CHAPTER 14
Chapter 14
Cassidy Pov
Dinala ako ni Raven sa isang sulok na kami lang dalawa at walang dumadaan na tao sa kinaroroonan namin. Tapos sa unahan ay may restroom. Nagpalinga-linga si Raven sa paligid namin na parang naniniguro na wala talagang tao.
Anong ginagawa ng isang police officer dito? Isa rin ba siya sa kilala ni Tyson? O kasamahan sa negosyo?
Pormal na pormal din si Raven sa suot niyang suit na maroon ang kulay. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon kumpara noong doon sa bar.
"Raven, bakit mo ako dinala dito?" tanong ko sa kanya.
"Cassidy. Si Maranzano ba ang kasama mo dito?" di niya sinagot ang tanong ko.
"Si Tyson ba tinutukoy mo?"
"Tyson Greg Maranzano... sinama ka niya dito?"
Bumuntonghininga ako. Ano ba itong tinatanong sa akin ni Raven? Saka bat kilala niya si Tyson?
"E-escort niya ako. Kaya ako nandidito."
Syempre ayaw ko namang sabihin sa kanya na hawak ako ni Tyson. Na alipin ako ni Tyson.
"Cassidy... makita ko ang Auntie mo at ang mga pinsan mo. Sinabi nila sa akin na sumama ka raw sa ianag lalaki? Sabihin mo Cassidy. Si Tyson ba iyon? Si Tyson ba ang tinutukoy nila?" may pag-aalalang ani niya.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Raven. Nagkita sila ni Auntie at sa mga pinsan ko. Kinabahan ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Pilit kong kinakalma ang puso ko na pilit kumakawala sa dibdib ko dahil sa kaba.
"A-ano ba ang sinasabi mo Raven?" pagmama-ang maangan ko sa kanya.
Napangiwi ako nang biglang hulihin ni Raven ang dalawang braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya doon at naangat niya ako sa ginagawa niya.
"Cassidy. Pulis ako matutulungan kita. Whatever your problem is tutulungan kita. Kahit si Tyson pa man iyan." pangpipilit niya sa akin.
"R-raven nasasaktan ako."
He snapped out at agad akong binitawan. Gulat din siyang nakatingin sa akin. Gulat siya sa ginawa niya sa akin.
"S-sorry Cassidy. I just want to help you. Sinabi ng Auntie mo na para ka daw'ng napilitan lang na sumama sa taong kasama mo noong umuwi ka sa bahay ninyo. At sabi rin niya na parang may kaya rin ang lalaking kasama mo..."
"... paano kayo nagkita ni Auntie Tanya, Raven?" pinutol ko siya.
Huminga siya. "Pinuntahan ko ang bahay mo nang di kita makita sa bar na pinagtatrabahuan mo. At may nakapagsabi sa akin na di ka na daw pumapasok kaya napapunta ako sa bahay ninyo para kumustahin ka. At iyon na... kinuwento na ng Auntie mo kung ano ang nangyari sayo."
"Si... sina Auntie kumusta na sila Raven."
Bumuntonghininga si Raven. "Cassidy, hindi ito ang tamang oras para alalahanin mo sila. Nasa maayos naman sila at kung di mo rin natatanong maayos din ang ama mo sa kulungan. I look after him."
Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Raven. Mabuti at maayos lang si tatay doon sa kulungan.
Pero ang kalagayan ko ngayon... sasabihin ko ba kay Raven ang kalagayan ko? Kung sasabihin ko ba matutulungan nuya talaga niya ako? Kung sasabihin ko ba sa kanya may magagawa ba talaga siya? Magtitiwala ba ako sa sinasabi ni Raven sa akin ngayon? Maasahan ko ba talaga siya? Matutulungan niya ba talaga akong makaalis sa nakaka-dena kong leeg kay Tyson?
Hindi ko rin naman kilala si Raven. Nagkausap lang kami ng ilang beses at bukod sa pangalan at propesyon niya iyon lang ang alam ko sa kanya. Kaya papaano ako magtitiwala sa kanya? Ako nakita ko na kung gaano ka makapangyarihan si Tyson at kung ikukumpara ko silang dalawa. Masasabi kong mas makapangyarihan si Tyson.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ito na sana. Ito na sana ang hinihiling kong tulong. Kaso kung makakaalis ako sa bahay ni Tyson makakasiguro ba ako na di na ako makikita ni Tyson? Teka bat parang may pumipigil din sa akin. Bakit parang may pumipigil sa akin na wag umalis. Na wag tumakas.
"Maybe you don't trust ne enough Cassidy, but here's my number. Just give me a call at tutulungan kita. Pupuntahan kita kahit na saan ka man."
Hindi ko tinanggap ang calling na binigay niya sa akin kaya ipinasok na lang iyon ni Raven sa bulsa ng suit ko na nasa bandang dibdib.
"Sige na bumalik ka na doon. Baka hinahanap ka na."
Katulad ng sinabi ni Raven. Pagbalik ko doon ay tumataas na ang leeg ni Tyson. Lumapit ako sa kanya.
"Where the hell did you go? I was looking for you!" nagtatagis ang bagang niyang tanong sa akin. Hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit kaya napangiwi ako doon. Kanina rin ay hinawakan iyon ni Raven tapos dinagdagan niya pa. Kung kanina hila-hila ako ngayon naman ay braso ko na naman ang balik na pigain.
"Na..." di ko maaaring sabihin sa kanya iyong pag-uusap namin ni Raven. "Nag-CR lang ako Tyson. Natagalan lang dahil... mnaraming tao."
"Grab your food so that we can take a sit."
Tumango ako sa kanya at nauna nang maglakad si Tyson patungo sa table namin kanina kaso nang kumuha ako ng isang plate ulit ay may biglang nagpaulan ng bala kaya napasigaw ako sa takot!
"AHHHHH!!!" napaupo ako sa sahig at tinakpan ko ang tainga ko gamit ang kamay ko dahil sa balang umuulan sa paligid ko.
"T-tysonnn...." agad na bumuhos ang luha ko dahil aa takot ko. Nanginginig na ang kamay ko at tugod. Ang malalamig na pawis sa noo ko ay nagsilabasan na.
Wala na akong paki kung nasasagi na ako sa mga taong nagpapanic sa paligid ko. Ang iba napapatid ako at natatapakan ang paa ko pero di ako gumalaw. O tamang sa sabihin ko na hindi ako makagalaw ngayon dito sa kinaroroonan ko.
Ang ingay na pinaghalong sigaw ng mga tao at palitan ng bala ang nagpapabingi sa akin. May mga narinig akong pagkabasag ng mga babasaging bagay, mga bala na tumatama sa mesa at sa dingding. Ako ay sigaw rin ng sigaw ng tulong. At minsan natatawag ko ang pangalan ni tatay ko dahil sa sitwasyon ko.
May humawak sa kamay ko kaya napatingin ako doon.
"Tyson." usal ko.
Ang kamay ni Tyson ay may hawak na isang hand gun. Gumapang kami ni Tyson sa sahig dahil may nagliliparan pa rin bala sa ere.
"Stay here. Babalikan kita dito. Okay?" si Tyson ng makarating kami sa ilalim ng mesa.
"P-pero natatakot ako."
"Magtago ka lang dito. Babalikan kita." anang ni Tyson at lumabas sa ilalim ng mesa saka nakipagpalitan ng putok.
Sa ilang minutong putukan ng baril ay umiiyak lang ako sa ilalim ng mesa at yakap-yakap ang tuhod ko. Nang may kamay na humila sa akin ay sisigaw na sana ako nang makita kong si Tyson iyon.
Umalis ako sa ilalim ng mesa saka tumayo. Wala nang putukan. Pero ang paligid ay may mga nakahandusay ng mga tao. Mga basag na salamin, ilaw at iba. Sobrang kalat at may mga talsik pang mga dugo. Sa paglinga-linga ko sa paligid ay biglang umikot ang mundo. Ang masangsang na amoy ng dugo at iba pang amoy ay nalanghap ko ay iyon ata ang napaliyo sa akin. Pilit ko namang nilalabanan ang pagbigat ng takip mata ko kaso nilamon na ako nito.
---
Nanlalabo ang mata ko nang magising ako. Kinusot ko ang mata ko para luminaw ang paningin ko. Napabangon mula sa pagkakaunan ko sa hita ni Tyson. Napahawak naman ako sa ulo nang naramdaman ko ang pagsakit doon.
Napatingin ako sa paligid ko at na-realized kong nandidito na kami ni Tyson sa limo niya. Tumingin ako kay Tyson na naka-poker face lang.
"Feeling better?"
"Ahm, oo." sagot ko sa kanya.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari doon sa party kaya bumalik naman ang naramdaman kong kaba kanina at takot. Napapahinga ako ng malalim. Kinakalma ko ang loob ko.
Pinikit ko ang mata ko at sapilitan kong inaalis ang mga naririnig kong putukan ng baril at sigaw ng tao kaso para lang akong hinihila nito pailalim at para akong natatabunan sa ingay at sigaw. Tumulo na naman ang luha ko.
Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Paano ko ba maibabalik ang dati kong tahimik na buhay? Ayaw ko nito. Ayaw ko.
"It's fine. It's over."
Naimulat ko ang mata ko. Tyson jail my face on his calloused palms. Kinagat ko ang labi ko bago ko siya niyakap.
"Natatakot ako. Natatakot ako Tyson. Ayaw ko nang ganito. Please, ayaw ko nito."
"Hushhh!"
---
Nang mga sumunod na araw ay wala na naman si Tyson sa bahay niya. Balik na naman ako sa pagiging bagot. Pero mas nabagot na ako ngayon kasi wala aking mapaglilibangan. Di na rin kasi ako nilalapitan ni Kiert at natatakot na rin ako para sa kanya. Baka kung ano kasi ang gawin ni Tyson sa kanya.
Iyong nangyari sa party'ng dinaluhan namin ni Tyson ay presko pa rin sa utak. Iwan ko napapanaginipan ko pa nga iyon.
Sa sumunod na araw ay naging masigla ako nang na ako dahil hinahayaan na ako ni Ma'am Silvia na makialam sa mga gawaing bahay. Kaya ngayon ay nagdidilig ako sa mga halaman dito sa backyard gamit ang water hose. Napapa-hum pa ako ng kanta.
Ang pagha-hum ko ng kanta ni Taylor Swift ay naputol nang may marinig akong mga lalaking nag-uusap.
"Saan ba natin ito ililigpit? Ano na namang gagawin nating alibi sa pagkamatay ng babaeng ito?"
Pinatay ko ang hose saka nakinig.
Ang mga matatayog at mayabong na halaman ay hinawi ko. Upang mapunan ko ang pagiging kuryuso ko sa narinig kong usapan. Anong babae? Anong ililigpit at alibi? Tapos patay?
Di ko lubos maunawaan ang nararamdaman ko. Kumakabog ang puso ko at ang tuhod ko ay pinanghihinaan.
Nang mahawi ko ang halaman ay doon ko nakita ang isang katawan ng babae na nakasilid sa isang malaking nag at nakalabas ang ulo noon at ang isang kamay.
Napasinghap ako at napaatras. Kinagat ko ang labi ko at mariin na tinakpan ang bibig ko.
"May tao ba dyan? Sino 'yan?"
Malalalim ang lunok na ginawa ko. Bakit may bangkay nang babae doon?
"Sinong nandyan?!"
Halos maputol ang hininga ko nang may tumakip sa bibig ko mula sa likuran ko at hinila ako sa sa pinakamalapit na dingding at nagtago.
"Shshh!"
Nang bitawan nang kung sino ang tumakip sa bibig ko ay lumingon ako at nakita kong si Kiert iyon. Napahawak ako sa damit ni Kiert dahil nawalan ng lakas ang tuhod ko. Umaalpas ng todo ang ang dibdib ko. Akala ko kung sino na. Akala ko mahuhuli na ako.
"Hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng may usapan Cassidy." si Kiert at nakatingala ako sa kanya.
Napakahawak ako sa damit ng mariin.
"B-akit? Bakit may bangkay ng tao? Bakit... bakit?" napailing na lang ako nang di ko alam kung ano ang sasabihin ko, kung ano ba dapat ang tanong ko. Gulong-gulo ang utak ko. Sa dami ng tanong na pumapasok sa utak ko ay di kobalam kung alin man doon ang uunahin ko.
"Cassidy. Ito ang trabaho namin dito. Nagliligpit ng bangkay. Pumapatay ng tao."
Napabitiw ako sa pagkaka-kapit ko sa damit ni Kiert. Muli akong napalunok at napaatras hanggang sa tumama na ang likuran ko sa dingding.
Lumapit si Kiert sa akin pero pinigilan ko siya. "D-dyan ka lang. Wag kang lalapit sa akin." Ibang-iba si Kiert ngayon. Parang di siya iyong lalaking nakausap ko dati at nakalaro.
"Hindi mo alam kung ano ang pinapasok mo Cassidy. Hindi mo kilala si Don. Walang ni isang tao dito Cassidy ang hindi nakapatay ng tao. Kung iisipin siguro ikaw. Ikaw lang ang taong hindi pa nakakapatay."
"Tumigil ka!" pabulong kong sigaw kay Kiert. Ayaw ko nang marinig pa ang mga sinasabi niya. Hindi ko na nagugustuhan ang mga pinagsasasabi niya.
"Di mo ba kilala ang babaeng iyon Cassidy? Iyon 'yong babaeng nagbigay ng droga sayo. Iyon 'yong babaeng dahilan kung bakit ka nadidito. Pinahanap siya ni Don at pinatay matapos pakinabangan."
Lumapit ako kay Kiert saka kinuwelyuhan ko siya.
"Tigil na sabi diba!" may diin kong wika sa kanya.
"Bakit Cassidy? Diba gusto mong malaman kung bakit ka nandidito at bakit hindi ka pinatay ni Don?"
Napakurap-kurap ako. Oo gusto kong malaman iyon. Gustong-gusto kong malaman pero ngayon parang sumasara na ang utak ko tungkol doon. Bakit ako natatakot malaman ang totoo?
"Hindi ka pinatay ni Don Cassidy kasi kamukha mo ang babaeng dapat ay asawa ni Don ngayon."
Napasalampak ako sa sahig dahil sa narinig ko kay Kiert. Di ko na nakayanan pa ang naghahalong emosyon sa akin. Si Tyson... may asawa na dapat? Kamukha ako ng dapat ay asawa niya?
"Dapat sana ay nakontento ka na Cassidy. Dapat di ka na nakuryoso pa. Hindi lang ikaw ang unang lalaki at babae na dinala dito ni Don dahil kamukha ka nang asawa niya... marami na kayo Cassidy."
Tumingala ako at nauutal na umusal, "A-anong ibig mong s-sabihin?"
Nag-squat si Kiert sa harapan ko.
"Marami na kayong dinala dito ni Don at naging parausan niya kung sa tingin mo Cassidy ay iba ka. Sasabihin ko sayo. Di ka naiiba doon."
"N-nasaan na ang mga dinadala ni T-tyson dito?"
"Sa tingin mo ano ang ginawa ni Don?"
Nahasa ko ang ngipin ko. "S-sabihin mo na sa akin kung ano ang nangyari sa nga iyon Kiert." utos ko sa kanya.
Pinalis ni Kiert ang luha sa pisngi ko. Tinampal ko ang kamay niya.
"Tch! Hindi ka nagpapahawak sa akin pero sa taong mas delikado pa sa akin nagpapahawak ka? Isa ka rin naman sa mga puta ni Don." huminga siya nang malalim. "Gusto mo talagang malaman kong ano ang nangyayari sa mga dinadaka dito ni Don? Ang iba pinapatay, ang iba nabaliw, ang iba naman nagpapakamatay ng kusa."
---
I bet alam niyo na kung ano ang susunod na gagawin ni Cassidy after what he heard from Kiert.
---
Don't forget to vote, comment, and share this story to your friends. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top