CHAPTER 6

Chapter 6

Zylander Howell's POV

"Papadad was looking for you yesterday, Kuya! Saan ka ba nanggaling?" Salubong sa akin ni Zenver pagkapasok ko sa aming bahay— my parents house.

I have a separate house, well, kaming tatlo nina Zenver at Zhuri ay may mga bahay na. It was Dad's gift to us when we came of age. It's a house and a lot. I don't need it back then dahil pinapauwi naman ako lagi ni Papadad dito sa aming bahay, parang naging rest house ko iyong bahay ko ngayon. Pero dahil nando'n na si Arth, I guess I have to talk to my parents about it. Mga negosyo naman ang binigay ni Dad kina Ehann, Esther at Evren.

I know I am old enough to decide for myself, and even back then, kapag may gusto ako kahit tutol sila Papadad at Daddy ginagawa ko pa rin. Ini-inform ko lang sila. If I can, I will and even if I can't I will still give it a shot.

"Umuwi ako sa bahay ko," sagot ko kay Zenver. Kumunot ang noo ko nang nakita kong may papak na naman siyang lollipop. "You will get a tooth decay from eating that unhealthy food."

He took the lollipop out of his mouth.

"It's yummy, Kuya!" He argued.

"It can damage your teeth, Zen. Tsk! You are not a child anymore."

"Hmp! We have dentists, monthly pa nga ang check-up sa atin."

I just rolled my eyes at Zen, kahit kailan talaga! Lately kasi napapansin ko siyang laging kumakain ng lollipop. I know Zen loves sweets but he is not into lollies.

"Oh, I remember nandito si Zhuri?" I asked.

Nginuso ni Zen ang ikalawang palapag ng bahay namin.

"Thanks, by the way sabihin mo kina Papadad at Daddy na aalis din ako mamaya." Bilin ko kay Zen at umirap lang siya sa akin.

Inilingan ko ito at nang makarating ako sa kalagitnaan ng hagdanan ay nilingon ko ang aking kapatid.

"And Zen," hindi na mahitsura ang mukha ni Zen nang tumingin sa akin.

"What?"

"Nevermind," winaksi ang pumasok na ideya sa utak ko. "Eat responsibly." I said instead.

Rinig ko ang ungot niya pero wala namang sinabi.

Nang makarating ako sa kwarto ni Zhuri ay kumatok ako, walang sumagot kaya naman sinubukan ko iyong buksan. Hindi naman iyon naka-lock kaya nabuksan ko.

Kumatok ako sa dingding ng silid ni Zhuri.

"Zhu, papasok ako."

"Hmm." Ungot lang niya.

Nang malapitan ko si Zhuri ay napatakip ako sa aking ilong. Amoy alak pa siya. Parang 'di naman ito doktor!

"You should have washed up before going to bed, Zhu. Your room stinks!" I stated, covering my nose.

Umupo pa rin ako sa gilid ng malaking kama ni Zhuri at tiningnan ito. Magulo ang buhok, may bakas pa ng laway ang gilid ng bibig, at sira-sira ang make-up niya.

Nagusot ang mukha niya at nagtulakbong sa kanyang kumot.

"Hindi mo ba sinabi kina Papadad ang tungkol kay Arth, Zhu?" tanong ko sa kanya. I know she's still listening to me kahit nakapikit siya. 

"It's not my story to tell, Kuya." She slurred.

"Thanks, Zhu."

"No, prob kahit hindi ko masyadong gusto ang pag-obssessed mo ro'n, Kuya."

"Arth is wonderful and pretty."

"Pretty my ass! Kapag narinig ka ni Zen magdadabog iyon." Natatawang wika niya.

Natawa na rin ako. Zhuri may sometimes have a foul mouth, but I know she has a soft heart when it comes to our family. She is considerate when it comes to us, and I think all of us are.

"What the hell?!" Biglang sigaw ni Zhuri kaya napa-takip ako sa aking tenga. Bilog ang mga mata nitong tumitig sa akin. "God! Bakit nandito ka ngayon, Kuya? Balita ko ay dinala mo si Lacsamana sa-"

Naputol si Zhuri nang itakip ko sa kanyang bibig ang kumot. The alcohol is still lingering in her mouth!

Ngayon pa lang yata siya nagising, akala siguro niya ay nananaginip siya.

"Nakababa na kami ng yate ni Arth. Saka saan ka galing? Wala kang duty?" 

"Dumalo ako ng party kagabi atsaka huqag nga iyan ang pag-usapan natin?" She dismissed.

"Hmm, like I said bumaba na rin kami ni Arth."

"Really?"

Tumango ako.

"And what happened?" She fired while covering her mouth with the blanket.

"Nasa bahay ko na si Arth-"

"What the hell!?" Again she exclaimed!

"Yeah," tamad kong untag sa kanya.

Pero nawala rin ang sigla sa mukha ni Zhuri.

"Pero bakit binahay mo kaagad, Kuya?" Tila dismayado niyang tanong.

"I..." Napatitig ako kay Zhuri nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba rito but I trust her. I know she'll never go around and run her mouth about it, saying, "I got him pregnant."

"What the extra hell, Kuya!" Hiyaw niya at sinuntok ang braso ko.

"Hmm."

"Sinong may alam?!" She half-yelled in between her blanket

I raised my hand and extended my index finger, pointing it towards her.

"You,"

Natampal niya ang noo.

"For a Boss you are careless!"

"Only to him."

"You're whipped!"

"I am." Walang angal kong sang-ayon kay Zhuri.

Iling-iling na tumitig sa akin si Zhuri.

Bumuntong hininga ako.

"Nandito ba sina Esther o nasa trabaho?" Pag-iiba ko sa aming usapan.

"Hindi ka nagch-check ng GC natin?"

Umiling ako.

"Tsk!, Hindi ko rin alam, Kuya nagbubukang liwayway na nang umuwi ako rito." Ngising wika niya, proud pa talaga siya na umuwi sa ganoong oras.

"Hindi nagalit si Papadad?"

She shook her head, "hindi naman, tinampal lang ang balikat ko dahil nag-alala sila ni Daddy. Hehehe! Baka daw kasi napaano na ang una nilang prinsesa!"

"And Zen wil flip if hear you!" I kidded.

Ngumisi naman ito.

"Next time magtext ka or give our siblings a head kung matatagalan ka sa pag-uwi, Zhu. You know Papadad, he will always worry about us." I reprimanded her.

"Areglado, Boss!"

Tumango ako at umalis sa kanyang kama, palabas na ako ng kanyang kwarto nang may maalala na naman ako.

"Oh right, Zhu!" Kaagad naman na bumaling sa akin si Zhuri. "Please have your room clean and disinfect! It doesn't smell nice."

Hindi na ako nagulat nang ibato niya sa akin ang kanyang alarm clock kaso nasalo ko naman iyon. Binaba ko ito sa sahig at ngumisi sa kapatid.

Hinanap ko sina Papadad at Daddy sa bahay hanggang sa matagpuan ko sila sa may poolside. Nanliit ang aking mata nang makita ko si Zen na natutulog sa lounger habang papak pa rin amg lollies niya. Hindi na naman ito naaarawan dahil hapon na. Saan ba ito naglalakwatsa?

"Dad! Papadad!" Kuha ko sa atensyon nila, kasama rin nila sina Ehann,
Esther, at Evren. Nag-iihaw sila.

Niyakap ko si Papadad mula sa kanyang likuran at hinalkan sa kanyang ulo bago si Dad. Ginulo ko ang buhok nina Ehann at Evren at niyakap ko naman si Esther.

"Anak saan ka natulog? Hindi ka umuwi. Doon ka umuwi sa bahay mo? Hmp, kaya ayaw ko sa ideya ng Daddy ninyo na bigyan kayo ng bahay, eh!" Panghihimutok ni Papadad.

Daddy slowly pulled Papadad towards him, "Love, malalaki na ang mga anak natin. Hayaan na natin sila." Malamyos na wika ni Daddy.

"Mga baby ko pa rin sila, Love!" Ngumuso naman si Papadad kay Daddy. And Daddy doesn't hesitate claiming Papadad's lips kahit nasa harapan kami.

Ehann, Esther, and Evren cheered!

"New baby na 'yan! New baby na 'yan! New baby na 'yan!" Ang tukso nilang tatlo kaya naman inis itong tiningnan ni Papadad.

Daddy chuckled!

"Tumigil kayo! Sapat na kayong anim!" suway naman ni Papadad sa kanila.

Natawa na lang ako.

"Wala kayong trabaho?" tanong ko kina Ehann, from what I know busy sila ngayon sa nalalapit na anniversary event ng G.Es (Gamma Es is our own brand of shoe) na sakop ng Maranzano Holdings.

Ehann is the President of Maranzano Holdings, Esther is the Chairwoman while Evren is the Vice-chair of Esther.

"Meron kuya pero tumawag si Papadad gusto niya mag-ihaw." sagot ni Esther sa akin.

"Nagutom kami kaya umuwi para makikain." Sinundan naman ni Evren.

"Hindi kasi kami kagaya sa'yo, Kuya na pati sa bahay inuuwi ang trababo!" Saad naman ni Ehann sa akin.

"And the event?" ani ko. 

"Tingnan mo na." si Esther.

"Ako ang nag-handle ng event this year, Kuya. Rest assured it'll be successful as always!" Wika ni Evren.

Tumango ako. "That's good!"

Sa poolside na rin kami kumain nang dumating si Zhuri na nakaayos na ang pustura, mukhang aalis na naman. Wala naman sa mood si Zenver na nasa aking tapat.

"Tyson, love gusto mo pa?" tanong ni Papadad kay Daddy.

"Yes, love, please!" si Daddy na nasa aking kanan.

Bumaling ako kay Evren na nasa aking kaliwa.

"Sino ang partner natin for this year's event?" mahinang tanong ko rito dahil ayaw ni Papadad na nag-uusap kami about business kapag nasa mesa.

"Sulduas!"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa akong kobyertos. Nagtagpo ang kilay.

"Come again?"

"The Suldua, Kuya." ulit ni Evren.

Hindi na lang ako umimik doon.

That's new! Ayaw na ayaw ng mga Suldua sa amin. I don't know pero mula pa kay Bailey Suldua ay talagang may bad blood na ang aming pamilya sa kanila.

"Is there something wrong, son?" I sideye my dad.

"No, dad." sagot ko naman.

"If there is, you can always tell me. I can help."

"No, dad. You already stepdown. We can handle everything now. Your only job now is to make papadad happy, dad."

Tiningnan ko ang aking ama, I know how much I mirror his face.

He smiled.

"You don't have to tell me about it. I love your Papadad so much, Zy. And making him happy is the job that I'll never get tired of, son."

I pursed my lips and nodded.

"Soon, ikaw na naman ang magkakapamilya." wika ni Daddy.

My lips slowly curve up. The image of Arth and our children together would be great but I know it's still impossible for now.

Napangiti nalang ako sa naisip.

Tiningnan ko sina Papadad bago ang mga kapatid ko. We are a big family and we are so tight— so close to one another. Like other parents, my parents aren't perfect— our family isn't perfect however I'm so glad how Papadad and Daddy fought in this family. I'm so glad that no one in our family give up sa mga pinagdaanan namin, lalo na si Papadad.

"Kuya?" Zenver interrupted.

"Why?" I asked.

"Anong nakain mo ngayon?"

Kumunot ang noo ko sa tanong ni Zen.

"What?"

He shrugged. "This is not so you, kuya. Ngumingiti ka lang ng mag-isa." he stated and took a bit on his pork barbeque.

I shook my head and was about to dig in when my phone vibrated.

Pinindut ko ang aking earpiece, konektado na rin kasi ito sa aking phone.

"Yes?"

I smiled at Papadad when he put some rice on my plate and mouthed my gratitude.

"Boss, gusto ni Sir Arth ng abukado... iyong... abukado'ng kambal po!" said the other line.

"What?" Napatayo ako. "Kambal na abukado?"

"Oo, Boss! Iyon ang gusto ni Sir Arth. Naku boss, naiiyak na si Sir!" I took out the my earpiece and was about to take my exit my I feel the weight of my family's eyes on me.

"I'll explain everything some other time." saad ko sa kanila na may malaking pagtatanong sa kanilang mga mata except for Zhu.

Nilapitan ko si Papadad at humalik sa kanyang pisngi at tinapik ko ang balikat ni Daddy.

"I will call." paalam ko sa kanila.

- - -

Pati mga ang mga tauhan ko ay tumulong na sa paghahanap ng abukado'ng kambal. Naghiwa-hiwalay kami upang makahanap sa kambal na prutas na iyon ngunit kahit na halos suyurin at baliktarin man namin ang mga palengkeng napuntahan namin. Wala kaming nakita! Ang sabi ng mga nagtitinda wala daw'ng ganoon.

Shit!

"Boss! May nahanap na sila Sienna!" Tawag ng isang kasama ko.

Tumakbo siya tungo sa akin at pinakita ang larawan sa kanyang telepono. Hindi ko alam kung tama ba iyon nakita namin pero sana. Inabutan na kasi kami ng gabi sa kakahanap ng kambal na prutas.

Nang makarating kami sa bahay ay kinuha ko mula kay Sienna ang abukado. Itinaas ko ito at tiningnan. Isa lang ang stem ng abukado pero dalawa silang bunga no'n. Sana naman tama ito?

"You can now rest! Iyong iba muna ang pabantayin ninyo sa paligid." Saad ko sa kanila. Kita ko rin kasi ang pagod nila matulungan lang ako.

"Arth!"

"Sshh! Ay, boss ikaw pala, hehe!" si Seiven at napatakip sa kanyang bibig nang makita ako. "Nakatulog si Sir Arth, boss."

Tumango ako kay Seiven at pinaalis ito.

I sighed.

I marched towards Arth, nakahukdong siya sa mahabang mesa at nasa harapan niya naman ang mga basura ng kinain niya.

Itinabi ko ang mga basura sa lamesa at umupo sa tabi ni Arth.

"Arth?" Sinubukan ko siyang gisingin pero mukhang mahimbing na ang tulog niya.

Pinunasan ko ang tuyong luha sa sulok ng kanyang mata.

"Sorry, baby natagalan kami sa paghahanap. Nandito na ang abukado'ng kambal na gusto mo." Pagkakausap ko pa rin sa kanya kahit tulog ito.

Nang hindi pa rin magising si Arth ay kinarga ko siya tungo sa kanyang silid. Dinala ko na rin ang abukado niya kung sakaling hanapin niya.

Inayos ko ang kumot niya.

Iniwan kong bukas ang lampshade sa tabi ni Arth. Before I left, I kissed the place where his belly is.

Napangiti naman ako dahil kahit tulog si Arth parang may kaaway pa rin siya doon. Nakakunot ang noo!

Aalis na sana ako nang humawak ang malambot nitong kamay sa isang daliri ko.

"Arth," I murmured.

"Huwag kang umalis, please!" Wika niya kahit natutulog.

Alam ko namang wala ito sa sarili niya ngayon si Arth, alam ko na kung gising lang siya ay malabong sabihin niya iyon sa akin. Ngunit nanlambot pa rin ako roon.

My heart throbbed when I heard those words come out of his mouth.

"I will not leave you, Arth, even if you push me away. I will not leave you."

-_-_-_-_-_-_-

Jingle bells, jingle bells

~Jingle all the way

Oh, what fun it is to ride

In a one-horse open sleigh, hey!

Jingle bells, jingle bells

Jingle all the way

Oh what fun it is to ride

In a one-horse open sleigh~

0910 454 1976

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top