CHAPTER 5
Chapter 5
Maximilian Arthur's POV
Mangha man ay pinigilan ko ang sarili ko na ma-amuse sa bahay na aming tinigilan ni Zyrho. Hindi ko alam kung gaano ba talaga kayaman itong si Zyrho. Haven't heard of his business or businesses but as soon as I saw his house. I can already tell that he is rich. I think he is even richer than my family.
Zyrho's enormous house was erected in a wide plain area covered with green grasses except sa daanan ng kotse. Ang gate rin ng bahay ay malayo pa sa intrada ng bahay. At pagkapasok palang kanina ng kotse ni Zyrho, may arko na roon sa gate at nakaukit doon sa sementong arko ang kanyang apilyedo— Maranzano Estate.
"Baby, let's get inside!" Ang tawag ni Zyrho sa akin pero talagang nag-iinit ng kusa ang dugo ko sa tawag niya sa akin. I guess, hindi ko pa rin tanggap iyang tawag niya sa akin kahit pilitin ko ang sarili ko.
"Tigilan mo nga kakatawag sa akin ng 'baby' hindi na ako natutuwa, Zyrho." Aburido kong wika sa kanya.
He took a steps towards me, sa maliit na distansya sa aming katawan ay nararamdaman ko ang pagka-dominante ng lalaki. It's not that Zyrho is big. I mean, malaking tao naman talaga si Zyrho, with his broad shoulders, wide chest, and tall height. I mean his aura is giving a mix of vibes. I think nasa kanya na ang lahat dahil mayaman siya, ang akin lang masyadong feelingero ang lalaking ito. Hindi niya ako madadala sa magandang mukha niya at pagtawag niya sa akin ng 'baby'. I still consider him as my abductor.
Maliit ako kaya naman nakakain ng anino niya ang katawan ko.
Zyrho's lips slowly curve up, looking amuse at my face. The hell!?
"Anong ngiti-ngiti mo? Para kang timang, Maranzano!" Bara ko rito pero mukhang walang epekto sa kanya.
I raised my hands and pushed his chest. God! It's so hard!
"You even look prettier when you are angry, baby. Your grumpy face looks really pretty." Ngiting-ngiti wika ni Zyrho.
Napairap ako. Kung hindi ko lang talaga nakasama itong lalaking ito ay iisipin kong may saltik ito sa ulo. Sinong maganda kapag galit ang mukha? Nangga-gago itong Maranzano na ito sa akin.
"Pumasok na nga tayo! Iba yata ng epekto ng sinag ng araw sa utak mo, eh!" I dismissed at saka nagmartsa tungo sa main door ng bahay.
Nilingon ko si Zyrho na nakasunod sa akin.
Parang tanga itong umiling while biting down his smile.
Hindi ko binuksan ang malaking double doors ng bahay ni Zyrho. Hinintay ko itong pagbuksan ako. I'm too tired to do it my own!
Pagkapasok ko sa bahay ni Zyrho ay kumunot ang aking noo nang makita ko ang ilang mga tauhan ni Zyhro. They are all wearing black, kahit iyong mga babae ay puro itim din ang suot nila tapos nakapusod ang buhok nito. I also noticed something na nakalagay sa kanilang tenga. Parang mga robot lang sila! Tsk! Why do I even care about them?
"Sienna gather everyone in the pavilion. I have something to announce." saad ni Zyhro doon sa pinakamalapit na babae sa amin.
"Copy, boss!" ang babae at yumuko.
Wow! Well-mannered pala ang mga tauhan ni Zyrho. Pansin ko rin kasi kanina isang sabi lang ni Zyhro na huwag sumunod sa amin ang kanyang entourage ay sumunod kaagad ang mga ito. Parang isang pitik lang ni Zyhro ay napapasunod niya ang mga tao!
"Doon tayo sa pavilion, Arth." Wika ni Zyrho at hindi ako nakapalag nang yumakap ang isang braso nito sa aking baywang.
The nerve!
I try to distance myself away from his arms but he is pulling me towards him.
"Bakit may pa hawak-hawak ka sa baywang ko? Who give you the right?" Gusot ang mukhang anas ko.
Nag-init naman ang mukha ko nang ngumiti siya sa akin, showing his pearly white set of teeth. Paano kung suntukin ko ito? Masyado na ang lalaking ito!
"You are carrying our child, baby. I just want you to be safe. Baka madulas ka at mapaano. The marble floor is slippy." Rason niya naman sa akin na hindi bumenta sa akin.
"Heh!" Pabagsak kong untag pero hindi na rin kinuha ang kamay niyang mapag-angking nakayapos sa akin.
Hahayaan ko siya kasi masusuntok ko naman siya mayamaya. Namimihasa na kasi ng todo. Porket nagbait-baitan ako at hindi umaangal sa kanya.
Nagsalubong ang kilay ko nang papalapit kami ni Zyhro sa pavilion dahil sa dami ng mga tauhan niya na puro naka-itim. Parang mga rippers lang.
Tumikhim si Zyrho at nagkanya-kanyang lingon ang mga tauhan nito sa amin.
Zyhro's hand tightened on my waist.
"Bitiw na, Zyrho sumusobra ka na."
Again, he only smiled at me. Amusement was dancing in his eyes. I tore my eyes off him and eyed his people who are animatedly watching us!
Pinanlakihan ko sa aking mga mata ang mga tauhan ni Zyrho, kaya naman yumuko ang mga ito. Iyong iba naman ay nagbulung-bulungan. Sige lang nakakamatay 'yan!
Muling tumikhim si Zyrho at awtomatik namang tumuwid sa kanilang tayo ang mga tauhan ng lalaki. Napaka-straight pa ng kanilang linya, parang kalkulado na nila. Kita mo na, parang mga robot pagdating kay Zyrho pero kung sa akin tumingin parang pinagchi-chismis-an nila ako!
Taas kilay kong tiningala si Zyhro sa akin tabi. He is now wearing his pokerface and his eyes seems cold. He crossed his arms againt his chest and his defined jaws move! Nagtatagpo rin ang kanyang kilay.
Bumaling na lang ako sa mga tauhan niya na nasa harapan namin. Daig pa ni Zyhro ang may saltik kung maka-bago ng ekspresyon sa mukha.
"Starting today hindi lang ako ang babantayan ninyo," simula ni Zyrho pero napaikot na naman ang ulo ko sa kanyang direksyon. May pagtatanong sa aking mukha ko itong tinitigan. "Dahil itong kasama ko ngayon ay babantayan n'yo na rin."
"Hoy! Maranzano, among babantayan ka d'yan? I'm not a kid na kailangan ng bantay. Saka kung inaakala mong tatakas ako, p'wes hindi ako tatakas. May usapan tayo." Singit ko sa kanya.
Rinig ko naman ang singhapan ng mga tao, pero wala akong paki sa kanila. Wala nga akong paki kay Zyrho sa kanila pa kaya?
Naalis niya ang pagkakakrus sa kanyang mga braso. How I hate those big muscles!
"It's for your safety and for our baby. Don't worry hindi ka nila gagambalain. You won't see them kahit na nakabantay sila sa'yo." Zyrho explained.
I grumpily crossed my arms as my face slowly contorted.
"Whatever!"
Bumuntong hininga si Zyrho, muling tumingin sa harap.
"As I said hindi lang ako ang babantayan ninyo. Starting today you will also guard Arth Lacsamana. And I am expecting each and everyone of you to do your job well. I entrusted the safety and security of my family in your hands."
Napapantastikuhan akong bumaling kay Zyrho kaso hindi na ito bumaling sa akin. Tuloy-tuloy lang siya sa kakalintanya niya.
'Anong sinasabi niyang family?' Masyado na yatang naarawan ang utak nito at nagkalimot-limot na sa aming usapan.
Napamaang ako. Ni hindi ko siya boyfriend... I mean hindi naman ako umaasa na maging kami o magiging kami. Ang akin lang we are both strangers until yesterday tapos ngayon asawa na niya ako? Tsk! Nananaginip yata ng gising itong Maranzano na ito.
"You're all dismissed!" Anunsyo ni Zyhro.
Nagsialisan na ang mga tauhan ni Zyrho kung kaya't hinarap ko ang feelingerong Maranzano.
"Hoy! Anong pinagsasabi mong asawa?"
He licked his lips. Biglang may pumasok sa isip ko na hindi magandang pangyayari from that night! God!
"What do you expect me to tell them?" He asked.
"Tell them that we are just... just friends!"
"And do you think they will believe?"
"Bakit naman hindi?" Bagot kong tanong.
"I'm not that friendly, baby."
Nagusot ang mukha ko nang bigla na niya naman akong tinawag na 'baby'! Kumukulo dugo ko!
"Ah, basta! Hindi ko gusto ang sinabi mo kanina!"
Nakabusungot akong pumasok sa bahay ni Zyrho, medyo nalito pa ako dahil ang daming kanto at ang laki ng bahay!
I was thankful nang malaman kong hiwalay ang kwarto namin ni Zyrho. Ayaw ko kasi na sa umaga ay mukha niya nakikita ko. Ngunit magtabi lang ang kwarto namin pero good thing pa rin iyon para sa akin.
Nawala rin si Zyrho sa bahay niya nang lumabas ako sa kwarto ko kina-hapunan.
I was looking everywhere when I went down nang biglang bumulaga sa harapan ko ang isang lalaki na naka-uniform.
My heart almost popped out!
"Saan po kayo pupunta, Sir?"
"Ano ba!? Huwag ka ngang nanggugulat!" Bulyaw ko sa kanya.
"K-kayo po si Sir Arth, 'di ba?"
"Oo ako nga!"
"He... hehe!" Ngiwing tawa nito.
Pinagkrus ko ang aking braso.
"Tauhan ka ng feelingerong Zyrho, 'di ba?" Nanlalaki ang mata niya sa sinabi ko pero tumango pa rin ito. "Sinabi ni Zyrho sa akin kanina na hindi kayo magpapakita sa akin. Bakit para kang kabute na sumusulpot ngayon sa harapan ko?"
Ngumuso ito sa akin at napa-papak sa kanyang daliri. Tiningnan ko ito ng taimtim.
"Ilang taon ka na?" tanong ko rito at nanatiling nakataas ang aking noo.
"T-twenty-two na po." anito at lumaba halo ang nguso.
Hmm, bata pa nga at kaedaran lang ang kapatid kong magaling. Isang taon lang agwat nila.
"Sorry po, sir! Hindi ko po alam na bawal pala kayong lapitan."
Ngumiwi ako sa kanya, masyadong exaggerated ang term na ginamit niya.
"Hindi naman sa bawal akong lapitan... ?"
"Seiven po, sir!"
Tumango ako.
"Yeah, Seiven. Hindi naman sa bawal akong lapitan o ano. Ang akin lang huwag iyong parang stalker ang dating. Masyado akong sensitive sa mga ganyan. Kinikilabutan ako."
"Copy po, sir! Sorry po ulit. Hindi po kasi ako nakasali sa orientation kanina ni Boss. Hindi ako ginising ng Ate ko."
My nose wrinkled. "May Ate ka na nagtatrabaho rito?" usisa ko.
Tumango siya.
"Opo, si Ate Sienna." Ngiting-ngiti sagot niya.
Napatango ako, kung hindi ako nagkakamali, ang kapatid niya ay iyong tinawag ni Zyrho kanina. Iyong maganda at matangkad na babae. Parang korean nga siya, eh kapareho nitong si Seiven, ang cute-cute niya dahil sa singkit at maliit niyang mukha.
Natawa ako. Ang cute na bata, kung iyong kapatid kong si Archi ay parang laging pasan ang mundo, ito naman ang light ng awra niya.
Tsk!
"Okay lang," saad ko.
"Sige, sir salamat po. Alis na ako!" Paalam na sana nito nang hawakan ko ang palapulsuhan niya.
"Sir?"
"Samahan mo ako sa kitchen. Nagugutom ako."
"Okay lang po, sir na ihatid ko sa silid ninyo ang pagkain ninyo." Alok niya kaso tinanggihan ko na ito.
"Gusto kong pumunta sa kusina." Giit ko.
Wala namang nagawa si Seiven at dinala ako sa kusina ng bahay. Napatigil ang naglilinis sa kitchen nang makita ako.
"Okay lang po, tuloy lang po kayo sa ginagawa ninyo. K-kakain lang ako." Dahil iniwan ako ng magaling ninyong Boss!
Makukulamos ko talaga ang mukha ng Zyrho'ng iyon pag nakita ko!
"Anong gusto ninyong kainin, sir? Ihahanda ko po." Alok pa ng isang kasambahay sa akin na may edad na. Inilingan ko si nanay.
"Hindi na po. Ako na po." Tanggi ko rito.
"Pero trabaho po namin ang ibigay ang gusto ninyo-"
"Hindi na po. May ginagawa po kayo at kaya ko naman po." Sapaw ko kay Nanay na tingin ko ang bait.
"Saka kasama ko naman po si Seiven." Aking tinango ang ulo kay Seiven at umawang naman ang labi ng bata.
"Oo nga po!" ani Seiven at tumuwid ng tayo at saka birong sumaludo!
Nasa tabi ko si Seiven habang naghahalungkat ako sa ref ng kitchen. In fairness hitik na hitik sa laman ang ref at presko ang mga laman.
"Ito, ito, ito hawakan mo rin, Seiven." Hakot ko sa mga pagkain na tingin ko ay masarap. "Ay ito pa!" ako nang makakita ng avocado.
"Mauubos mo ito, sir?" Nahihintakutan na tanong ni Seiven sa akin.
My eyes wander on the long table kung nasaan ang mga pagkain na nilabas ko. Ready to eat na ang mga ito.
"Ewan ko." Matamlay kong saad.
Kanina natatakam ako habang kinukuha ko sila sa ref pero ngayon hindi ko na sila gusto.
"Paabot na lang sa avocado, Seiven." Nginuso ko kay Seiven ang abukado.
Kaagad naman na sinunod ni Seiven ang utos ko.
Kumuha ako ng chips at pinare ko iyong sa abukado.
"Grabe, sir! Iba po ang taste ninyo!" Komento ni Seiven.
"Gusto mo?" Inilapit ko sa kanya ang aking kinakain ngunit ngiwing umiling ito.
"H-hindi na, sir! Busog na busog po ako kanina!" Hinimas niya pa ang kanyang t'yan.
Hindi ko na naman ito pinilit dahil hindi naman ako mapilit na tao. Kaso biglang tumunog ang tiyan ni Seiven.
"Hehe!" Tawa nito.
"Kuha ka ng gusto mo!" ani ko kay Seiven.
"Talaga, sir? Salamat po!" Kwelang saad ni Seiven.
Nakakatawa naman itong si Seiven naalala ko ang pangit kong kapatid dito. Nagkakasundo rin naman kasi kami ni Archi.
Ngunit ilang saglit pa ay naubos na ang avocado ko.
"Seiven," tawag ko kay Seiven na nilalantakan ang Toblerone.
"Sir?" Naluluha ito nang pilit nilunok ang laman ng bibig.
"Gusto ko ng abukado."
Tumayo kaagad ito.
"Kukuha ako, sir!"
Nalugmok ang balikat ko.
"Wala doon ang abukado na gusto ko."
"Po?" Gulong wika nito.
"Gusto ko nang kambal na avocado, Seiven. Gusto ko kambal sila."
Laglag ang panga ni Seiven sa sinabi ko.
May pinindut si Seiven sa kanyang tenga bago nagsalita, "Boss, gusto ni Sir Arth ng abukado... iyong... abukado'ng kambal po!" Kagat labing untag ni Seiven.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top