CHAPTER 26

Chapter 26





Cassidy Pov

Dumaan ang araw ng mini bazaar na kami ng mga anak ko ang may pinakamalaking naibenta sa mga paninda namin. Cupcakes lang ang display namin at ang booth namin talaga ang dinumog at marami pa ang kumukuha ng pictures doon dahil nakakakuha talaga ng atensyon ang aming booth. Well, sa tulong iyon ni Tyson. Ewan ko ba kung pwede iyong ginawa niya na nag-utos pa talaga siya ng mga tauhan para itayo ang booth namin. Okay lang naman sa teacher ng mga anak ko kaya naging kampante ako na hindi nag-violate sa anumang patakaran si Tyson.




Masyadong magastos iyong ginawa niya at di ko naman siya pinigilan gusto niya, kaya gawin niya. Siya ang nag-asikaso sa booth at kami naman ng mga anak ko ang nagtulong-tulong sa paggawa ng mga cupcakes. Tyson tried to help us pero natapon niya lang ang icing na ginawa ko kaya pinatigil ko na lang siya sa pagtulong kasi matatagalan kami kapag tumulong pa siya doon. Sinabi ko na lang sa kanya na siya na sa marketing strategy at naging successful naman kami.




Sobrang saya ng mga anak ko sa mini bazaar na iyon sa school at doon din sa kauna-unahang pagkakataon ay niyakap ni Zenver si Tyson. Biglaan iyon at sandali lang pero sa ginawa ng anak ko. Tumulo talaga ang luha ni Tyson. At sa unang pagkakataon nakita kong tumulo ang luha ni Tyson. Tumulo ang butil ng luha mula sa isang mata niya nang niyakap siya ni Zenver. Sa araw na iyon ay unang beses din na tinawag na Daddy ni Zenver si Tyson.




"Thank you, Daddy." Iyon ang inusal ng anak ko nang niyakap niya si Tyson sa hita niya at mabilis naman na umalis si Tyson sa kanya at niyakap ako.




Si Tyson nga ay di magawang mayakap si Zenver dahil saglit lang iyon at tulala rin si Tyson sa sobrang gulat. Di niya magawang mayakap si Zenver dahil nang matauhan din siya si Zenver ay nakayakap na sa akin at tumutulo ang luha. Umupo ako upang aluin ang anak ko.




Parang may kumusot sa puso ko nang masaksihan ko ang pangyayaring iyon. Sa wakas ay unti-unti na ring binubuksan ng anak ko ang kanyang dibdib para sa kanilang ama. Kaya pati ako ay napaluha na lang din.


Si Zhuri at Zyrho ay sabay naman na lumapit kay Tyson.




"Thank you. Thank you so... much." Zhuri ngunit di makatingin kay Tyson.


Yakap ko pa rin n'on si Zenver na umiiyak na sa balikat ko. Nakita ko na tiningnan ni Zhuri si Zyrho.


"T-Thank you." Napaka-bland lang n'ong pagkakasabi ni Zyrho pero isang butil na naman ng luha ang lumabas sa mata ni Tyson.


Nag-squat si Tyson saka pinalis ang luha niya sa harap mismo ng dalawang anak ko.




"Can... I hug the both of you?"




Hindi nagsalita sina Zhuri at Zyrho pero tumango si Zhuri. Kinuha iyon na go signal ni Tyson saka naman sabay niyang niyakap ang dalawang anak.


"You don't have to thank me. You don't have to." Pabulong niyang saad sa dalawang anak at saka pinaghahalikan ang ulo ni Zhuri at Zyrho.


Nakatayo ang si Zyrho at di gumagalaw habang si Zhuri ay inunan ang kanyang ulo sa balikat ni Tyson. Muling tumulo ang luha ko sa saya ko. Napapalis na lang ako sa luha ko.


Matapos ang pangyayaring iyon ay hinatid kami sa bahay ni Tyson. At sa loob ng sasakyan ni Tyson at sobrang tahimik naming lahat. Iba sa nakasanayan ko kapag sumasakay kami sa sasakyan ni Tyson.


Pagdating sa bahay ay dumiretso kami sa kwarto at inutusan ko sina Zyrho at Zenver na maghalf-bath at si Zhuri naman gaya ng nakagawian ay naghihintay huli siya lagi kapag naliligo ang dalawang kapatid niya o kung hindi naman ay nagha-half bath.




Napansin ko na wala si Tyson kaya lumabas ako para sabihin sa kanya na pwede na siyang umalis. Naabutan ko siya sa salas na parang malalim ang iniisip. Matagal kong di nakita si Tyson at sa konting panahon na nakatira ako sa bahay niya noon. Di ko pa siya nakita na na-out of space, tulala, at mas lalo na ang umiyak.


Tumikhim ako upang makuha ang kanyang atensyon dahil hanggang sa makalapit ako doon sa kanya ay di niya ako napansin sa lalim ng kanyang iniisip.


"Umuwi ka na. Saka... maraming salamat sa ginawa mo ngayong araw." Wika ko. Alam ko kasi na sobrang naging masaya rin ang mga anak ko sa acitivity today tapos nanalo pa ang booth namin. Competitive ang mga anak ko kaya alam ko na masaya sila sa naging resulta at ang dahilan ng pagkakapanalo na iyon ay si Tyson.


Dati kasi nagkaroon na ng ganoong klaseng activity sa school nila noon kaso talo kami.


Napaatras ako sa biglang pagtayo ni Tyson at paghakbang tungo sa akin. Halos ma-estatwa ako sa akin kinatatayuan nang saglit akong nginitian ni Tyson. Parang lahat ng gumagalaw sa paligid ko ay kusang tumigil dahil doon. Pati ang puso ay tumigil din ata sa pagtibok. Sa daming first time na nasaksihan ko kay Tyson ngayon, ang pangyayaring ito ang siyang nakapagpatigil ng kusa mundo ko bigla.


Noon di niya ako mabigyan ng isang ngiti na tunay. Ngiti na parang nagpapasalamat. Ngiti na maraming wika ang nasa likod.


Sa pagkatulala ko ay naramdaman ko na lang ang kamay ni Tyson na yumakap sa akin. Yumapos ang kanyang malakas at matigas na bisig sa katawan ko at ang kanyang kamay naman ang nasa likuran ko ay ang isa ay nasa likod ng leeg ko nakahawak. Sa liit ng katawan ko parang nayayapos lang ni Tyson ang kabuuang katawan ko. Ang kamay niya sa likod ng leeg ko ay nanlalamig. Nalalanghap ko rin ng diretso ang kanyang mamahaling pabango na kagaya pa rin noon dahil bumaon ang mukha ko sa kanyang dibdib.


"T-Tyson..."


Ito na ata ang kauna-unahang pagkakataon mula nang dumating siya dito na niyakap niya ako. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkalapit kami ng husto sa isa't isa mula noong dumating siya dito.


"Sshhh! Just for now, Cassidy. Please let me hug you. Please let me, Cass."


Kahit na nakabaon ang mukha ko sa dibdib ni Tyson ay tumulo pa rin ang luha sa bawat sulok ng mata ko. Walang tigil sa paglabas ang luha ko. Tyson just pleaded with me. He pleaded. He really did.


Hanggang sa matapos akong yakapin ni Tyson ay di ko siya magawang yakapin ulit pabalik. Di ko nagawang iangat ang kamay ko upang yakapin siya.


Pinunasan ko agad ang luha ko nang kinalas niya ang kanyang kamay sa akin.


"B-Babalik na ako sa kwarto. I—Isara mo ang pintuan kapag lumabas ka." saad ko sa kanya saka ako tumalikod pero wala akong magawa na hakbang nang maramdaman ko ang magaspang at nanlalamig niyang kamay sa may siko ko.




Napalingon ako sa kanya saka ako humarap ng maayos.




"Ano?" pormal kong tanong sa kanya.


Gumalaw ang kanyang panga at tinikom ang kanyang bibig bago umusal. "Thank you. Thank you so much, Cass."


Kumurap-kurap ako dahil sa kanyang sinabi pero napakunot ako sa noo ko dahil naguguluhan ako kung bakit siya nagpapasalamat sa akin.


"Thank you so much Cass. Salamat dahil... hinayaan mo akong tumayo bilang ama sa mga anak na—natin. Hinayaan mo akong makilala sila. Thank you so much for helping me para makuha ko ang loob nila..."


Napalunok ako dahil parang may bumara sa lalamunan. "Hindi mo kailangan na magpasalamat sa akin Tyson. Oo nga't hinayaan kita pero wala naman akong magagawa diba? Dahil kung pipigilan kita ako, kami... pagbabantaan mo naman kami gaya ng lagi mong ginagawa." Napatagis siya sa kanyang bagang pero di ako nagpaawat doon. "Inaamin ko Tyson na noong una kita makita dito. Pumasok talaga sa isip ko na takbuhan ka na naman. Gusto kong ilayo ang mga anak ko sayo. Pero, ano naman ang mapapala ko? Puro na lang kasi ako takot at pangamba pero naisip ko kung tatakbo na naman ako. Kung tatakas na naman ako patuloy akong makakaramdam ng ganoon. Di ako matatahimik. Araw, gabi lagi akong nag-alala. Kaya pumayag na ako para sa akin at para sa ikabubuti ng lahat."




Tumigil ako saglit at pinunasan ko ang luha tumulo sa pisngi ko. Muli kong tinagpo ang mata ni Tyson na punong-puno ng naghahalong emosyon.




"Kaya sana Tyson h'wag mo akong bigyan ng rason para pagsisihan ko na naman ang desisyon. Noon mali ako na pinili kong makasama kita," napahinga ako nang malalim. "Mali ako noon na nagpabulag sayo, mali ako noon na minahal ang isang tulad mo, mali na mas pinili kong magpakatanga sayo. Kaya sana ngayon wag mo namang iparamdam sa akin na puro na lang mali ang nagawa ko sa buhay—na puro na lang mali ang mga desisyon ko."


Hindi ko na mapigilan ang paghagulgol ko at tinakpan ko ang mata ko gamit ang dalawang kamay. Napahagulhol na lang ako habang inaalala ko ang mga nangyari noon. Parang ang dali lang lumipas ng panahon at heto na kami ngayon. Mula sa mga masasakit na naranasan ko, sa mga paghihirap ko, at sa mga pagsubok na dumating sa buhay ko. Para ang dali lang kung iisipin lumipas ng panahon.


Muli kong naramdaman ang pagkabig ni Tyson sa akin at niyakap ako. He hugged me tighter than earlier. I don't know if it was his heart beating loudly or mine. My head is in the valley of his big chest. Kanina pa kasi ang lakas ng tibok nitong puso ko.


"I'm sorry. I'm so sorry Cass." He lamented again and again while hugging me. "I know I have wronged you in all ways. I know my apology can't bring back the past. I know my sorry can't mend our past. I understand that my apologies are insufficient to mend your broken heart. I know my apologies will not be enough to cover our ugly scars from the past.I know too well that it's too late for me to say sorry. I'm not saying sorry, Cass, because I want you to forgive me; I'm saying sorry because I want you to know that I'm the one who made the wrong decisions. I'm the one who made mistakes. Not you, Cass. Not you. Hindi ka nagkamali sa mga desisyon mo Cass. Ako ang nagkamali." Litanya ni Tyson habang yakap ako. At gaya kanina nang niyakap niya ako hindi ko pa rin siya magawang yakapin. Di ko magawang iangat ang kamay ko at yakapin siya.




Iyong mga kataga na lumabas sa bibig ni Tyson ay parang kino-comfort ako ng mga katangang iyon. Parang hinahaplos n'on ang puso ko na sugatan sa nakaraan. Sana mga totoo ang sinabi ni Tyson na siya lang ang nagkamali. Sana totoo ang sinabi niya wala akong ginawang mali. Kasi pakiramdam ko sa lahat ng desisyon na nagawa ko noon ang pinakamabuting naging desisyon ko lang ay ang lumayo sa kanya at ipagpatuloy ang pagbubuntis ko. Tingin ko ang mga anak ko lang ang pinakamabuting nangyari sa buhay ko. Sila ang dumating sa buhay ko na kailanman di ko pagsisihan.




"Don't blame yourself, Cass. You are simply a strong parent to our children." si Tyson saka ilang saglit pa habang di ako makagalaw sa mula sa yakap niya ay naramdaman ko na lang ang kanyang labi na salungat ang temperatura sa kanyang palad na lumapat sa aking noo. "I miss-"




"Papadad!" sigaw iyon ng anak kong si Zhuri mula sa aming silid at dahil doon ay naitulak ko si Tyson.


Muntik ko nang makalimutan na kailangan ko pa palang linisan ang anak ko na nanduduon sa kwarto. Di ko na tinapunan ng tingin si Tyson at walang imik kong tinalikuran si Tyson saka tumungo sa kwarto namin.




"Anak halika ka na." Agad kong ani kay Zhuri. Parang nataranta pa ang dating n'on at may konting nginig din sa kamay ko.


Ngumuso ang anak ko at lumapit sa akin.


"Papadad how about kuya Zy and Zen? Wala kang ni-ready na clothes for them. Baka ma-messy ang mga clothes nila kapag sila ang kumuha sa cabinet nila, Papadad." wika ni Zhuri.


Oo nga pala! Di naman kasi hindi sila marunong magsuot at kumuha ng damit. Kaya kasi ako ang naghahanda sa kanilang mga susuotin ay dahil nagugulo ang mga pagkakatupi ko sa kanilang mga damit.




Akmang babalik pupunta na ako doon sa cabinet nila nang bumukas ang pintuan at niluwa n'on si Tyson.


"Just take care of Zhuri, Cass. Ako na ang kukuha ng mga damit nila Zen at Zyrho."


Napanganga ako dahil di pa pala siya umalis.


Tinikom ko ang bibig ko at tumango na lang sa kanya. "Halila ka na anak." ako saka ko inakay si Zhuri sa CR.


"Papadad, did d-daddy hurt you? Did he?" tanong ni Zhuri sa akin habang sinasabunan ko ang kanyang binti. Napatigil ako doon saglit at saka nag-angat ng tingin sa kanya.




Hinawakan niya ang pisngi ko. "Your eyes are swollen, Papadad."




Nginitian ko ang anak. "Hindi anak. Hindi niya ako sinaktan."




"Quarrel?"




Umiling ako. "Hindi rin anak."




"Then, why your eyes are swollen?"


Bumuntonghininga ako at nagpatuloy sa pagsasabon sa kanya. "Nag-usap lang kami anak."




"Really? Hindi kayo nag-away?"


"Hmm." Ako saka tumango-tango. "We are... we are good anak."


Pagkatapos namin ni Zhuri ay lumabas kami ng CR at binihisan ko siya sa damit niya na pambahay. Nadatnan ko naman si Tyson at ang dalawang anak ko na lalaki sa kama. Si Zenver ay nakatingin sa cellphone ni Tyson na hindi ko alam kung ano ang pinapanood nila. Si Zyrho naman ay tahimik lang sa tabi ni Zenver at halata na walang paki.


Inaya ko silang lumabas upang upang gawan sila ng kanilang makakain at nauna ng lumabas si Zenver hawak ang kamay ni Zhuri at sumunod naman sa kanila si Zyrho. Ako naman ay sumunod na rin sa mga anak ko nang tawagin ako ni Tyson.


"Cass."


Nilingon ko siya na sinisilid ang kanyang telepono sa kanyang bulsa.


Napakagat labi ako at tinaasan ko lang siya sa kilay ko bilang tanong.




"I have something to tell you." Napailing siya. "No, it is more of a request."


Kumunot ang noo ko sa kanya.


"Anong request?" tanong ko.


"Can..." bumuga siya ng isang hininga. "Can we be friends? Can I be your... friend?"



____

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top