CHAPTER 21
Chapter 21
Cassidy Pov
"Look papadad, oh. Five peso ice cream!" masayang sigaw ni Zenver at tinuro ang naglalako ng sorbetes sa labas ng simbahan. Nagningning ang mata niya nang makakita ng ice cream. Mahilig na mahilig talaga ng mga anak ko sa mga matatamis. Tapos favorite talaga nila ay ang ice cream at chocolates. Pero kung tatanungin mo kung ano ang favorite foods nila. Di magdadalawang isip ang mga anak sa pagsagot na gusto nila ang luto kong barbecue. Hindi ko alam kung inuuto ba ako ng mga anak ko o ano.
Ang magkabilang kamay ko ay hawak ang kamay ni Zenver at Zhuri. Si Zyrho naman ay nakahawak sa kamay ni Zhuri. Ganito kami kapag lumalabas para hindi sila mahiwalay sa akin dapat hawak-hawak ang kamay namin. At nasanay na rin sila sa ganito kapag lumalabas kami. Hindi ko man sila utusan sila na mismo ang aabot sa kamay ko upang hawakan sila.
"Busog pa ba kayo? Eat muna kayo ng kanin bago ang ice cream." saad ko. May gusto rin silang karenderia dito at minsan kumakain kami doon.
"We're full papadad/ I'm full papadad!" sabay nilang sagot sa akin.
"Okay, sige." saad ko. Tuwang-tuwa naman sila at napaduyan-duyan sa kamay namin sa ere. Habang papalapit kami doon sa naglalako ng sorbetes.
Napangiti ako. Simpleng-simple lang ang kaligayahan ng mga anak ko. At natatakot ako na kung dumating ang panahon na... makilala nila ang ama at magbago sila. Baka masanay sila sa buhay na kayang ibigay ni Tyson kaysa sa akin at di na gusto ng mga anak ko sa akin kasi mahirap ako.
Isa iyan sa kinatatakutan ko na mangyari sa buhay ko. Ang layuan ako ng mga anak ko. Maraming kayang ibigay si Tyson sa mga anak ko na di ko kaya. Kaya niyang bigyan ng magandang school ang mga anak ko. Kaya niyang palakihin ang mga anak ko na hindi nadadapuan ng alikabok. Kaya niyang palakihin ang mga anak ko na makukuha ang lahat ng gusto nila. Kayang ibigay ni Tyson ang mga bagay na di ko maibigay sa mga anak ko ngayon. Pagmamahal na walang kapantay at pag-aaruga lang ang kaya kong ibigay sa mga anak. Gayunman, ipaglalaban ko nang patayan ang mga anak ko kung kinakailangan.
"Papa Owell, papadad?" tanong naman ni Zhuri habang papalapit kami doon sa nagtitinda ng sorbetes.
Lumingon ako sa church. Sama-sama kaming nagsimba pero nang matapos ang mass ay nauna na kaming lumabas ng mga anak ko dahil may nakita si Owell na kaibigan niya at nag-usap pa sila.
"May kausap ang papa ninyo. Kaya hintayin na lang natin siya sa sakayan." Ani ko.
"Woah! Ice cream!" Tili nila ng makalapit kami doon sa Manong na nagtitinda ng sorbetes.
"Tatlo nga po." saad ko. Saglit kong binitawan ang kamay ni Zenver at kumuha ng barya sa pitaka ko.
"No, make it four po."
Binaba ko ang tingin ko sa anak ko na si Zyrho. "Dalawa ang gusto mo anak?" tanong ko sa kanya dahil pina-apat niya kasi.
"No, papadad. The other one is for you." sagot ni Zyrho sa akin at nginitian ako.
Ngumiti ako sa kanya at kinurot ko ang maliit at matangos niyang ilong. "Thank you, anak."
Nang makabayad na ako kay Manong ay giniya ko ang mga anak ko sa bench dahil medyo mainit na. Ang bench ay di naiinitan kasi natatakpan ng malaking puno. Isa-isa silang umupo doon dahil abut lang din nila. Pinagigitnaan nina Zenver at Zyrho si Zhuri. Ang kinaroroonan namin ay nasa harap lang din ng simbahan kaya alam kong makikita rin naman agad si Owell kapag lumabas iyon ng simbahan. Mas mabuti na doon kaysa sa sakayan namin ng tricycle mainit din kasi doon.
"Oh my god! Papadad." gulat akong napabaling sa mga anak ko ng sumigaw si Zenver.
Nang makita ko ang hitsura ng anak ko ay agad kong inubos ang ice cream ko at napakalkal sa tote bag na dala-dala ko. Paglumalabas ako kasama ang mga anak ko. May dala talaga akong bag. Lalagyan ng mga damit nila in case na madumihan sila o pawisin. Tapos tissue, powder, cologne, at alcohol. Pero sa pagkakataon na ito ay wala akong dala na tissue o kahit na towel man lang.
Napatingin ako kay Zenver na kumalat a ang chocolate ice cream sa kanyang damit sa baba niya.
"Anak dito muna kayo, huh. Bibili lang si Papadad ng tissue."
"Okay, papadad. I will look after them." wika ni Zyrho.
Agad akong tumukbo sa malapit na store para bumili ng tissue. Mabuti at wala masyadong tao kaya agad akong naasikaso noong tindera. Pagbalik ko doon sa bench kung nasaan ang mga anak ko ay humataw sa kabog ang puso ko nang makita kong wala na ang mga anak ko sa bench. Pinagpawisan agad ako nang malamig.Agad akong naaligaga at hinanap ang mga anak ko.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong ang mga anak konay kasama lang pala ni Owell. Tumakbo ako sa kanila at niyakap ko ang mga anak ko. Hindi nakagalaw ang mga anak ko sa biglaang pagyakap ko sa kanila at si Owell naman ay nakakunot ang noo sa akin.
"Bakit kayo u-umalis doon sa bench. A-akala ko kung nasaan na k-kayo." anang ko sa mga anak ko.
"Hindi sila umalis doon Cass. Nilinisan ko lang si Zen sa CR dahil ang dungis." si Owell ang sumagot sa akin.
Napatingin ako sa mukha ni Zen na malinis na iyon. Napayuko ako at napabuntonghininga. Kinabahan ako. Natakot ako. Akala ko. Pinikit ko ang mata ko. Akala ko kinuha na sila ni Tyson.
Nang matapos kami doon ay umuwi na kami dahil nawala na ako sa mood. Hindi ko rin inimik si Owell. Hindi pa rin kasi humuhupa ang kabog sa puso.
Sumapit ang hapon at pumunta ako sa kwarto si Owell. Nakita ko na naghahanda na siyang umalis para sa trabaho niya. Hindi muna ako tululoy at kinatok ko ang nakabukas niyang pintuan.
"Pasok Cass." aniya nang makita ako sa may pintuan ng kwarto niya.
Ngumiti ako sa kanya at pumasok.
Umupo ako sa kama niya at pinagsiklop ang kamay ko.
"Owell, pasensya na kanina."
Napatigil siya sa pagtupi ng damit niya sa bag. "Huh?" naguguluhan niyang tanong.
"Kanina doon sa labas ng simbahan. Pasensya ka na at-"
Napatingin ako kamay niya na dumapo sa kamay ko na nasa aking kandungan.
"It's okay Cass. Alam ko. Alam ko kung bakit ka naging ganoon. I understand."
"Salamat talaga, Owell."
"Hayst! Ano ka ba parang kapatid na nga ang turing ko sayo mula noong dumating ka dito. At mahal na mahal ko rin ang mga anak mo Cass. Kaya kahit na anong mangyari nandidito ako at si Kuya Pike para sa inyo."
Niyakap ko si Owell. "Salamat sa inyo Owell. Kung hindi dahil sa inyo hindi ko alam kung saan na ako ngayon pupulutin—ako at ang mga anak ko."
Kumalas si Owell sa pagkakayakap.
"Hmm, mag-ingat kayo dito. Wag ninyong buksan ang pintuan kung may kakatok kasi may susi naman ako. At i-lock mo lahat ng pintuan sa bahay."
---
"Papadad, papadad wake up. The sun is already high, Papadad." nagising ako na parang lumlindol ang mundo dahil sa mga anak ko.
"Zen stop it." rinig kong suway ni Zyrho sa kapatid niya.
"But Kuya! It's monday. We need to go to school and Papadad is going to his work as well." pag-aargumento ng anak kong Zenver.
Gumising ako at hinagod ko ang mata ko. Nakita kong gising na gising na ang mga anak ko at nagtatalo na naman. Nakaupo na silang tatlo sa kama at nagsusukatan na sa tingin ang dalawa kong lalaki.
"Ano ba 'yan nag-aaway kayo? Wala kayong loving kay Papadad n'yan." ani ko nang makaupo ako sa kama.
"NOOOOO!!!" sabay nilang sigaw.
"Eh, nag-aaway kayo."
"No, Papadad. We didn't right, Zen?" si Zyrho na kinikindatan ang kapatid.
Ngumuso ang malambot kong anak na si Zen. "Yes, Papadad Kuya is right."
Lihim akong napatawa sa kanila at isa-isa silang pinugpog ng halilk at kiniliti. Napuno ang maliit naming kwarto sa kanilang mga halakhak.
"Pagnag-away kayo malulungkot si Papadad ninyo. Di ko na kayo love kaya wag kayong mag-away, huh."
"Yes, Papadad!" sabay nilang sagot at ako naman ngayon ang inulan nila ng kanilang halik. Halos mabasa na ang mukha ko sa kanila. Nagpapaligsahan silang tatlo kung sino ang magmalutong maghalik sa akin. Kaya bago pa magtalo ay inawat ko na sila at pinaliguan.
Sumabay na ako sa mga anak ko sa pagligo dahil natagalan akong gumising. Binihisan ko silang tatlo sa uniform nila at saka lumabas kami at kumain. Mabuti na lang at may luto na si Owell. Kapag umuuwi si Owell ay nagluluto muna siya bago natutulog lalo na ngayon na night shift siya. Pagkatapos naming kumain ay pumunta ako sa pintuan ni Owell at kumatok ng tatlong beses.
"Owell, aalis na kami ng mga anak ko."
Naghintay ako ng sagot niya.
"Sige. Ako na susundo sa kanila. Mag-iingat kayo." sagot naman nito mayamaya.
"Sige Owell, salamat."
Isa-isa kong sinukbit sa mga balikat ng anak ko ang kani-kanilang bag at sabay na kaming lumabas sa bahay. Humawak sina Zen at Zhuri sa kamay ko tapos si Zyrho naman ay humawak doon sa kamy ni Zhuri at sabay na kaming naglakad. Papalabas na kami sa maliit naming bakod nang makita ko si Tyson na nakahilig sa hood ng sasakyan niya na Audi at kulay itim. Ang damit niay rin ay puro itim at pati na ang wrist watch niya ay itim din.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ng mga anak ko. My lips tightened and I diverted my eyes on the other direction.
"Papadad." rinig kong tawag sa akin ni Zyrho.
"Look, baby sister the handsome man from the other day." talagang tinuro pa ni Zen ang kinatatayuan ni Tyson.
"Yes, Kuya Zen. Look at his car. It's sooo awwweeessoommeee. I wanna ride that one." wika nang anak kong si Zhuri.
Tiningnan ko sila na parang kumikinang ang mata nila habang nakatingin doon sa sasakyan ni Tyson. Si Zyrho naman ay nakatingin nga doon kay Tyson pero galit naman ang nasa mata niya.
Para nang nangangati ang paa ko na makaalis pero wala pa si Manong Junior. Napatingin ako sa wrist watch ko na binigay sa akin ni Owell. By one take pa iyon. Sa mga ganitong oras kasi ay dapat nandidito na si Manong Junior.
Napaigtad ako nang biglang may yumakap sa binti ko at nakita kong yumakap doon si Zyrho. Nagtago si Zyrho sa likod ko. Sinubsob niya ang mukha niya doon sa binti ko. At doon ko pa napagtanto na nasa harapan na namin ang sasakyan ni Tyson. Napaatras ako ng isang beses at hinawakan ng mahigpit ang kamay nina Zen at Zhu.
Lumabas si Tyson doon sa sasakyan.
"Tyson." may diin kong wila sa pangalan niya.
Ang binti ko at labi ay sabay pang nanginig.
"Cassidy."
"Tyson, anong ginagawa mo dito?"
Binaba niya ang tingin sa mga anak ko at napatingin din naman ako sa kanila. Malaki ang ngiti ni Zhuri kay Tyson tapos si Zenver naman may kumunot ang noo. Habang si Zyrho ay nagtatago pa rin sa likod ko. Yumuko si Tyson sa kanila. Ako ang kinakabahan ginagawa ni Tyson.
"Ty-"
"Hi!" wika ni Tyson kay Zhuri. Halos mahigit ko ang hininga ko. I've never heard him before talk so sweet and calm.
Mas lumaki ang ngiti ni Zhuri kay Tyson. "Hello!" magiliw niyang anang kay Tyson.
Bumaling naman si Tyson kay Zenver. "Hi ki-"
Naputol si Tyson nang magsalita si Zenver.
"Are you our papadad's friend?"
Tiningnan ako ni Tyson saglit at binalik niya ang mata niya kay Zenver.
"I am."
Muntik na akong napatawa sa sinagot ni Tyson sa anak ko.
"But Papadad said you're not hi-"
Pinigil ko si Zenver at nagsalita, "Anong kailangan mo Tyson? Papasok pa ang mga anak ko sa school."
Tumayo ng maayos si Tyson at nanunukat ang matang tiningnan ako. "I'll give them a ride."
"May masasakyan kami kaya salamat na lang. Umalis ka na dito Tyson." pagtataboy ko sa kanya.
"You're waiting for your tricycle driver? I already shoo him away."
"Ano?" kunot-noong tanong ko kay Tyson. Anong karapatan niyang paalisin si Manong Junior?
"Papadad." bumagsak ang tingin ko kay Zhuri ng kinalabit niya ang suot kong slacks na uniform ko sa pinagtatrabahuan kong hotel dito sa Sagada.
"Anak."
"Papadad, let's ride on mister's car. Pleaseee!" lumambot ang mukha ko sa sinabi ni Zhuri.
"Anak..."
"I always dream of riding that kind of car papadad." saad ni Zhuri at tinuro ang makintab na sasakyan ni Tyson. "I saw it on TV and it looks cool, right Kuya Zen? Kuya Zy?"
Mahina ang pagtango ni Zen.
"I don't like his car, baby sister." si Zyrho at lumabas sa likuran ko.
"Kuya. You also said you want to ride a car like this, right? You even said that one day we can ride one and of course with our Papadad. So, please Kuya, Papadad, let's take mister's offer."
Sa huli sumakay kami sa sasakyan ni Tyson. Ayaw ko mang maniwala sa nakita ko pero talagang nakita ko ang pagngiti ni Tyson nang pumayag ako. Nakita ko talaga ang saya sa mukha niya habang inaakay niya ang mga anak ko paakyat sa sasakyan niya. Ang tatlo kong anak ay nasa likod at ako naman ay nasa shotgun seat. Ayaw ko man dito pero magsisiksikan naman kami ng anak ko doon sa likod kung ipagsiksikan ko ang katawan ko doon sa kanila.
Napatingin ako sa mga anak ko na nasa likod at kita ko sa mukha ni Zhuri ang tuwa. Napapalinga-linga pa siya sa ulo niya sa loob ng sasakyan aliw na aliw siya. Si Zenver naman ay behave na behave pero nakikita ko ang tuwa sa mukha niya at ang oaninibago niya sa sinasakyan. Si Zyrho naman sa gilid ay di ko alam kung masaya ba siya o hindi. Diretso lang kasi ang mata niya na nakatingin sa harap.
Pagdating sa school ay bumaba ako at hinalikan ko sila.
"Si Papa Owell ang susundo sa inyo mamaya, huh. Wag lalabas ng school kapag wala si Papa." paalala ko sa kanila.
"Yes, papadad." saad nila at isa-isang hinalikan ang pisngi ko.
"Papadad, ride po ba tayo ulit sa car ni mister?" pabulong na tanong ni Zhuri sa akin nang halikan niya ang pisngi ko.
"Zhuri..."
"Baby sister, let's go." anang ni Zen.
"Zyrho, look after your brother and sister."
"I will papadad."
Nang makita kong makapasok na sila sa loob ay tumalikod na rin ako at maghihintay ng tricycle upang pumasok na sa trabaho ko nang biglang may humawak sa braso ko.
Tiningala ko ang may-ari ng malaking kamay na humawak sa braso ko.
"Tyson, ano ba? Nahatid mo na ang mga anak ko. Kaya umalis ka na rin."
Gumalaw ang panga niya. "Let's talk." malamig niyang saad.
"Anong pang pag-uusapan natin Tys-"
"About our children. I will give you a ride at your workplace then we'll talk."
Winaksi ko ang kamay niya sa braso ko at nauna na akong maglakad patungo sa kotse niya.
"Mag-uusap tayo pero madali lang dahil may trabaho pa ako. Ayaw kong mapurnada ang trabaho ko dahil sayo."
Sumunod sa akin at sumakay sa driver's seat. Di na ako nagtanong kung paano niya nalaman ang lokasyon ng pinagtatrabahuan ko. Sa kapangyarihan meron siya di na ako magugulat doon. Tahimik lang kaming dalawa patungo sa hotel. Di ko siya magawang tingnan kaya inaliw ko ang mata ko sa labas. Ayaw ko rin namang magsalita sa kanya.
Pagdating sa hotel na pinagtatrabahuan ko ay kinalas ko ang seatbelt ko. Humilig ako sa kinauupuan ko at sumilip doon sa hotel.
Mayamaya ay nagsalita na ako dahil ang tahimik niya. "Bababa na ako kung-"
"My mind won't change Cassidy. I want to know more about my children. Whether you like it or not, I want my children, too. I want to spend time with them. I wan to spoil the-"
Tumigil siya nang sarkastiko akong tumawa sa kanya. "Tyson. Spoil them? Tapos ano? Ilalayo mo sa akin ang mga anak ko? Ilang beses ko bang isaksak dyan sa kukuti mo na iyang mga bata na sinasabi mong anak mo ay iyon 'yong pinagbubuntis ko na gusto mong ipa-abort! Tapos ngayon ang lakas ng loob mong sabihin sa akin iyan! Nang araw na sinabi mo sa akin na ipa-abort sila. Iyon din ang araw na tinapon mo ang karapatan mo sa kanila—sa akin! Kaya tumigil ka na!" sigaw ko sa kanya.
"Cassidy. I know I said those things but I still have the right! You cannot have them without my-"
"MARANZANO! Tyson, sige sabihin natin na kung wala ka... siguro di rin ako mabubuntis. Sige may ambag ka pero ikaw ba ang naghirap, huh?! Halos siyam na buwan sila sa sinapupunan ko Tyson. At sa siyam na buwan na iyon..." napalunok ako dahil parang may bumara sa lalamunan. Biglang ay tumusok sa dibdib ko nang maalala ko ang mga pinagdaanan ko ng pinagbubuntis ko ang mga anak ko. Namuo ang luha sa mga mata ko. Pero matapang ko pa ring sinalubong ang mga malalamig na titig ni Tyson.
"Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko Tyson." may riin kong saad. "Hindi mo alam kung ano ang naramdaman ko sa mga araw na dumaan habang iniisip ko na kaya ko bang palakihin ang magiging anak ko? Kaya ko ba silang bigyan ng maayos na buhay? Hindi mo alam ang hirap ko sa mga araw na dala-dala ko ang mga anak ko at nagbibilad ako sa araw para lang makabinta at para may pangtustos ako sa mga kailangan ko. May mga gusto akong kainin! May mga gusto akong bilhin pero di ko mabili kasi wala akong pera kinukulang ang pera ko. Hindi mo alam ang naramdaman ko..." biglang tumulo ang luha ko nang di ko na makayanan ang sobra-sobra naramdaman ko. "nang mawalan ako ng malay sa tabing daan dahil sa sobrang pagod pero wala ni isang tao ang lumapit sa akin at tumulong. Nawalan ako ng malay doon habang nagtitinda at pagkagising ko wala man lang niisa na ang lumapit sa akin at tinanong ako kung ayos lang ba ako." Maybe, dahil sa mga panahon na iyon bago pa lang ako dito at wala akong kakilala dito kaya walang tumulong sa akin hanggang sa magising ako.
"Kaya wag kang magmalaki sa akin Tyson na para bang ang laki ng inambag mo sa mga anak ko. Wala kang alam sa mga paghihirap ko sa mga panahon na dapat ay kailangan kita." Pinalis ko ang luha ko at di ko na siya hinintay na nakapagsalita. Lumabas na ako sa sasakyan niya at pumasok sa trabaho ko.
___
So far, ito ata ang pinakamahabang update ko sa story na ito.🤣
Thank you for reading!❣🙈
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top