CHAPTER 8

Chapter 8

Maximilian Arthur's POV

My eyes shone with so much bliss!

Nakalatag sa mahabang dining table ang lahat ng hiningi ko kaninang umaga kay Zyrho. Nasa center pa ang isang buong lechon ko at nasa tabi ko naman ang apat na layer na Gimbap na pinagpatong-patong.

Parang may pyesta dahil sa dami ng nakahain na pagkain sa mesa at ako lang ang nakaupo mag-isa.

Tiningnan ko ang mga maid na siyang nag-asikaso nito.

"Upo po kayo! Samahan n'yo po ako kumain."

Pag-aaya ko sa kanila pero isang madiing iling ang kanilang binigay sa akin.

Binalingan ko naman si Seiven na nagniningning din ang mga mata na nakatutok sa handa sa mesa.

"Seiven halika!" Kinamay ko si Seiven at tinapik ko ang bakanteng upuan sa aking tabi. "Dito, tabi ka sa akin."

Umiling din si Seiven at nanatiling nakatayo sa kanyang pwesto.

"Halika ka na! Samahan mo ako kumain! Ang lungkot kumain ng mag-isa sa mahabang mesa na ito!"

Nasanay kasi akong magkasabay kaming kumain pamilya. Minsan wala si Mama Kai at Daddy Priam pero kasama ko naman ang kapatid ko. Kaya hindi talaga ako kumakain ng mag-isa.

Hindi ko tuloy ma-imagine kung natuloy ako sa Isla Viste. Baka umiiyak ako habang kumakain mag-isa.

"Pasensya na, Sir Arth pero bawal po," sabi ni Seiven kahit alam kong gusto rin niya kumain!

Gusto ko si Seiven kasi hindi siya plastic sa akin at nakikita ko sa kanya ang kapatid ko. Madali lang ding nakuha ni Seiven ang loob ko dahil kwela siya at maraming nakukwento. Kapag kasama ko siya hindi ako naho-homesick dahil sa mga funny niyang kwento kahit na pakiramdam ko hindi totoo ang mga kwento niya sa akin.

"Nakakawalang gana naman kayong ayain. Minsan lang ako mag-aya, eh. Saka ako lang dito mag-isa sa table." Matamlay kong wika.

"Mapapagalitan kami, sir."

Binalingan ko si Seiven na siyang sumagot sa akin.

"Mapapagalitan nino?"

"K-kay Boss po," sagot ni Seiven sa akin.

I casually waved my hand, dismissing the matter with nonchalant ease.

"Ako na ang bahala kay Zyrho. Halika ka na." Muling aya ko kay Seiven.

Problemado itong napakamot sa kanyang batok.

"Naku, sir... basta sinabihan ko na kayo na mapapagalitan tayo ni Boss dito." ani Seiven pero hinila na niya ang upuan sa tabi ko. "Tamang-tama rin naman kasi ang pag-aya mo sir Arth. Hindi pa ako kumakain ng hapunan!"

Ngumiti na lang ako at naghain ng pagkain sa kanya.

"Ikaw na kumuha ng ulam na gusto mo!" Ngiting wika ko kay Seiven.

"Ay, walang problema sa akin iyan, sir!"

Malaki pa rin ang ngiti ko kay Seiven habang kumukuha siya ng balat ng lechon nang biglang may tumikhim sa aming likuran!

Natigil sa ere ang kamay ni Seiven na kukuha na sana ng lechon.

Parang robot na lumingon si Seiven at doon namin natagpuan si Zyrho bitbit ang mga pizza boxes sa kanyang magkabilang kamay.

Akala ko matatagalan siya sa Italy? Akala ko aabutin siya ng bukas doon? Bakit nandirito na siya ngayon?

Zyrho's eyes fixed on Seiven with an ominous intensity, his gaze shrouded in darkness.

"B-boss!" si Seiven at mabilis na tumabi. Dinilaan pa ni Seiven ang daliri niya.

Humulma ang panga ni Zyrho at bumaling sa akin. Muli itong humakbang tungo sa akin.

"Here's your pizza, Arth."

Nilapag iyon ni Zyrho sa mesa at walang imik na tumalikod.

Napatayo ako.

Anong pag-aarte itong ginagawa niya? Why is he acting cold towards me? Why? Is he regretting ba sa mga ginawa niya for me?

"Aalis ka na naman?"

Dahil sa tanong ko napatigil ito sa paglalakad palalayo sa akin.

"Kumain ka na, Arth. I know na kanina mo pa hinihintay ang foods mo."

"Aalis ka ba!?" Galit ko nang sigaw.

Ramdam ko ang pagtaas ng tensyon sa pagitan namin ni Zyrho. Pati ang mga maids at si Seiven na siyang saksi namin ni Zyrho ngayon, ramdam ko ang pagpipigil hininga nila sa aming sitwasyon ni Zyrho.

Kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang balikat bago sumagot, "I will not leave sa sala lang ako, hihintayin kita."

Iyon naman pala, hindi naman pala siya aalis.

"Edi, samahan mo akong kumain."

"No, Arth—"

"Itatapon ko lahat ng ito! Itatapon ko sila lahat kapag hindi mo ako sinamahan!" Banta ko rito.

Umikot si Zyrho, yumuko siya saglit bago tumingin sa akin at ngumiti.

"Fine, we will eat together."

Nilipat ni Zyhro ang plato ni Seiven sa kabila at inakupa ang pwesto kanina ni Seiven sa tabi ko.

I know I hate being with Zyrho, but I just can't give him the cold shoulder after getting all that I wanted.

My head heated up when he turned down my invitation earlier.

Binulungan ko si Zyrho na pasabayin sa amin ang mga maids.

"Are you sure? Akala ko ayaw mo?" aniya.

"Anong ayaw ko? Mga bodyguards o securities lang ang ayaw ko pero gusto ko may kasabay kumain!" Banas kong wika kay Zyrho.

Napatango naman ito, tila may napagtanto. At isang mando niya lang ay nagsiupuan na rin ang mga tauhan niya.

"Akin ang mga balat!" Pahayag ko, pagtutukoy sa balat ng lechon.

Wala naman akong nakuhang mga angal doon.

Binuksan ko rin ang mga pizza na dala ni Zyrho at isa-isa kong binigyan ang lahat ng maids no'n.

I sense Zyrho's intense gaze fixed upon me, habang nililibot ko ang buong mesa pero hindi na ito nagsalita.

Matapos iyon ay umupo na rin ako sa aking pwesto at napangiti nang may tatlo pang box para sa akin.

Ganado akong kumain nang makita kong masayang kumakain ang mga kasama ko sa mesa. Natawa pa ako kay Seiven dahil lakas niya kumain!

Susubo na sana ako ng panibagong malutong na balat ng lechon nang mapansin ko si Zyrho sa aking tabi na hindi masyadong ginagalaw ang pagkain.

"Ayaw mong kumain?" mahinang tanong ko rito.

Lumingon kaagad si Zyrho sa akin at 'di nakatakas sa mga mata ko pilit niyang pagsigla sa kanyang mga mata. Pagod siya at inaantok.

The conscience leisurely eats at my system when I see Zyrho's face. His orbs are red, and weariness is imprinted there.

"If... if you are tired, you can now rest."

He shook his head. "No, I will wait until you finish your food."

"Hindi ka ba gutom?"

"I'm fine, baby.." anito.

Usually, kapag tinatawag niya akong baby ay nabubugahan ko ito ng maanghang na salita o nasisigawan. Kaso ngayon hindi ko ito magawa dahil pati boses nito ay halatang pagod.

Of course, Arth!, Ikaw ba naman magtravel from Cebu to Korea and then go back in the Philippines and then travel to Italy. It was a good thing that he has his own plane.

Sumama ang mukha ko. Ni hindi man lang niya sinagot ang tanong ko kung gutom ba siya.

Hence, despite my reluctance, I find myself compelled to select one of my meticulously crafted and delicious Gimbap at sinubo ko iyon sa kanya.

"I-ito, oh," ani ko at inilapit ko sa kanyang bibig ang aking kamay na may dalang Gimbap.

He fixed his gaze solely on my outstretched hand, offering no other response.

"Naghugas ako ng kamay ko!"

A subtle smile graced his lips, slipping free before he spoke.

"Thanks, baby."

Sinamaan ko lang ito ng tingin. Pasalamat ang feelingerong ito na hindi ako gumagamit ng chopsticks dahil baka na tusok ko na ito sa lalamunan niya.

Tila namimihasa naman si Zyrho sa akin at nagpapasubo na siya.

"Ahh," anito sabay buka sa kanyang bibig. At kahit na nais ko na itong batukan hindi ko na lang ginawa. Iniisip ko na lang na pambawi ko ito sa kanyang ginastos sa akin.

Kumakain ako pero sinusubuan ko rin si Zyrho dahil nag-iinarte ang timawa! Ang sarap hampasin sa batok gamit ang hita no'ng lechon!

"That's enough, Arth. Masyado nang malalim ang gabi at marami ka na ring nakain." Awat ni Zyrho sa akin.

Napatingin ako sa kasama naming kumain at doon ko lang nakita na ako at si Zyrho na lang ang naiwan sa mesa. Si Seiven ay napapahimas na rin sa kanyang tiyan sa isang tabi.

Kain lang ako nang kain pero parang 'di naman ako nabubusog. Normal pa ba ito?

"Marami pa ang tirang pagkain." Nginuso ko ang mga pagkain sa mesa.

"You can have them tomorrow."

"Papaano kung iba na namam gusto ko bukas?"

"No problem. We'll get you what you want."

"Talaga?"

"Yes—"

"Kuya! Nagpapayesta ka pala rito hindi mo naman kami inimbitahan..."

Sabay kaming napabaling ni Zyrho sa bagong dating na lalaki na unti-unting humina ang boses.

Napatitig ako rito at napagtanto kong kamukha sila ni Zyrho pero ito ay parang malambot at katamtaman lang ang laki ng katawan.

"Zen?" Napatayo si Zyrho. "What are you doing here?"

Nakatitig lang ako sa kanila.

"Who are you?" anang no'ng Zen sa akin.

Tumayo ako.

"Zen let's talk sa labas." si Zyrho na pilit hinihila ang Zen.

Tumaas ang isang kilay noong Zen at tiningnan ako mula ulo hanggang sa aking paa. He scrutinized me thoroughly, examining every detail from head to toe.

"Zen,"

"Your boyfriend, kuya?"

"Hindi!" sagot ko bago makapagsalita si Zyrho.

Anong boyfriend? I don't do that shit!

"Why are you here?" Zyrho emphatically asked Zen.

He sassy, iyong Zen.

"I just heard na pumunta kang Cebu to buy lechon, akala ko kung ano ang occasion at bumili ka. That's why pumunta ako rito. Makikikain sana."

"At ano iyang dala mo?" Tukoy ni Zyrho sa dalang Tupperware ni Zen.

Itinaas iyon ni Zen at binuksan.

"Charan! It's adowbow! Nagluto si Papadad kanina at naisip kong dalhan ka!"

Napatakip ako sa aking bibig nang bumaliktad na naman ang aking sikmura.

"Blargh—" Tumakbo na ako tungo sa banyo at doon dinuwal ang mga kinain.

Hindi ko namalayan ang pagdalo ni Zyrho sa akin, basta narinig ko na lang siyang magmumura sa aking likuran habang hinahaplos ako ro'n.

- - -

Naka-de kuatro si Zen sa harapan namin ni Zyrho. Magkatabi naman kami ni Zyrho sa tapat na sofa ni Zen dito sa sala. Naka-suporta rin ang isang braso ni Zyrho sa likod ko dahil hinang-hina ako sa kakaduwal ko kanina.

"So, sinong mag-iexplain ng nangyari sa akin?" anas ni Zen habang kinakain ang tira kong pizza from Italy.

"Zen just go home..."

"And I'll tell Dad and Papadad about this?"

"Zen,"

"Tell me, Kuya, is he pregnant with your child?" Daretsong tanong nito sa amin ni Zyrho.

Zyrho clicked his tongue, "Yes, Zen. He is pregnant with my child. So please go home."

"I will go home in one condition, Kuya."

Hindi umimik si Zyrho kung kaya't nagpatuloy si Zen.

"You will tell this matter to Papadad and Daddy. God! You are about to have your first born tapos nililihim mo sa kanila. Akala ko ba walang maglilihim sa pamilyang ito, Kuya Zy?"

Pagkatapos itong banggitin ni Zen at inilapag niya ang nakagatan na niyang pizza sa center table.

"Zhu knows."

"What? Alam ni Zhu? Bakit sa akin nilihim mo?"

Mas piniling manahimik ni Zyrho.

Tumayo si Zen.

"Fine, I'll go home na but remember what I said, Kuya."

Tumayo si Zyrho at niyakap iyong Zen.

"Take care magpahatid ka sa tauhan ko. And yes, pag-iisipan ko ang sinabi mo."

Tumingin ako sa kanila. Nang tumingin sa akin si Zen ay ngumiti ito ng maliit sa akin bago bumuntong hininga at lumabas.

- - -
Hinatid ako ni Zyrho sa aking kwarto at dinalhan niya ako ng gatas. 'Di ko magawang magalit sa kanya nang sinabi niya kay Zen na buntis ako sa anak ko— namin, dahil sa pagod ko at pagkahilo.

Inayos niya ang kumot sa paa ko.

"Here," inabot niya sa akin ang baso ng gatas. "I'm sorry about earlier."

Hindi ako nagsalita.

"He's Zenver, kapatid ko siya."

"Malambot na version mo?"

Umiling siya.

"Triplets kami, ang isa si Zhuri." sabi niya kahit hindi ko naman tinatanong.

My eyes widen in a fraction. Triplets? Jusko, ang dami naman nila! Grabe pala ang ama nila kung ganoon?

Sa una palang we have already made it clear between us that there's no prying into each other's personal lives. However, what is happening now does not align with what we discussed. Hindi na nasusunod ang mga pinag-uusapan namin.

Even I, sometimes, forget that I hate Zyrho and am angry with him. At times, I get swayed by his unpredictable actions, and I don't like it. The next thing Zyrho said leaves me stunned.

"About what Zen said earlier... is it okay with you kung ipapakilala kita sa mga magulang ko?"

"A-anong ipakilala, Zyrho? Wala 'yan sa kontrata." I warned him.

His cheekbone defined.

"Right... sorry. Sige na, ubusin mo na ang gatas. Ibaba ko 'yan pagkatapos mo." aniya at tumalikod sa akin.

Itinuko niya ang siko sa kanyang magkabilang tuhod na nakabuka at napayuko.

Hindi ko siya pinansin at ininom ng dahan-dahan ang gatas.

"T-tapos na."

Tahimik niyang kinuha ang baso sa akin.

"Akin na," anito nang hindi ko bitiwan ang baso.

"Is it necessary na makilala ako ng mga magulang mo?"

Yumakap ang kamay nito sa kamay kong nakahawak sa baso.

"Ngayong alam na ni Zen, malabong hindi ito malaman ng mga magulang ko. Kaya gusto ko na lang na unahan sila. You are carrying their soon-to-be first grandchild. I don't want them to fret about that and those."

I don't like it. I don't like his idea, and I don't understand why it's a big deal that I am carrying his child.

"Fine, papayag na ako."

"No. Kung hindi ka komportable, I can explain it to them. No need to pressure yourself, baby."

Susupuhin ko na sana ito sa kanyang sinabi pero mas pinili ko na lang manahimik.

"Fine, thank you for understanding, baby."

Sinamaan ko ng tingin.

"Sige na matutulog na ako." Pagtataboy ko sa kanya.

And once again, my defenses faltered, failing to apprehend Zyrho's gesture as he tenderly kissed my forehead.

Nang makaalis si Zyrho ay inis akong napasabunot sa aking buhok. Shit! Shit! Shit!

- - -

Lumipas ang ilang araw bago kami napapunta ni Zyrho sa bahay ng kanilang magulang— ang bahay nilang pamilya. Dahil gusto niya kompleto raw ang pamilya niya kapag pumunta kami. Buti na-inform ako na may bahay at lupa na pala silang magkakapatid.

Sunday morning at dumating na kami ni Zyrho sa bahay ng kanyang magulang. Aminado akong malaki ang bahay ni Zyrho pero mas nalula lang ako sa laki ng bahay nilang pamilya! Parang palasyo sa laki at sa laki ng bakuran!

As we stepped inside the house, two women and three boys in their twenties welcomed us, and I was taken aback. Si Zen lang kilala ko doon.

My knees trembled as I witnessed two middle-aged men gracefully descending the long staircase. Ang isa ay may malaking pangangatawan habang ang isa naman ay hindi.

The huge man gazed at his companion with evident admiration, his eyes reflecting a gentle and tender focus on the person beside him. At nang dumapo ang mga mata nang malaking lalaki sa akin at kinilabutan ako. Nakita ko na ang mga tingin na iyon minsan kay Zyrho.

Napayakap ako sa braso ni Zyrho. Ano itong napasukan ko?

"Papadad, Daddy, this is Arth. Arth, this is my Papadad, my daddy, and my siblings." Ngiting pagpapakilala ni Zyrho sa akin sa kanyang pamilya.

I nearly fainted right there on the ground!

***
Thank you for reading, Engels!
꧁A | E꧂


- dont forget to vote and leave your thoughts and reactions in the comment section. ur votes and comments are highly appreciated and will motivate the author to update as soon as possible:)

- 250 votes and i'll be dropping chap9

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top