CHAPTER 24

Always remember, my works aren't edited, so bear with my errors.
_________________________________________________________________

Chapter 24

Maximilian Arthur's POV

"Mabuti naman at naisipan mo ring umuwi dito, Kuya Arth. Akala kasi namin hindi mo na alam ang daan pauwi rito." Salubong sa akin ng mabuti kong kapatid at saka ako niyakap.

I hugged him back before smacking his back.

"Ahw, Kuya!" Reklamo nito.

"Archi," si Zyrho.

"Oh! Kuya Zyrho!" Masayang wika ni Archi at saka feeling close na bibigyan ng tapik sa balikat si Zyrho.

Mapamaang ako sa inasta ng aking kapatid. Huh! Ang bilis magbago ng mood nito! Sumisipsip yata kay Zyrho.

"Dito ba kayo mags-stay ni Kuya Arth, Kuya?" Chismosong usisa ng aking kapatid at feeling close na umakbay kay Zyrho.

"Only your Kuya Arth. I have some amends."

"Oh, tatay na tatay na talaga, Kuya." May tuksong turan ni Archi pero ngumisi lang si Zyrho.

"Of course, I have family soon. I want to give them the best that I can offer."

"Swerte naman ni Kuya sa'yo, Kuya Arth. Ikaw kaya, kuya, swerte sa kuya Arth ko?" Natatawang saad ni Archi.

Napairap ako sa ere. Ang kapal! Kung makapagsalita itong kapatid ko, akala niya talaga hindi ko naririnig itong mga sinasabi niya kay Zyrho! Minsan napapaisip tuloy ako kung ako ba ang kapatid nito o si Zyrho!

Pero hindi ko makakalimutan na si Archi din talaga ang naging una kong takbuhan nang una kong malaman itong pagbubuntis ko. Kahit na minsan hindi kami nagkakaunawaan ni Archi, ang isa't isa pa rin talaga ang aming nalalapitan. Kahit na minsan nagbabarahan kami, kami pa rin talaga ang magkasangga sa lahat.

I'm thankful— so much grateful that I have Archi in my life. I love this brother of mine. Hinding-hindi ko ipagpapalit itong pangit kong kapatid kahit kanino! Tsk!

Ang nadatnan lang namin ni Zyrho sa bahay ay si Arth dahil nasa work pa pa raw sina Dad at Mama Kai.

"Anak!" sigaw ni Mama Kai nang makita kami ni Zyrho sa sala ng aming bahay kinagabihan.

Tumayo si Zyrho at yumuko ng bahagya sa aking mga magulang bilang paggalang. Tinapik ni Dad ang balikat nito habang si Mama naman ay nginitian si Zyrho. Nagmano rin si Zyrho sa aking mga magulang, magalang talagang lalaki si Zyrho. He is a gentleman except sa part na kinidnap niya ako.

"Mabuti naman at naisipan ninyong dumalaw rito." Wika ni Daddy Priam.

"Namiss na rin po kasi kayo ni Arth at gusto niya pong mag-stay dito." Tugon ni Zyrho sa aking ama.

Niyakap ako ni Mama Kai sa tuwa nang marinig ang sinabi ni Zyrho.

"At dadalaw po ako rito." Pahabol ni Zyrho.

"Pwede namang dito ka rin tumuloy, Zyrho." Offer ni Dad kay Zyrho.

I thought he would take it pero magalang na tumanggi rito si Zyrho.

"No, tito, may natingga rin po kasi akong trabaho pero tatandaan ko po ang offer ninyo."

Aalis na sana si Zyrho matapos ang halos isang oras na usapan kasama ang mga magulang ko kaso pinigilan ito ni Mama para makapaghapunan bago man lang ito umuwi. Ang hinihintay lang kasi kanina ni Zyrho ay ang mga magulang ko.

"Bakit ayaw mo rito matuloy sa bahay?" Tanong ko kay Zyrho nang ihatid ko siya sa labas.

Lumapit siya sa akin at inayos ang suot kong jacket.

"As much as I want to, baby, but I have to restrain myself because I want to prove to your parents na kahit na hindi tayo magkasama o wala ka sa tabi ko. I'm a man of my words."

Inirapan ko ito. "Anong man of my words ang pinagsasabi mo d'yan?"

"I love you, Arth. And I want you and your parents to know how serious I am to you. That whether we're together or not, it is always you. That I am confident with my love for you and trust you."

"You don't have to do this." Kontra ko.

Really, wala nang dapat pang patunayan si Zyrho sa akin o sa mga magulang ko. Dahil sa huli ako naman ang magdedesisyon kung sino ang pipiliin kong makasama sa huli. And I will choose Zylander Howell Maranzano.

Zyrho wasn't far from being perfect. He has scars—physically, mentally, and emotionally. He has shortcomings and made mistakes too, like the others. However, from the billions of sinners in this world, I will only choose one sinner to be with, and that's Zyrho.

Alam kong marami pa kaming pagdaraan ni Zyrho. Alam ko— alam namin na may mga hirap pa sa buhay na maaari naming harapin. I just hope that we can face those challenges together and with hand in hand.

And true to his words, Zyrho only visits me at night. Pinagtitimpla niya lang ako ng gatas tapos umuuwi rin siya sa kanyang bahay. At kahit na nagkikita kami sa gabi, nagv-video call pa rin kami dahil nahihirapan ako sa pagtulog kapag hindi ko nakikita mukha niya. Inaantok lang ako kapag nakikita ko mukha nito sa telepono ko.

Umabot ng isang buwan na ganoon ang set-up namin ni Zyrho. Totoo naman naging abala din ito at kahit pagod galing sa trabaho ay pinupuntahan ako. Naiintindihan ko naman sana kung hindi siya makakapunta sa bahay dahil pinaghahandaan din nila ang event ng G.Es pero mapilit ang lalaki, eh. Hanggang sa magdesisyon akong umuwi na sa bahay ni Zyrho. Ako ang unang sumuko sa aming dalawa.

"Sir Arth pasok na po kayo." Ngiting-ngiti wika ni Seiven sa akin nang sunduin ako nito isang gabi sa bahay. 

Bigo akong sunduin ni Zyrho dahil may biglaan siyang business trip sa Batanes kaya si Seiven at ang kapatid nito na si Sienna ang ang sumundo sa akin.

"Magtatagal ba si Zyrho sa Batanes?" Gusot ang mukha kong wika.

I saw Sienna's lips twitch upward through the rear view mirror.

"One week, sir." sagot ni Sienna.

"Totoo?" Tanong ko kay Seiven.

Ngumuso si Seiven at tumango sa akin.

Shit naman! I miss him! Kaso ayaw ko namang pairalin itong kaartehan ko dahil trabaho naman ang inaasikaso ni Zyrho.

"Sir Arth mas gumaganda po kayo ngayon!" Iritado akong umirap kay Seiven gamit ang salamin sa harap. I know he can see me through it.

"I'm still not happy!"

"Miss mo na ba talaga si Boss, Sir?" Concerned na tanong ni Seiven. Si Sienna naman ay nakikinig lang sa amin at nagmamaneho ng kotse.

"Hmmp!" Asik ko na lang. Kahit nagpupuyos na ako rito.

Both of them are wearing their black uniform and an earpiece was clamped into their ears. Nakaayos ang buhok ni Seiven patalikod habang nakapusod naman ang mahaba at bagsak na buhok ni Sienna. Ang gaganda at gwapo nilang magkapatid.

"Pasok na tayo, Seiven." Anyaya ko kay Seiven dahil nakatayo lang silang magkakapatid sa labas ng kotse at pinapanood akong papasok sa bahay.

"Dito lang muna kami ni Ate, Sir!" Maligalig na untag nito at nag-thumb's up pa sa akin.

Ngiwing tinaasan ko ito sa aking kilay dahil inis pa rin ako na wala rito sa bahay ang inuwi ko.

Walang nagbukas ng double doors para sa akin kaya tinulak ko lang iyon basta at bumukas naman iyon.

Kumunot ang noo ko nang madilim ang loob ng bahay. Nag-iba ang pintig ng dibdib ko sa kaba. Pagkatapak ko sa loob ng bahay ni Zyrho ay bahagya akong napatalon nang unti-unting bumukas ang ilaw ng bahay at doon ko nakita ang engrandeng dinner set-up sa bungaran ng bahay.

Naitakip ko ang isang kamay sa aking bibig samantalang ang isa naman ay nasa aking dibdib dahil hindi pa rin ako nakakabawi sa pagkagulat. Tapos may paandar pang ganito na bubungad sa akin.

Naghalo ang white at pink roses na disenyo sa loob ng bahay. May parang glass pathway pa na daan tungo sa table kung nasaan si Zyrho na malaki ang ngiti sa akin. On the other corner was an orchestra playing some musical instruments.

Ang tanga naman nitong si Zyrho! Akala ko may business trip ito? Tingnan mo ito ngayon. Ako nakapambahay na Gucci shorts at Celine t-shirt lang tapos siya naka-formal attire na kulay navy blue. Tanga talaga ang lalaking ito!

Ngumuso ako sabay nang pagpatak ng aking mga luha.

A woman on one corner motioned me to walk on the glass-like pathway towards Zyrho. Papaano nila na-transform ng ganito ang bahay? Halos 'di ko na makilala ang bahay ni Zyrho. Nagmistulang nasa dagat kami ni Zyrho na napapaligiran ng mga rosas.

Napaka-OA ng luha ko dahil patuloy itong pumapatak habang naglalakad ako tungo kay Zyrho.

"Baby," Zyrho sweetly uttered when I arrived near him. He pulled my elbow and hugged me. "I missed you so much, my baby."

Sinapak ko ang likod nito. "Ang sama mo. Ang tanga mo. Bakit may paganito ka? Nakapambahay lang ako." Iyak ko sa dibdib nito. Feelingerong Zylander Howell Maranzano gusto niya na siya pang ang gwapo!

"Surprise welcome party for you?"

Naluluha man ay napatawa na lang din akong kumalas sa yakap niya. Tumingkayad ako at humalik sa labi niya. Miss na miss ko ang labi niya.

"Miss din kita."

"For my choleric and grumpy baby." Si Zyrho sabay abot ng isang malaking bouquet ng bulaklak sa akin na hindi ko napansin kanina.

"Thank you!" Ani ko at inamoy ang bulaklak.

Umupo kaming dalawa at isang kumapas lang ni Zyrho sa kanyang kamay sa ere ay dumating ang mga serbidor na may dalang iba't ibang putahe.

Sa gitna ng mahinang tugtog mula sa orchestra ay nag-uusap kami ni Zyrho sa mga pinagkakaabalahan namin habang nagkalayo kami sa isang buwan. Akala mo talaga hindi nagkikita gabi-gabi sa isang buwan na iyon.

After our dinner, may isang serbidor na dumating at dala no'n ang aming dessert. Natuwa ako nang makita ang tila isang bola ng tsokolate. Inilapag iyon ng serbidor sa harap ko. May parang colorless na liquid na binuhos ang lalaking serbidor doon sa bolang tsokolate at unti-unti iyong natunaw at saka umusok ng kulay puti.

Napapalakpak ako.

Yumuko ang lalaking serbidor at umalis.

Nakatutok ako sa tsokolate na natutunaw at may hawak pa akong tinidor nang may maaninag ako sa gitna ng puting usok mula sa tsokolate. It's a diamond. Akala ko dessert namin iyon.

Umuwang ang labi ko. My heart pounded inside my chest as my eyes found Zyrho, who was now kneeling beside me.

Kinuha nito ang diamond ring sa plate.

"Baby." Ngumiti siya pero tumulo ang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. "I'm not a good guy, baby. I'm not a perfect man. I have so many issues. I've never thought of liking or loving someone, let alone settling down, until I saw you. It only took a second for me to change my mind about wanting to marry, and it's you. I fell for you in a matter of seconds, yet I'm already willing to gamble everything to have you. I'm willing to throw everything away for you, baby. Arth, we may face challenges in our relationship, but I still want to marry you. I cannot promise not to make you cry, but you are the one I want to spend my life with. Ikaw lang ang gusto kong makasama kahit ang ingay mo. Ikaw lang ang gusto ko kahit lagi kang galit. Baby, I want to marry you with and without your flaws as a human. Maximilian Arthur Lacsamana, will you marry me?"

Habang naglilitanya siya doon ay panay naman ang palis ko sa aking mga luha. Gago! Ang feeling niya dahil may pa speech pa siya.

Tumango ako sa gitna ng aking pagnguwa. Ang pangit ko na ngayon!

"Oo, oo papakasalan kita kahit feelingero at tanga ka minsan, Zy. Papakasalan kita kahit pumangit ka man!" Umiiyak kong sagot sa kanya. Iyon lang ang naisagot ko dahil hindi ako handa. Wala akohg speech.

Sinuot ni Zyrho sa aking daliri ang diamond ring bago ito tumayo at niyakap ako.

"Thank you, baby. Thank you so much!"

Yumakap din ako sa kanya.

"No need to thank me, Zy. Gusto rin naman kitang pakasalan. At kung 'di mo ako niyaya hanggang sa manganak ako, ako na ang hihila sa'yo papuntang ibang bansa at magpakasal!" Biro ko.

He laughed.

Nanlalaki ang mata ko nang biglang nagsilabasan ang pamilya ni Zyrho at ang pamilya ko. Everyone greet us and murmured some congratulations.

"Congratulations, anak! Mabuti naranasan mo ang ganitong proposal! Mas mahina pala ang Daddy Priam mo kaysa kay Zyrho." Lumuluhang wika ni Mama Kai.

"Finally! You're officially becoming one of us, Arth. I'm so happy!" saad ni Tita Cass.

"Welcome to the family, Arth." Bati ni Tito Tyson sa akin. "Congratulations, son. I'm so happy for the both of you."

"Alagaan mo ang anak ko, Zyrho. Huwag mong sasaktan ang panganay ko. Nananapak ako." anas naman ni Daddy Priam kay Zyrho.

"I will take care of him, Tito, and won't hurt him." si Zyrho naman.

Nagkatinginan si Mama Kai at Tita Cass bago nagtawanan. Isa-isa rin akong binati nina Ehann, Evren, Esther, Zhuri, Archi, at ni Zen na emosyonal, buntis kasi.

Bumaling ako sa ibang direksyon.

And there I saw Mason timidly standing beside Zhuri. He saw me watching him, he smiled before whispering to Zhuri who was talking to my Dad right now. Tumango si Zhuri dito at saka pa lumapit si Mason sa akin.

Until now, hindi ko alam kung papaanong magkasama si Zhuri at Mason. Gulat pa rin ako nang biglang dinala ni Zhuri si Mason sa mansyon nila. At hanggang ngayon walang sinasabi si Mason sa akin. Si Zyrho naman ay wala ring binanggit sa akin. Takot naman akong kumprontahin si Zhuri.

"Congratulations sa inyo ni Sir Zyrho, Arth."

Ngumiti ako. "Thank you, Mason, pero... hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin kung bakit ka umalis noon sa Sagada? Tapos makikita kitang kasama si Zhuri."

Lumabi lang ito at pinaglaruan ang kanyang daliri.

"I cannot tell you yet, Arth."

"It's fine. We really don't know each other aside no'ng nasa Sagada tayo. I understand—"

"Arth kaibigan ang tingin ko sa'yo. When the right time comes, ako ang magkuwento sa'yo ng lahat. Kapag handa na ako... ikukwento ko ang estorya ng buhay ko sa'yo. Kapag kaya ko na." Malungkot nitong untag.

I nodded.

"Sige, balik na ako kay Zhuri."

Tiningnan ko lang itong lumapit kay Zhuri. Si Zhuri naman ay yumuko upang bumulong dito. Matangkad kasi si Zhuri at maliit si Mason.

Matapos nang proposal ni Zyrho ay nag-usap din ang aming pamilya, ang pamilya ni Zyrho kasama ang pamilya ko tungkol sa kasal namin ni Zyrho.

I'm over the moon right now and it's all because of Zyrho. He bring so much joy in my heart.

Naipagpaliban namin ang aming wedding preparation ni Zyrho dahil may company party pa sila dahil sa successful no'ng event sa G.Es. Sinama pa nga ako ni Zyrho sa party which is outside siya sa city ginanap, resort pa rin naman pero labas na sa metro.

I'm already seven months pregnant at malaki na talaga ang t'yan ko ngayon pero sumama pa rin ako sa party since matagal na ang huli kong labas ng metro. Ewan ko lang kung normal pa ba itong size ng t'yan ko para sa seven months pregnant. Napagpa-ultrasound na kami ni Zyrho pero ang nakaalam lang ng result no'n ay ang mga magulang namin. Para daw masurprise kami.

Humikab ako habang nasa harap kami ng bonfire.

"Sleepy?" Tanong ni Zyrho.

"Uhm, una na ako sa room natin." Wika ko kay Zyrho.

Nagkaroon kasi sila ng open forum ngayon dito sa tabing dagat. Naka swimsuit ang lahat maliban sa akin na parang tofu, balot na balot.

"Hmm, let's go."

Umiling ako kay Zyrho. "Kaya ko naman, Zy."

"No." Protesta niya.

"Kaya ko nga. Dito ka muna sa mga kasama tauhan mo. Minsan lang naman ito at naiintindihan ko." saad ko sa kanya.

Pairap itong tumango sa akin. I kissed him on his lips before I left together with Seiven. Hindi kasi talaga ako hahayaan ni Zyrho na mag-isa.

"Seiven nauuhaw ako. Pakuha naman ng tubig saka gatas na rin pala." Utos ko kay Seiven pagkarating namin sa harap ng room namin ni Zyrho.

"Sir, mag-uutos nalang po ako ng iba dahil babantayan—"

"No, papasok na rin naman ako sa aking silid. You may now go."

Napakamot sa kanyang batok si Seiven at napahikab bago tumalima.

I was about to punch the passcode of our room nang makita kong nakaawang pala ang pinto ng kwarto namin ni Zyrho.

I pushed the door and get in.

I silently closed the door and walk inside the room. Wala namang ibang tao kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Ngunit napako ang aking paa nang biglang may masalita sa aking likuran.

"Long time no see, Maximilian."

I turned around. My eyes widen when I saw Keira leaning against the wall. Nakapang janitress uniform ito.

"Keira?"

"Ako nga." Ngisi nito.

Bigla akong ginapangan ng kakaibang kaba sa aking dibdib dahil sa ngisi nito.

Umalis siya sa pagkakahilig doon sa wall at naglakad tungo sa akin.

"Don't come near me, bitch!" I yelled.

"Kahit sumigaw ka walang makakarinig sa'yo, Maximilian." May panunuya niyang untag.

"Zyrho will still know that you're here!"

"Tingnan natin kung makakarating siya."

I want to run. I want to fight with her but I'm pregnant! Malaki pa ng t'yan ko. Hirap na hirap na nga akong magkalad!

Nakarating si Keira sa harap ko at saka ito ngumisi ng malaki. Babatukan na sana niya ako kaso naharang ko ang aking kamay. Ngunit mabilis ang kilos niya at binalikuko ang braso ko at may kung anong itinakip sa aking bibig na nagbunga ng kakaibang pakiramdam sa akin, umikot ang paningin ko. Nanlabo ang aking paningin at saka ako sinakop ng dilim ang aking buong pagkatao!

"Zyrho." Usal ko bago nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top