CHAPTER 3

Chapter 3

Maximilian Arthur's POV

Habang abala si Zyrho sa kanyang pagluluto nilibot ko ang aking mata sa buong kitchenette. It's small but almost all the kitchen wares were here. Parang dinala niya talaga ang kanyang kitchen dito pero pinaliit na version lang ito.

Nagmartsa ako sa loob ng kitchenette at s-in-urvey ko ang mga gamit dito. Una kong tiningnan ang mga baso at mga platong nakahanay. Kinuha ko ang lalagyan ng kape dahil parang may nagtulak sa akin na amoyin iyon. Kaso agad ko iyong sinara nang masuka ako sa amoy no'n.

Mabuti't malapit lang ako sa sink.

Kusang pumatak ang mga luha ko habang dumuduwal ng purong laway lang. Zyrho on my back was gently caressing my back and applying some pressure to my hips.

Nagmumog ako at f-in-lush ang sink. Pagharap ko ay bumalandra sa akin ang mukha ni Zyrho na nagtatagpo ang kilay at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

Inirapan ko lang ito.

I pushed him aside and went to his fridge. I was about to pull the refrigerator's door when I felt Zyrho's presence behind me.

"Are you okay? You need something-"

Naputol siya nang barahin ko ito.

"Ikaw kaya magbuntis at sumuka na lang bigla-bigla? Tingnan natin kung magiging okay ka!" Niyayamot kong wika sa kanya.

Rinig ko ang pagbuntonghininga hininga nito nang malalim. Umihip sa aking batok ang mainit na hangin mula sa kanya. Muntik ko nang abutin ang aking batok ng mistulang nagsitayuan ang mga maliliit kong balahibo dahil sa kanyang hininga na tumama roon.

What the fvck?!

Padarag kong binuksan ang pintuan ng ref at umihip sa mukha ko ang malamig na temperatura na nanggagaling sa loob ng ref.

Hindi ko alam kung ano ang kukunin ko sa loob ng ref. dahil sa rami ng laman no'n. Parang nawala ang pagkayamot ko nang makita ko ang isang avocado. Kinuha ko ito at napangiti. Hinog na siya. Naglaway kasi ako nang makita ko ang kulay nito.

Malalaki ang ngiti kong humarap kaso na napawi ang malaking ngiti sa aking mga labi nang sumalubong sa akin ang katawan ni Zyrho. The man was really... huge and I hate it. No scratch that, I hate his whole being. I hate Zylander Howell Maranzano.

"Nag-aalala lang ako, Arth. You're carrying our baby."

Sarkastiko ko itong nginitian.

"You're overreacting, Zyrho. Bakit hindi mo ba nakita ang Mama mo na ganito? Wala kang kapatid?"

Humingang malalim ang lalaki.

"I have, we have a big family and as an elder brother, I witnessed and almost know everything that was happening inside our family-"

"'Yon naman pala anong pinuputok ng apog mo d'yan?" sapaw ko sa kanya.

"Iba... iba pa rin pala kasi kapag iyo na. Iba kapag sa sarili mo na mangyari ang lahat."

Hindi ko alam kung mataas lang ba talaga ang pasensya ng lalaking ito o sadyang sanay na siya sa ugali ko. I mean, baka may na-encounter na siyang tao na kapareho ng ugali sa akin.

Kumuyom ang panga ni Zyrho nang tinatawanan ko siya.

"Anong iyo? Hoi! Masyadong makapal ang mukha mo. Walang sa'yo rito. At kung magkakaroon man ng sa'yo rito, siguro itong baby lang." Tinuro ko ang flat kong t'yan.

Kita ko ang alon ng kanyang gulung-gulungan.

"Right." He muttered huskily.

"Tsk!" asik ko rito saka siya inirapan at tinulak upang ako'y makaraan. Nakaharang kasi ang malaki nitong katawan sa aking daraanan.

Tahimik na bumalik si Zyrho sa kanyang niluluto at ako naman ay hinugasan ang nakuhang abukado.

Kumuha ako ng kutsilyo at sinaksak si Zyrho. Kidding! Hiniwa ko sa dalawa ang abukado. Kukuha na sana ako ng spoon nang makita kong mas pabor iyon sa pwesto ni Zyrho.

"Paabot ng kutsara," ani ko.

Tumingin muna ito sa akin bago sinunod ang sinabi ko.

Inabot niya sa akin ang kutsara. Humakbang ako ng isang beses upang abutin iyon sa kamay niya nang biglang umalog ang yate. Na-out of balance ako at pikit matang natumba kay Zyhro.

Zyhro's arms snaked on my waist. Tumama naman ang pisngi ko sa matigas nitong dibdib. Ang dalawang kamay ko ang nakatungkod sa kanyang tyan. Mabuti at hindi ko nabitawan ang aking avocado.

Zyhro's chest waved at doon ako natauhn. Tinulak ko ang aking katawan papalayo sa kanya at hinablot sa kanyang kamay ang kutsara.

My face heated.

Tumalikod ako upang hindi niya makita ang mukha kong namumula.

Maingat akong lumingon at napaismid ako nang iling-iling itong bumalik sa kanyang pagluluto.

Dahil hindi nakatingin sa akin si Zyhro, I got the chance to study his face. He was really confident and ravishingly handsome. His broad shoulders rested confidently as he flipped the pork. His dark eyebrows almost met at the center, and his pointed nose was quite noticeable. Zyhro may be the most gorgeous man I've ever seen in my entire life; however, there's something lingering in his aura. He looks... dangerous.

Naabutan niya akong nakatitig sa kanya. I immediately stared at him squarely.

"Hungry?"

"O-oo ang tagal mo d'yan." Nauutal kong rason dahil biglang pumitik ang kung ano sa dibdib ko. Sakit lang siguro ito.

"Madali na lang ito. Umupo ka muna d'yan." Nginuso nito ang isang upuan.

"Ayaw ko rito." Pairap kong ani. "Do'n ako sa taas."

"Gusto mo bang doon kumain?"

Palabas na ako ng kitchenette saka ito nagsalita.

Humawak ako sa door frame ng kitchenette.

"Ikaw bahala." Kibit balikat kong tugon dito.

Dala ko ang abukado at kutsara na umakyat sa taas. Pagkarating ko sa deck ay umupo ako paharap sa papalubog na araw. May araw pa pero hindi na naman ito masakit sa balat o sa mata.

Sumubo ako sa abukado'ng dala at napapikit ako nang dumaloy ito sa aking lalamunan. Diring-diring ako sa prutas na ito rati pero ngayon sarap na sarap na ako. Gusto ko na ngang ito na lang ang gawin kong agahan, tanghlian, at hapunan.

Umawang ang labi ko nang makita ko ang mga kumpol ng ibon sa himpapawid. Mukhang papauwi na rin sila.

Itinabi ko ang naubos kong abukado at bumuntonghininga. My hand unconsciously caress my flat stomach. Gulat pa rin talaga akong may laman na itong t'yan ko ngayon. Sa buong buhay ko naging routine ko na ang bahay, trabaho, at panonood ng movies. Sa aming dalawa ni Archibald siya itong napaka-lakwatsero, halos suyurin na no'n ang buong pulo ng Pilipinas. Babaero, lasinggo, at malokong lalaki si Archi pero kahit na gano'n hindi ito nakabuntis ng babae (well sa aming pagkakaalam).

Whereas, ako na halos nasa bahay lang ang mukha ay nabuntis lang ng isang gabi. How ironic that was right? Mas kinakabahan pa nga sina Mama Kai at Daddy Priam na makabuntis si Archi kaysa mabuntis ako. Pero kabaliktaran no'n ang nangyari.

Though kahit na nangyari ito sa akin ay wala naman akong naramdaman na disappointed from them. Ako pa ang disappointed sa aking sarili.

I am now pregnant and I don't have a concrete plan of my life. I grew up in a comfortable life. Lumaki akong walang inaalala at walang pino-problema. Kaya naman nang bigla akong mabuntis ay labis ang panghihinayang at pagkabigo ko sa aking sarili. Kaya ko namang buhayin ang magiging anak ko pero... hindi pa kasi ito ang tamang oras para sa akin.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Ngayon na nadirito ako sa gitna ng karagatan kasama ang ekstrangherong lalaki ay saka pa ako nakapag-isip isip sa mga nangyari sa buhay ko.

"Arth?"

Nilingon ko kaagad ang pinanggalingan ng boses.

I saw Zyhro carrying a tray of foods.

Nilapag niya sa tabi ko ang pagkain.

Nagningning ang mata ko nang makita ko ang mga pagkaing kanyang niluto.

Sa deck sa kami kumain ni Zyrho. It was so awkward na ang mga tunog lang ng kobyertos at ihip ng hangin lang ang aming naririnig.

Pinaghimay ko ni Zyhro sa shrimps.

"Hindi ka allergic sa shrimps, right?"

Tumango ako. Nagluto rin siya no'n aside from pork.

He smiled and put the already eat shrimp on my plate.

"Tell me kung may gusto kang kainin so that I can get it or make it for you." Sumulyap sa akin na ngumunguya. "Don't be shy asking and telling me what you want."

Nilunok ko ang pagkaing nginunguya.

"Papaano kung gusto kong ipagbuntis ko ang bata malayo sa iyo? Ibibigay mo ba iyon?"

Kumuyom ang panga niya.

"Except for that, baby," he pondered.

"Why? Bakit ka ganito, Zyrho? Kung ang ibang lalaki lang ganito siguro magdiriwang na sila ngayon kasi hindi na nila kailangan pang panagutan ang taong binuntis nila."

I jumped in surprise when he brushed the pad of his thumb against the corner of my lips. Out of the blue, my heart hammered against my chest when I saw how he nonchalantly sucked his thumb after rubbing something on the sides of my lips.

Shit! What the heck is this guy doing? Does he even know what he did? I felt my breath catch in my throat. I blinked my eyes and shook my head a little.

"Dahil alam ko... alam ko ang pakiramdam na lumaking walang ama sa kanyang tabi. Ayaw kong maramdaman ng magiging anak ko ang naramdaman ko noon." Bakas sa mukha niya ang pagkaseryoso at kahit na gaano man ka tigas ang datingan niya ay nakita ko ang paglambot niya habang sinasabi iyon.

Wala man akong alam kung ani ang nangyari sa buhay niya pero parang abot sa akin ang sakit na kanyang nararamdaman.

Magkakabukasan pa yata kami ngayon dito sa aming mga nakaraan. At magsasalita na sana ako para ibahin ang aming pinag-uusapan nang muli siyang magsalita.

"Tatlo kaming sabay na pinalaki ng Papadad namin." Nakinig na lang ako sa kanya. Nang mabanggit niya iyong Papadad ay parang sumigla kahit papaano ang kanyang seryosong mukha. "It wasn't easy for him... I know, but our Papadad raised us with all of his might."

Oh my god! Tatlo? Tatlo na sabay na pinalaki ng kanilang Papadad? Triplets? Nonetheless, I'm more curious kung ang tinutukoy niyang Papadad ay kung bearer ba ito.

"Bearer ba... iyang Papadad mo?" Maingat kong tanong.

I may unkind to him and grumpy. Yet I'm not that insensitive para hindi makaramdam sa kanyang mga hinanakit ngayon.

"Yes, like you."

"My Mama Kai as well he is a bearer." I excitedly said, hindi namalayang nakangiti na pala ako ng malapad kay Zyrho.

Ang malaking ngiti sa aking mga labi ay dahan-dahang napalitan ng ngiwi nang makita ko ang pagguhit ng isang matamis na ngiti labi ni Zyrho. Dahil makapal talaga ang mukha ni Zyrho, walang kurap itong tumitig sa akin habang ngiting-ngiti.

"Anong... nginingiti mo d'yan? Mukha kang tanga!" Suway ko sa kanya.

Gusot na ang mukha ko kay Zyrho pero ang lalaking walang hiya yata sa katawan ay nakangiti pa rin sa akin. Dahil sa papalubog na araw ay parang kumisap ang mga mata ngayon ni Zyrho.

"You're just so pretty, Arth. From the first time I laid my eyes on you and even until now. I still find that face of your pretty."

"Mambobola!"

"It's true."

"Tse!"

Bumuntonghininga ito.

Nang walang magsalita sa amin ni Zyhro ay tumingin ako sa harap. Malapit nang mawala ang araw.

"Sorry."

My eyes shifted to him, nakatingin din pala siya sa aming harapan at malayo ang tanaw.

"Huh?"

Dahil hindi siya nakatingin sa akin, I have all the freedom to admire his side profile. God! This pointed and long nose is really impossible, ang tangos! Hulmadong-hulmado pa ang pangang umiigting. He has long eyelashes too and well crafted eyebrows.

"I just wanna apologize for... bringing you here all of a sudden. I'm sure you were afraid too. Sorry that... I made you pregnant." Lumingon siya sa akin. "But I am sorry because part of me is happy that all of this happened, Arth."

Nais kong sabihin kay Zyrho na kung totoo siyang nagsisi ay dapat ibalik na niya ako kaso alam ko namang imposible niya iyong gawin, knowing, him.

Yes, he was right. I am really afraid. So damn afraid hindi lang sa pagkidnap niya sa akin dahil pati sa pagbubuntis ko. Kahit naman siguro sino. It took days for me before everything registered to my mind that I'm gonna be a parent. Sobrang life changing lang ng lahat-lahat. And now, I am with a stranger who got me pregnant. I don't know if I should be happy, sad, or scared.

"It's okay. And let me remind you, Zyrho that we will live in one roof but that doesn't mean we need to be in one room and it doesn't mean we can pry to our other personal lives."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top