CHAPTER 2
Chapter 2
Cassidy Pov
"What... what's the meaning of this, Cassidy?" tanong ni Tyson saka tumingin sa akin. "Are they mine?"
Napanganga na lang ako nang marinig ko ang huling sinabi ni Tyson sa akin. Paano niya nasasabi iyan ngayon? Bat ang dali niyang sabihin na sa kanya ang mga anak ko! Ganyan na ba talaga kakapal ang pagmumukha niya upang sabihin iyon sa pagmumukha ko. Noon, ang dali ring niyang sinabi sa akin na ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko.
Bumaba ulit ang mata ni Tyson sa mga anak ko. Binaba ko rin ang mata ko at nakita ko ang takot sa mga mata nila habang nakatingala sa ekstrangherong tao na nasa harapan namin ngayon. Si Zhuri at Zenver ay mahigpit na nakakapit sa pantalon ko habang si Zyrho naman ay nakikipagtagisan nang tingin kay Tyson.
"Answer me, Cass. Are they-"
"Walang sayo dito, Tyson." putol kong sagot sa kanya. Uulitin na naman niya ang tinanong niya kani-kanina lang. "Ngayon na nasagot na kita. Aalis na kami ng mga anak ko." habol ko saka hinawakan ang maliit na kamay ni Zhuri at Zenver. Si Zyrho kasi ay sanay na siya na humahawak lang siya sa kamay ni Zhuri.
Tinalikuran na namin si Tyson doon na hindi na makapagsalita. Agad akong pumara ng tricycle para makauwi na kami sa bahay namin. Kahit na sa pagdating namin ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko ulit si Tyson pagkatapos ng anim na taon. Hanggang sa matapos ang hapunan namin ay lutang pa rin ako. Si Owell naman ay hindi pa nakakauwi dahil sa bar siya nagtatrabaho kaya natural lang na matagal siyang nakakauwi.
Ngayon ay nasa sala ako habang nakatulalang nakatingin sa mga damit ng anak ko sa harap ko. Hinihintay ko sila na matapos sa pagha-half bath nila. Oo, sa mura nilang edad ay alam na nila iyon.
"Papadad, we're done." sigaw ng anak kong si Zenver ang nagpukaw sa akin mula sa malalim na pag-iisip.
Tumayo ako saka pumunta sa cr. Isa-isa ko silang binigyan ng tuwalya. Si Zhuri naman ay ako pa ang naglinis sa kanya pagkatapos ng mga kuya niya. Nang matapos ay dinala ko sila sa sala saka sila binihisan. Si Zyrho ay marunong na saka si Zenver pero nga lang si Zenver minsan ay nababaliktad niya ang pagsuot niya nang tshirt. Wala silang pasok bukas kaya pwede silang manood ngayon ng palabas.
Ang gusto ni Zyrho ay Detective Conan pero ang gusto naman ni Zhuri at Zenver ay Barbie kaya nagkibit na lang ng balikat niya si Zyhro dahil talo siya sa dalawa niyang nakababatang kapatid.
"Papadad, sino po iyong lalaki kanina? Bakit tinanong ka niya na sa kanya kami?" habang ang buong atensyon ng dalawang anak ko ay nasa TV si Zyrho naman sa gilid ko ay inosenteng nakatingin sa akin.
"Anak..."
"Siya po ba ang daddy namin?"
Kinagat ko ang labi ko dahil sa tanong niya. Noon, hindi ko narinig mula kay Zyrho na nagtanong siya tungkol sa ama niya. Hindi siya kailanman nagtanong kung may ama ba sila o wala. Tanging iyong dalawang anak ko lang na si Zhuri at Zenver ang nagtatanong sa akin. Ngayon lang nagtanong sa akin si Zyrho tungkol sa ama nila.
Nasasaktan ako para sa mga anak ko. Hindi ko alam kung dapat ba nilang malaman na iyon ang ama nila. Ang ama nila na gusto silang ipalaglag noon. Nasasaktan at naninikip pa rin ang dibdib ko tuwing naaalala ko ang pangyayaring iyon. Matagal na pero ang sakit nandidito pa rin. Hindi na ako nasasaktan sa sarili ko dahil ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay dahil na sa mga anak ko.
"Papadad, kung kukunin niya kami sa iyo wag po kayong papayag. Wag niyo po kaming ibigay sa kanya. Ayaw ko po sa kanya." humigit ako nang malalim na hininga saka iyon binuga. Nilapit ko ang katawan ko sa kina-uupuan ng anak ko saka siya niyakap. Ang maliit niyang kamay ay gumapos sa katawan ko. "We don't him naman po diba, papadad. Kaya wag niyo po kami ibigay sa kanya. Okay lang pa na mahirap tayo. Okay lang papadad, na laging tuyo ang ulam natin. Okay lang papadad na wala tayong kotse. Okay lang papadad na wala tayong malaking house basta kasama lang po kita."
Humigpit ang pagkakayakap ko sa anak ko na Zyrho. Tumulo ang luha ko na kanina ko pa kinikimkim. "Hindi ko kayo ibibigay sa kanya anak. Hindi iyon gagawin ng papadad niyo. Kayo na lang ang meron ako anak, kaya kahit na anong mangyari hindi ko kayo ibibigay sa kanya." bulong ko sa anak ko saka hinalikan siya.
Tumango-tango si Zyrho saka kumalas sa pagkakayakap namin at pinugpog niya ako ng halik. "I love you, papadad." aniya saka pinunasan niya ang luha sa pisngi ko gamit ang maliit niyang kamay.
Napangiti ako.
Pumikit ako at hinalika siya sa noo. "I love you rin anak."
"Wahhhh! Kami rin papadad. Where's our kisses." pag-i-eksahirada naman ng anak kong si Zenver saka tumakbo sa akin. Umalis sa kandungan ko si Zyrho saka pumalit doon si Zenver na nagpahalik din sa akin.
"Hahahaha, I really love your kisses, papadad. I want mooorrreeeee."
"Ako na kuya." pagmamaktol ng nakakabata nilang kambal na si Zhuri. Tinukso pa siya ni Zenver at nag-inarte si Zenver na hindi aalis sa kandungan ko.
Nagkakatawaan kami nang mga anak ko nang may kumatok sa pintuan namin. Kumunot ang noo ko ang aga naman atang nakauwi ni Owell galing sa trabaho niya. Nilapag ko si Zhuri sa tabi ng mga kappatid niya at pumunta sa pintuan. In-unlock ko iyon at binuksan.
"Good evening."
Gulat na gulat ako nang makita ko kung sino ang nakatayo sa harap ko ngayon. Hindi agad ako nakabawi sa gulat ko at nakangangang nakatingin lang kay Tyson na nasa paanan nang pintuan. Bigla akong pinagpawisan at ang tuhod ko ay nanginig. Ang takot ko ay biglang bumalik. Nang makabawi ako ay isasara ko na sana ang pintuan pero mabilis ang kilos ni Tyson at iniharang niya ang kamay niya.
"A-anong ginagawa mo dito sa pamamahay namin, Tyson? Pakiusap umuwi ka na." Usal ko pero di niya iyon pinakinggan.
"I want to see my children." aniya saka tinulak ang pintuan at humakbang papasok. Nataranta ako.
Sinara ko ang pintuan at sumunod kay Tyson. Tinakbo ko ang distansya namin ni Tyson saka hinila ang polo shirt niya kaya napatigil siya sa paglalakad.
"Tyson. Anong hindi mo naintindihan sa sinabi ko sa iyo kanina? Hindi mo sila anak. Wala kang anak dito kaya umalis ka sa pamamahay namin!" Ulit ko sa sinabi ko.
Tinanggal ni Tyson ang pagkakapit ko sa polo niya at hinarap ako. Mabuti at abala ang mga bata sa palabas.
"You cannot fool me, Cass. I know they're my children."
Nag-ipon ako nang hangin sa dibdib ko at sisigaw na sana ako nang biglang nagsalita ang anak kong si Zenver.
"Papadad, the movie is already do-"
Nabitin ang pagsasalita nang anak ko nang makita niyang may ibang tao ang nasa bahay namin. Dahil natigil siya pati ang mga kakambal niya ay napatingin na rin sa direksyon namin. Sa kabila ng kaba at takot ko ngayon ay madali kong dinaluhan ang mga anak ko.
"Mga anak matulog na kayo doon sa kwarto niyo. Susunod lang si papadad ninyo." sabi ko sa kanina at isa-isa silang pinatakan ng halik sa ulo nila.
"Papadad, who is he?" tanong ni Zhuri sa akin saka tumingin kay Tyson sa likuran ko. Napatingin din ako sa kanya pero agad ko ring inalis ang mata ko at binaling sa mga anak ko. Nakita ko ang kalituhan sa mata ni Zhuri at Zenver.
"Let's go to bed." kaming tatlo nang mga anak ko ay napatingin kay Zyrho na nakatayo. Alam ko na nakuha ni Zyrho ang ugali at ibang mannerism ni Tyson at hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba iyon o hindi. Kagaya ngayon na walang akong mabasang emosyon sa mata ng anak ko. Alam ko rin na matalino siya at iba na siya mag-isip kumpara sa mga kakambal niya.
"Our milk papadad." usal ni Zen.
Napatango ako muntik ko nang makalimutan ang gatas nila. "I-isusunod ko lang doon anak. K-kakausapin ko muna iyong b-bisita."
Tumango si Zen at Zhu habang si Zy naman ay nanatiling walang imik at alam ko na ayaw na niya sa atmospera dito.
"S-sige na sumunod na kayo sa kuya Zy ninyo." anang ko. Kahit na naguguluhan sila ay sumunod pa rin sila kay Zyrho patungo sa kwarto nila. Si Zen at Zhu ay nagawa pang lingunin si Tyson bago nagtungo sa kwarto nila pero si Zy ay hindi diretso lang ang lakad niya.
Nang makapasok na sila sa kwarto nila ay binalingan ko saglit si Tyson na nakasunod ang mata sa mga anak ko.
"They share a room?" tanong niya.
Bumuntong hininga ako. "Ano naman sayo? Kaming apat ang nasa iisang kwarto." anang ko na kinasalubong ng makapal at hulmang-hulma niyang kilay. "Umalis ka na Tyson. Matutulog na kami." Pagtataboy ko na naman sa kanya saka ako tumalikod sa kanya at tumungo sa kusina upang ipagtimpla ng gatas ang mga anak ko.
Pagdating ko sa kusina upang ipagtimpla ko nang gatas ang mga anak ko ay nakita kong malapit na namang maubos ang gatas nila. Nakalimutan kong bumili ngayon. Dahil sa meeting kanina sa school at dahil na rin kay Tyson. Pagkatapos kong magtimpla ay dadalhin ko na sana ang tinimpla kong gatas sa silid namin nang makita ko si Tyson na papalapit sa akin. Inilapag ko ang mga baso sa mesa.
"Bat di ka umalis?" ako.
"I'll help you bring that to the-"
"TYSON!" sigaw ko. "Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo? Saka diba pinapaalis na kita bakit nandidito ka pa? Bat parang umaakto ka ngayon na parang walang nangyari noon? Hindi mo na ba naalala ang mga nangayri noon!"
Masama niya akong pinukol ng tingin. "They are also my children so let me help you."
Pagak akong napatawa dahil sa sinabi niya. "Nakalimutan mo ba talaga ang nangyari noon Tyson? Tyson! Iyong sinasabi mong mga anak mo ngayon iyan yong mga bata na sinabi mo noon na ipalaglag ko! Nakalimutan mo na ba iyon? Tapos ngayon nandidito ka at uma-angkin sa mga anak ko? Wala ka nang karapatan sa kanila simula noong gabing sinabi mo sa akin na ipalaglag sila!" tumulo ang luha ko nang naalala ko na naman ang mga nangyari noon. "Saka," humigit ako ng malalim na hininga dahil naninikip ang dibdib ko, "hindi ko kailangan ng tulong mo. Nabuhay ako at ang mga anak ko sa loob ng anim taon na wala ka. Kaya wag ang aakto dyan na parang kailangan na kailangan kita o ng mga anak ko!" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Hinihingal ako matapos ang pagsigaw ko sa kanya pero di man lang siya natinag. Malamig niya lang akong tinitingnan.
"I knew what I did before. But right now, I want to know them." Mataman niyang saad sa akin. Napatanga na lang ako sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top