CHAPTER 4
Chapter 4
Maximilian Arthur's POV
Walang sinabi at hindi kumontra si Zyrho doon sa sinabi ko. Tumitig siya sa akin kaya naman sinalubong ko rin ang kanyang mga mata. He was looking at me as if he could see through my soul, reading what's running around my head, and he looked like he was memorizing every inch and every curve of my face.
I saw him take a deep sigh.
"Hmm, let's do that," came his delayed reply, and he shifted his eyes to the horizon in front of us.
My eyes were fixed on Zyrho more than I had imagined they would be.
I pouted and tore my eyes away from him. I rubbed my arms to create warmth against my skin as the cold wind blew.
Sumulyap ako kay Zyrho dahil labis na siyang naging tahimik. Aawayin ko na sana siya nang nakita ko siyang isa-isang inalis ang pagkakabutones ng kanyang polo. Kanina naman ay naka puting tshirt siya.
My eyes wandered everywhere else, pero bumalik-balik pa rin ito kay Zyrho. My lips parted when I saw how the muscles on his shoulders contorted. Umuusli ang kanyang mga laman sa kanyang malapad na balikat. Kitang-kita ko ang pagtaas-baba mg kanyang mapatag at malapad na dibdib. They're really flat and look so sturdy.
Umakyat ang aking mga mata sa mukha ni Zyrho na seryoso pa rin. His side profile was really insanely beautiful.
I almost jumped on my position when he take an unexpected turn towards my direction. Walang sabi niyang kinapa sa akin ang kanyang hinubad na damit.
"Tell me if gusto mo nang pumasok tayo. Malamig na rito," he said and secured his polo on my back. Pumasok sa ilong ko ang amoy ng kanyang polo at kahit na panlalaki ang amoy no'n, sa hindi ko malaman na dahilan ay parang kinakalma no'n ang aking ulo.
Tinitigan ko siya.
"I know. I understand that I am a stranger to you, Arth. Perhaps you're feeling scared and stressed in your current situation, as well as our situation right now. But I promise you, I won't harm you. I won't do anything that would endanger your life or the life of our baby," he stated reassuringly.
"Malamang, alangan naman na sabihin mo sa akin ngayon na itatapon mo ako sa dagat. Alangan naman na sabihin mong papatayin mo ako ngayon. Malamang 'yan talaga ang sasabihin mo." Matabang kong wika sa kanya.
His long tongue poke on the side of his gum.
"Trust me, baby. I'd rather jump on this yacht than hurt you." Kampante niyang saad.
Kinuha niyang aming pinagkainan at saka ito natigalan ng ilang segundo bago muling bumalik ang kanyang mata sa akin.
"Kung gusto ko na may mangyaring masama sa'yo. Nilagyan ko na sana ng lason ang pagkain mo. At kung talagang gusto ko, hindi kita dadalhin dito sa yate. Kung papatay man ako ng tao gaya ng sinabi mo kanina... ide-deretso ko na siya sa sementeryo." He said those things with his heavy eyes on me.
Umalis siya bitbit ang tray. Sinundan ko ng tingin ang palalayong bulto ng katawan ni Zyrho.
Napahaplos ako sa aking batok nang tuluyan na itong mawala sa king paningin. I felt every tiny fibers of my skin stand the way he narrated those words.
My heart beats erratically in an insane rhythm as my throat runout of fluids.
Parang nag-shift into other person si Zyrho. When I saw him earlier, he was nonchalant, have ginger behavior, and naughty. Pero kanina para siyang ibang tao kapag nagse-seryoso. He looks heartless... and dangerous.
I bend my knees and hugs them before placing my forehead on the top of my knees. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa aking binti at dinadama ang malamig at maalat na simoy ng hangin.
I really have a bad temper, hindi pa man ako buntis, ganito na talaga ang ugali ko. Sinasabi nga sa akin ni Arch na para daw akong carbon copy ng ugali ni Mama Kai ang ugali ko. Kahit si Daddy Priam lagi akong inaasar na parehong-pareho raw kami ni Mama Kai. Bugnutin, laging mainit ang ulo, parang laging may kaaway, at masungit tingnan.
Kahit nga sa mga co-workers ko rati sa aming kompanya, takot sa akin dahil sa aking mukha na laging nakabusungot. Konting taas ko lang ng boses ay napapaigtad na sila.
At ngayon mukhang mas lumala siya, siguro dala ng pagbubuntis ko. I think this is something to do with hormones?
I tightly closed my eyes and slowly enhaled some air to fill my drumming heart. Nakailang inhale-exhale ako at naisip sina Mama Kai, Daddy at ang aking kapatid. Alam na kaya ni na hindi ako nakarating sa isla? Alam na kaya nila na na-kidnap ako? O nawawala? O baka hinahanap na ako ngayon nina Daddy.
Sa ilang minuto ko sa deck ay walang Zyrho na bumalik, hindi ko naman siya hinihintay pero... sinabi niya kasi kanina sa akin na sabihin ko lang sa kanya kapag gusto ko nang pumasok.
Umalis ako at pumasok sa loob ng master's bedroom, hinubad ko ang polo ni Zyrho. Inamoy ko ang aking suot at kumapit doon ang amoy ni Zyrho.
Nilingon ko ang pintuan at nang makita kong walang Zyrho ay dahan-dahan kong dinala sa aking ilong ang polo nito. I don't understand. I really hate him. I really hate that Maranzano pero parang tanga naman ako kasi gustong-gusto ko ang amoy ng polo niya!
Hinanamnam ko ang amoy ng polo ni Zyrho at halos yakapin ko na ito kasi gustong-gusto ko siya nang may marinig akong mga mabibigat na yabag ng paa.
Mabilis pa sa kidlat kong itinapon ang polo ni Zyrho sa sahig. Naggitgit ang ngipin ko at mariing pinikit ang mga mata. Humingang malalim ako at saka parang walang lumingon sa pintuan.
I saw Zyrho sauntering inside the room while wiping his hands. I really hate the way he carried himself so impassive but he still looks graceful. It looks like he was trained to be one. Naiinis din ako dahil bakit parang ang ganda ng katawan niya? Tsk! Maybe because it's all because of this pregnancy thing. I also hate his guts and everything!
I placed my hand in my flat stomach and deafly murmured, "Shut it up, baby. Galit tayo sa... ama mo. We're not friends with him."
"Bumalik ako sa deck, wala ka na pala roon. Hindi mo ako hinintay," anito, sinara siya ang pintuan.
"Matagal ka, nilalamig na ako." Taas kilay kong bwelta sa kanya.
"Hmm, maliligo lang ako at magbibihis, sa baba na ako dahil baka gusto mo ring maglinis sa katawan."
The corner of my lips twisted upward.
"Okay!"
Pinanood ko si Zyrho na kumuha sa kanyang gamit at lumabas ng kwarto. Umirap ako bago kinuha rin ang sariling bag, tinry kong buksan ang telepono ko at baka sakaling may signal kaso wala kahit one bar. Pumunta na lang ako sa banyo.
I was putting some lotion on my legs when the door flew open. Natigil ang kamay ko sa pagpahid ng lotion sa aking hita at nakatingin kay Zyrho na nagpupunas sa kanyang buhok. Naka-sleeves shirt siya na kulay puti at sweat pants na kulay abo. The guy has really long legs.
"Need help?" Usal nito habang ang mga mata ay nasa kanyang lantad sa hita.
Inabot ko ang bote ng lotion at saka walang sabing binato sa kanyang pagmumukha niya.
"Tse!" asik ko rito kaso walang kurap niya iyong nasalo.
"Relax, baby. I'm just kidding."
Iling-iling itong nagmartsa at nilagay ang lotion sa aking tabi. Umikot siya sa kabilang side at umupo patalikod sa akin.
Mabilis kong tinapos ang paglalagay ng lotion at saka binaba ang aking pajama. Umakyat na ako sa kama at inayos ang kumot sa aking katawan.
"Lights off, please," tamad kong wika.
Nilingon ako ni Zyrho, tinaasan ko siya sa aking kilay as if asking him 'why'.
He clicked her tongue and turned off the lights.
Ilang sandali ay naramdaman ko ang pag-uga ng kama. Sobrang lambot din kasi no'n.
"Goodnight," usal ni Zyrho.
"Hmm, please know your place." saad ko, tukoy sa aming munting boundary sa gitna. Isang comforter iyong na nilikot ko para magsilbing division namin ni Zyrho.
Rinig ko na lang ang pag-ungot nito.
Siguro gusto talaga ng baby ang amoy ni Zyrho kasi kahit sa kabila ng mga nangyari ngayon at mga rebelasyon ay kampante akong natulog dahil sa amoy nito.
Nagising ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog nang bigla kong naramdaman ang pagkagutom. Tumingin ako sa side table kung nasaan ang glow in the dark na alarm clock ay kaka-alas dos palang.
Hinawakan ko ang aking t'yan, muling sinubukang itulog ang gutom at pagkatakam sa pagkaing pumapasok sa aking isip.
"Baby, makisama ka," pagkakausap ko na para bang maiintindihan at naririnig ako ng aking anak.
Kaso ilang minuto lang ay napabalikwas na ako. Naiiyak ako, gusto ko nang kumain ng avocado with gravy. It's sounds weird but just thinking about it make me salivate even more.
Bumaba ako sa kama at maingat na naglakad tungo sa pintuan pero umurong ako. Natatakot akong lumabas at pumunta sa kitchenette ng mag-isa.
Akmang babalik ako sa kama nang isang bulto ng katawan ang sumalubong sa akin. Napatili ako at napa-atras ang paa. Mabuti at agad na nahawakan ni Zyrho ang aking baywang. Amoy palang kasi nito kilala ko na.
"You won't go home, Arth. Bukas na tayo-"
"Gusto ko ng avocado." Pagputol ko kay Zyrho.
"Avocado?"
"Oo nga."
Walang imik na binuksan ni Zyrho ang pintuan at hiwakan ang isa kung kamay bago kami tumungo sa kitchenette. Pagkarating namin sa loob ng kitchen ay winaksi ko ang kanyang kamay.
"Here's your avocado-"
"Gravy." Sapaw ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim.
"Wala na tayong gravy. Gagawan na lang kita. Magkakapaghintay ka?" anito.
Zyrho's eyes were still sleepy and seems tired pero sinusubukan niyang labanan iyon.
"Hmm." Tango ko at kinuha ko na lang ang binigay na niyang avocado.
Umupo ako sa silya habang naghahanda si Zyrho sa kanyang gagamitin para makagawa ng gravy.
Habang naghihintay ako sa gravy ni Zyrho, nilalantakan ko na ang avocado. Nakaubos ako ng tatlong avocado bago pa natapos ni Zyrho ang ginagawang gravy. Tiningnan ko ang gravy sa isang maliit na bowl kaso... nawala na ang gana ko roon.
I'm already satiated with those avocado I ate.
"Here," ani Zyrho sabay usog sa bowl ng gravy.
Mahinang naglakbay ang mata ko sa mukha ni Zyrho galing sa bowl.
"A-ayaw ko na pala... Busog na ako," maingat kong saad.
Zyrho's lips slowly parted for a couple of seconds but he, then, exhaled.
"It's fine. Gusto mo nang bumalik sa bedroom?" tanong niya.
Tumango ako.
---
Zyhro maneuver his yacht para makauwi na kami- makauwi sa kanyang bahay. Nang makarating kami sa pantalan ay may sumundo sa aming itim na kotse, it's Mercedes lang naman ang kotse na sumundo sa amin.
Zyhro volunteered to drive at wala namang pumalag doon. Kita ko pang may entourage si Zyrho na nasa unahan namin at sa likod. OA lang ng lalaking ito. Anong akala niya? Aalis ako? Tatakbuhan ko siya? Itatago ang anak namin? Tsk! As much as I want to raise my child alone, Zyrho already had me in his palm.
"You're so OA!" Komento ko nang hindi ko na iyon kaya pang kimkimin sa aking sarili.
Nakadaretso lang sa harap ang mukha ko at sa aking peripheral vision ay nakita ko ang paglingon ni Zyrho sa aking gawi.
"OA?" He uttered, cluelessly.
"Oo, OA. May pa entourage ka kasi, royalty lang ang datingan mo. O baka takot ka lang na tumakas ako? Tsk!" Ngisi kong wika at pagkuwan ay umiling.
"This is not me being OA, Arth. This is for your safety and-"
"It's uncomfortable." I finished him.
"Fine," aniya saka may pinindut sa kanyang tenga, ewan ko kung ano ang tawag doon. Earpiece?
"Umalis na kayo. My baby is uncomfortable here," saad ni Zyrho na parang may kausap lang sa harapan niya.
Wala sa sariling umikot ang ulo ko sa kanyang direksyon. Awang ang labi at hindi alam kung ano ang sasabihin dahil sa narinig.
"W-what?" ang utal kong sambit.
Pagtingin ko sa aming harapan ay tumabi na ang ibang sasakyan na tinutukoy kong entourage niya. At saka dare-daretso na ang bayhe namin ni Zyrho.
"Comfortable?" tanong ni Zyrho sa akin.
My upper lips contorted upwards.
"Feelingero!" asik ko rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top