CHAPTER 24
Chapter 24
Cassidy Pov
"Don't come near us!" Ang matalis na tinig ni Zhuri ang nagpagising sa akin.
Napabalikwas ako sa pagbangon dahil sa narinig kong tinig ng anak ko. Malabo pa ang mata ko at pagkaupo ko ay agad kong hinagod ang mata ko dahil nanlalabo iyon at mahapdi pa ang mata ko dahil matagal akong nakatulog kagabi o siguro madaling araw na iyon.
Napapangiwi ako dahil mataas na talaga ang sikat ng araw at maliwanag na ang silid. Gagalaw na sana ako nang maramdaman ko ang mga kamay na pumulupot sa akin. Pagbaba ng mata ko sa may tiyan ko kung saan may yumakap sa akin. Doon ko nakita ang mga kamay ng mga anak ko.
"Good morning mg-"
"Papadad, why is he here?" Di ko na natuloy ang pagbati ko sa kanila ng magsalita si Zyrho. Isa-isa ko silang tiningnan at ang mga mata nila ay nasa harap lang namin.
Kaya napatingin din ako sa kanilang tinititigan. Doon ko nakita si Tyson. Umiigting na ang kanyang panga habang nakatingin sa amin ng mga anak niya. Saglit kong pinadaan ang kamay ko sa buhok ko at napahimalos sa mismong palad na ginamit ko.
Bakit ko nga ba nakalimutan na may ekstranghero pa lang natutulog dito sa kwarto namin? Bakit ko ba nakalimutan na nandidito pala si Tyson? Na di to pala siya pinatuloy ni Pike kagabi? Nag-iinarte pa kasi na hindi uuwi! Tsk! Alam ko namang kaya n'yang umuwi ng Manila kahit na anong oras pa 'yan.
Masama kong tiningnan si Tyson kaso ang mga mata niya ay palipat-palipat sa mga anak ko na humihigpit ang pagkakayakap sa katawan ko. Halos gusto ng dumagan ni Zhuri sa akin.
Binaba ko ang tingin ko kay Zhuri na ang sama ng tingin kay Tyson. Di ko maintindihan. Bakit ganito siya kay Tyson, sina ni Zenver. Sa pagkakaalala ko si Zyrho lang naman ang may galit kay Tyson pero ngayon, bakit silang tatlo na? Tandang-tanda ko pa nga kung paano siya nakiusap na sumakay na lang kami sa kotse ni Tyson.
"Zhuri, Zen, Zy..." isa-isa kong binanggit ang mga pangalan nila at nilipat nila ang mata nila sa akin na may halong kaba at takot. Halos maiyak na nga sila. "What's wrong? May ginawa ba si... si... m-mister sa inyo?" tanong ko sa kanila.
Sabay nila akong inilingan. "Papadad." wika pa nila at niyakap ako ng mas mahigpit.
"Cass, I just want to hug them... but-"
"Bakit mo naman-"
"Is he going to take us away from you, Papadad?" nagulat ako sa tanong ni Zen sa akin. Kaya bumaling ako sa mga anak ko at pinunasan ko ang basang pisngi ni Zen.
"What? No, that's not going to happen... and he's just a visitor, anak. He is Papa Pike's visitor from... from a very far place, and he could not go home last night."
"You're lying, Papadad. I thought lying was bad. You taught us that, Papadad. You taught us not to lie, but why are you lying to us!?" malakas na saad ni Zhuri sa akin. Napakurap-kurap ako doon dahil kahit kailan ay di pa sila nagtaas ng boses sa akin.
Parang sinuntok ako sa dibdib dahil sa narinig ko kay Zhuri at awtomatik na umulan ng luha ang mata ko. Pero agad ko rin naman iyong sinunod ng punas.
"Zhuri, don't shout at Papadad!" si Zenver naman ay sinigawan ang kapatid na malapit sa kanya.
Humiwalay sila sa akin at nagtatagisan sa mga titig nila. "Why Kuya? Papadad is lying! He lied! And he let him sleep in our room.He doesn't belong to us! He doesn't belong here! We don't need him! We don't want a daddy that doesn't want us, right?! Right? We only want Papadad, Papa Pike, and Papa Owell."
"Z-Zhuri..." parang tumigil sa pag-ikot ang mundo saglit at parang naging tahimik ang buong kapaligiran at ang naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko. Para akong nabibingi sa lakas ng kabog n'on.
Tiningnan ko si Zhuri na umiiyak at pinapalis ang kanyang sariling luha gamit ang maliit niyang kamay. Humikbi na ang anak ko. Tumingin si Zhuri sa akin at napalabi bago bumuhos ulit ang luha niya. Bigla ay yumakap si Zhuri sa akin at binaon ang ulo sa dibdib ko.
"Papadad, Zhuri is sorry. I'm so sorry for shouting Papadad. I'm so sorry Papadad. I didn't meant to shout Papadad. I'm so sorry." hingi niya ng sorry sa akin habang niyayakap ako.
"Ssshhh. It's okay anak. Papadad is not mad, I'm just shocked."
Napatingin ako kay Zenver na nakatingin lang din sa kapatid niyang nakayakap sa akin at namumula ang mata. Alam kong malapit na ring umiyak ulit si Zenver. Tiningnan ko naman si Zyrho na nakatingin kay Tyson ng masama. Walang bakas ng luha at kaba niyang tinititigan si Tyson na nakatayo lang doon sa paanan ng kama at tinitingnan ang eksena namin. Ang eksenang siya ang dahilan.
Tumingin ako kay Tyson. Tinitigan ko rin ang mata niya niya at bakas sa kanyang mata ang sakit pero may galit doon. Wala na akong paki kung saan siya galit sa akin ba o ano. Bakas doon ang lungkot at pangungulila at pagpipigil sa sarili.
"Anak... bakit ninyo nasabi na..."
"We know that he is our Daddy, Papadad." nakayukong saad ni Zenver sa akin. Habang hinahaplos ko ang likuran ni Zhuri. Inabut ko naman ang ulo ni Zenver at at inangat iyon sa akin.
"W-Where? Saan ninyo nalaman anak?"
Si Zyrho ay napaiwas ang tingin.
"It was an accident, Papadad. We didn't mean to hear you and Papa Pike talking yesterday. We just wanted some water, Papadad, but... we accidentally heard you and Papa Pike. And Kuya Zy also knows. When we told him about it, he said to shut our mouths, me and my baby sister. Kuya said that you will tell us about that at the right time, that you'll tell us everything soon when we wake up." tumigil si Zen saka binalingan si Tyson na nakatitig sa anak niya na nagsasalita. Parang hinihintay niya rin ang susunod pang sasabihin ni Zenver.
"When we wake up... we saw him," pagtutukoy ni Zen kay Tyson tapos bumaling siya sa akin at nagsalita muli. "He... went near to us, Papadad. That is why we panicked and got scared. We thought that he was going to take us away from you."
Pumikit ako ng mariin at bumuntonghininga. Kagabi pinoproblema ko pa kung paano ko sasabihin sa kanila na ama nila si Tyson pero may alam na pala sila. Wala pa akong nasasabi ngunit alam na pala nila. Mas pinili pa nilang manahimik at intindihin ako.
Mga bata pa sila pero sinusubukan na nilang intindihin ang nangyayari sa kanilang paligid. Sinusubukan na nila akong intindihan. At di nila ako pinangunahan kung sana wala lang dito si Tyson. Kung sana wala siya dito di sana ito mangyayari ngayon. Kaso patuloy din siguro akong magsisinungaling sa kanila kung saka-sakali man. Patuloy akong magiging masama sa kanilang mga mata.
"H-Hindi niya kayo kukunin sa akin mga anak." saad ko sa kanila.
"Then why does he keep on coming to our house?" si Zhuri na ang nagtanong saka kumalas sa pagkakayakap sa akin. Nagtatanong siya sa akin na para bang wala ang taong pinupunto niya sa harap namin. Pinunasan ko ang baaang pisngi ni Zhuri gamit ang kamay ko.
"S-Sinabi ko na kanina anak... u-uuwi rin naman siya." wika ko.
"Go now, mister." si Zyrho na ngayon lang ulit nagsalita.
"Zy..." ako.
"You hurt our Papadad. You don't even want us, right? But you keep on coming back to our house."
Ngayon ko lang nakita si Tyson na di parang aping-api siya sa isang sitwasyon. Di siya makapag-argumento at makagawa agad ng sasabihin. Ngayon ko lang siya nakita na para bang ang hina niya?
"I'm your father. I have the right and responsibility for the three of you. I want to be a father to all of you. Babawi ako sa mga panahon na wala... wala ako sa tabi ninyo."
"I thought you didn't want us, and you even wanted us gone before." Zen asked.
"I know... I said that before. My... my mind was going haywire when I said that t-to your Papadad. And I regretted it. I regretted what I did before. I know I shouldn't have said that to you-"
"We only need our Papadad. We don't need you, Mister." Zyrho ended him.
Gumalaw ang panga ni Tyson. Nakita ko kung paano namula at namasa ang mga mata niya. He is about to cry. Tyson Maranzano is about to cry in front of his children.
"I'm... I'm so... dammit!" napabulong si Tyson. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa kanyang baywang at yumuko. Bumuntonghininga siya saka inangat ang tingin sa amin ng mga anak niya na pinagmamasdan lang siya. "I-I'm so... so s-sorry."
Natikom ko ang bibig ko at napakagat sa dila ko.
"Are you saying sorry to our Papadad? Or on us? You did not only hurt us, mister, but our Papadad, too." ani Zyrho na parang siya lang ang may lakas na kausapin si Tyson ng diretso.
"I was so sorry for your Papadad, too. The almighty being knows that. I repented and regretted what I did to your Papadad before."
Hindi ko alam kung nagpapa-awa lang ba si Tyson sa harap ng mga anak ko para matanggap siya o totoo ang mga lumalabas sa bibig niya. Napakahirap lang kasi paniwalaan n'on. Na kapag kami ang magkaharap umaakto siyang matapang, matigas, at walang takot. Pero kapag sa mga anak ko napakalambot niya. Halos di ko na nga siya makilala kapag kaharap niya ang mga anak ko.
"I don't like you."
"We don't want you."
Halos sabay na saad nilang tatlo kay Tyson. Galit ako kay Tyson pero sa sinabi ng mga anak ko sa kanya di rin ako nasisiyahan doon. Nasasaktan ako na ganoon na lang ang galit nila kay Tyson. Wala naman akong balak na sabihin sa kanila kung ano ang nangyari noon, kung bakit kami nagkaganito ni Tyson. Gusto ko lang naman na malaman nila na ama rin nila ito at makilala nila ang hinahanap nilang ama noon sa akin, kaso nalaman na nila lahat. Nasasaktan din ako para sa mga anak ko dahil ang ba-bata pa nila para malaman ang lahat. Kung sana lang pwede na ako na lang ang magpasan lahat ng sakit na nararamdaman nila ngayon. Tatanggapin ko iyon wag lang silang masaktan.
Natatakot ako na baka dalhin nila ang galit na iyon sa paglaki. Kahit na anong kamuhi ko pa kay Tyson ayaw ko naman na ginaganun siya ng mga anak ko. Pero masisisi ko ba sila kung iyon ang nararamdaman nila sa ama nila? Malaman ba naman nila na gusto silang mawala sa mundong ito ng sarili nilang ama.
"Mga anak... don't say that. I-It..."
"But it was true, Papadad. We don't want him."
"Diba, gusto ninyo ng Daddy? Zen, Zhuri, diba nagtatanong kayo before kung sino ang Daddy ninyo? He is your... Daddy."
"That... that was before." malungkot na saad ni Zhuri.
Tumingin ako kay Tyson na napaiwas ng tingin. Alam ko na nasasaktan siya ngayon. Ikaw ba naman ang pagtabuyan ng sarili mong anak sa mismong harap mo. At walang pagdadalawang isip iyong sinabi ng mga anak ko sa kanya.
Ilang saglit ang nakalipas na tahimik kaming lahat ng biglang may kumatok sa pintuan at bumukas iyon. Pumasok si Pike na halatang nakaligo na dahil basa ang buhok.
"Am I disturbing?" mataman niyang tanong.
Umiling ako sa kanya. Ang mga anak ko naman ay isa-isa na bumaba sa kama at kitang-kita ko kung paano sumunod ang mata ni Tyson sa mga anak ko na pumunta kay Pike.
"Papa."
Ngumiti si Pike at ginulo ang mga buhok nila. "Good morning!"
"Papa help us take a bath!" si Zen kay Pike at tumango naman silang tatlo.
Tumingin sa akin si Pike kay Tyson bago sa akin na parang hiningi niya ang permission ko. Kaya tumango ako sa kanya. Bumaba na rin ako sa kama at nilapitan sila.
"Ako na ang magliligo kay Zhuri. Ilabas mo na lang sila dito." mahinang ani ko kay Pike.
Tumango siya sa akin at inakay ang mga anak ko sa labas. Pagkasara ng pintuan ay napatingin kay Tyson na nakatingin sa ibang direksyon at umiigting na naman ang panga niya. Kitang-kita ko iyon at halatang-halata lalo na't nakaside-view ang anggulo niya. Binaba ko ang tingin ko at nakita ko ang hinigaan niya na hindi tinupi at basta na lang iyon itinabi.
Nilapitan ko iyon saka ko tinupi ang kumot at itinabi ko ng maayos ang foam at ang unan. Tumayo ako at pumunta sa kama saka ko rin inayos ang higaan namin. Naiwan kaming dalawa sa iisang silid at kahit papaano ay ayos lang naman ang pakiramdam ko.
"They're fond of Pike." siya ang naunang magsalita.
"Kay Owell din." dagdag ko.
"I'm... envious." Napatigil ako sa pag-pagpag ko sa mga unan at saglit siyang sinulyapan na nakatingin sa akin ng diretso. Mabilis ko namang tinanggal ang tingin ko sa kanya.
"Lumaki sila na ang nakikita ay sinq Like at Owell at tumatayo rin silang parang mga magulang sa mga... anak ko kqya ganoon. Di man umuuwi si Pike dito nakikipag-video call naman sila minsan kaya ganoon na lang ang attachment nila sa magkakapatid."
"I didn't know that Pike was really capable of keeping a secret from me. I can't believe he could do something like this after spending almost his entire life working with me.That he can keep you hidden from me." wika niya.
Napairap ako doon.
"Kahit na gaano mo pa man kakilala ang tao o kahit na gaano mo pa man siya katagal na kilala at nakakasama. May mga bagay talaga na di natin aakalain na magagawa nila."
"Yeah, and I think I should be thankful to him for doing it. He did something without me knowing, but I'm grateful for it. Coz, now, I can see y— m-my children."
Tumayo ay ng maayos ng matapos kong ayusin ang kama at tumingin kay Tyson na nakatutok lang pala sa akin. Parang tumaas bigla ang presyon ng dugo ko sa sinabi niya.
"Pero imbes na magpasalamat ka sinuntok mo ang tao!" galit kong saad. Bigla kasing uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Kung thankful siya, kung grateful talaga siya bakit niya sinuntok si Pike? Ganoon ba siya magpasalamat?
Biglang nagbago ang mukha niya at nawala ang mahinahon na ekspresyon palitan iyon ng galit. "I'm just angry because... I-" pagbibitin niya at ginulo ang kanyang buhok. "Fuck! Nevermind." aniya at umiwas ng tingin.
"Alam mo Tyson ang plastic mo." wika ko at napatingin siya sa akin. "Kapag nandyan ang mga anak ko parang ang lambot mo. Parang ang bait mo at parang di ka nakakabasag baso pero kapag wala ang mga anak ko at ako ang kaharap mo para ka ng tigre na handang mangain ng tao. Parang lagi kang galit sa akin. Tch! Ako dapat ang magalit sayo dahil ginulo mo ang tahimik ko nang buhay!" galit kong saad sa kanya.
"Bakit? Bakit wala akong karapatan Cassidy? Bakit wala akong karapatan na magalit sayo? I trusted you!"
"Ano?!" pasigaw kong tanong sa kanya.
"I trusted you! I hold on to your promise! I thought you were different. I thought you wouldn't leave me!" sigaw niya na rin sa akin.
Napahasa ako sa ngipin ko dahil sa sinabi niya. At napakuyom sa kamao ko. Naalala niya pa ang mga pangakong iyon? Nagpakabulag din ako sa kanya noon. Bulag na bulag ako na may gusto siya sa akin, na nagbago na siya kaya nagawa ko ang pangakong iyon. What I've learned from that was don't make promises when you're happy. Pagsisisihan mo, e.
"Gusto mong manatili ako sa tabi mo noon?" tanong ko sa kanya na may halong pagkasarkastiko at siya naman ay di makasagot. Nakatutok lang sa akin ang amatista niyang mata. "Tyson Maranzano, kung gusto mo akong manatili noon dapat di ka gumawa at nagsabi sa akin ng bagay na ikalalayo ko sayo, na ikakasakit aa dibdib ko! Noon! Noon, bulag na bulag ako sayo umabot pa sa punto na iniisip ko na ayos lang kung ano man ang dahilan mo kung bakit mo ako dinala sa mansyon mo wala akong paki doon basta umuwi ka lang sa akin pero ngayon di na ganoon Tyson! Kaya wag na wag mong ibabalik sa bibig ko ang sinuka ko nang salita sayo dahil di ko na 'yan lalamunin pa ulit! Kung importante ako sayo noon sana..." kinagat ko ang labi ko at pibalis ang luha na lumabas sa mata ko. Tang ina! Nandidito pa rin ang sakit, ang sugat ng kahapon. "...sana tinanggap mo ang pagbubuntis ko noon."
Tumigil ako at huminga ng malalim dahil parang kinapos ako sa hininga sa haba ng sinabi ko. Kinalma ko muna ang sarili ko bago magsalita ulit.
"Gusto mong kunin ang loob ng mga anak ko? Papayagan kita d'yan at... matutulungan kita. Pero wag mong isipin na ginagawa ko ito para sayo dahil tutulungan lamang kita dahil ayaw ko na magtanim ng galit ang mga anak ko sa puso nila. Ayaw kong lumaki sila na ganoon. At kahit papaano ama ka... nila. Pero nasa mga anak ko na kung tatanggapin ka nila o hindi."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top