CHAPTER 7

happy 34k reads tmlho!
_____________________

Chapter 7

Maximilian Arthur's POV

Malapad ang ngiti sa aking labi nang magising ang aking diwa ngunit hindi ko pa rin minumulat ang aking mga mata. Ang sarap pa kasing pumikit lalo na't ang bango ng aking kayakap ngayon.

Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap ko ro'n at sininghot ang amoy ng kayakap ko. Nakaka-relax ang amoy nito na parang room freshener.

Sumugat ulit anag ngiti sa aking mga labi nang manuot ang amoy nito sa aking ilong. Gustong-gusto ko kapag pumapasok na ito sa ilong. Relaxing kasi siya tapos ang bango-bango pa!

But the fantasies in my mind were put on hold as I tried to squeeze and press it.

My forehead started to crumple as I continued to put some pressure on the thing between my arms.

Press.

Why is it hard?

Press.

Why is it hot?

Press.

Why is it moving?

Press harder.

"Baby, that hurts!"

My eyes instinctively popped open. I looked up. To my horror, Zylander Howell Maranzano's chic face welcomed me!

Oh my god! I must be hungry! Am I seeing things? Baka pasmado lang ako o baka may something lang sa mga mata ko dahil inaakala ko talagang gwapo si Zyrho.

Jesus! Me? Considering Zyrho Maranzano a handsome man? No! Never!

"Morning, baby!" Paos na bati ni Zyrho sa akin sabay paskil ng ngiti sa kanyang labi. Ambango ng hininga niya sa umaga, ah!

His strong arms firmly envelop me, much like my arms snake around him.

Ang lapit ng mukha ko kay Zyrho. Tiningnan ko ito at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong solo ko ang kumot. Sadyang magkayakap lang kami ni Zyrho na kinainit ng aking dugo bigla!

Umakyat muli ang mga tingin ko kay Zyrho. Nakasuot pa rin ito ng pormal na attire.

"Anong good morning kung mukha mo ang bubungad sa umaga ko?" Pambabara ko sa kanya.

Mas nagusot ang mukha ko nang makita ko itong ngumiti lang! Ewan ko rin ba kung ano ang meron sa mga ngiti ni Zyrho at kung bakit naiinis ako ro'n. O baka mukha talaga ni Zyrho ang problema? Nevermind!

"Did you sleep well?" tanong ni Zyrho.

"Hindi! Binangungot ako," sagot ko sa kanya.

Umangat ang isang sulok ng kanyang labi.

"Really?" he said with a hint of teasing.

"Totoo!" sigaw ko sa pagmumukha niya at nang makita ko ang distansya naman ay naitulak ko ito.

Ayaw ko kay Zyrho pero hindi ako bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. Ang saklap lang!

Nang bitiwan ko si Zyrho ay taas kilay ko itong tiningala. I tried to match his intense gazes at me, but I failed woefully. Those amethyst eyes were still haunting me. I still feel intoxicated whenever I look at them. His eyes are like thunder under the rain; you cannot help but stare at them despite knowing how dangerous it is. They hold mystery.

"Kaya ba hindi mo ako mabitiwan dahil pa rin sa nightmare mo?" Marahan niyang tanong sa akin.

Napatingin naman ako sa aming posisyon. We're still facing each other! At dahil nainis ako, hindi ako nagdalawang isip na patirin si Zyrho pababa sa kama. In the end, nahulog ito sa sahig.

Nang lumagapak siya sa sahig ay sinilip ko ito. Malakas kasi ang pagkakabagsak niya bigla akong kinabahan.

Nadala ko sa aking bibig ang aking kamay nang makita kong namimilipit si Zyrho doon sa sahig habang hawak-hawak niya ang kanyang baywang. Nang sumulyap siya sa akin ay awtomatik kong naibagsak ang katawan sa kama pabalik!

Totoo bang masakit ang pagkakabagsak niya? Nabali ba ang buto niya?

Muli akong sumulyap kay Zyrho at nando'n pa rin siya sa sahig.

Kinain ako ng aking konsensya kung kaya't bumangon ako at bumaba sa kama. Nilapitan ko ang feelingerong Maranzano.

"S-sorry! Ikaw kasi tinutukso mo ako." Sisi ko sa kanya. "Saan masakit?" Alalang tanong ko pa rin at sinuri ito. Ayaw ko mang hawak-hawakan itong si Zyrho pero may slight akong kasalanan. Pinatid ko kasi.

Labag sa loob kong sinusuri ang baywang ni Zyrho dahil baka nabali na siya sa lakas ng pagkakabagsak niya kaso natigilan din ako nang mapasulyap ako sa mukha nito na nakangisi sa akin.

"N-niloloko mo lang ako?!" sigaw ko sa kanya.

Napapikit si Zyrho sa lakas ng boses ko.

"Thank you for the concern, Arth." Ngising untag niya.

Nag-isang linya ang labi ko bago ko sinampal ang baywang nito.

"Shit!" anang niya naman at dahil sa sama ng mukha niya alam kong totohanan na ang sakit no'n!

"'Di ka na makakaulit sa akin, Maranzano!" Bulyaw ko at iniwan siya.

Tumayo ako at pumunta sa aking bag. Kinuha ko ang aking telepono at ch-in-arge.

"Lalabas na ako, sabay tayong kumain sa baba. And before anything else, Arth. Kung hindi mo pa nakita, nandito na pala ang hinahanap mo kahapon na abukado'ng kambal. See you in a minutes, baby. Good morning again!"

Malimit akong lumingon kay Zyhro, nakita kong inaayos niya ang higaan ko bago ito umalis sa aking kwarto. Nang mawala ito ay nilapitan ko ang sinasabi niyang abukado.

Ngiting kinuha ko ang abukado roon sa plato at nayakap. Ang ganda nila! Kambal nga sila, nakakatuwa!

Tuwang-tuwa ako sa aking abukado nang magwala ang aking telepono. Akala ko ay aatakihin ako sa aking puso!   

Humingang malalim ako at halos mapa-sign of the cross nang makita ko sa screen ng aking telepono ang pangalan ng aking Mama Kai.

Umupo ako sa gilid ng aking kama at binaba ko sa aking kandungan ang aking abukado.

"M-ma?" utal-utal kong saad pagkasagot ko sa tawag.

"Jusko! Maximilian Arthur! Anong ginagawa mo d'yan at bakit hindi ka namin ma-contact nung nakaraan?! Tangina! Muntik na kaming sumugod ng Daddy mo sa isla kung hindi ka lang sumagot ngayon! Alam mo ba kung gaano ako nag-alala rito? Hindi ako makatulog kakaisip sa'yo d'yan! Sana pala sinama mo na lang itong kapatid mo para naman mapanatag ang loob ko rito at magkasilbi rin ito!"

"Kai, wifey, don't shout at Arth. Sumagot na nga ang anak natin." awat ni Daddy Priam kay Mama, kung hindi lang inawat ni Daddy si Mama ay baka hanggang ngayon nagsesermon pa ito.

Namiss ko tuloy ang maingay naming bahay.

"Oo nga, 'ma, saka hindi ka naman ganyan ka concern sa akin kapag hindi ako nakakatawag ng ilang araw!" Pasiring na wika ng aking kapatid.

"Oh, bakit? Ikaw ba ang buntis, Archi? Kapag talaga ikaw'ng bata ka makabuntis! Sinasabi ko sa'yo, Archibald!" Galit ni saad ni Mama.

Kahit na hindi ko sila nakikita, alam ko na na nanlilisik na ngayon ang mga mata ni Mama Kai sa tono palang ng boses niya.

"Mama naman, para naman po kayong walang bilib sa akin. Ako? Makakabuntis? Hindi 'yan mangyayari, 'ma! Promise!" si Archi naman.

Tumawag lang yata sila para marinig ko ang bangayan nila doon sa bahay.

"Mama? Daddy?" Pagkuha ko sa kanilang atensyon dahil mukhang nakakalimutan nila na nandirito pa ako sa linya. "A-ayos lang naman po ako. Wala naman pong nangyaring masama sa akin—"

"Ano? Anong walang nangyaring masama, Arth?" putol ni Mama sa akin.

"Ah, ano, 'ma. Ibig ko pong sabihin m-maayos naman po akong nakarating dito sa isla." Kagat labi kong wika at napatingin sa aking maluwag, maaliwalas, at magandang silid. "Saka ang ganda po rito, 'Ma. G-gusto ko po rito. Maaliwalas po at w-walang disturbo."

Rinig ko ang marahas na pagbuga ng hininga ni Mama sa kabilang linya.

"Mabuti naman kung ganoon. Tumawag ka rin sa amin Arth, para naman hindi kami mag-alala rito. Saka kumusta ang pagbubuntis mo? Wala ka bang kakaibang nararamdaman aside sa pagsusuka at cravings?"

Ngumuso ako.

"Ano lang, 'ma... lagi po akong naiinis," lalo na kapag nakikita ko ang mukha ni Zyrho. "saka mainit lagi ulo ko."

"Ay, natural lang 'yan, anak. Ganyan na ganyan ang Mama mo noon sa akin. Halos bugahan na ako ng apoy araw-araw!" Pagsingit naman ni Daddy.

Nagmana pala talaga ako kay Mama Kai?

"Sige na, anak. Mag-ingat ka d'yan at kumain ka sa tamang oras. Tumawag ka sa amin, ha." ani Mama.

"Sige po, 'ma. Bye na po!"

"Bye, kuya! Chat mo naman sa akin kung may mga chix ba d'yan!"

Natawa na lang ako kay Archi at bago ko nga patayin ang tawag ay narinig ko pa ang daing ng aking kapatid. Nakatikim na naman ng kurot mula kay Mama!

- - -

Dumeretso ako sa kusina pagkatapos kong maligo at makapagbihis. Dinisplay ko lang din ang aking abukado roon sa aking silid dahil ayaw ko siyang galawin.

"Baby," si Zyrho nang makita ako.

Tinaasan ko lang siya sa aking kilay. Konti na lang at masusubo ko na kay Zyrho itong kamay ko kaka 'baby' niya sa akin.

Pinaghila niya ako ng upuan at nawala naman ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang plato sa aking harapan na may pagkain na.

"Ako ang naghain n'yan for you. It's good and healthy foods para sa'yo." Inuhan na ako ni Zyrho nang magtatanong na sana ako.

Pairap akong tumingin sa kanya.

Humaba ang labi ko at pabagsak na sumandal sa aking upuan. Mabibigat ang hiningang pinagkrus ko ang aking braso sa harap ng aking dibdib.

"Ayaw ko n'yan!" Nguso ko sa pagkain.

"What do you want?" tanong ni Zyrho.

"Gusto ko ng adobong baboy!" Iyon kasi ang isa sa fav kong ulam sa bahay.

Isang kumpas lang sa kamay ni Zyhro ay iniwan kami nung isang maid niya rito at pagkabalik no'n ay may dala na itong isang plato ng adobong baboy!

Takam na takam ako habang palalapit iyong maid sa akin.

"Pero mag-gulay ka rin, Arth and fruits too. Also, don't forget your vitamins." wika ni Zyrho.

Bagot ko itong binalingan.

"Oo na! Para namang ikaw ang buntis sa atin! Feeling mo talaga masyado!" anas ko naman.

Humingang malalim lang siya.

Nang ilapag ng maid ang adobo sa aking harapan kumuha ako ng isang piraso no'n at isusubo ko na sana ito nang biglang bumaliktad ang sikmura ko.

"Ugrgh!"

Nabitiwan ko ang adobo at napatakip sa aking bibig. Akala ko ay mawawala na ang pagkasuka ko nang aamoy ko ang adobo.

Napatayo ako at nagkandauga sa paghahanap ng banyo.

"Dito po, sir!" anang ng isang maid at naituro sa akin ang banyo.

"Arth! What's wrong?" Si Zyrho na nakasunod sa akin.

Napaupo ako sa sahig ng banyo at niyakap ang toilet bowl at doon sumuka.

Kada dura ko ay sabay naman no'n ang pagtulo sa aking mga luha. Wala nang mailalabas pa ang t'yan ko pero nasusuka pa rin ako at patuloy lang ang laway ko sa kakaagos doon sa toilet bowl.

Hinahagod ni Zyrho ang likod ko at nakakatulong naman iyon kahit papaano.

Nilingon ko si Zyrho. "T-tubig magmumog ako." Hapong saad ko sa kanya.

Tumango naman si Zyrho at pinunasan ang baba ko gamit ang tissue paper.

Sumandal ako sa kanya at umiyak.

"It's okay, baby." Alo niya pero hindi naman iyon nakakatulong sa akin. Mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko dahil hindi ako makakakain ng adobo.

"Ang adobo ko!" Iyak ko.

Si Zyrho naman ay nagpupunas sa luha ko.

Nang dumating ang tubig ay nagmumog ako.

"You can still try some other foods you enjoy. Ano ba ang gusto mo?" aniya.

Umalis ako sa pagkakasandal ko sa kanya. Hinarap ko si Zyrho.

"Pero favorite ko iyon." Iyak ko na naman."

"It's still your favorite. Pero pwede ka namang kumain ng iba."

Ngumuso ako. Ang adobo ko!

"Pwede akong kumain ng iba?" ani ko.

Tumango naman si Zyrho.

"Anything, baby."

"Talaga? Kahit anong gusto ko?"

"Yes, anything!"

"Gusto ko ng pizza,"

"Sure," walang kagatol-gatol niyang saad.

"Gusto ko galing sa Italy ang pizza ko."

Napakurap-kurap doon si Zyrho.

"Sa Italy? Pero baka hindi iyan aabot-"

"Akala ko kahit anong gusto ko?" Putol ko sa kanya.

"Yes, I will get your pizza sa Italy."

Ngumiti ako.

"Saka gusto ko rin ng Gimbap!" Excited kong anang.

"Okay, may chef akong kayang gumawa ng Gimbap—"

"Gusto ko galing sa Korea, Zyrho." Ngusong sabi ko.

A subtle smile graces his lips before he nods in agreement.

"Gimbap from Korea it is." anito.

"Saka gusto ko ng lechon, Zyhro iyong isang buong lechon... sana." ani ko.

"Lechon from Cebu?" tanong na niya.

Tumango-tango ako.

"Sa Carcar, Cebu, Zyrho." sabi ko.

Inakay ako ni Zyrho patayo.

"Uunahin natin ang lechon mo from Carcar, Cebu, tapos ang Gimbap mo from Korea, and then ang pizza mo from Italy, okay?" saad ni Zyrho hang naglalakad kami tungo sa dining table. Hawak niya rin ang siko ko dahil nahihilo pa ako.

Tumango ako kay Zyrho.

"Pero kung... kung masyado na akong demanding. Pwede naman na huwag na lang, Zyhro." Malungkot kong wika.

"No, I will get anything you want, Arth. It's for you and our baby. Kaya kahit ano pa iyang gusto mo, we will get that, okay?" Malamyos nitong saad at humalik bigla sa aking noo bago pa ako naka-angal.

Tangina!!!

***
Thank you for reading, Engels!
꧁A | E꧂

~Merry Christmas, Engels! Sana nagustuhan ninyo ang update.

- dont forget to vote and leave your thoughts and reactions in the comment section. ur votes and comments are highly appreciated and will motivate the author to update as soon as possible:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top