CHAPTER 13
Chapter 13
Cassidy Pov
"Are you whoring with that man Cassidy?" anang ni Tyson habang ang labi niya ay bumababa na. Masakit ang labi ko, ang dila ko. Nalalasan ko ang sarili kong dugo dahil sa diin ng pagkakagat niya doon, nagkakasugat na ako dahil sa mararahas na halik niya.
Nais ko siyang patigilin dahil nagiging halimaw na siya. Masasakit na ang ginagawa niyang kagat sa bibig ko kanina at ngayon din ay nararamdaman ko na ang sakit ng kagat niya sa leeg ko.
Nakatayo lang ako. Wala akong ginawa. Di ako gumalaw kahit na konti. Sa mga halik ng mapupusok kanina ay di rin ako gumanti kasi kapag ginantihan ko siya ay mas sumasakit lang ito.
Pinikit ko ang mata ko saka dumaloy ang luha sa pisngi ko. Namiss ko siya. Namiss ko siya ng sobra at di ko aakalain na ganito ang gagawin niya sa akin. Hindi rin naman ako umaasa na sasalubungin niya ako ng banayad na halik at mahigpit na yakap pero itong ginagawa niya ay sobra na. Gusto ko nang patigilin siya at itulak siya kaso lang... baka mapatay niya ako. Di ko pa nga makalma ang panginginig sa tuhod ako dahil kanina.
"T-tyson... di naman." naiusal ko. Ang kamay niya na nasa loob ng t-shirt ko ay tumigil iyon sa kakapisil. "Naglalaro lang kami Tyson..."
Huminto rin ang ngipin niya sa kakagat sa balat ng leeg ko. Nang hahapdi iyon.
"Playing? I don't like what you were playing earlier."
Nilayo ni Tyson ang katawan niya sa akin. Tumayo siya ng maayos sa harapan ko. Tiningnan ko siya at nakita ko na namamasa ang labi niya at namumula. So worked up. Hindi man lang nagbago ang tingin niya ng makita ang hitsura ko. Galit pa rin siyang nakatingin sa akin. Hindi na siguro ako aasa na magkakaroon ng awa sa akin si Tyson. Siguro nga hayop na ako kung ituring niya.
"Tinuturuan lang niya akong maglaro... ng game sa cell phone niya. Iyon lang Tyson. I'm not whoring to anyone, T-tyson."
"Good. You knew who owns your life, hmm?"
Tinikom ko ang bibig ko at tumango.
"You aren't allowed to whore anyone in this house except me. Understand?"
"Na- naiintindihan ko Tyson."
Tumingin ako sa mukha niya at nakita kong pinagmamasdan niya ang katawan ko at ang mukha ko. Nakakaasiwa ang tingin niya sa akin. Nanliit ako para sa sarili ko.
Nitong mga nakaraang araw na wala siya dito at wala akong magawa dito sa bahay kung hindi ang magmukmok. Napagtanto ko na sa kabila ng takot ko kay Tyson, na sa kabila ng magaspang na asal niya sa akin, na sa kabila ng pagiging mapusok niya sa akin. Napagtanto kong di iyon naging hadlang upang hangaan ko siya.
Alam ko kahit na masama siya sa akin. May mabuti rin naman na parte sa kanya. Alam ko na may awa rin siya. Alam ko may kabutihan ang puso niya. Kasi kung wala pinatay na niya ako ng diretso noong gabing nakidnap ako. O kung hindi naman inuutusan na niya ang tauhan niyang ipatumba ako.
Kaya nga kahit na sa ugali niyang di kagusto-gusto... nagawa niya pa ring pasukin ang puso ko. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa akin nahawakan niya pa rin ang puso ko. Di naman din kasi lahat ng ginawa niya sa akin ay labag sa kalooban ko. Ang iba doon ay ginusto ko rin naman.
Sa kaka-intimidate na tingin sa akin ni Tyson ay napalis ko ang luha ko gamit ang palad ko. Pinagdikit ko ang hita ko at nilagay ko ang kamay ko sa likuran ko bago yumuko.
Ilang minuto ang lumipas at di ko na alam ang ginawa ni Tyson dahil nakayuko lang ako. Pero ilang saglit lang nagsalita siya.
"Come here."
I held my head up saka tumingin sa kung siya nakatayo kanina but wala na siya doon. Instead ay nakaupo na siya sa gilid noong kama at nag-a-undone noong black na long sleeve.
Napabuga ako ng malalim na hininga. Bakit ba ganito si Tyson? Bakit sa tuwing tinatakot niya ako saka naman niya ako papa-upu-in sa kandungan niya. Di ba niya alam na ang weird lang n'on?
Lumunok ako bago napagdesisyonang sundin siya. Wala rin naman akong magagawa kong tatanggi ako o aayaw ako. Hindi magpagtimping tao si Tyson. Madaling uminit ang ulo at madaling nagagalit. Hindi dapat pinapainit ang ulo niya dahil kapag ganoon makakapatay talaga siya ng literal.
Hinila na niya ako at binagsak sa lap niya. Siya na ang sumampay sa kamay ko sa balikat niya. Sa lapit namin ay magwawala na ang puso ko sa loob. Ang pamilyar na bango niya, ang hininga niya, and maiinit niyang kamay na pumasok sa loob ng shirt. Na miss ko talaga lahat ng iyon.
Di ko na napigilan pa ang sarili ko at niyakap ko na si Tyson. Hindi man lang nagulat ang katawan niya sa ginawa kong iyon. Pinisil-pisil lang niya ang likod ko gamit ang malaki, magaspang, at malakas niyang kamay.
"I miss you." naibulong ko sa kanya habang ang ulo ko ay nakabaon sa kanyang leeg.
"I know." anang niya lang saka bahagya akong tinulak at hinawakan ang baba ko upang halkan ako.
Napangiwi ako nang muli niyang makagat ang sugat ko doon kanina. Naiyakap ko ang braso ko sa kanyang leeg at ngayon ay ginagantihan ko na ang banayad na paghalik niya.
"Uhhm, umm," halinghing ko ng susuin niya ang dila ko na para ba iyong may matamis na katas na kanyang hinahabol.
Pabaling-baling ang ulo namin ni Tyson habang ang bibig namin ay nakakonekta sa isa't isa. Ninanamnam namin ang bawat lasa ng dila namin. Bawat sagupaan ng dila, ng ngipin, at labi. Nakakalasing masyado. Nakakaliyo. Habang ang kamay niya naman sa loob ng damit ko ay dinadama din n'on ang balat ko. Kaya napapakalmot lang ako sa buhok niya sa likod.
Ang tatlong katok galing sa pintuan ang nagpahiwalay sa amin ni Tyson. Pagkuwa'y tumulo pang laway sa paghihiwalay ng bibig namin. Niyakap ko na lang muli si Tyson. At mabuti dahil di siya umangal. Di niya kinuha ang kamay ko.
"Sorry to disturd Don, but the suits already came." boses ni Pike ang narinig ko galing sa likod noong pintuan.
"Get off and get ready. We'll attend to a party."
Kinagat ko ang labi ko saka umalis sa kandungan niya. Si naman ay agad na tumayo at pumunta doon sa pintuan.
"Pike will going to bring your suit here. Make your move faster, Cassidy." aniya bago umalis.
Nang umalis siya ay minabuti ko na lang na maligo kahit na maligo na naman ako kaninang umaga. Di ko na makalimutang magdala ng tuwalya saka damit na rin sa loob ng banyo. Natuto na ako. Ang mga damit na sinusuot ko ay iyong mga luma ko pa ring mga damit. May mga dumating naman na mga damit dito na para daw iyon lahat sa akin pero di ako komportable doon. Sanay na ako sa mga damit ko na luma at mumurahin.
Matapos ko magbibis ay lumabas ako sa CR at nagpupunas sa buhok gamit ang towel na ginamit ko kanina. Napaatras ako bigla nang makita ko si Pike na tahimik na nakatayo sa gilid kama. May nakalatag na doon na mga suit na nasa limang pares ata.
"Cassidy, magbihis ka na. Wag mong pinaghihintay si Don." anunsyo niya at tumalikod para umalis.
Binaba ko ang towel sa leeg ko.
"Teka lang Pike. Anong gagawin ko sa suit na 'yan."
"Ano ba ang ginagawa sa suit Cassidy? At saka naghihintay na si Don sa baba."
"Teka bat ako magsu-suit?"
"Cassidy, ilang minuto lang ang binigay ni Don sa akin upang magtagal ako dito sa kwarto mo at kung di pa ako lalabas dito ngayon kakalat na ang utak ko sa sahig ngayon. Too much for asking just get ready."
Napasinghay ako at lumapit na doon sa kama at tiningnan ko ang mga iyon. Hindi pa talaga ako nakakasuot ng suit. Hindi naman kasi ako sumali sa J and S Prom namin noon. Gumawa lang ako ng special project para kahit papaano ay ay puntos ako.
Ang mga suits na nakalatag sa kamay ay dalawang kulay puti, isang itim, sky blue at ang isa naman yellow. Ang pinili kong suotin ay ang puti na may konting touch ng kulay itim ang pinili ko. Nang masuot ko iyon ay parang pinagawa pa talaga iyon para magkasya sa katawan ko. Inayos ko rin konti ang buhok ko. Napangiti ako sa harap ng full body na salamin. Satisfied na ako sa hitsura ko.
Pagkababa ko ay nandoon na sa salas si Tyson na prenteng nakaupo. Nang makita niya ako ay tumayo siya at inayos ang suot niyang suit... na kulay itim na naman. Wala ba siyang ibang kulay na damit? Puro itim lang?
"Let's go." maikling anunsyo ni Tyson at nagsikilos naman ang mga tauhan niya.
Tahimik lang akong sumunod kay Tyson. Sa paglabas namin bumungad agad ang isang limo na kulay itim. Unang pumasok doon si Tyson at ako naman ay nagdadalawang isip kong sasabayan pa siya doon o baka sasama na lang ako sa mga bodyguards niya.
"Mr. Barromeo, please get in. The Don is waiting." wika ng isang bodyguard sa akin.
"Ah... o-oo."
Pumasok na rin ako doon saka ang bodyguard na rin ang nagsara sa pintuan. Sa harap ay may isang flatscreen imbes na glass ang partition noon tapos sa kabila naman ng kinauupuan namin ni Tyson ay may mini counter kung saan may wine doon, mga prutas at mga baso. I guess it was a customized limousine.
"You want some wine?" tanong ni Tyson nang magtagal ang mata ko doon sa mga wine at prutas.
Iniling ko ang ulo ko. "H-hindi... pero Tyson bakit ako sasama sayo sa... isang party?"
Tyson crossed his legs.
"You're my escort."
"Ahh..." napatango-tango ako. "P-pwede bang kumain ng prutas?" nguso ko sa mga prutas.
Isang tango lang ang binigay niya sa akin at kinuha ko naman agad ang isang pinggan ng grapes saka ko iyon nilantakan. Paborito ko talaga kasi ito.
Tumigil lang ako sa kaka-kain ng mga prutas ng makarating kami sa venue noong party. Pinagbuksan kami ng pintuan at ako ang naunang lumabas tapos si Tyson. Inayos ni Tyson ang kanyang suit at ako ay napagaya naman sa kanya. Nakakatakot marumihan ang suot ko. Sana pala itim na lang ang kinuha kong color ng suit.
Napatuwid ako ng tayo ng biglang hinapit ni Tyson ang baywang ko. Napatingala ako sa kanya na parang wala lang. Di ko talaga siya nababasa. Lagi kasing nakakunot noo at laging seryoso. Para bang ikakamatay niya kapag nagpakita siya ng ibang ekspresyon.
Sa pagpasok namin ni Tyson sa isang hall napanganga ako. Mga taong di ko kilala pero nakaka-intimidate ang dating. Pakiramdam ko kasi ako lang ang mahirap na nahalo sa kanila. Mabuti na lang at pinasuot ako ni Tyson ng isang damit na nagpaangat sa akin. Di ako nagmumukhang mahirap.
"Maranzano. It's a pleasure to you here." may isang lalaki na matanda na at kulubot na ang balat na bumati kay Tyson.
Nag-offer ng kamay ang matanda kaso di iyon tinanggap ni Tyson. Ang isang kamay niya ay hawak ang isang wine nang may magserve kanina. Tapos ang isa naman ay nakahawak sa akin. Kanina pa iyong kamay niya. Hindi niya ako hinihiwalay sa kanya.
Tinanguan lang ni Tyson ang matanda.
"Who is this pretty boy?" ang matanda.
"H-hello po."
"My escort." matamang sagot ni Tyson.
Ang matanda ay ngumisi sa akin. Napilitan naman akong ngumiti. Nakakakilabot ang ngiti na binigay ng matanda sa akin.
"If you're finished with this pretty boy, Maranzano. Can I have him?" anang ng matanda.
Napakapit ako sa suit ni Tyson. Gusto kong magtago dahil sa sinabi nito.
"Hmm. You'll die first before you can lay a hand on him. This boy is mine, Suldua."
"Yours? I never knew you..." Di na pinatapos ni Tyson ang matanda saka ako hinila papalayo doon. Nilingon ko pa ang matanda at ngumisi siya sa akin na kinalaki ng mata ko
Napahila lang ako kay Tyson. Sa may bakanteng upuan ay pinaupo niya ako at binagsak niya ang wine glass sa mesa. Tumalsik ang laman n'on. Umupo rin si Tyson at niluwagan ang necktie niya. Nagtatagis na si Tyson sa kanyang bagang.
"Have you? Tsk! He's having a death wish." bulong ni Tyson.
Di ko na inusisa iyon dahil alam kong mainit na ang ulo niya. Sa paglinga-linga ko sa paligid ay may nakita na naman akong mga pundok ng pagkain. Kahit na kumain ako ng prutas papunta dito nagutom pa rin ako.
"Tyson... kukuha lang ako ng pagkain doon." nginuso ko ang pagkain sa di kalayuan.
Sinundan ni Tyson ang nguso ko. Hindi tumango o uming si Tyson bugkos ay tatayo na sana siya kaso may dumating na grupo ng kalalakihan. Na kinatigil niya. Tumaas ang kikay ni Tyson sa mga bagong dating.
"The king of underground society is here. Long time no see, Maranzano. I heard from father that you two talked."
"Bailey Suldua." anang ni Tyson.
Hindi ko na hinintay pa na sagutin ako ni Tyson kaya umalis na ako doon. Pakiramdam ko rin kasi bawal ako doon. Masaya akong tumungo doon sa mga nakalatag lang na pagkain na halos wala namang kumukuha. Kumuha ako ng plate at ngumunguso habang namilili ng mga pagkain. Sa dami noon ay nahihirapan ako kung alin doon ang una kong kakainin.
Kukuha na sana ako ng shrimps nang may dumapong kamay sa forearm ko. Iwawaksi ko na sana iyon nang makita ko kung sink ang may-ari ng kamay na iyon.
"What are you doing here, Cassidy?"
"R-raven?" nautal kong anang.
"Come here. We need to talk." si Raven at hinila ako.
---
Don't forget to vote, comment, and share this story to your friends. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top