CHAPTER 22
Chapter 22
Zylander Howell's POV
"Pwede bang makausap, anak?" Papadad said.
Kumunot ang noo ko. Kanina nag-usap kami ni Dad tungkol sa sitwasyon ni Zen. As much as we don't want to raise Zen's child without his asshole father. But we will listen to whatever Zen's plan is.
Tiningnan ko si Arth sa aking tabi.
"Sige na." He lightly pushed his hand on my chest, nakasandal kasi siya sa akin.
I have noticed na hindi na niya ako tinutulak at hindi na siya nagagalit sa akin kapag lumalapit ako sa kanya.
"You are not sleepy? I can walk you to my room, baby." I said softly. I thought he would protest about us sharing in one bed, but he stayed at ease.
Lumalalim na rin kasi ang gabi.
I heard some coughs coming from my siblings. I guess, they're still not used to me being sweet nor gentle to someone except to them let alone bluntly flirt with Arth in front of them.
"Alam ko naman ang silid mo." aniya.
I can't help but to take a peek on his lips. They're just too tempting for me. It feels like they're always inviting me to ravage and ruin them using my mouth.
"Sige na." Tulak niya pa sa akin matapos sulyapan si Papadad.
"Fine, fine, fine." I surrendered and once again kissed his forehead.
Sumunod ako kay Papadad tungo sa mini office ni Dad dito sa ground floor. Nauunang naglakad sina Dad sa akin kaya malaya akong napalingon.
I smiled when I saw Arth looking at my way. I motioned him to come with me but he shook his head lightly and beamed.
"How was your vacation with Arth sa Sagada, anak?" Papadad asked with a wide smile plastered on his lips upon arriving at dad's office. Yet, I can see how his eyes clouded with the opposite emotion he was giving off.
I know our Papadad. I've been there through his toughest times. I was there during his struggles. I witnessed his fights and wins. Papadad can fake his smile but not to me- not to us.
"It was so good, Papadad. Arth and I are getting closer with each other than before." I answered, smiling.
"Mabuti naman. Siguro nga ay naging mahirap pang kay Arth sa umpisa ang lahat lalo na at hindi ka niya kilala at bigla siyang nabuntis."
Tumango ako doon.
"Habaan mo lang din ang pasensya mo sa kanya, anak, dahil nagbubuntis siya at minsan pabugso-bugso ang damdamin niyan."
Tumango ulit ako. "I know, Papadad. Thank you!"
A long silence stretched between us until dad had spoken.
"Your Papadad told me something, Zy." Daddy pondered cautiously.
I saw how Papadad's hands balled above his thighs. Hinawakan ni Papadad ang nakakuyom na kamay ni Dad. Papadad gave a curt smile to Dad.
Humingang malalim si Dad.
"What is it, Dad? Papadad?"
"Nagkausap kasi kami ni Arth, anak." si Papadad.
"And?"
"Nakuwento ni Arth sa akin kanina, anak, na nakuwento mo sa kanya ang mga nakaraan nating buhay sa Sagada." Maingat na wika ni Papadad.
Yumuko ako. Nanigas ang aking mga panga.
"Huwag kang magalit kay Arth, Zyrho. He was just concerned about you kaya napakwento siya sa Papadad mo." Daddy said.
I nodded.
"Anak... patawarin mo kami." Doon ko naiangat ang tingin ko sa aking mga magulang. Iniling ko ang aking ulo sa kanila.
"Papadad..."
"Have been feeling neglected, Zy? Tell us, Zy."
"Papadad, no!" My hasty response.
"I'm so sorry, Zy." Daddy said and closed his eyes. A fresh tear flowed on his cheeks.
"Dad..."
"I know... I know nasaktan ko kayo. I know that I have a lot of sin to all of you. To your papadad, to your siblings, and to you, Zy. I'm so sorry for not recognizing your burden before and then. I'm so sorry that you have to go through all of those loneliness and battle alone. I'm not a good father, Zy. Pardon me." Daddy lamented while crying.
"Dad, Papadad," isa isa ko silang tiningnan. Nanginginit na rin ang sulok ng mga mata ko. "May kasalanan din naman po ako. Naglihim po ako sa inyo. Kasi iyon ang tingin kong tama noon at nadala ko ngayon. Don't say sorry, Dad, Papadad. Alam ko ang mga nagawa mo noon sa amin, Dad at napatawad na kita doon. Tinanggap ka namin. Nandito ka na ngayon. You proved to us that you changed, you keep your promise to be with us. I love you, Dad. Please, huwag mong isipin na hindi kita mahal o hindi ka namin mahal, Dad. Remember, I even inked your name in my body. I am Maranzano, Dad. I am your heiress." Lumunok ako. "Oo, iniisip ko noon at magpahangganh ngayon na may responsibilidad ako sa mga kapatid ko. That I have to look after them, however, ngayon, alam ko na ang boundaries ko, dad, papadad."
Umiiyak din si Papadad sa tabi ni Dad.
"I'm so... so proud of you my son... very proud." Daddy said with his eyes glisten with another batch of tears.
"And I am proud to carry your name, Dad."
"At, anak, please, huwag ka ng maglilihim sa amin. Lalo na sa mga nararamdaman mo. Habang nandirito kami ng Daddy mo, handa kaming marinig kung anuman ang mga hinanaing ninyo. Magulang ninyo kami. Tandaan mo, Zy, na anak kita. Oo ikaw ang kuya pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi ka pwedeng maging mahina. Hindi porket Mafia Lord ka hindi ka pwedeng maging mahina. Dahil tandaan mo, Zy, tao ka rin, napapagod, nasasaktan at pwedeng-pwede kang magpahinga dahil nandito ako, ang daddy, mo, ang mga kapatid mo, at si Arth." ani Papadad.
"I know, Papadad. I love you! I love you, dad!"
"We love you, Zy. Lumaki lang kayo pero mananatili kayong anak namin." si Papadad.
"C'mere," Daddy gestured me to come closer to them. They gave me a tight and warm hug.
___
Nang makalabas ako ng office ni Dad, dederetso na sana ako sa kusina nang tawagin ako ni Esther. Sinabi nito na ipagtimpla ko raw ng gatas si Arth. Iyon din naman talaga ang sadya ko sa kusina.
Pagkarating ko sa aking kwarto. Nakita kong nakatulog na ito.
Inilapag ko sa bedside table ang gatas niya.
Umupo ako sa tabi ni Arth. Tiningnan ko ang maliit at maganda nitong mukha. This face hunts me down before even in my sleep at night I can still remember his contorted face.
Inayos ko ang kumunot sa kanyang katawan. Tumalikod ako upang magpalit sana ng damit.
"Feelingerong Maranzano?" Napangiti ako sa endearment niya sa akin. Haharap na sana ako rito nang may biglang yumapos sa aking tiyan.
"I'm sorry!" I was taken aback when Arth suddenly launched his body on my back.
Matapos ang pag-uusap namin ni Dad kanina nga tungkol sa sitwasyon ni Zen ay sumali ako sa pag-uusap ng mga kapatid ko. Si Zhuri lang ang wala dahil bumalik siya sa trabaho. Pero alam ko namang hindi talaga trabaho ang pupuntahan no'n, sa galit no'n alam kong hindi iyon mapapag-concentrate sa kanyang trabaho. Magpapalipas lang siguro ng galit iyong si Zhuri sa labas.
Kahit naman ako hanggang nvayon hindi ko pa rin lubos maisip na isang Suldua ang makakagawa nito kay Zen. Of all men, a Suldua! Shit!
May napapansin na naman akong kakaiba kay Zen sa tuwing napapadaan ako dito sa bahay pero hindi pumasok sa isip ko na maaaring buntis siya tulad ni Arth. And now this happened.
Niyakap ko pabalik si Arth. My baby is now concerned with me. Fuck!
Maximilian Arthur's POV
"Ayiee! Ganoon pala kayo ni Kuya Zy kapag wala kami kuya Arth."
Uminit ang aking mga pisngi dahil sa tukso ni Esther sa akin. Ano ba iyan?! Hindi ba nila inaalala ang pagbubuntis ni Zen? Bakit kung makatukso itong si Esther sa akin ay parang wala lang nangyari kanina? Grabeng drama din ang nangyari kanina pero ngayon iba na naman ang atmospera ng bahay.
"Tumigil kayo!" Suway ko rito.
Si Zen ay pumunta na sa silid nito at hinatid ito nina Ehann at Evren. Binantayan din ng dalawa dahil nag-aalala sila sa kanilang prinsesa. Hay! Sinong mag-aakala na sa sobrang higpit nina Tyson at Zyrho kay Zen masasalisihan sila ng isang Brixx Ezequil Suldua? Tsk! Kung sino man ang Brixx Ezequil na iyan ay tiyak malilintikan din talaga.
"Hindi ka pa matutulog, kuya? Or gusto mo ihatid na kita sa room ninyo ni kuya?"
Umiling ako kay Esther. "Kaya ko na, Esther. Pakisabi na lang kay Zyrho mamaya na ang gatas ko."
"Sure!" Maligalig nitong tugon.
Pumasok ako sa silid ni Zyrho at mabilis na kumalat ang saya sa aking dibdib nang maamoy ko ang pamilyar na amoy ni Zyrho. Ewan ko ba pero ambango no'n! Adik na adik nga ako doon sa long sleeves niya dati, eh.
Pinakialaman ko ang kwarto ni Zyrho at kumuha ng itim na t-shirt at boxer shorts sa wardrobe nito bago ako tumungo sa bathroom upang makapaglinis sa katawan.
Matapos sa banyo ay humiga ako sa kama. Napatitig ako sa kisame ng kwarto ni Zyrho at biglang pumasok sa isip ko iyong sinabi ni Tita Cass tungkol kay Zyrho.
I know for the past few weeks with Zyrho, hindi na galit itong nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko na hindi na ito inis. Itong simpleng pagliwanag ng mga mata ko kapag nakikita ko si Zyrho ay sintomas na ito. Iyong mga oras na lihim ko itong hinahanap. Iyong kahit sa simpleng bagay na ginagawa ni Zyrho ay parang bumabaliktad na ang sikmura ko. Alam ko naman na hindi na iton kasama aa pagbubuntis ko. Iyong pagmamalabis ko sa pag-aarte kay Zyrho ay paraan ko lang para makita at mainis ito. Fulfilling kasi kapag nakikita ko siya. Fulfilling masyado kapag nasa tabi ko siya. Masaya kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko kapag kasama ko si Zyrho... ako ang pinakamasayang bearer sa balat ng polluted na mundong ito.
"Gago ito! Mahal ko na ang feelingerong Maranzano." ani ko sa aking sarili.
Gusto ko sanang magwala kaso buntis ako. Siguro, i-reserve ko na lang ang pagwawala kapag nanganak na ako! Sa pagmuni-muni ko ay nakatulugan ko na ang aking pag-iisip tungkol kay Zyrho.
Ngunit ilang saglit palang akong nakaidlip ay may naramdaman akong nakatitig sa akin. I shrugged it off pero nagising na ang diwa ko! Nakakabwesit!
Nang ibukas ko ang aking mga mata ay nakita ko ang malapad na likod ni Zyrho.
"Feelingerong Maranzano. I'm sorry!" anas ko at dinakma ito ng yakap mula sa likod.
Ginapos ko ng todo ang aking braso sa kanyang malaking katawan pero syempre iniingatan ko ang aking tiyan.
"Baby," bulong nito at humawak sa kamay kong nasa tiyan niya. Ang tigas din talaga ng tiyan nito!
"Sorry dahil pakialamero ako. Napakwento ako kay Tita Cass." Sumbong ko rito kaysa naman maunahan pa ako nito.
"Baby, it's fine. No need to say sorry, okay?"
Tinanggal nito ang aking kamay mula sa pagkakayakap sa kanya at humarap sa akin.
Tumingala ako sa kanya at tumingin sa kanyang mga mata.
I really love this man! Tang ina, sa ilang taon kung nabubuhay sa mundo ngayon lang ako nagkaganito sa isang tao. Iyong pakiramdam na kapag nakatingin ka sa mga mata nito ay nakikita mo na ang future mo sa taong iyon? Ganito ba talaga kapag in love ka? Normal lang ba na para nang nababaliw ang puso ko ngayon?
"Nakialam ako sa buhay mo, Zyrho."
Ngumiti lang siya. Itinaas nito ang isang kamay sa at hinaplos ang aking pisngi. Nakatitig lang din si Zyrho sa aking mga mata.
"Yes you are, but I'm not complaining. I want you to invade my life, baby. You are free to invade everything about me." Malambing niyang saad at humalik sa tungki ng aking ilong.
Uminit naman ang aking pisngi!
"Zyrho..."
"You are my favorite invader, Arth."
Umiling ako. Do I deserve this kind of man? Sobrang arte ko! Mareklamo at ang daming ka-ek-ekan sa katawan.
"Baka magbago pa 'yang nararamdaman mo. Baka dumating ang araw na nasa ibang lugar ka na at iba na ang nagpapasaya sa'yo." Nakangusong wika ko.
Baka kasi isang araw sabihin nito, your honor, wala po akong malaala.
Natatawa itong pumikit at saka kinuha ang dalawa kong kamay bago dinala sa mga labi niya upang gawaran ng malamyos na halik.
"Baby, you are not a place, but in you, I've found my favorite place to be. And I will never ever find a place like how I want to be with you."
I pulled him and hugged him. I wound my arms around his neck and hid my face on his shoulder. Zyrho caress my back.
"I want to be with you too, Zy." Pag-amin ko rito.
Napakalas sa pagkakayakap si Zyrho sa akin. Nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa akin.
"B-baby, did I hear you right? Tama ba ang rinig ko?"
I nodded.
"Does... d-does this mean that..."
"That I love you too." I finished him, ang OA kasi masyado nito!
"Fuck!" Mura nito at walang anu-ano'y sinunggaban ang aking mga labi.
Kinulong niya ang aking maliit na mukha at walang pag-aalinlangang nilantakan ang aking mga kawawang labi.
_________________________________________________________
200 votes, 200 comments, and 200K reads for extra chapter, nasa 198k reads na kasi tayo, huhuhuhu!
Also sa next chapter na rin po pala ang shout-out natin. Tulog muna akes! Mwah! Mwah! Mwah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top