CHAPTER 9
Chapter 9
Maximilian Arthur's POV
"Uwi na tayo, Zyrho!" Mahina ngunit madiin kong saad kay Zyrho sabay hila sa laylayan ng kanyang long sleeves. Wala akong pakialam kong magusot man ang planstadong suot niya.
Nanginginig na ako rito sa tabi niya at kung hindi lang nakahawak ang dalawang kamay ko sa braso niya ay baka bumigay na ang tuhod ko.
Actually, malakas naman ang loob ko nang papunta kami ni Zyrho rito. Ni hindi ako nakaramdam ng kahit na anong kaba sa byahe namin at full confidence ako kaso nang makita ko ang pamilya niya ay umurong ang lahat ng lakas ng loob ko.
His family gives off different auras. May nakangiti naman pero iyong ngiti na parang may pagdududa sa likod no'n. Tapos iyong isang babae pa sobrang sama ng tingin sa akin! Mabuti pa iyong isang babae kasi nakangiti siya... at mukhang totoo naman iyon kahit papaano.
The men just stared at me as if I were some sort of display beside Zyrho. I don't know if I'm just paranoid, nervous, or anxious. O baka lahat nararamdaman ko.
Sinsiksik ko ang katawan ko sa likod niya.
"Arth,"
"Ayaw ko na rito." Nanginginig labing anang ko.
"Don't worry, nandito ako, okay? My family won't hurt you; I promise!"
Gusto kong magwala. Gusto kong mag-inarte at supalpalin si Zyrho pero naalala kong nasa puder ako ng pamilya niya! Ang lalaking mga tao pa naman ng mga pamilya niya! Baka hindi na ako makauwi nito na buo ang mga buto kapag inaano ko itong feelingerong si Zyrho!
Lumabi ako at hinigpitan ang pagkakakapit ko sa braso ni Zyrho.
In the first place, I cannot blame Zyrho sa sitwasyon ko ngayon. He asked me nicely about this matter, and I agreed. He didn't pressure me; I obliged and agreed of my own free will, yet I'm feeling fretful right now! Siguro iniisip na nitong si Zyrho na isip bata ako, na wala akong isang salita. Puro lang ako arte at demand ng ganon at ganyan!
Ewan ko rin ba kung bakit dumeretso kami ni Zyrho sa meet the parents na ito when in fact were just strangers! Nabuntis niya lang ako!
"Hi!"
My heart leaped and almost enveloped my arms around Zyrho., thankfully naalala ko na hindi ayaw ko pala sa lalaking ito.
Zyrho's arms snaked around my frame effortlessly.
"Papadad," ani Zyrho.
"Your lover, Zy?" Maharang tanong no'ng Papadad ni Zyrho.
Bigla tuloy akong na-insecure, ang bait niya pakinggan magsalita. Ang gentle, ang kalma, parang hindi siya nakakabasag baso kung magsalita. Hindi lang din boses niya ang mabait pati mukha niya ang bait tingnan at ang ganda! I mean, he's a very, very beautiful man! No wonder, ang gaganda ng mga anak niya.
But what he said irks me. I wanted to protest, correct him, and answer him, but I cannot bring myself to speak. There are too many words running around my head, yet I couldn't find the right word to say. Ikaw ba naman humarap sa pamilya ng taong kakakilala mo lang tapos mapaka-pormal magsalita. Ewan ko na lang talaga!
"No, papadad."
Nakahinga ako ng maluwag sa sagot ni Zyrho sa kanyang Papadad.
Napakurap-kurap ang Papadad ni Zyrho but he didn't say any word. Ngumiti lang siya sa akin.
He sighed.
"Hi! I'm Cassidy Maranzano, Zyhro's Papadad." Pagpapakilala nito sa akin at inilahad niya ang kanyang kamay.
"K-kayo po ang... nagluwal kay Zyrho? Ay sorry po!" Bawi ko rin naman kaagad sa sinabi ko! Muntik ko nang matampal ang bibig dahil 'di na talaga nag-iisip kung ano ang sasabihin. Nasanay kasi!
Ngumiti siya.
"Hmm, ako ang nagluwal sa kanya at sa mga kapatid niya. I'm a bearer."
Nagpipigil ako sa pagngiti pero alam kong hindi matatakpan ang saya ng aking mata dahil sa sinabi ni Cassidy. Teka, Cassidy ba itatawag ko sa kanya? Hindi ba masyadong rude iyon?
"Arth po." ani ko at inabot ko ang kamay nito.
"Just call me Tita Cass if you're comfortable with that, or you can call me Papadad too."
Umiling na ako. God! Sino ba ako para maki-papadad sa kanya? Sapat na sa akin ang Tita Cass! Ang expensive pakinggan!
"S-sige po, Tita Cass."
Tumingala ako kay Zyrho at kita ko ang malaking ngiti sa mga labi niya. Tumingin siya sa akin at napangiti na rin ako. Kaso kaagad kong binawi ang ngiti dahil baka kung ano na ang isipin ng feelingerong ito.
"Love, halika!"
Hinila ni Tita Cass iyong kasama niyang lalaki kanina pababa. God! Napapa-sign of the cross ako rito dahil sa madilim na awra ng lalaki!
"Arth, ito ang asawa ko si Tyson." Nakangiting tiningala ni Tita Cass ang lalaki, ang lalaki naman ay ngumiti kay Tita Cass na parang ang bait nito.
"Hello Arth, nice to finally meet you! You can also call me Tito Tyson if you're comfortable." anito.
Umawang ang labi ko. Masyado lang siguro akong judger dahil mukhang mabait naman si Tyson, I mean si Tito Tyson. Sadyang may mabigat na awra lang talaga akong nararamdaman sa kanya at parang mapanganib din siyang tao.
Hanggang sa isa-isa nang pinakilala ni Tita Cass ang kanyang mga anak. Si Zhuri, Zenver or Zen, si Ehann, Esther, at Evren.
Isa lang masasabi ko kina Tita Cass at Tito Tyson ang sipag nila para magkaroon ng anim na anak! Ni hindi nakakalahati sina Mama Kai at Daddy Priam sa kanila! Tsk! Hindi naman siguro tamad sila Daddy, sadyang masisipag lang siguro sila Tito Tyson! At saka, hindi na rin lugi ang ang gaganda at gugwapo ng mga anak nila pwera na lang sa isa na kinakapitan ko.
"Nasabi ni Zyrho na sensitive ka raw sa adobo kaya hindi ako naghanda no'n. Ito, kumakain ka ba nito?" si Tita Cass na inaasikaso ako na parang anak niya.
Tumango lang ako kay Tita nang kanyang ipakita sa akin ang bulalo.
Asikasong-asikaso rin ni Tita Cass ang lahat ng anak niya at pati asawa niya.
"Thanks, love." si Tito Tyson nang matapos si Tita Cass sa paghain ng pagkain para sa kanya.
Tila normal na lang sa kanila na makita ang kanilang mga magulang na naglalambingan at naghahalikan sa harapan nila.
Naku, kung si Daddy Priam lang ito baka nabatukan na ito ni Mama Kai.
Ngumuso ako. Ibang-iba ang love language nina Tita Cass sa mga parents ko pero pareho lang naman na mahal na mahal nila ang mga asawa nila.
"You want anything, baby?" Zyrho whispered.
Tiningnan ko ang isang hiwa ng mais na natitira sa bowl. Ituturo ko na sana ito kay Zyrho nang makuha na ito ni Zhuri.
Napalabi lang ako at umiling kay Zyrho kahit ang totoo naiiyak na ako. Naku ayaw kong magkalat dito!
Pumirmi ka, Arth!
"You want boiled corn?"
Naisatinig iyon ni Zyrho kaya napatingin ako kay Zhuri.
Umiling ako kahit gustong-gusto ko iyong mais.
Ewan ko ba kung praning lang ba ako o ano pero tingin ko galit si Zhuri sa akin o baka hindi niya lang ako gusto.
"Here, take this." si Zhuri at inabot ang mais.
Tinanggap din naman iyon ni Zyrho.
"S-salamat." Mahinang usal ko.
Tumango lang si Zhuri at walang naging reaksyon.
Tumikhim si Tita Cass at lahat ng mga anak nito ay napatingin sa kanya.
Parang may kung anong pinaparating ang mga titig ni Tita Cass sa kanyang mga anak. Pagkuwan ay ngumiti naman si Tita.
"Sige na, ituloy niyo lang ang kain ninyo. Ikaw love may gusto ka pa?"
Tito Tyson shook his head sweetly at Tita Cass.
Bumalik na rin ako sa aking pagkain at saka kinamay ko na iyong mais na bigay ni Zhuri.
"Kumain ka na rin," anang ko kay Zyrho nang nakamasid lang siya habang ako'y kumakain. Parang timang kasing nakatingin sa akin, baka akalain ng pamilya niya na inaalila ko itong feelingerong anak nila! Mahirap na at mukhang matatapang pa naman ang dugo ng mga 'to!
"Hmm," aniya.
Pagkatapos naming kumain ay iniwan ako ni Zyrho mag-isa sa hapag kasama ang mga kapatid niya.
Kinausap kasi ito nina Tita Cass at Tito Tyson ng sila lang. Syempre sino naman ako na pumalag? Eh, binuntis lang naman ako ng anak nila?
"Where did you first meet Kuya Zy, Kuya Arth?" si Esther na siyang bumasag sa aming katahimikan sa hapag.
Nagd-dessert na kami.
"S-sa bar," anang ko, not even sure.
"Oh," sambit ni Esther.
"How many months or years na kayong magkakilala ni Kuya?"
Pagkakataong iyon ay si Evren naman ang nagtanong sa akin.
Hindi ako makasagot doon. Pupwede bang sabihin ko sa kanila na kinidnap ako ng kuya nila tapos doon ko lang ito nakilala? Pero ampangit naman pakinggan ng ganoon!
"Hay naku! Mabuti pa, Arth sumama ka sa akin. May ipapakita ako sa'yo." si Zenver sabay tayo.
"H-huh?" ani ko.
Naging maamong tupa ako sa harapan ng mga Maranzano'ng ito! Hindi ako nakakapag-alaska sa harapan nila.
"Halika," kinamay ako ni Zen at para makaiwas sa interrogations ay sumama ako kay Zen.
Magalang akong ngumiti sa mga kapatid ni Zyrho at sumunod kay Zen. Pumasok kami sa bahay nila at umakyat sa ikalawang palapag. God! Ang laki talaga ng bahay nila!
"Pasensyahan mo na ang mga kapatid namin, Arth. Curious lang kasi sila dahil first time na may ipinakilala si Kuya Zy sa amin na 'you know'." Makahulugang ani ni Zen nang makarating kami sa isang pintuan.
Hindi naman pala masungit itong si Zen. Mukhang magkakasundo kami.
"Okay lang, Zen. S-salamat."
Nilingon niya ako at ngumiti.
"Hindi lang kasi siguro kami sanay na may iba nang inaasikaso si Kuya maliban sa amin. Sanay kasi kami na kami lang sa buhay niya. Hindi lang siguro kami nakapaghanda sa lahat. Huwag mo sanang mamasamain."
Tumango ako kay Zen.
"Don't worry, Zen. Hindi ko naman kukunin ang feelingerong— ibig kong sabihin, si Zyrho; hindi ko naman siya kukunin sa inyo."
Malimit na ngumiti si Zen. Humingang malalim ito.
"Oo nga pala, dinala kita rito dahil ipakita ko sa'yo ang mga collections ko. Hehehe! Guess what kung ano ang mga collections ko!" Zen cheekily stated.
"Mga damit?"
Umiling si Zen.
"Sapatos?" Hula ko naman.
Umiling muli ito.
"Bags?"
"No! Ano ka ba naman! Tara na nga!" anito sabay bukas sa pintuan.
Laglag ang panga ko nang makita ang kulay rosas na kwarto na puno sa sinasabi ni Zen na collections niya!
Oh my god! Mga Barbie dolls ang collections niya! Halos sumakit ang mga mata ko sa kulay ng kwarto na 'to.
"Ang dami!" untag ko at pumasok kaming dalawa.
Iba't ibang klaseng Barbie dolls at human-sized Barbies.
"Ang ganda ng collections ko, right?"
Tumango lang ako rito at naglakad upang tingnan ang mga ito. Kaso ang nakakuha ng atensyon ay iyong mga display na mga baril na kulay pink din.
"Totoo ba ang mga iyan?" Turo ko sa mga baril.
"Ah, ahahaha! H-hindi naman... ano... ahm toy guns lang din?" si Zen na mukhang 'di sigurado sa sinabi niya.
Napatango lang ako at 'di na nagtanong pa. Hanggang sa makita ko mng nag-iisang lalaking collection nito.
"Sino ito?" Hinawakan ko iyong lalaking doll human-sized din.
"Oh, this is my love, Ken."
Napa-o naman ako.
Lumabas kami ni Zen sa kwarto pero naiwan ang mata ko kay Ken. Parang gusto ko rin no'n.
Pagkababa namin ni Zen ay sinalubong ako ni Tita Cass at Tito Tyson.
"Arth pagpasensyahan mo na ang mga anak ko, huh? Hindi lang talaga sila sanay na may ibang dinadalang tao si Zyrho dito sa bahay namin."
Pinisil ni Tita Cass ang kamay ko.
"Ah, okay lang po. Hindi ko naman po iyon iniisip."
"Basta welcome kayong bumalik-balik dito, Arth." ani naman ni Tito Tyson.
Ngumiti ako.
"Salamat po."
"Arth kung anuman ang meron o namamagitan sa inyo ni Zyrho ngayon... sana, sana hindi no'n maapektuhan ang pakikitungo mo sa amin, ha? Saka mag-iingat ka at kung may kailangan ka tumawag ka lang dito sa amin. Alam ko ang hirap ng pagbubuntis, Arth. Alam ko kung gaano kahirap mabuntis ang mga bearer kaya sa abot ng makakaya ko, tutulong ako sa inyo ni Zyrho, hmm?" Masinsin na wika ni Tita Cass.
Napalabi ako, nakaramdam ako ng kung anong kahungkagan dahil sa sinabi ni Tita Cass. Ang totoo rin kasi ay hanggang ngayon may takot pa rin sa loob ko kahit na nandyan na si Zyrho sa tabi ko. Iniisip ko palang kasi ang mga sumusunod na araw ay kinakabahan na ako. Dala man ito ng pagbubuntis o ano pero masaya ako na malalapitan ko rin si Tita Cass aside kay Mama Kai.
Kinabig ako ni Tita Cass at niyakap. Yumakap din ako sa kanya.
"Salamat po, Tita Cass."
"Walang anuman, Arth. Kagaya ng sinabi ng asawa ko, welcome na welcome ka rito sa amin."
I found complacency in Tita Cass's arms; I felt his love in his embrace.
Akay ako ni Zyrho nang palalabas na kami ng bahay nila nang maalala ko ng isang bagay. Hinayaan ko na lang ito ng humawak sa akin dahil nasa lungga ako ng pamilya niya.
"Zyrho may... nais sana ako." ani ko.
Tumigil naman kami sa paglalakad.
"What is it, baby?"
"'Di ba umakyat kami ni Zen kanina sa taas?" Panimula ko, tumango naman siya. "At may nakita ako ro'n."
"And?"
"Zyrho gusto ko no'ng Ken ni Zenver. Iyong human-sized na lalaki na doll."
His lips formed into a thin line.
"Baby, Zen's collections are all limited edition; some of those are customized, especially for him. And I think what you are talking about was the doll Dad won in an auction in the US. Nag-iisa lang iyon." Paliwanag niya sa akin.
"Hihiramin lang naman pansamantala." Ngusong wika ko.
Ewan ko rin ba kung bakit ganito. Hindi naman ako mahilig sa ganoon even before pero nang makita ko iyong Ken parang gusto ko na lang iyong bitbitin kanina.
"I will talk to Zen, okay? Wait for me in the car," Zyrho said, pressing my hand before turning on his heels and heading back to their house.
Ngumiti ako at tumalikod. Kaso laking gulat ko nang bumungad sa akin si Zhuri. Triplets sila ni Zyrho at Zen at 'di naglalayo ang mga hitsura nila sa isa't isa.
"Z-zhuri,"
"How are you? Hindi ba mahirap ang pagbubuntis mo?" tanong habang nakatingin sa aking tiyan.
Wala sa sariling lumipad ang kamay ko sa aking tiyan. Hindi ako makatingin sa kanya ng daretso dahil ang tapang ng mga tingin ni Zhuri sa akin. The way she asks those questions seems forceful.
"I'm sorry if I made you feel uncomfortable the whole time."
Naiangat ko ang aking tingin sa kanya. She sounded genuine, yet her face gives off different vibes.
"I'll be honest with you, Arth. I didn't see the whole thing coming," she put her hands inside the pocket of her jumpsuit. "I didn't know that Kuya Zy would actually bring you here and introduce you to our family. Kuya Zy is serious with you, Arth, and I don't want you to become his weakness, so be strong, please. I don't care whatever your attitudes are, just be strong if you want to be on my brother's side." She said and gave me a little smile.
Zhuri squeezes my shoulder before she goes off to her motorcycle and drives away.
Even though Zhuri is already out of my vision, her words are still floundering around my head. I didn't catch what she meant, but I cannot take her words out of my head. It feels like a warning.
I sighed as I felt my heart constrict, succumbing to some force that tightened the air inside my chest.
I was about to take a step towards Zyrho's car when I heard a scream coming from inside the house!
"Ken!!! Oh my god! My Ken!!!"
"Daddy, si Ken!"
Parang namatayan si Zen kung makasigaw! Nang lumingon ako ay doon ko nakita na bitbit na ng tauhan ni Zyrho si Ken palabas at si Zen naman ay yakap-yakap ni Tito Tyson, parang inaalo.
I jogged towards Zen.
"Zen,"
Umahon siya mula sa pagkakasobsob sa dibdib ni Tito Tyson. Luhaan ito.
"Hihiramin ko lang si Ken sa'yo, Zen. I will bring him back to you as soon as possible." Pampalubag loob ko kay Zen.
Zen pouted.
"Dadalawin ko si Ken sa inyo. I will miss him!"
Tinanguan ko si Zen.
Hanggang sa pag-alis namin ni Zyrho ay naiwan ang mata ko kay Zen. Feeling ko parang prinsesa ang treatment nina Tita Cass at Tito Tyson kay Zen. Na-guilty tuloy ako kung bakit pinilit ko pa si Zyrho.
Needless to say, pagdating sa bahay ni Zyrho sa sala ko lang din pinalagay si Ken. Ayaw ko rin naman na sa kwarto ko ito.
Everytime I went down the stairs nakikita ko si Ken at gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi ko rin ito nakakalimutang batian ng 'good morning'.
"Hello sir Arth!" Ang puno sa energy na bati ni Seiven sa akin isang araw nang bumaba ako for lunch!
"Lunch ka na, Sir?" Tumango ako kay Seiven. "Saan mo gusto kumain, sir? Doon sa garden? Sa may poolside? Sa dining area?"
Alam na alam na ni Seiven ang ugali ko.
"Sa garden na lang." anas ko.
Yumuko si Seiven at nauna na upang ihanda ang table sa garden. Ngiting-ngiti ako habang patungo sa garden pero natigilan ako nang makita ko si Zyrho na may kausap na babae sa tabi lang ng garden. Hindi ko kilala ang babae at sa dalawang linggo ko rito sa bahay ni Zyrho, first time kong makita ang babaeng ito.
Tumatawa ang babae at may pa hampas-hampas pa sa balikat ni Zyrho. And that doesn't sit well with my system. When I looked at Zyrho, he was also all smiles while talking to the woman in red heels!
"Sir, ready na ang table." Ngiting ani ni Seiven sa akin kaso bigla akong nawalan ng gana kumain. Tila may dumaang mapait sa aking bibig.
"H-hindi pa pala ako gutom, Seiven. Pakiligpit ang mga pagkain at ang table." ani ko sabay talikod dala ang hindi ko maintindihan na paggipit ng damdamin ko.
***
Thank you for reading, Engels!
꧁A | E꧂
- dont forget to vote and leave your thoughts and reactions in the comment section. ur votes and comments are highly appreciated and will motivate the author to update as soon as possible:)
- 300 votes and i'll be dropping chap10
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top