CHAPTER 22

Chapter 22






Cassidy Pov

"Good evening!"

Ang mga anak ko na abala sa kanila-kanilang assignments ay napalingon sa pintuan ng may biglang magsalita doon. Pati ako na nagtuturo sa kanila at napatingin din sa baging dating.


"Papa Pike!!!" sigaw ng mga anak ko at nagkanya-kanya sa pagtayo at tumakbo kay Pike. Tumayo rin ako at pinagpag ang suot kong shorts.


Nag-squat si Pike at ginulo ang buhok ni Zyrho at Zenver. "Ang lalaki n'yo na. Hindi n'yo ba binibigyan ng sakit sa ulo ang Papadad ninyo?" Kinurot ni Pike ang pisngi ni Zhuri. Napagigil naman ang anak ko.


"We're good boys po, Papa. We also help papadad in house works." pagmamalaki pang saad ni Zenver kay Pike.

Ang tinutukoy ng anak ko na tumutulong ay iyong pagwawalis dito, iyong paghuhugas sa pinggan, at paglalaba. Hindi naman talaga tulong iyon kung tutuusin dahil di pa naman sila marunong. Natatagalan nga ako sa mga gawain dito sa bahay kung tutulong sila sa akin. Pero nakakagaan din sa pakiramdam na gusto nila akong tulungan. Kaya kahit na natatagalan na ako sa ginagawa hinahayaan ko sila.

Sa mga taon na tumira ako dito sa Sagada mabibilang lang sa kamay ko kung ilang beses na umuwi si Pike dito sa kanila. Malaki ang pasalamat ko kay Pike dahil kung hindi dahil sa tulong niya sa akin noon. Hindi ko alam kung saan ako kukuha at hihingi ng tulong sa mga oras na iyon.


Hindi ko alam kung bakit ako tinulungan ni Pike pero lubos ang pasasalamat ko sa kanya at sa kapatid niya na si Owell.


"Cassidy." saad ni Pike. Binigay niya ang mga pasalubong niya sa mga bata kaya bumalik ang mga anak ko doon sa sofa dala-dala ang pasalubong sa kanila ni Pike.

"Buti na kauwi ka na."

"Hmm. Nakauwi si Don noong sunday..." habang nagsasalita si Pike ay nilapitan ko siya dahil may nakita kong may kung ano sa gilid ng labi niya. Tinitigan ko iyon at pasa iyon. Hindi ko na nabawi ang kamay ko nang dumapo na iyon sa gilid ng labi ni Pike. Napahawak si Pike sa kamay ko. "Cass."


Binawi ko sa kanya ang kamay ko at nagtanong, "Saang galing ang pasa mo, Pike?"

Ngumiti lang siya sa akin. "It is a souvenir made by Tyson."

"Huh?"

Bumuntonghininga si Pike. Nilapag niya ang dala niyang bag at saka ako hinila sa kusina. Pinaupo niya sa isang silya at siya ay kumuha rin ng silya para maupuan niya.


"Sabihin mo Pike bakit-"

"The Don learned Cass na ako ang tumulong sayo... nalaman niya na ako ang tumulong sayo na makatakas sa gabing iyon. He also learned na dito ka nakatira sa bahay namin. Kaya natural lang ito. Actually, dapat higit pa dito ang karapat-dapat na parusa ko pero isang suntok lang ang binigay niya sa akin." pagkukuwento ni Pike.

Yumuko at kinamot ang suot kong cotton shorts. I can't help it but to blame myself sa nangyari kay Pike. Ngayon madadamay pa ata siya dahil sa pagtulong niya sa akin noon. Di rin malayo na pati si Owell ay idamay pa dito ni Tyson.

Ayaw ni Tyson na may nakikialam sa gusto niya. Ayaw niya na may nakikisawsaw sa kanyang ginagawa. At mas lalong ayaw niyang may humahadlang sa mga nais niya. At ngayon... itong ginawa niya kay Pike parang mensahe niya ito sa akin na mag-isip akong mabuti sa mga gagawin kong desisyon.

"I'm so sorry, Pike. Kung sana di mo ako tinulungan noon sana ngayon wala kang inaalala. Sana ngayon maayos kang nagtatrabaho kay Tyson. Sana ngayon nananatili kang tapat sa trabaho mo kay Tyson. Sorry talaga Pike. Nadadamay ka dahil sa akin."

Inabot ni Pike ang kamay ko at pinisil niya iyon.

"It was my choice back then to help you Cass. Yes, you plead, but then I have the right to refuse and leave you there at puntahan si Don. Yet, I never did. It is because I act on my own will. That time nakalimutan ko ang tungkulin ko kay Tyson at ang inisip ko lang ay ang matulungan ka." wika ni Pike sa akin at nginitian ako. Napakabuti ni Pike. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakikitang kabiyak niya sa kabutihan na mayroon siya. May hitsura si Pike, para nga sa akin napaka-attractive ng malinis niyang mukha lalo na kapag nakatayo ang buhok niya. Pero hanggang ngayon ay nanatili siyang single.


"Hindi ko alam kung papaano kita mapapasalamatan Pike... sa lahat ng nagawa at naitulong mo sa akin at sa mga anak ko. Kahit na di ko alam kung bakit mo ako tinulungan noon. Labis-labis ang pasasalamat ko sayo, Pike. "


Binitawan ni Pike ang kamay ko saka humilig siya doon sa sandalan ng silya at binuka ang mahaba niyang binti. He rubbed his hands on his jeans and smiled at me. Nakita ko tuloy ang maputi at pantay niyang ngipin. Gwapo rin talaga itong Pike mula pa man noong una kong kita sa kanya. Tapos ang bait niya tingnan lalo kapag ngumingiti.


"You wanna know why I helped you back then?"

Napatango ako sa kanya at nilagay ko ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng mesa. I intertwined my hands together.

"Oo pero ayos lang kapag di ka komportable."

"Hmm. Saan ba ako magsisimula?" he said like he was trying to figure out himself first. "When Don first bring you in his mansion. I just thought you Cass that you're one of his many whores."


"Huh?"


Pike waved his hands. "Don't get me wrong, please, Cass. It was my first impression of you abck then. But eventually when you asked my name and then you also gave you name to me. Somehow, I feel comfortable. Then, I learned that you're Don's captive and your life was in his hands. But the way I saw it before, I really thought it was the other way around. Coz, it seems that Don changed when you were still in his mansion. And he treats you better. And I thought that if you got Don's heart and attention you will be spoiled and used him, but you proved me wrong, Cass. You are different from the Don's past whores."

He sighed.


"You are too good, Cass, and you are so well-behave. That time akala ko ikaw na ang makakapagpapabago kay Don pero di ko aakalain na darating ang panahon na lalayo ka sa kanya, na tatakbuhan mo siya bearing his child. But I understand you, that is why I offer you a help. And I never regreted helping you, Cass. Now, I can see my godchildren, and of course seeing you happy. You deserve the world Cass. You and your children."


Sinsero akong ngumiti kay Pike at pinalis ko ang luha na tumulo sa mata ko. I don't know how to repay his kindness. If only kaya kong bigyan ng partner si Pike gagawin ko kung iyon ang gusto niya.


"Pero may hangganan ang masasayang araw ko, Pike. Gusto rin ni Tyson na makasama ang mga anak ko. Gusto niya ring maging ama sa mga anak ko."

"Alam ko ang ginawa ni Don sayo dati, Cass. Alam ko na gusto ni Don, ni Tyson na ipakuha mo ang anak mo sa sinapupunan mo noon. Pero pwede namang magbago ang tao Cass. Maybe, Don changed this time? Why don't you give him a chance na makilala niya ang mga anak ninyo."


"Hindi ko alam ang gagawin ko, Pike. May parte sa akin na gusto kong bigyan ng chance si Tyson. Pero kapag naalala ko ang sinabi niya sa akin noon na ipa-abort, na ipakuha ko ang bata sa sinapupunan ko bumabalik lahat ng sakit, puot, at pagkasuklam ko sa kanya. Kapag nakikita ko siya Pike. Nandon pa rin ang takot ko sa kanya. Pakiramdam ko sinasakal ako kapag kasama ko siya."


"As much as I don't want the Don to get closed with your children, Cass. But we know what he is capable of doing. Maybe, I can protect you Cass when it comes to closed combats and arms. But if it is a battle of powers and men, Don has it all."


Matalamlay kong tiningnan si Pike. Nakita ko ang pag-aalala at malasakit niya sa amin ng mga anak ko. Ang swerte ko lang na may tao akong nakilala na handa akong tulungan.

Hindi ko man alam kung nasaan na ngayon si Tatay Travis pero sana gabayan niya ako. Sana gabayan niya ako sa mga gagawin kong hakbang. Sana bigyan ako ni Tatay ng lakas ng loob na harapin ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Kung noon nakayanan ko ang lahat sana ngayon kayanin ko rin.

Sa mga pinagdaanan ko dati habang pinagbubuntis ko ang mga anak ko. Ang Diyos at si Tatay at pati na ang bata sa sinapupunan ko lang ang lagi kong pinakukunan ng lakas na lumaban sa araw-araw dati. Ngayon ay nakita ko na ang mga anak ko. May mga anak na ako na siyang dahilan kong bakit ako nagsisikap ng mabuti.





---

Kinagabihan dumating si Owell na pagod na pagod ang mukha. At nang makita niya si Pike na kakalabas sa kwarto niya na nakasando lang at jersey na shorts. Halos mapatalon at tumabling si Owell sa tuwa. Biglang naging full ang energy niya at tinapon ang katawan sa kanyang kapatid.

"Gago, Kuya mabuti at nakauwi ka na! Huwahh! Akala ko nakalimutan mo nang umuwi ng Sagada Kuya. Akala ko-"


"Manahimik ka nga Owell. Ki-lalaki mong tao ang ingay-ingay mo natutulog ang mga inaanak ko."


Natawa ako nang mapangiwi si Owell at sinuntok ang dibdib ni Pike. "Bwesit ka Kuya. Hindi mo ba na-miss ang seksi at maganda mong kapatid?"


"Tsk! Of course, I miss you..."


Nasa sala ako at nanonood laang sa eksena nila magkapatid. Pinatong ko ang binti ko sofa saka ko niyakap ang shin ng binti ko. Kita kong inaaliw ni Owell si Pike para ma-divert ang atensyon nito sa ibang bagay. Kanina ay hinahanap ni Pike si Owell pero sinabi ko na di umuwi dahil may OT siguro. O di kaya'y may ka-changed shift siya.




"Bakit ngayon ka lang Owell? I thought you are working night shift?" tanong ni Pike kay Owell habang naglalakad patungong sala.


Umupo si Pike si sofa, sa mismong tabi ko kaya napaatras ako ng konti upang mabigyan siya ng lugar.

Ngumuso si Owell. "May ka-changed shift ako Kuya kasi nagkalagnat ang ina ng kasamahan ko."


Masamang tiningnan ni Pike ang kapatid niya. "I told you to quit your job, Owell."


"Kuya ilang beses ko rin bang sasabibin sayo na gusto ko na rin ito? Wag kang mag-alala Kuya barista lang ako."


"I know but when people heard about your workplace-"


Pinutol ni Owell si Pike sa pagsasalita. "Bahala na sila Kuya. Pugutan ko sila sa leeg, eh."


Umiling na lang si Pike sa kapatid niya. In-open ni Pike ang telebesyon at tahimik kaming nanonood nang makaalis si Owell. Inunan ko ang ulo ko doon sa tuhod ko habang nanonood sa palabas.


Nakatuon ang mata ko doon sa palabas kaso lang ang utak ko ay wala naman doon sa pinapanood. Tumatakbo ang utak ko sa kaisipan na papayag ba ako sa gusto ni Tyson o hindi. Wala na rin namam kasi akong matatakbuhan pa. Wala na akong mapagtataguan at mahirap na ngayon dahil may tatlo akong anak na kasama. Ayaw ko silang maipit sa gulo namon ni Tyson. Sina Zhuri at Zenver mukhang walang problema doon kay Tyson pero paano naman si Zyrho? He despises Tyson.


Nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa mga anak ko. Kung ipagpapatuloy ko ito patuloy lang din kaming babagabagin ni Tyson. Patuloy lang siya sa pagpunta dito.


"Cass?"


Bigla kong naangat ang ulo ko sa pagtawag at paghawak ni Pike sa kamay ko na nakayakap sa binti ko.


"Huh?" tanong ko sa kanya.


May pananantya niya akong tiningnan. "You're crying." aniya.


Napakurap-kurap ako at kinapa ko ang pisngi ko. Iniwas ko ang tingin kay Pike at nagmamadaling pinunasan ang luha ko. Masyado ata malalim ang iniisip ko para lumuha ako ng di ko namamalayan.




"Cass, are you okay?"


Kinagat ko ang ibabang labi ko at napatingin sa kamay ko na basa sa aking luha. Bumuntonghininga ako.


"Hindi ko alam Pike. Natatakot na naman ako. Nasasaktan ako para sa mga anak ko. I spoil them naman. Gusto ko silang bigyan ng magandang buhay pero ito lang ang kaya ko. At ngayon nandidito na ang ama nila at kaya iyong ibigay ni Tyson... kaso ayaw ko. Ayaw ko silang mapalapit doon sa kanya." umiling-iling ako at pinunasan ang luha na lumabas sa mata ko. "Gulong-gulong ako Pike..."


Umusog si Pike sa akin saka niya kinuha ang kamay ko at gamit aang isang kamay niya. Ang isa naman ay ginamit niya para magpunas sa luha ko.


Niyakap niya ako at binaon ko ang ulo ko doon sa balikat niya. "I'm... here Cass and... Owell nandidito kami." bulong niya sa akin. "I'm not as powerful as Tyson, Cass but whatever your decision is. I will support you. Even if it means quiting my job on Tys-"


"Pike." biglang may nagsalita.


Kapwa kami napahiwalay ni Pike mula sa mahigpit na yakap dahil sa panibagong boses. Nanlaki ang mata kong nakatitig kay Tyson. Si Pike naman ay napalingon at agad na napatayo at saglit na yumuko kay Tyson na bagong dating. Nagtatagis na sa bagang niya habang nagsasalin ang mata niya sa akin at kay Pike.


"Don." si Pike at ako ay nanatiling walang imik.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top