak. Alam ko but you have your daddy right now." anang ko.
"I know Papadad but I just want you." aniya at niyakap. "I just want you papadad."
---
Tumigil na sa pag-iyak si Zyrho at sa kakaiyak niya ay nakapagod kaya nakatulog. Pati ang dalawang anak ko na nakatingin kanina kay Zyrho na humihikbi sa balikat ko ay nakita ko ring tahimik na lumalabas ang kanilang luha kaya inalo ni Tyson.
"Sana maintindihan mo si Zyrho, Tyson." wika ko bago tinulak ang baso ng tubig kay Tyson.
Nandidito kami ngayon sa kusina at hinihintay magising ang mga bata para makabyahe na rin dahil mahaba-haba ang byahe pa-Manila. Pinatulog ko rin kasi ang dalawa para may lakas sa mahabang byahe.
Umupo ako sa silya na katapat sa kanyang kinauupuan.
"I understand Zyrho. I understand him well. It's just like I'm watching the child version of myself in him. Zyrho inherited my characteristics and attitudes. So I understand."
"Habaan mo na lang ang pasensya mo sa kanya. Saka alam ko na may puwang ka rin sa puso niya. Hintayin mo lang na buksan niya ang puso niya para sayo."
"I will." Siya at ngumiti sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Bat ba panay na ang ngiti niyo sa akin?
Bumuga ako ng hininga at tumayo. "Sige maghahanda pa ako ng mga damit para sa kanila." Paalam ko sa kanya.
Napatayo si Tyson ay hinawakan ang kamay ko sabay saad, "No need." Napatingin ako doon sa kamay niya na nasa akin. Ilang saglit ay kinuha rin niya ang kamay sa akin. "I didn't mean to hold you." pagpapaliwanag niya.
Tumango ako sa kanya at itinago ko ang kamay ko na nahawakan niya sa likuran ko dahil parang ang dating kuryente na nararamdaman ko tuwing hinagawakan niya ako noon ay parang bumabalik sa akin. Pinisil ko ang kamay ko sa likod.
"Walang damit ang mga bata sa... bahay mo."
"I already called Pike to get things ready even their clothes."
"Sige. Mag-iimpake ako ng damit ko."
"Hindi na rin kailangan." Mabilis niyang saad.
Tumaas ang kilay ko sa kanya.
"I also had your clothes ready in my house."
____
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top