PROLOGUE

Prologue


"Tang ina! Pakawalan mo ako rito kung sino ka mang gago ka!" Halos maputol na ang litid sa leeg ko sa kakasigaw rito. Ngunit parang bingi lang ang lalaki sa aking harapan!

Tangina!

Nakatali kasi ang kamay ko rito sa kama. Ang mga paa ko rin ay nakatali. At ang isang lalaki na nasa paanan ng kama ay nakaupo lang sa isang settee at ang walang hiya ay parang wala lang sa kanya ang sigaw ko rito. Mapuputol na siguro ang litid ko rito kaso siya ay nanatiling kalmado lang at parang walang naririnig mula sa akin.

"Calm down, baby." Aniya sa mababang tono, mistulang hinugot niya pa ang kanyang boses sa kaibuturan ng kanyang lalamunan. Dahil sa kanyang sinabi ay mas lalo kong naramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko. Kumukulo na ang dugo ko rito sa kanya! Namula ako sa galit, sa inis at irita! Ang kapal din talaga ng mukha ng lalaki na nasa harap ko ngayon. Kung sino mang animal na ito ay makakatikim talaga ito sa akin kapag ako'y nakawala rito sa aking mga tali.

"Anong baby?" Nagdikit ang kilay kong tanong dito.

Baby his face! Thick face asshole!

"You. You're a baby... my baby?" Ngisi nitong wika sa akin nang ngumiti ito ay nakita ko ang pantay at maputing ngipin niya. Tinutukso pa talaga ako. Talagang sinusubukan ang aking pasensya.

Umirap ako sa ere. I don't care those things about him. All i care for now was my situation! Goddammit!

Muli akong sumubok na kumawala rito sa pagkakatali ko sa kama kaso lang hindi ako makaalis. Secure na secure ang pagkaktali sa akin.

Masama kong tinapunan ng tingin ang lalaki. Kung sino man itong lalaking nasa harap ko ay nasisiguro kong ito ang may pakana sa pagka-kidnap sa akin. Tsk, human trafficker!

"Hindi mo ba alam na isa akong Lacsamana?!" pasigaw kong sambit dahil mukhang walang pakialam ang lalaki at mukhang hindi ata ako kilala.

"I know, baby. I know you more than what you imagine." Mahinahon nitong untag kaso mas kumulo ang dugo ko rito. Umakyat na ata ang dugo ko sa aking ulo. I fvcking see red!

"Alam mo?!" Bulaslas ko.

Ngumisi ang lalaki sa akin at nararamdaman ko ang panginginig ng kamay ko dahil sa kanyang hambog na ngisi. Kating-kati na ang kamay kong suntukin ang pagmumukha niya. Kahit gaano pa kaganda at kakinis ang kanyang mukha ay wala akong paki kung tamaan man ito ng kamao ko.

"I have investigated you, Mr. Lacsamana. That is why. So calm down. You are bearing my child, so calm down, mmm? Calm down. I won't hurt you." Paulit-ulit niyang saad pero mas kina-panting lang iyon ng mga tainga ko!

What the hell?

Ramdam ko ang panlamig sa buong katawan ko dahil sa kanyang sinabi. Anong investigated pinagsasabi ng lalaking ito? Anong sinasabi niyang dala-dala ko ang baby niya?

"A-anong ibig mong sabihin?" Gusto ko mang ipakita sa kanya na 'di ako apektado, natatakot at kinakabahan kaso kasalungat naman ang sinisigaw ng boses ko.

"You are fifteen days pregnant, and based on my calculations from the night we had sex, I am the father of the child in your womb."

I felt my throat go dry.

"Paano mo nalaman na buntis ako?" My voice always failed me.

Pinagkrus niya ang kanyang mahahabang binti at humalukipkip siya. "Like what I've told you, baby, I did some research on you. And I also happened to come across your things, and I saw the pregnancy test and our child's sonogram in your bag."

Tumanga ang bibig ko. How can he stay so calm? How is he so calm with everything? Ako nga rito ay halos mabaliw na. Fvck! Ang lakas pa ng loob kung maka- our child.

"Pinakialaman mo ang bag ko!!!"

Napapikit siya sa sigaw ko.

"Don't shout, baby." Supil niya sa akin. Tsk! Akala niya naman talaga mapapasunod niya ko.

Baby pa nang baby sa akin! Ang kapal ng pagmumukha! Kung sino man ang demonyong ito ay mapapatay ko ito! Tangina niya!

"Kaya kong buhayin ang anak ko ng mag-isa!" sumbat ko.

Ngumisi siya sa akin pero kinilabutan ako sa ngisi niya. Walang ka-humor-humor iyon.

"I want to be there for my child as well, whether you like it or not. I will take full responsibility," Para bang siyang nakikipag-negosasyon sa akin.

"Hindi kita kailangan," halos siya'y nasasapawan ko.

"I know that. But I won't let my child grow up without his father around."

Kumalma ako at ilang sandali ay tumayo siya saka lumapit sa akin. Akala ko ay kung ano na ang gagawin niya iyon pala ay kinalas niya lang ang pagkakatali sa akin. Nang matanggal niya ang mga tali sa kamay at paa ko ay isang malutong na sampal ang ginawad ko sa kanyang pagmumukha. Nag-echo sa buong silid ang sampal ko sa kanya.

Gumalaw ang hulmado niyang panga.

"You're a jerk! You disgustingly spurted your semen on me. Damn you!"

He lowered his head, and I heard his faint laughter.

"I'm sorry. But there's nothing we can do about it. You are now carrying my child."

"What if you're not the father?" I asked.

"You just said that I buried my semen on you, Lacsamana. Nevertheless, I am one hundred percent sure that the child in your womb is mine." He pointed at my flat stomach and then at himself. "But if you insist on your claim, we can arrange a DNA test. However, as for me, I know and I am sure that I am the father of the child you are carrying."
Hanga rin talaga ako sa kampante ng taong ito. At ang lakas pa ng loob.

"Aalis na ako," pahayag ko at tumayo ngunit hinawakan niya ang palapulsuhan ko at binalik sa kama.

"No one is leaving the room."

"At bakit wala?" pag-aargumento ko sa kanya.

"We will talk about our set-up," kalmado niyang saad.

Winaksi ko ang kamay niya at matapang kong sinalubong ang kanyang mga matatalim na tingin. Hindi ko mawari kung ano ang pinaparating no'ng mga tingin niya sa akin. His eyes were like gemstones, amethyst crystals that spoke so much, yet I couldn't decipher.

"Anong setup?"

"I am giving you the privilege to choose, baby. You've lived with me and your rules, or we'll live in your beach house and follow my rules."

Napamaang ako sa kanya. Parang nakaplano na ang lahat sa kanya.

"Sa tingin mo papayag ako d'yan sa gusto mo?"

"You have no choice, baby."

"Paano kung ayaw ko?" panghahamon ko sa kanya.

"Then, walang aalis dito."

"Tinatakot mo ba ako? Aalis ako rito sa ayaw at sa gusto mo!"  Matapang kong wika at nagmartsa tungo sa pintuan. Hinawakan ko na ang busol at handa na iyong buksan nang magsalita siya.

"Gusto lang sabihin sa'yo, baby na nasa gitna tayo ng karagatan ngayon. Nandito tayo ngayon sa yate ko."

Dahan-dahan akong napalingon sa kanya na may panlalaki sa mata.

Ang walang hiyang lalaki ay nakakrus lang ang kamay niya sa harap ng kanyang dibdib at mataman akong tinitingnan.

"S-seryoso ka?"

"Hindi ako marunong magbiro, Lacsamana."

Nang gumiwang ang buong silid  ay doon ko nakompirma na 'di nga siya nagbibiro.

"Tang ina mo! Gago ka!"

"Choose wisely, baby. I'm waiting."

Malaking hakbang ang ginawa ko at tumayo sa kanyang harapan niya. Talagang sinusubok ako ng gagong ito! Argh! Halos mapapadyak ko ang aking paa sa galit.

"Sige. Nang hahamon ka talaga, huh. Sige. Titira tayo sa bahay mo pero ako ang may hawak sa mga rules. Gagawa ako ng rules at dapat iyon ang sundin natin." pagalit kong saad.

Ngumisi siya.

"Very well," aniya at tumayo. Tumungo siya roon sa nightstand at may kinuha siya roon sa drawer n'on. Naglakad siya pabalik sa akin dala ang ang ballpen at mga bondpaper. "Write your rules as much as you want," sabay bigay n'on sa akin.

Pahablot kong tinanggap ang ballpen at bondpaper mula sa kanya at saka pumunta ako sa isang couch at nag-isip ako ng mga rules na pu-pwedeng magamit habang nasa iisang bubong kami.

I wanted to cry. I wanted to cry because I don't know how I ended up in the hands of this asshole. And now I'm writing this set of rules.

Habang sinusulat ko ang aking mga patakaran, nakita kong patuloy na tinititigan niya ako.

"Ano?" iritadong sinabi ko.

"You're just so beautiful, baby."

Muntik ko nang ibato sa kanya ang hawak na montblanc pen. Pinandilatan ko siya sa mata at bumalik sa pagsusulat.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya nang matapos ako sa pagsusulat ng mga rules.

The guy before me tilted his head.

I raised my eyebrow.

"Zyrho,"

"Full name," ani ko at tinuon ko ang mata sa bondpaper, hinihintay ang kanyang sagot.

"Zyrho Maranzano."

Inangat ko ang ulo ko sa kanya.

"Zyrho talaga ang pangalan mo?"

Ngumisi siya sa akin at tinungkod niya ang kanyang siko sa kanyang tuhod.

"It's Zylander Howell B. Maranzano, baby."

Inismiran ko siya at sinulat ko ang pangalan niya. Nang mapirmahan ko na iyong akin ay tumayo ako at binigay sa kanya ang bondpaper para siya na naman ang pumirma.

I am really tempted to punch the hell out of him.

"Kung sino ang hindi sumunod sa rules ay dapat magbayad ng 2 Billion." Deklara ko.

Umiling lang siya habang ang mata ay nandoroon sa bondpaper kung saan nakasulat ang mga rules na ginawa ko, mukhang binabasa niya.

Kumunot ang noo nito. "I don't like this one," he pointed out, his eyes shifting to me. "I cannot let you leave my house without my permission or knowledge."

Ako na naman ang napangisi. "Akala ko ba ako ang may hawak sa mga patakaran," may panunuya kong saad.

"Cross this one out. You won't leave the house unless I know where you're going and who's with you."

"And--"

"Just this one, baby." May papikit pa siya sa mga mata niya. Kating-kati na talaga ang kamay kong tusukin ang kanyang amatistang mata! Jusko! Magiging murderer pa ata ako. At kung mamalasin ay sa kulungan ko pa ipagbubuntis itong anak ko!

Bumuntonghininga ako. Pinapakulo talaga ng lalaking ito nag dugo ko! Tang*nang baby iyan!

"Fine, bwesit!"

Ngumiting tagumpay siya bago binalik ang mata sa papel.

"Maximilian Arthur V. Lacsamana," basa niya sa pangalan ko.  "Nice name, baby. Can I call you Max?"

"Gago, Arth ang tawag sa akin--"

"Baby then." putol niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top